Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 03


Nakataas pa rin sa ere ang dalawa kong kamay habang nakatutok pa rin sa akin ang kanyang baril.

"Aren't you gonna shoot me?" taas kilay kong tanong.

"I need the necklace. Give it back," he demands.

Napatingin ako sa mesa ng kusina ko. Oh my fucking god, my omelette burned!

"Fudge!" napatakip ako ng mukha dahil sa katangahan but he immediately raised my hands again.

"Don't think about moving!"

"Nasa mesa."

"What?" he asked, confused.

"Your necklace. Sayo ba yun?"

Hindi niya ako sinagot. He took my hands and tied me in handcuffs. I thought he's going to do it in a traditional way like malaki at makapal na tali.

"Come with me," utos niya pero hindi ko ginawa kaya tinignan niya ako ng masama. "Move!"

"I can't," napairap ako at napatingin sa paa kong nagdurugo. "I'm bleeding."

He sighed in frustration as he puts back the gun in his back pocket. Kinarga niya ako sa kanyang balikat. I flinched when he touched the wrong spot between my legs.

"Hand placement!" inis akong nagpumiglas.

"Shut up. Why am I always assigned to feisty women?" bulong niya pero rinig ko naman.

Bumaba siya ng hagdanan dala-dala ako. Ang dilim-dilim naman sa unit ko. They'd better replaced my door and security, as well as my soundproof and bulletproof windows. My door is not bulletproof kaya mabilis silang nakakapasok.

You don't expect bullets coming from doors, but they shoot from windows kaya bulletproof ang bintana ko.

Binitiwan niya ako sa sofa. Ang harsh ng pagkalagay niya sa akin.

"Sit and behave."

Hinanap niya ang kwintas sa mesa. But the truth is... it's in my pocket. My underwear's pocket. Napangisi ako dahil alam ko naman na hindi niya ako magagalaw sa part na yun.

"Where the hell is it? Don't play with me, Sicillian. I need that fucking necklace."

"Meow..." my cat approached him and purring on his feet.

"Damn cat!"

"Cath, no. He's a bad guy," sabi ko sa pusa.

"Meow..."

Cath likes him. That's unusual because my cat doesn't like people. Hindi niya nga gusto si Pierre, e. But this guy...

What so special about you?

"Cath, come here."

She runs to me at mabilis na nahiga sa malalambot at mabubusog kong binti.

"Why is it so dark in here?" halata sa kanyang boses ang inis at irita.

Ang liit naman ng pasensya ng isang ito.

"My security's busted because of those two. Alagad mo rin ba sila?"

"No. If they are then I wouldn't have to kill them," hinahanap niya pa rin ang kwintas sa ilalim ng mesa gamit ang flashlight ng kanyang phone.

Oo nga naman.

"But why did you kill that man?"

"Because they're in my way. You're my target, Sicillian. And I'm the only one who's allowed to kill you," itinutok niya sa akin ang nakakasilaw na flashlight.

Naningkit ang mga mata ko pero nanlaki naman iyong kanya nang makita na wala pala akong shorts.

"You're-"

"Naked. Yes."

He grinned and approached me. Kinuha niya si Cath mula sa aking binti at dahan-dahang ipinasok ang kanyang kamay sa aking underwear.

"What are you doing?"

Kabado akong napapikit nang dumaan ang kanyang daliri sa gilid ng balakang ko.

"Found it."

Inilabas niya ang kanyang kamay na may kwintas na hawak. Namumula ang mukha ko nang muli kong idilat ang aking mata. How could he casually let his fingertips roam around me?

"Damn you! Paano mo nalaman na andyan ang kwintas?"

"Thanks to the light. Light reflects silver, don't you know that?" tumayo siya at ibinulsa ang kwintas. "You can't outsmart me, Sicillian. I'm better than anyone."

"Then, kill me now."

"I won't. I'm only here for the necklace," aniya. "And people will talk about your death if you will be dead right away. I don't just kill, Sicillian. I also plan my ways to kill."

"Just shoot me and stop talking. Tutal naman, marami kayong nakapila upang patayin ako," I looked at him dead straight in the eyes.

"Who?" lumukot ang kanyang noo.

"What?"

"Who wants to kill you other than me?" lumapit siya sa akin at lumuhod upang pantayan ang tangkad ko.

"People."

"I won't let them lay their hands on you," he looks straight at me and whispers in my ear. "You're my target, Georgia. Mine alone. I'm a very territorial assassin."

****

"Dad, I accidentally lost the necklace," I said in front of the monitor.

"What? Georgia, daughter, are you pacing out again? Pinapagod ka ba nila sa hospital?" nag-aalala niyang tanong.

Umiling ako at sumagot ng mabilis. Kapag ganito ang nangyayari, pinapasarado niya ang hospital. I remember when Joey and I are in high school, nagkasakit ako dahil sa panis na pagkain na tininda sa canteen. Dad found out because he interrogated my only friend, Joey. Nalaman ko na lang na ipinasara niya ang school.

Pambihira talaga!

"I'm just spacing out too much because of what happened the other day. Kailangan ko lang siguro mag-leave."

Truth is... we know what happened last night.

"Alright, dear, if that's what you want. I'll ask the CEO to give you one month vacation lea-"

"Dad, no! Ugh!" nasamo ko ang sariling noo. "Bye, dad. I need to sleep. Love you."

I immediately closed the laptop at nahiga sa sofa. I can't stop thinking about that assassin last night. I didn't even get his name.

"I mean... he's my killer." I sighed.

But... his eyes. Something tells me that he's not a bad person. Nilapitan pa nga siya ni Cath kagabi.

I saw Cath walking towards me. Mukhang gutom na yata ito. Nagpapakita lang siya sa akin kapag gutom, e.

"Meow..."

I know, I know.

I pour some cat food in his bowl and left. Ipapaayos ko pa itong unit ko so I have to stay on other rooms, which I have to choose between seven rooms. Ito pa naman ang paborito kong unit. Hays.

I called Pierre and told him to get one of his colleague at my condo dahil may dalawang tao akong ipapalinis. I didn't kill the other guy but I'm making things worse if yun ang sasabihin ko so I decided to say na aksidente ko siyang napatay to defend myself.

Naniwala naman sila sa akin.

Pagkatapos ng imbestigasyon, pumunta ulit ako ng hospital.

"Joey, just call me if there's an emergency. I'm going to take a nap," paalala ko.

"Yes po, doc."

Lumabas siya ng office kaya't nahiga muna ako sa malambot na sofa. I decided to watch some sports hanggang sa makatulog ako. Gabing-gabi na rin kasi at hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa nangyari.

I glanced at the wall clock and it's 10:48PM already. Hindi pa ako kumakain. Lumabas ako ng office dala-dala ang credit card ko. I don't have cash nor a physical wallet. Si Joey kasi ang inuutusan ko palagi sa tuwing may gusto kaming kainin. Hindi naman ako sanay lumabas at bumili ng sarili kong pagkain.

But since she's not around, I'll buy them myself. May cafeteria naman sa 20th floor, e. Tapos dadaan ako ng 10th floor for coffee.

Sumakay ako sa elevator at pinindot ang 20. Bumaba ako pagkarating sa 20th floor. Pumili ako ng masasarap na pagkain, pero hindi ako makapili kaya binili ko na lang lahat.

"Thank you po, Dr. Sicillian."

Umalis ako nang may ngiti sa mga labi habang bitbit ang buong menu. I want to buy some coffee but I don't have spare hands anymore. Paano ko iyon hahawakan?

Pumasok ako ng elevator pero hindi ko mapindot iyong 10. Kung bibitawan ko ang mga ito, baka sumabog yung sabaw.

"May I help you?" tanong ng babae sa akin.

"Sorry, can you please press 10 for me?"

Tumango siya at ginawa ang sinabi ko. Nagpasalamat din ako pagkatapos. Mabuti na lang at may nakasabay akong maganda at mabait na babae. Huhu.

"Are you a doctor here?"

Napatingin ako sa suot kong labcoat. Hindi ba obvious?

"Oo."

"What kind of doctor?"

"Surgeon ako rito," I replied.

"That's cool. I'm Soli, by the way."

"Georgia," ngiti ko.

She is so pretty, para siyang anghel na nahulog mula sa langit. Tumunog ang elevator kaya't bumaba na ako sa 10th floor at nagpaalam sa magandang babae.

Bumili ako ng kape pero wala akong paglalagyan kaya't inutusan ko yung barista na dalhin iyon para sa akin. Buti na lang at sumang-ayon.

Hinanap ko si Joey upang makakain na kami dahil marami akong biniling pagkain para sa amin. Hindi pa tapos ang shift nun at nag-ro-round pa yun ngayon pero alam kong hindi siya kumain.

"You called, doc?" she asked when she entered my office.

"Sabayan mo akong kumain, Joe. Pleaseee," nagpuppy eyes ako.

"Anong binili mo?" lumapit siya at naupo sa tabi ko.

"Yan saka yan," turo ko sa malalaking plato."

"Yan lang?"

"Saka heto," ipinakita ko sa kanya ang mga naglalakihang ecobag na nasa sofa. "Konti lang kasi meron ang caf."

"What the heck, George! When I say heto lang, I didn't expected that you bought the whole menu! Marami pang kakain dun," nasamo niya ang kanyang mukha.

Natataranta kong itinago ang ecobags.

"What should I do, Joe? Baka pagalitan ako ng CEO!"

"Isauli natin yan."

"Pero binayaran ko na ito!"

"Then, we'll give some to other patients," napapailing niya akong tinignan. "Having a wealthy friend is so hard. I didn't sign up for this."

Nag-peace sign ako at ngumiti. Hindi ko naman sadya, e!

Pagkatapos naming kumain ni Joe ay mabilis kong iniligpit iyon. Siya na raw magbibigay sa mga pasyente kaya naman hinayaan na niya akong magpahinga at umuwi.

"Be careful, okay?"

"Oo. Bye, Joe."

Pumara ako ng taxi pauwi. Ibinaba ng driver ang bintana, sasabihin ko na sana ang address ko nang makita ko ang isang pamilyar na lalaki.

"What are you doing here?"

"Get inside."

"What?"

"Get. Inside. The. Car."

Nagtingin-tingin ako sa kanan at kaliwa. Is he kidnapping me?

"Ihahatid kita."

"What? No!" umatras ako at naglakad papalayo.

Papara ulit ako ng taxi, sana naman hindi assassin yung driver.

"Georgia, get inside the car!" matigas niyang ingles habang dahan-dahang pinaandar ang sasakyan.

Bakit ko ba napagkamalang taxi itong kotse niya, e para itong race car.

"I'll pass."

"Georgia Sicillian!"

Nagmatigas pa rin ako kaya't inihinto niya ang sasakyan at bumaba. Inis niyang binuksan ang kotse at tinulak ako papasok sa loob ng passenger's seat.

"Ano ba! Ang gentleman, ha," asik ko.

Bwiset na yan, nakaheels pa naman ako at naka-mini skirt. Kalokang hayop na ito.

"I tried being nice but you're stubborn," nagsalubong ang makakapal niyang kilay.

Bumalik siya sa driver's seat at mabilis na pinaandar ang makina. Ni hindi pa nga ako nagse-seatbelt, e.

"Magdahan-dahan ka nga sa pagdadrive!"

"If this makes you nervous then I'll drive faster," he grinned.

This is what mental torture feels like and he's liking every single thing he does to me.

Mabilis kaming nakarating sa condo ko. Nanginginig kong tinanggal ang seatbelt. I slapped my shaking legs upang magfunction ito ulit. Damn it! He's getting on my nerves. I hate this guy!

"I'll fetch you every single day starting today, Georgia," bumaba rin siya ng sasakyan gaya ko.

"Baliw ka ba? Get out of my face, kung sino ka mang hayop ka!"

"It's better to be killed by me than anyone else," lumapit siya sa akin at tinignan ang suot kong kwintas gamit ang malalaki niyang daliri. "And my name's Crescent."

Crescent. It's his necklace. Therefore, he killed my patient.

-----

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro