Prologue
Napapikit ako nang may kumalabog bigla sa ibaba. Nasa second floor ang kwarto ko, ako lang ang mag-isa rito sa apartment kaya imposible na may makapasok dito gayung hatinggabi na.
"Ano yun?" bulong ko sa sarili.
Bumaba ako upang tignan ang nangyayari. Malakas na kalabog yun, e. Imposibleng pusa ko yun!
Kinuha ko ang baseball bat sa ilalim ng kama at binuksan ang pinto ng kwarto ko kung sakali man na magnanakaw ang pumasok.
Napalunok ako habang bumababa ng hagdanan. Ano ba itong ginagawa ko? Hindi ako matapang pero hindi naman ako takot sa magnanakaw. Madalas talagang pasuking ang mga mamahaling apartment lalo na't alam ng mga magnanakaw na may mananakaw silang mamahalin na gamit.
"Meow."
"Ay butiki!" napatingin ako kay Cath, ang pusa kong ginger. "Cath naman, ginulat mo ako!"
Inis ko siyang pinulot at niyakap, hawak ko pa rin ang baseball bat habang bumababa ako ng dahan-dahan.
I saw lights coming from my kitchen. I slowly run to the thief and was about to hit him with the bat nang may narinig akong malakas na katok mula sa labas ng pinto ko.
"Sino- hmmm!"
He pulls me closed to him and covered my mouth with his big, bare, and vein protruding hand.
Bakit parang may pula sa kamay nito. Is this what I think it is?
"Hmm! Hmm!"
Nagpumiglas ako pero masyado siyang malakas. He was a closer inch to me. Ni hindi ko magawang gumalaw dahil iniharap niya ako sa kanyang dibdiban. I could hear his chest exhaling and inhaling deeply in every breathe taken.
Who the fuck is he?
Unti-unting nawala ang malakas na katok. Para akong nasa horror movie. Nakakatakot.
"Don't talk. Don't shout. I'll loosen," he said in a deep voice.
Kabado akong tumango dahil sa nakakakilabot niyang boses. Binitiwan niya ako gaya ng kanyang sinabi. He leaned his back against the fridge and covered his bloody knees using his bare hands.
Dugo nga talaga! Hindi ako nagkamali.
Mabilis kong hinawakan ang baseball bat at itinutok iyon sa kanya.
"Sino ka? Anong ginagawa mo sa apartment ko? Paano ka nakapasok? At bakit ka duguan? Kilala mo ba yung mga nasa labas kanina? Wanted ka ba? Bakit ka nila hinahanap?"
"I'm tired. Can you ask questions tomorrow?" humiga siya dun at binalewala ang kanyang nagdurugong sugat.
"Kailangan nating gamutin iyang sugat mo!"
"Don't worry about me. I'll leave tomorrow. Matutulog muna ako rito."
Hindi ko pinansin ang kanyang sinabi. Kumuha ako ng first aid kit sa drawer at ginamot ang sugatan niyang binti. Hindi ko alam pero parang may bubog o laruan sa loob ng butas niyang binti.
"What's this?" tanong ko habang pinipisil iyong sugat.
He gripped my hand at tinitigan ako ng masama.
"It fucking hurts! That's a bullet stuck in my leg."
Napalunok ako. Why is he glaring like a devil? I used the forcep to take the bullet out of his leg. Ayoko na lang magtanong kung saan nanggaling ang bala na ito. I'm pretty sure he's one of the assassins that was sent to kill me.
"I'm done. Just bear with the process. Tatahiin ko lang ang sugat mo," I said without flinching.
Tumango siya, I could feel his muscles flexing dahil napapaaray siya sa sobrang sakit. I don't have any anesthesia dahil hindi naman iyon basta-bastang nabibili sa botika.
"Why are you helping me? I'm a bad guy, you know."
"I know. But it doesn't mean I'll let you die when I know for a fact that I can help."
I cut the remaining thread.
"Matutulog na ulit ako. Just don't leave blood in the sofa or on my floor when you leave."
"How do you know how to treat wounds?"
"I'm a general surgeon," sagot ko matapos iligpit ang gamit ko.
Tumayo ako at iniwan siya. I need to sleep because I still have work tomorrow.
Pagkagising ko, nawala na siya. The good thing is he didn't left any blood on my floor. Kinuha ko ang punit na papel, na may konting dugo sa sulat, na nakadikit sa ref.
"I'll be back to kill you."
Ngumisi ako at nilukot ang papel. Tinapon ko ito sa basurahan bago humigop ng mainit na kape.
"Let's see about that."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro