Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 06


"Hey, George!" Joey snapped her fingers at me.

"What? Why? Who?"

"Okay ka lang?" taas kilay niyang tanong.

"Just pacing out, sorry. May sinasabi ka?"

"We need to order," paalala niya.

It's our day-off. Joey and I decided to take a break from all the hospital stuff and went to this famous and expensive restaurant.

"Ano nga ulit pangalan nitong restau?" tanong ko habang nag-i-scan sa menu.

"Parmesan Cheese String Pasta and String Spaghetti Restaurant Exclusive for Rich People," mahaba niyang sagot.

"No, seriously, Joe?"

She looked at me dead in the eyes at ipinakita ang malaking pangalan na nasa harap ng menu.

"Believe me, it is."

Natawa ako nang malaman na yun nga talaga ang pangalan. Ang haba-haba naman, mukhang pangmayaman talaga.

I ordered rib-eye steak with rice. Nagsalad si Joey saka cheeseburger na lamb meat ang patty.

"By the way, the CEO called everyone yesterday. May gaganapin na ball bukas at lahat ng doktors ay dapat na pumunta dahil babawasan ng P100,000 ang sahod niyo."

Uminom ako ng tubig. "P100,000 is not a big deal."

"Every month."

I choke on my water when she said that.  That would be P1,200,000 income loss!

"Why would he fucking do that? Damn, CEO! Parang baliw," kumuha ako ng tissue at nilinis ang labi ko.

"Because he knows that not everyone will go so he threatened everyone to come or else bawas 1.2 million sa sahod niyo."

"Are you going?"

"No. Hindi ako doktor, George. Besides, may bidding na gaganapin kaya go ka na. Just call me if you need a ride," natingin siya sa waiter na papalapit sa amin.

"Ang bilis naman ng order."

"Ayaw mo nun? Gutom na rin kasi ako," ngiting-ngiti si Joey kapag pagkain na ang pinag-uusapan.

Pagkatapos naming kumain ni Joe, nagpunta kami ng SNR upang bumili ng pizza. Medyo kulang kasi iyong kinain ko. Hindi ako masyadong nabusog, ganun din siya.

"Yung large size bibilhin ko. Pepperoni," aniya bago lumabas ng kotse.

"Hawaiian."

"Pepperoni. I buy, I decide. Pineapple on pizza is so not my type, Georgia," inirapan niya ako bago isinara ang pinto.

Napangiwi ako nang makaalis siya. I decided to scroll on my Twitter when I noticed a guy standing behind our car. Muntikan na akong atakehin sa puso. May tinatawagan lang pala iyong lalaki.

It took Joey 20 minutes bago makabalik sa akin. Nahinto siya at napatingin sa lalaki na kanina ko pa napapansin. Nilapitan niya iyon at kinausap. Akala ko kung anong gagawin niya kasi nagsalubong ang kanyang kilay.

"What happened?" tanong ko nang makabalik siya sa driver's seat.

"Wala naman," she immediately reversed the engine kaya sobrang higpit ng hawak ko sa seatbelt.

Nabigla ako nang magdrive siya patalikod. Dang! Parang racer si Joey, racer nga pala ito dati bago kami pumasok sa medical field.

"What are you doing, Joe?"

"He took my plate number, George. Titiketan niya ata ako, e wala namang metro rito," she said that casually to me.

Ni hindi ko namalayan na binangga niya pala iyong patrol car. Nanlaki ang nga mata ko at naawa sa may-ari ng sasakyan, samantalang nakangiti lang ang kasama ko.

"Idadamay mo ba talaga ako, Joe?"

"Deserve niya yun. Hindi naman nila tayo susundan kasi sinira ko yung patrol car nila."

"Hindi nga pero-"

Natigil ako nang marinig ang wangwang ng iba't-ibang sasakyan. Sa isang iglap, napalibutan na kami ng mga itim na motorbikes ng nga pulis.

"Joey! I told you it's a bad idea!" inis ko siyang tinignan. Nakangiti pa rin ang loka.

"I miss this kind of race."

"This is not a race for fuck sake!"

"Chill, Georgia. Kapit ka lang sa seatbelt mo. May unan diyan sa likod mo, baka gusto mong yakapin," ngisi niya at minaneho ang sasakyan na parang isang drag racer.

"Joeeey!"

Sigaw lang ako nang sigaw sa loob habang masayang nagdadrive si Joey. Bakit ganito magdrive ang mga kaibigan kong babae? Bakit hindi sila magdrive ng 50km/h? Safe naman yun, a!

Halos masuka ako nang mabilis niyang iniliko ang kotse sa masikip na eskinita. Paano nakapasok iyong kotse doon?

"Masusuka yata ako."

Bumabaliktad iyong tiyan ko. Baka mabuga ko ang kinain ko kanina.

Umabot ng ilang minuto ang habulan at sa wakas ay... nahuli kami ng limang pulis na nagdrive sa motorbikes. Mas magaling sila kesa kay Joey. Hiyang-hiya ako habang pinalabas kami ng sasakyan. Nakita ko ang inis sa mukha ni Joey.

Nainis pa siya, e kasalanan niya naman ito!

"Overspeeding and... destroying of public property," sambit ng police officer kay Joey.

Dinala nila kami sa presinto upang magpaliwanag. Hindi ako nagsalita kasi nadamay lang naman ako. Saka kasalanan ito ni Joey. Kaloka! Baka hindi si Crescent ang kikitil sa buhay ko, baka si Joey na.

"So that's what happened. It's all a misunderstanding," si Joey.

"You have to pay P25,000 for the penalties and pressed charges against you. And P4.6 million for the destroyed patrol car," sabi ng lalaki.

Nagtinginan kami ni Joey.

"May pera ka?" she asked.

"Not even a credit card."

"Let's call him."

Tumango kami pareho at kinausap ang lalaki na kung maaari ay makikigamit kami ng telepono. Pinayagan niya kami pero may time limit.

"Hello. Asan siya? Pakisabi sa kanya na sunduin kami sa presinto tsaka magdala siya ng pera. Oo, hinuli kami. Haha. Bilis," ibinaba ni Joey ang telepono.

"Ladies, alam namin na hirap niyong mababayaran ang patrol car lalo na't malaki-laki rin ang kailangan. You have other options, you know?" sabi niya.

"Like?" taas kilay kong tanong.

"Community servic-"

"Oh no no no no can do, officer. We're fine," Joe smiled, plastically.

"Bahala kayo."

"Don't worry about us, officer. We'll pay immediately," I emphasized the last word.

"Mga baliw yata iyang nahuli mo, boss," bulong ng katabi niyang rookie.

"Hoy, mukha kaming madungis pero may pera kami, no!" asik ni Joe na gustong manuntok.

Kaso naka-handcuffs kami kaya hindi niya iyon magagawa. Hinintay namin siya dala-dala ang pera. Dumaan ang ilang oras at andito na nga siya sa presinto.

"What the hell happened?" he looks so disappointed.

Natatawa talaga ako sa itsura ni Cole kapag ganyan ang nagiging reaksyon niya sa mga pinaggagawa namin.

"Sorry to call you, Cole. But, did you bring the money?" I asked.

"Magkano ba?" inis niyang inilabas ang kanyang wallet at tinignan ang officer.

"Magkano raw," sita ni Joe sa pulis.

"P4,723,000, sir. Kasali na ang charges sa kanila."

Cole immediately wrote the check. That's right, his wallet is a checkbook. Hindi iyan nagdadala ng pera. Anong ineexpect niyo?

He rips the check and gave it to the man-in-charge.

"It's P4,725,000, pang-meryenda niyo na yang sobra," he sighed at matigas na inutusan ang mga pulis. "Now, uncuffed them."

Ibinigay namin sa kanila ang kamay namin ni Joe, nakangiti. Alam kong gulat na gulat sila ngayon, pero masasanay din yan.

"Finally, freedom," si Joe.

"Thanks, officer. Sorry for the trouble," sabi ko.

Aalis na sana kami nang tanungin kami ng isang pulis.

"E-Excuse me, ma'am and sir. Pwede bang magtanong kung anong trabaho niyo?"

"I'm a neurosurgeon."

"I'm a general surgeon."

"And I'm a chief nursing officer."

Nawalan ng lakas ang mga paa ni officer kaya't napaupo siya sa silya. Hindi yata siya makapaniwala na mga doktor kami. Mukha kasi kaming pasyente.

"Thanks for picking us up, Cole. Don't worry, I'll send you a check right away," I said.

"That's fine, George. Nag-expect na rin ako lalo na't kasama mo si Joey," inis niyang tinignan ang kasama ko.

"Shut up. It was fun, okay?"

"Hindi ka na nadala," natawa ko.

Hinatid muna ako ni Cole bago si Joey. Nasa iisang condo unit lang naman sila nakatira kaya magkasama silang uuwi. Naupo ako sa likuran at sa front seat si Joe.

"Yung pizza!" she shouts.

"God. Just for once, Joe, shut up."

"Peace," ngisi niya. "Kumain ka na lang pag-uwi mo, George. Nasayang yung pizza, e."

"Yeah, sure."

Bumaba agad ako ng sasakyan nang makarating kami sa condo. Nagpaalam ako kay Joe at Cole bago pumasok sa loob. Gutom na gutom ako dahil sa nangyari. Hindi man lang kami pinakain sa loob ng presinto kanina. Hinintay ko na tumunog ang elevator.

Ting!

"Where have you been?"

"Fudge!"

Napahawak ako sa dibdib ko nang makita si Crescent sa harap mismo ng elevator. Hindi ako sanay na may tao sa floor ko dahil akin lahat ng kwarto rito. At saka paano niya nalaman na umuwi na ako?

"Pwede ba, huwag mo akong gulatin."

"So where have you been, Georgia?"

"Kasama ko si Joey. Day off namin ngayon kaya we eat out," nagtype ako ng password sa pinto.

"Who's Joey?"

Pumasok ako. Pumasok din siya.

"My friend. Babae siya, okay? Selos ka pa dyan, e."

"I'm not jealous, I'm just asking," lumukot ang kanyang noo.

Kita mo na!

Hinubad ko ang sandals ko at inilagay iyon sa tray.

"Sinungaling ka talaga. Ang halata na nga, nagdedeny ka pa," naupo ako sa sofa at nagpahinga.

Naupo siya sa kaharap kong sofa. He really loves glaring at me like that. Napapikit ako habang humihinga ng malalim.

"You're tired."

"Obvious ba?"

"Not really. I know you like to overwork yourself."

Umayos ako ng upo. "Stalker ka ba?"

"Assassin."

He said that casually and it sounded so cool. Parang pinana ang puso ko. I tried not to smile at muling pumikit.

Assassin. Killer. Murderer.

"My assassin."

I looked at him immediately, that came out of nowhere and it came out wrong. Really wrong!

"I didn't mean it that way," dispensa ko.

It sounded like I was owning him. Nakakahiya naman iyon.

"Mean it that way, Georgia. You said it already," he grinned.

Namula ako sa hiya tapos tumayo siya bigla. Akala ko susunggaban niya ulit ako pero hindi pala.

"I'll call food service. You look starving," aniya at naglakad papunta sa telepono.

"Sabi ko nga."

Nagbihis ako ng damit at umakyat sa kwarto while he's still ordering food for us. I just want to wear my underwear and white oversized polo, but Crescent is here in my house at 24/7 pa. Ni hindi ko magawang tawagan si dad dahil nakabuntot siya lagi sa akin.

But I did it anyway. Nagpanty lang ako at white oversized polo.

Bumaba ako sa sala at nakita si Crescent na may tinatawagan sa kanyang cellphone. Pinagmasdan ko lang siyang nakatalikod hanggang sa matapos ang tawag na kanyang ginawa.

"Business?" I asked.

"I have no other businesses besides you, Georgia."

Napalunok ako nang titigan niya ako sa mata. I rolled my eyes and walked away.

"Whatever."

Napagdesisyunan kong manood muna ng movie. Nasa harap pa rin siya ng pinto, naghihintay. Mas gutom pa yata ito kesa sa akin.

"Georgia."

"B-Bakit?"

Akala ko magagalit siya kasi kanina pa ako nakatitig sa kanya.

"I'm ordering. What do you want?"

"K-Kahit ano. Same sa order mo."

Shucks! Bakit ba ako kinakabahan? This is not like me.

Akala ko talaga may business siya but he's just ordering food. That was the phone call all about. I was nervous for nothing.

Dumating kaagad iyong order niyang pagkain. Narinig ko kasi ang doorbell sa pinto. Ibinigay niya sa akin ang isang supot ng pagkain at iba naman sa kanya.

Natuwa ako nang makita ang kanin at ulam na magkasama. Napatingin ako sa kanyang pagkain at kinumpara iyon sa akin.

"Wala pala akong coke."

I saw how he closed his eyes and sighed. He gave me his drink and put it down beside my food.

Napakagat-labi ako dahil sa kanyang ginawa. Never in my entire life someone gave me their drink, not even dad. Inuutusan niya lang ang kasambahay namin na ibigay ang mga gusto ko pero hindi niya ibinibigay kung anong meron siya.

"Georgia."

"Y-Yes?"

Bakit ba ako kinakabahan sa tuwing tinatawag niya ang pangalan ko?

"I'll be out for a week."

Nahinto ako sa pag kain.

"What do you mean?"

"It's... it's a mission."

"Saan ka pupunta?"

"Brazil. I just need to take care of something," he replies. "I'm sure you'll be fine. You can enjoy a week of freedom without me."

Napayuko ako. Andito lang pala si Cath sa ilalim ng mesa.

"Take care, my assassin."

"I will, my little kitten."

-----

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro