Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KNJC 11

ELIEZA JOY

"Sa wakas natapos din!" Bulyaw ko sabay nag-unat. Andito na ako sa garden, kung saan palagi kaming nagkikita kita nina taehyung.

""JOYYY!". Hindi ako nakapag-react kaagad nang bigla akong yakapin ng mahigpit ng cute na cute na si taehyung. "Grabe ang galing ko, nasagutan ko lahat ng tanong kanina, shet feeling ko ako pinaka-highest". He's smiling widely and biting his lips.

I giggled, napaka-gwapo talaga nito, kung hindi ko lang talaga naging crush si jin, paniguradong s'ya ang ultimate crush ko. atsaka alam ko namang genius talaga ang isang 'to, sadyang nangingibabaw lang ang ka-weirduhan.

at ang ka-gwapuhan n'ya.

"noonaaaaaaaaaa!". naramdaman ko nalang na may yumakap sa akin mula sa likod ko, sininghot singhot pa nito ang buhok ko kaya hindi ko mapigilang ma-conscious sa amoy ko, siguradong amoy pawis na ako. shet jungkook!

"group hug!". tangina, sunod sunod talaga silang dumating? ngayon naman si jimin ang yumakap sa amin, mabuti nalang talaga at nakaupo ako kaya't hindi ako nahihirapan sakanila.

actually ang swerte ko nga eh, naamoy ko ang pabango ni taehyung habang nakayakap s'ya sa akin, naamoy ko yung mabangong hininga ni jungkook at ngayon naman nasisilip ko yung nipple ni Jimin mula sa nakatanggal n'yang butones. tangina hindi bakit wala s'yang sando?

"tss. masyado kayong clingy d'yan, kapag kayo nakita ni Namjoon patay kayo". eto na naman si lolo,sa mga paalala n'ya. sus! baka nga natutulog na 'yon ngayon dahil nauna na s'ya matapos sa exam.

bigla tuloy akong ngumiti nung maalala kong tumawag si Namjoon kaganinang madaling araw, hindi na ako nakatulog ulit pagkatapos n'yang patayin ang tawag, hindi ko alam kung bakit pero hindi na talaga ako dinalaw ng antok kaya't nagreview narin ako.

"uy oh, bakit nakangiti ka d'yan ah". nabalik ako sa reyalidad nang biglang nanukso si jimin, putangina ganun ba kahalata. tinabig ko kaagad ang kamay nito nang tusok-tusukin nito ang pisngi ko, bwisit ka liit.

"hmm. may nangyari ba kagabi kaya nakangiti ka ng ganyan?". ngayon naman si jungkook ang nagtanong sa akin at tumawa pa ngang nakakaloko. jusko! tigilan n'yo ako, kalalaking tao napaka chismoso nitong mga ito.

"ano ba iyan lahat nalang napapansin n'yo sa akin, crush n'yo ba ako?" pagiiba ko ng tanong sa kanila, lagi nalang ako ang trip nila.

"OO"sigaw nilang tatlo na ngayon ay titig na titig sa akin at bigla ba naman akong kinindatan ni Jimin. putangines!

napatigil kaming lahat nang makita naming papalapit sa amin sina jin at joonie, malayo palang kitang kita ko ng masamang nakatingin si joonie kay taehyung na nakasandal sa balikat ko ngayon, mas lalo pang lumapit sa akin si taehyung at niyakap ako ng mahigpit, gago talaga, gusto ata talagang galitin si Namjoon.

I noticed Namjoon clenched his fist and then he pulled me closer to him, hindi ko namalayang nakalapit na pala ito sa amin. napasinghap ako dahil sa malakas nitong paghigit sa aking kamay. shet. hindi ba s'ya marunong magdahan dahan? para bang mahihiwalay yung buto ko sa balat ko dahil sa malakas nitong paghigit sa akin.

napalitan ng pagaalala ang mga mata n'ya nang tignan ako nito, pagkatapos ay tinignan n'ya ng masama si taehyung na naka-smirk ngayon at para bang gusto patayin itong patayin ni joonie gamit ang titig n'ya.

I heard him sighed at bago pa man ako makapagsalita ay mabilis na ako nitong hinila paalis sa lima, sinubukan kong tanggalin ang kamay kong hawak hawak n'ya pero sadyang malakas lang talaga ito.

damn you.

"saan mo ba ako dadalhin?". I ask annoyingly trying my best to pull my hand back, but he just hold it tighter.

"basta, wag ka ng magtanong". his teeth gritted. wala akong nagawa kundi ang sundan nalang s'ya. hindi na ako pumalag dahil parang gusto nalang n'yang manapak sa mga oras na ito.

tumigil lang kami sa tapat ng isang fast food chain, agad ko itong tinignan na ngayon ay nakatingin din pala sa akin habang nakataas ang isang kilay. damn bakit ba hindi ako nasasanay sa mga pasulyap sulyap at dimples n'ya?

"tayo na". kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nito.

"anong tayo na? ang bilis mo naman ata!". this time, s'ya naman ang nagtaka pero maya maya din ay tumawa ito ng malakas habang takip takip ang bibig.

ano na namang tinatawa tawa n'ya ngayon? ako itong nagtatanong ng maayos tapos tatawanan n'ya lang ako? iwan kaya kitang ditong dimple ka.

"what are u talking about? sabi ko tayo na, as in pumasok na tayo sa loob". natatawang explain nito sa akin, my cheeks heat up when I realized that he's actually inviting me inside, not the thing I was thinking. what the hell are you thinking Joy? masyado kang nagpapadala sa dimples ng lalaking 'to.

hindi na lang ako sumagot at mabilis na naglakad papasok sa loob ng fast food chain habang rinig na rinig ko ang malakas na pagtawa ni Mr. dimple. tsk. ang tanga tanga mo talaga joy, bakit iniisip mong tinatanong n'yang maging kayo na, tangina nakakahiya ka talaga!

dito kami pumwesto sa labas kahit marami namang vacant seat sa loob, gusto daw kasi n'ya ang simoy ng hangin at makita ang mga dumadaang tao, we're actually different, gusto ko kasing magtago sa pinaka-sulok na part at kumain ng taimtim.

I can't help myself but to stare at him peacefully and enjoying eating his burger while a lot of girls are looking at us, specially at him. tapos s'ya ay walang pake sa ibang tao at patuloy lang sa pagsipsip nung cheese na tumulo sa daliri n'ya.

"don't tell me you already fall for me?" My brows arched, hangin talaga ng isang ito, tinignan lang s'ya nahulog agad? no way! ayokong mahulog

I will never fall for him, I know he will never catch me, specially when the charm effect no more.

hindi ko nalang s'ya pinansin at nagpatuloy nalang sa pagkain ko ng french fries, shet, ilang buwan na ba akong hindi nakakain ng fries. gusto kong maiyak dahil sa sobrang namiss ko ang kumain ng french fries.

Oa na kung ia pero ibang usapan kapag fries!

"dahan dahan lang baka mabulunan ka naman sa ginagawa mo". paalala nito sa akin, narinig ko pa ang malalim nitong pagtawa. nanlumo ako nang wala na akong makapang fries, napa-pout tuloy ako at parang lantang gulay na sumandal sa upuan.

oo na, fries lover na ako, at hindi sa akin sapat yung medium size na iyon!

I heard Namjoon's manly laugh and then the last thing I notice is that he gave me his french fries, hindi ko muna ito tinanggap, baka magbago kasi ang isip n'ya, kaya kinuha nito ang kamay ko at ipinahawak na sa fries.

"kainin mo na 'yan, sana sinabi mo sa aking french fries pala ang gusto mo, edi sana iyan nalang ang binili natin". natatawang sabi nito sa akin habang titig na titig sa akin. nakakahiya kasi sakan'ya eh, s'ya na nga ang manlilibre sa akin tapos mapili pa ako, pero sige next time mas kakapalan ko na ang mukha ko.

"t-thankyou". I said shyly while my mouth is full of fries.

"anything for you my love". he said sweetly and wink at me. palihim akong napangiti dahil aaminin kong kinikilig ako sa paraan ng pagwink n'ya,

ang hot kasi n'ya tapos ang biglang mahihiya, tangines diba? sobrang cute!

shet, what did I jsut said? ugh!

"anything for you my love".

"anything for you my love".

"anything for you my love".

"anything for you my love".

parang sirang plakang nag-play sa utak ko ang sinabi nito sa akin, tangines! jusko Joonie, ano bang ginagawa mo sa akin!

umayos ka nga Joy! bulyaw ko sa isip ko at palihim na kinurot yung sarili ko, nakakainis bakit ba bigla nalang s'yang nagsasalita ng ganun? parang sumali tuloy yung puso ko sa karera at ang bilis ng tibok nito, jusko!

ano bang nangyayari sa akin!

"are you okay?". hindi ako okay Joonie! kasalanan mo to at ng mga sweet talks mo!

"okay lang naman, oo nga pala, bakit parang wala lang sa'yong pinagtitinginan ka ng mga tao habang kumakain?". pagiiba ko dito ng tanong, nagkibit balikat ito at tinignan lang ako, yung tingin na ako lang yung pinaka-interesting na nakikita n'ya.

hindi ko tuloy mapigilang ma-conscious sa itsura ko, yung mga titig kasi n'ya nakakatunaw.

"I don't care about what people think or will say about me, atsaka bakit ko naman sila iisipin eh nagbayad ako ng tama para kumain dito, kaya bakit ko sila papansin". malalim na sabi nito, tumango tango naman ako. kung sabagay tama naman s'ya, atsaka siguro sanay na talaga s'yang pinagtitinginan at pinupuri dahil sa kagwapuhang taglay n'ya.

"don't be jealous, they're just admiring your handsome boyfriend". he proudly said and then laughed wholeheartedly and covered his face getting shy on what he'd said.

pinindot pindot pa nito ang dimple n'ya habang nakapikit at para bang nagpapacute sa akin. jusko! ano bang dapat kong gawin sa isang 'to!

atsaka ano daw? boyfriend?

"huh? boyfriend? hindi pa nga kita boyfriend d'yan masyado ka ng advance mag-isip". utal utal kong sabi dito, pilyo itong ngumiti sa akin habang hinihimas ang baba n'ya.

"hindi "pa boyfriend", so may pag-asang maging tayo". he said while quoting the word "hindi pa" while smirking. napasapo ako sa aking noo dahil sa sinabi nito. ramdam ko ang nakakalokong titig nito sa akin at naka-lip bite pa.

Damn.

--

as usual, hinatid ako nito pauwi ng bahay, syempre naglakad lang din kami. pero wala naman akong problema doon, mas gusto ko nga ito eh.

"bakit nga pala, ang hilig mong maglakad". out of nowhere kong tanong dito, he just smiled at me.

Ang dami kong tanong sa isip, ang laking misteryo n'ya kasi sa akin, at gusto ko s'yang mas makilala.

"mas nakakapag-isip kasi ako ng maayos, atska ang sarap kaya ng simoy ng hangin, didn't you like it, didn't you like walking with me?". wow, sinagot din ako ng tanong.

Walking home isn't my thing bedfore, but because of him, it changed

"bakit, w-wala naman akong sinabing ayaw kong maglakad kasama ka ah". giit ko dito, hindi ako makatingin sakan'ya pero kita ko sa peripheral view kong ngiting ngiti ngayon ang gago.

tumigil din kami sa isang pharmacy, sinabi nitong may bibilhin lang daw s'ya. pagkatapos nun ay nagpatuloy na kami sa pagalalakad pauwi sa amin. nagpaalam narin kaagad ako nang makarating na kami sa bahay ko, papasok na sana ako kaya lang ay bigla ako nitong tinawag.

"why?" he walk closer to me and held my hand. may kinuha itong kung ano sa bulsa n'ya.

"sorry, I didn't meant to hurt you my princess, tss. Masyado akong nagpadala sa selos ko". he said sweetly and put some ointment on my wrist, shit, hindi ko man lang napansing pulang pula pala ito, marahil dahil sa mahigpit na pagkakahawak sa akin ni Joonie kanina.

bahagya akong napalayo nang makaramdam ako ng kuryenteng dumaloy sa katawan ko nang haplusin nito ang wrist ko, he looks really innocent while putting some ointment in my wrist.

"a-a- ako na n-n'yan". bulyaw ko dito na ikinagulat naman n'ya. "ako nalang mag-lalagay sa sarili ko n'yan". sabi ko dito kaya't binigay naman n'ya ang ointment.

nagpaalam narin ako dito at mabilis na pumasok sa loob bitbit ang malapad na ngiti sa aking labi.

"ang lakas naman bumawi ni Mr. dimple, pero bakit pati puso ko ang lakas ng kabog?".

--

"Hi po ate". nabaling ang atensyon ko sa isang babaeng kumalabit sa aking likod. s'ya yung babaeng kilig na kilig sa amin ni namjoon noong pumasok dito si namjoon loob.

Kakatapos lang ng klase namin ngayon at unit unti ng umaalis ang tao sa loob ng room.

ginantihan ko ito ng ngiti. "nabalitaan mo na ba? meron daw tayong bagong kaklase". excited na sabi nito, hindi ko alam kung bakit n'ya ito sinasabi at wala akong interes dito, hindi ko rin naman ka-close ang babaeng ito, pero feeling n'ya close na agad kami.

parang ako din. feeling close.

"h-hindi eh, pero diba tapos naman na ang klase natin dito, wala namang dumating eh". sabi ko dito, mapait itong ngumiti sa akin. Sa totoo lang wala naman akong pake kung sino man ang bago naming kaklase para sa sem na ito.

"ang totoo n'yan, base sa chikang nasagap ko, hindi daw talaga s'ya pumasok sa klase natin dahil may inayos pa daw at kasama ata si jin". para ban pumalakpak ang mga tainga ko nang marinig ko ang pangalan ni jin, oo nga pala, s'ya ang susunod na magmamana ng university na ito, mukhang sinasanay na talaga n'ya ang sarili n'ya.

I'm so proud of him.

"by the way, ako nga pala si Dane". I heard her giggle, her smile has a big effect on me and I immediately smiled.

"joy". Pagpapakilala ko dito.

"alam ko, kilala kita, ikaw yung magandang jowa ni fafa Fear". I was speechless at the moment, aminado talaga s'yang maganda ako? SHACKS!

hindi ko alam na ganun ang tingin ng iba sa amin, kaya pala walang nagtangka sa aking lumapit, dahil akala nila, boyfriend ko si Joonie.

Tangina si joonie, boyfriend ko?

"h-hindi ko s'ya-". inilapat nito ang daliri n'ya sa aking labi para patigilin ako sa pagsasalita.

"you don't have to explain yourself, kitang kita naman namin na love n'yo ang isa't isa. omg girl! paano mo nakuha ang puso n'ya?" hindi ako makapagsalita dahil patuloy nitong niyugyog ang katawan ko, tangina sobrang hyper naman ng isang ito!

At anong love ang pinagsasabi n'ya? Love ba yung sinusungitan ko ang god of destroyer na iyon? SYEMPRE HINDI!

Jusko kung alam mo lang ghorl, gusto ko ng sakalin si Namjoon lalo na kapag nagiging clumsy s'ya.

"wag kang mag-aalala, hindi mo ako hater". bulong nito sa akin,  wala naman akong pake kung may hater ako dito, wala naman akong magagawa eh, tsaka anong pake ko sakanila? walang mangyayari sa akin kung pagtutuunan ko sila ng pansin.

"I'm actually your number 1 fun kyaaa!". bulyaw nito at mas ikinagulat ko nang bigla ako nitong yakapin, masakit din sa tenga ang tili nito, mabuti talaga at kami nalang ang tao sa room, tangina, ang ingay pala ng isang ito.

"omgggg! sabihan mo ako girl kung kelan kayo ikakasal jusko po! gusto kong saksihan 'yon, at kung pwede rin girl ako na ang maging ninang ng magiging anak n'yo". Tumatalon talon ito sa tuwa, akala mo nanalo sa lotto.

"Sorry po, feeling close ako hehe". In just a snap, bigla itong naging mahinhin at nanahimik nalang. Jusko, may duality din pala ang babaeng ito! Ayos lang naman sa akin iyon, lalo na't sinabihan n'ya akong maganda huehuehuehue.

"Sige una na po ako ah, may trabaho pa ako eh". She bid goodbye and left me speechelss, hindi na ako nakapagsalita dahil parang bata itong nagtatatalon palabas ng room.

Natapos ang exam week namin o ang hell week para sa amin dahil bukod sa exam maraming dapat ipasa at masyadong maraming pinapagawa ang mga prof, as usual exam result naman ang lumabas, and guess what? pasado kaming lahat!
Matatas ang nakuha ng anim kong boylet, parang nagpapataasan nga talaga sila eh.

Syempre, si Mr. Dimple ang pinaka-mataas sa grade, 99.9 oh diba, sobrang shet malupet! Nahiya yung germs sa grades n'ya. Lupet puro A ang grades n'ya!

Sigurado akong proud na proud sakan'ya ang magulang n'ya.

"Joy tumalon sa bintana, bali-bale buto". I rolled my eyes when jimin and taehyung sang as I walked closer to them. Tangina talaga nitong dalawang 'to. Nakakatuwa ba yun?

Kakadating ko palang dito sa garden pero ang ka-hyper-an at kagwapuhan agad nila ang bumungad sa akin.

"Hoy ano ba, si Joy ay isang diswashing liquid. Bobo n'yo talaga mga hyung". Ngayon naman si jungkook ang nag-alaska. Tangina talaga, kung hindi lang talaga mga gwapong nilalang ang nasa harap ko ngayon, hindi ko na alam ang gagawin ko sakanila.

"Sinong bobo? Eh bobo karin naman ah". Pag-amin ni taehyung dito sabay pinagdikit ang noo nila ni jungkook.
Parang alam ko na ang susunod na mangyayari dito.

"Kaya nga bagay tayo sa isa't isa". Kagat labi kong tinakpan ang mukha ko gamit ang aking kamay dahil sa kilig na nararamdamn ko mula sa dalawang malanding ito. Jusko! Tama bang maglandian sa harap ko?

Tangina n'yong dalawa matuto kayong rumespeto sa single dito oh!

"Wow! Ang ganda pala ng university mo lil meow meow eh". Kumunot ang noo ko nang marinig ko ang isang pamilyar na boses na iyon, shet! saan ko nga ba iyon narinig?

"Fvck. Wag mo nga akong tawagin ng ganyan dito, sisipain talaga kitang kabayo ka". Nahanap ng mata ko sina Jin, Yoongi at Namjoon na naglalakad papalapit sa amin. Malayo palang ay rinig na rinig ko na ang boses nilang nangingibabaw.

"Kelan pa nanipa ang pusa ng isang kabayo?" But my two eyes locked in this man happily laughing and walking together with Yoongi.

Fvck.

What is he doing here? Is this even for real?

"Gago ngayon palang kapag hindi ka tumigil kaka-salita". Inis na sambit ni yoongi at si jin naman ang tumawa na parang kabayo. What the hell is that laugh?

Napatigil din ito nang mabaling sa akin ang tingin n'ya, nawala ang ngiti nito sa labi, para bang nangingilanlan sa akin. Fvck. I didn't expect na dito pa kami magkikita, is this.... Is this even for real?

"Hoseok/ Joy". Sabay pa naming tinawag ang isa't isa, tahimik lang ang anim at gulong gulo sa nangyayari.

Mabilis kaming tumakbo papalapit sa isa't isa at mahigpit na nagyakapan . Shit! This is heaven, I finally met him.

I ginally met my long time online friend.

"Baby bear, finally.... We met" he said as he cupped my cheeks, My body stiff when he suddenly gave me a kiss around my face except my lips

"Stay away from her!" In just a snap, Namjoon is already in front of me, his fist clench. Tinulak nito si Hoseok palayo sa akin.

"Omo, calm down, calm down my daughter". Ani Hoseok na nagboses babae, hindi ko tuloy mapigilang matawa dahil sa kanilang dalawa, pero agad din akong nag-poker face nang tignan ako ng masama ni joonie.

Mahirap na, masyadong hot si joonie, well totoong hot talga s'ya, hot ang ulo, hot n'yang tignan, at ang hot n'yang tignan sa koala design n'yang boxer.

"What did you do to her?" Matigas na tanong ni namjoon na ngayon ay nagiigting ang panga.

"Uhm.... I kissed her?" Napasinghap kaming lahat nang biglang kwelyuhan ni Namjoon si Baby bear. Jusko! Masyadong hot itong si namjoon ayaw pa awat!

Guys pwedeng kumalma tayo dito?

"Ay alam ko 'tong teleseryeng 'to eh". Natampal ko ang sarili ko dahil sa kalokohan na naman ni Jungkook, jusko, hindi to teleserye wala tayo sa taping lil bunny!

"Ay ako din!" Puta- nakisama ka pa talaga taehyung! "The legal bear ang teleseryeng 'yan. RAWR". What the hell Taehyung.

"Bobo amp. Di n'yo ba nakikita? The greatest affair ang title ng teleseryeng ito". Gusto kong sapukin ang mga ito dahil imbis na tulungan ako sa pag-awat sa dalawa, ito sila at nagtao kung anong teleseryse ang nakikita nila, tapos ngayon si Jimin nakikisali pa.

"Jusko! Hindi 'to teleserye!" Bulyaw ko sa mga ito at nakapamaywang pa, habang si Namjoon ay masamang tinitignan si hoseok na weird na nagsasayaw at kung ano anong ginagawa.

Tangina nitong isang to! Bakit ang weird n'yo? Ako lang ba matino dito?

"Ay kung hindi ito teleserye, baka movie 'to". Nasabunutan ko nalang ang sarili ko dahil sa inosenteng sinabi ni Taehyung.

I'm done.

"YEHEY, MOVIE TIME NA!" Pumapalakpak pa si Jungkook at tuwang tuwang umupo sa damuhan habang titig na titig kina namjoon.

"Oh, popcorn". Napailing ako nang maglabas si Jin ng popcorn mula sakan'yang bag. Tangina wala na talaga silang pag-asa.

"Tigilan n'yo na nga 'yang dalawa!". Pagitna ko sa dalawa.

"Tigilan mo rin yung pagtawag mo ng baby bear sakan'ya". Kumunot ang noo ko nang harapin ako ni Namjoon at sigawan.

"Huh? Bakit naman, eh tawagan namin yun sa chat eh". Pagpapaliwanag ko dito, narinig ko ang pag-ohhh ng lima at sabay sabing "two timer pala 'tong si Joy eh".

Mga gagu!

Walang affair ang nangyayari, wala ding the legal bear!

Napa-awang ang bibig nito habang ang mga kamao nito ay handa ng manuntok, pero ang mga mata n'ya.... Kitang kita ko ang lungkot at sakit sa mga ito.

"So niloloko mo ako?" His teeth gritted and contagiously nod.

"Gagu bakit kita lolokohin, eh wala namang tayo simula pa nung una". I bit my lips and slap myself in my mind, fuck what did I just said?

Sinabing magiingat sa sinasabi eh!

I saw pain in his eyes, and there's something inside my chest that tear into pieces while looking at him like this. Damn. What is happening to me?

"E-eh kasi naman eh, si Hoseok yung online friend ko, sya yung palagi kong ka video call at ka-call, tsaka ka-chat". Paliwanag ko at unti unting humina ang boses. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay obligado akong ipaliwanag sakan'ya.

"So s'ya yung kinukwento mo sa aking kwela na mukhang kabayo?". Sabat naman ng lolo n'yo. Gago wala akong sinabing mukha s'yang kabayo, dinagdagan lang 'yon ni gilagid na tinubuan ng mukha.

"Hi guys! I'm your sunshine AHHHH!". Masayang bati ni Hoseok at weird na nagsayaw at sumigaw sigaw sa gitna namin, syempre sina Jin ay tuwang tuwa at malakas na tumatawa sa kwelang si Hoseok.

"Uy, ngumingiti na s'ya". Pang-aasar ko kay namjoon habang tinutusok tusok ang tagiliran n'ya, sus! Wag n'yang itatanggi, nangunguna ang dimple n'yang ngumiti.

Agad din akong tumigil nang tignan ako nito ng masama. "Sabi ko nga hindi eh". Sambit ko, pero ramdam ko ang titig nito sa kin.

"Don't call him baby bear". Utos nito sa aking muli, at bakit naman hindi? Sino ba s'ya sa akala n'ya.

"at bakit naman hindi".

"Basta huwag!"

"Anong wag, kailangan ko ng rason kung bakit ayaw mo". Giit ko dito, inis n'yang ginulo at sinuklay ang buhok n'ya gamit ang kamay n'ya, tangina ang hot n'yang tignan kapag ginagawa n'ya iyon.

Isa pa nga, pwede paulit? Huehuehuehue

I heard him groan and look at me full of disbelief. "Aish! Bakit ayaw mo nalang akong sundin Elieza". matigas na sabi nito, hidi ako susunod hanggat walang sapat na dahilan.

"Bigyan mo muna ako ng raso-"

"Because I should be your one and only baby!". He shouted as he bite his lower lips, and his ears went red.

And all of a sudden, my heart skip a beat, I don't even know why, nagkatitigan lang kaming dalawa at hindi namin alam kung gaano katagal.

"Ayunnn naman pala eh, baby mo pala s'ya Joy eh". Sabay kaming napalingon ni Namjoon sa anim na ngayon ay naghihiyawan at parang tangang kilig na kilig sa aming dalawa. natapon na din ang popcorn ng mga ito at sinasabunutan ni Jin si hoseok, ang gagong hoseok tuwang tuwa pang sinasabunutan s'ya.

Tangines, bakit nakalimutan kong andito plaa ang mga ito? Bakit hindi ko man lang namalayan na nakatingin na pala ang mga ito sa amin at akala mong nanonood ng teleserye.

"Baby sa'yo lang kakampalampag witwiw". Tangina talaga nitong si jungkook, ang lakas ng trip.

ANONG KAKALAMPAG KAKALAMPAG?

Naramdaman kong uminit bigla ang paligid at para bang pininturahan ng pula ang pisngi ko, shet na malupet! Ang lakas ng banat ni Namjoon,

Pero bakit parang tagos hanggang sa kaibuturan ko yung sinabi n'ya?

Hindi ako nakapagreact nang biglang lumapit sa akin si Jin at sinabunutan ako dahil sa kilig n'ya sabay sabing "gaga ka kinikilig ako sa inyong dalawa".

"Oo kitang kita ngang kilig na kilig kang gaga ka!" Bulyaw ko dito, hindi pa ito nakontento at niyakap pa si Namjoon.

Sus! Chansing ka lang kay baby-este kay joonie eh.

Nabaling ang atensyon ko kay hoseok na masayang nagtatalon kasama sina jimin, tinutulungan ata ang tamang pagtalon para sa bagong taon.

Sobrang kwela nito tuwing magkausap sila through chats or video calls, at aminado akong pinapagaan n'ya ang kalooban ko, parang dala na n'ya ang sunshine sa mga ngiti at awra palang n'ya, pero mas nakakatuwa pala s'ya sa personal at mas lalo pang nakakasilaw ang ngiti nito sa labi.

Teka, s'ya ba ang tinutukoy ni Dane na transferee?

Umiling iling ako habang nakangiti.

Mukhang madadagdagan na naman ang sakit sa ulo ko, pero mukhang mas magiging masaya ang taong ito.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro