Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Reignited ni HannahRedspring

Reignited ni HannahRedspring, winner ng Golden Ticket of Love ng WattpadRomancePH.

Pinangarap kong makapag patayo ng negosyo mula sa sarili kong sikap. Nagsimula ako sa wala, pero unti-unti ko rin naman nakamit ang tagumpay, lalo na noong dumating sa buhay ko si Julie. Malaki ang pasasalamat ko sa kanya dahil siya ang naging liwanag ko sa mga panahong nawawalan ako kumpiyansa sa sarili ko.

She's my number one supporter, my business partner, my best friend, until I am allowed to call her my lover. Everything went smoothly between us until the day I planned to propose a future with her.

Singsing na lang ang kulang; pero dahil sa isang aksidente, ang kandila na nagbibigay liwanag sa mundo ko ay bigla na lang nawalan ng apoy sa isang iglap.

Ang alaala ko na kasama siya ay makikita sa bawat sulok ng inaalagaan kong kumpanya kung saan dito namin inaalagaan ang mga taong katulad namin na minsan nang nangarap na tingalain balang araw. Ang dating talent agency na may isang palapag lang na pwesto sa isang gusali; ngayon, daladala na ng mismong building na ito ang pangalan ng talent agency na binuo namin ni Julie.

Bago ako bumaba sa kotse, lagi kong naririnig ang boses ni Julie na nagsasabing, "Huwag kang susuko Henry, lagi lang akong nasa tabi mo na sumusuporta sa iyo. Kaya dapat din natin iparamdam sa mga taong nakapaligid sa atin na mahalaga sila at ang kontribusyon nila sa kumpanya natin. Sabay-sabay nating iangat ang mga sarili natin para sa pangarap natin."

To be honest, she's a better leader than me. Mahal na mahal siya ng mga talents namin hanggang sa mga empleyado na sumusuporta sa kumpanya namin. Sa mata ni Julie, walang boss at walang empleyado. Para sa kanya pantay-pantay ang lahat ng tao kahit pa magkakaiba kami ng antas sa buhay. Napaka-hands on niya sa tao. She's the heart of this company however when she died, everything had changed.

Nagbago ang ilang pamamalakad sa kani kanilang departamento na dahilan kung bakit may ilang taong umalis, may ilan din namang dumating na bago at may ilan ding nanatili kahit pa nagkaroon ng unos sa kumpanya.

Sinusubukan ko pa rin gayahin ang pamamalakad ni Julie, ngunit kahit anong gawin ko, hindi ko mapapakiusapan ang mga tao na unawain at intindihin ako dahil may panahon na kailangan kong maghigpit para mapanatiling matatag ang kumpanya na inaalagaan namin ni Julie mula pa noon.

I sighed as I opened the car and let myself inside the company building. Maraming bumati sa akin, "Good Morning Mr. Campbell," at ilang "Good Morning Sir Henry."

Binati ko lang din sila pabalik kahit pa hindi ko alam kung paano nila ako nakikita dahil agad din silang tumungo o umiwas ng tingin. Kaya minsan hindi ko na lang sila tinitingnan sa mata.

Nagpatuloy lang ang araw ko tulad ng nakasanayan, inayos na rin naman ng secretary ko ang lahat para sa akin. I worked my ass all through-out the day until I forgot that it's beyond office hours. Sumandal ako sa upuan ko at inayos ang salamin ko. Ang sakit ng ulo ko pero ayokong natatambakan ng trabaho na pwede kong ayusin sa araw na ito.

Kumatok ang secretary ko sa pintuan ko at tinanong kung may maitutulong ba pa siya para mabawasan ang trabaho ko pero tinaggihan ko ang alok niyang tulong at kaswal na sinabing tapos ko na ang lahat kahit pa ang totoo ay dadalhin ko ang ibang trabahong hindi ko natapos sa bahay.

Maaaring nakauwi na rin ang halos lahat ng tao sa loob ng kumpanya. Dahil sa late akong umuwi, kailangan kong iconsider ang attendance ng secretary ko, "Be sure to tag your additional hours as OT." I tell her as she stands behind me.

"Okay po Sir. Salamat po."

Bumukas ang elevator at sabay na kaming bumaba. Sa hindi ko inaasahan, bumukas ang elevator sa may event hall sa fifth floor. Kunot noo kong tiningnan ang secretary ko, "What's going on?"

Saktong bumukas ang elevator at agad na may confetti na bumulaga sa akin, "Sir Henry Happy Birthday!"

I was in complete shock as they all greeted me almost in unison as I walked towards the event hall. Sinilip ko ang orasan ko; oo nga pala, birthday ko ngayon.

"Sorry po sir, pinakiusapan po kasi sa akin ni Sir Benjamin na huwag kong sabihin sa inyo ang surprise birthday party ninyo." nahihiyang tugon ng secretary ko sa akin.

"Dahil alam mo na, edi wala ng surprise!" tukso ng taong may pakana ng lahat ng ito, ang kuya ko.

"You didn't tell me that you're back Kuya Ben!"

"Kaya nga surprise eh!" inakbayan niya ako at sinabing, "We're here to celebrate!"

To my surprise, all of my employees were here. Some of my talents also came to visit. Nagkaroon ng konting kainan at inuman hanggang sa nagbigay ng kanya-kanyang speech ang mga ilang taong 'pili lang daw' na mostly sila rin yung mga taong nagtagal na kasama ko sa kumpanya. Mula sa managers, supervisors at sa ilang empleyado ko ang nagpasalamat sa amin ni Julie. Muli kong naramdaman ang presensya ni Julie nang makita ko sa mga mata nila kung paano sila nag-alala sa akin dahil simula noong bawiin siya sa amin, para ko raw sinarado ang sarili ko sa kanila.

Ngayon ko lang ito nakita dahil ngayon ko lang din sila tiningnan sa mata.

Then I remembered her telling me, "Take care of others, so when the time comes; people will also look after you." I feel myself smiling from that thought alone.

"Sir, dahil birthday mo naman, mag-leave ka naman sa work." pangungulit ng isa sa managers ko na si Omar, "Hindi naman namin pababayaan ang trabaho namin." dagdag pa niya.

"Oo nga sir, lagi ka na lang ding gabi umuuwi." tukso ng isa sa supervisors ko na si Ellie.

"Mamaya niyan magkasakit kayo Sir, huwag po muna kayo sumunod kay Ma'm Julie." tukso ng HR ko na si Dianne.

"Mga siraulo!" hirit ko, "Pasalamat kayo tapos na ang office hours, kundi lagot kayo sa akin." pilyo kong ani.

"Pero Henry, nakapag leave ka na ba ever since?" tanong sa akin ni Kuya Ben, "Kailangan mo rin minsan ng break."

"Naku po Sir. Ben, hindi pa po. Super workaholic niyan ni Sir Henry." sumbong na naman ni Omar. Mga pahamak.

"Well sakto pala may ticket ako na ibibigay sa iyo." abot ni Kuya Ben pero tumanggi ako.

"Ayos lang, kailangan ako ng kumpanya ko kaya-"

"Hay nako Sir, wala ka bang tiwala sa amin?" pilyong tanong ni Rosand na isa sa legal team ko, "Magbreak ka rin, sakto gamitin mo ang birthday leave mo."

"Oo nga, tanggapin mo na ang alok na ticket sa'yo ni Sir. Ben, kailangan mo 'yan." muling hirit ni Omar.

"Huwag kang mag-alala, hindi naman guguho ang kumpanya kapag nag-leave ka saglit." muling hirit ni Ellie, "Deserve mo iyon Sir."

"Oo nga sir." Dianne seconded.

"Paano ba 'yan, mga sarili mong empleyado, pinagleleave ka ng sapilitan." natatawang tukso ni Kuya Ben sa akin, "Majority wins."

"Okay fine." kinuha ko sa kanya yung envelope na naglalaman ng dalawang tickets, "Teka, bakit dalawa?"

"Ayaw mo, may plus one ka?" pilyong ani ni Kuya Ben.

"Gusto mo magsama ka ng chicks!" muling hirit ni Omar, "Hanapan kita boss."

"Jusme naman Omar, bakit ka pa lalayo kung pwede mo naman isama ni Sir Henry si Juvy?" ani Ellie at napatingin ako sa secretary ko na nasamid sa pag-inom ng juice, "Eh napaka work-a-holic rin niyan."

"Oo nga, sobra na 'yan sa OT." dagdag ni Dianne.

"Nagpapayaman ka ba Juvy?" gatong ni Rosand at nakita ko namang namula ang pisngi ng secretary ko.

"Tigilan niyo nga siya. Mabuti pa nga siya masipag magtrabaho, kayo pa-chill chill lang." sagot ko sa kanila na natatawa.

"Well do you have someone in mind para naman hindi sayang ang plus one mo, Henry?"

Sa totoo lang wala akong naiisip na pwede kong isama, yet I'm considering that Juvy also needs a break. Hindi man niya aminin sa akin, alam kong sobra ko siyang napepressure minsan sa trabaho at alam ko naman na deserve niya rin ang magkaroon ng break.

"Do you have plans over the weekends Ms. Juvy?" tanong ko sa kanya.

"Wala naman po sir." mahinhing sagot niya sa akin at naging tampulan kami ng tukso ng mga taong nakapalibot sa amin.

"Hey, I'm also thinking that she deserved a break. Kayo talaga!" saway ko sa kanila. I handed Juvy the plus one ticket, "I'll leave the itinerary to you then." I said with a smirk.

"Grabe ka Henry, pati naman ba itinerary sa secretary mo iaasa?" muling tukso nila Rosand at Omar sa akin

"Eh anong magagawa ko..." I paused as I gave them a smile, "I trust that my secretary won't fail to do her job."

Kahit na ang totoo dahilan ko lang iyon, dahil wala akong ideya kung ano ang mga pwedeng gawin sa lugar na iyon.

"Sige po Sir, gagawan ko po kayo ng itinerary. Iyon na lang po ang pa-birthday gift ko sa inyo." Juvy said with a childlike smile that caught me off guard. How come a single smile reignites something I thought I lost?

It's too early to say where this road would take me, yet for some reason everything around me is filled with light that I thought I could only see because of one person.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro