Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

[9]

[𝟗] 𝐅𝐚𝐥𝐥𝐢𝐧𝐠

I found out that I wasn't hungry, those were butterflies in my stomach - Felip Jhon Suson

______________________________
𝐋𝐨𝐮𝐢𝐬𝐬𝐚𝐧𝐚 𝐀𝐥𝐚𝐧𝐚 𝐃𝐞 𝐋𝐞𝐨𝐧

Nag-simula nang lumubog ang araw ko, este ang araw. Bago magsimula ang program ng Last Dancer Standing, hindi na ako mapakali sa inuupuan ko. 

I started to get worried about what will happen next after the show. Dapat ba hindi ko nalang rin siya pinayagan sumayaw?

"Are you guys ready?" Ang teacher namin na akala kong mahinhin ay humarutrot sa unahan na parang tambutso. Inisa-isa niya ang teams at syempre ang team namin na Gryffindor, sa cheer palang, panalo na!

"Huwag natin palagpasin pa! Gryffindor is in the house!" Banggit ng teacher namin. Habang madilim pa ang paligid, pumwesto na ang PAS sa gitna ng stage at ginawa ang pangmalakasan na pose!

"GO PAS! GO GRYFFINDOR!" Sigaw ko sa unahan. Pinapaupo ako ni Cora dahil ako lang ang nakatayo sa unang row.

"Hold your horses, dear!" Cora irritatingly said. 

Uh, darling, Astrid needs my goddamn horsepower voice to hyper her up.

I started to appreciate our new member's efforts. They even reserved a seat for us three: for me, Cora and Astrid. They still keep asking questions where Astrid went. Like, duh, hindi niyo pa rin ba alam ang club secrets? 

Either way, their kind gesture softens my heart, I hope it did also to Cora's.

Nasa likod kami ng judges kaya kung ano man na salita lumabas sa bibig ko ay maririnig at maririnig nila. Loud and goddamn clear. 


May naramdaman akong may nagv-vibrate sa pantalon ko. Napansin ko na nakadikit pala ang binti ko kay Cora kaya nararamdaman niya rin ang mala gimme-gimme vibration.

"Answer the call, dear. Kanina pa 'yan," naiinis na sabi ni Cora. Nakatingin siya sa unahan at uminom sa C2 niya. 

Ikaw, Cora kanina ka pa nireregla! Hindi ko alam kung dahil hindi ka makamove on sa nangyari kay Ash o dahil naiinis ka rin na pinayagan mo siyang sumayaw ngayon, like what I am feeling right now. 

Kinuha ko agad sa bulsa ang cellphone ko. Hindi ko na binasa sa screen kung sino, basta sinagot ko nalang ito, "Yes, hello? Louissana Alana De Leon at your service!"

"Alana." Napaubo ako sa sarili kong laway when I heard Felipe's voice. 

"Ke-Astrid! Asan ka?" All these switching names are getting me confusing. 

"Nasa labas, kayo?" He asked. 

"Dito sa unahan mismo," I replied. 

Of course, bawal ka umupo dito. Kung ayaw mong mabiglaang revelation tayo. Scandalosa to the max!

"Samahan ko na muna si Astrid sa likod," paalam ko kay Cora bago ako umalis sa aking upuan.. She just nodded and didn't give a word. Mukhang gets naman niya kung sino tinutukoy ko, since we're still holding up our acts. 

I saw Felipe's hand raising, to catch my attention. He's wearing a gray hoodie, a black face mask, and a white beanie. 

"Hi Alana! See you sa Hangout," A random guy waved at me beside Felipe Suson. 

"Uh, sure," I replied in an awkward manner. Dapat bawas-bawas ko na ang pagc-club. Kung sinu-sino nalang ang nakakakilala sa akin. 

Ganyan talaga ang buhay ng maganda, kung sino-sino nalang babati sa'yo. 


PAS' performance started off with Kris' backflip. 

Mas lalong humiyaw ang mga tao sa loob ng Gym. Bumaba na ang araw at dumilim ang paligid. Gabi na. 

Tanging stage lights at ang LED TV nalang ang nagsisilbing ilaw sa buong paligid. 

The crowd keeps screaming tuwing may nagagawang stunt ang PAS. Well, eto naman talaga nag pinagkakaabangan ng lahat. 

 And here comes the breakdance by my girl, Astrid Suarez and Mike Rafael Gueverra. 

Even though I'm far, nakikita ko ang sapilitan ginuguyod ni Ash ang paa niya. Since ang posisyon ni Felipe ay laging nasa gitna o kaya nasa unahan, I can't help myself not to get cringe when I saw Ash's leg. 

Paika-ika pa siya sa stage, o ako lang ba ang nakakapansin? With the help of the lights, hindi lagi nakafocus kay Ash ang ilaw, kaya thank goodness, mary joseph. 

Ash and Mike did the iconic duo breakdance with matching paika-ika by my girl, Astrid. 

No one really noticed it. 

Dahil mabilis ang sayaw at masyadong naoverwhelmed ang mga tao. 

"Ayan na," I said to myself, which made Felipe looked at me, and he looks back at the stage. 


It's Ash's stunts. 


She did a no-hand cartwheel and Mike did the front flip. 

When the music stopped, she did a three clean backflip and a heavy beat dropped as she lands her feet on the floor. 

The crowd went wilder. 

Muntik pa ako tumakbo palapit when I saw her almost tripped on stage but she suddenly gets a hold of herself. Tuloy ang laban!

When their formation changes, she went to the back to check her shin. Mike was in the front, taking the lead for the chorus.

Astrid is still holding her legs with her both hands while dancing. 


"Pucha, ang galing talaga ni Ken, dude!" A man said besides me. 

"Partida, kakauwi pa niyan galing Manila," his friend replied to him. 


Kung alam niyo lang mga bros, kung alam niyo lang. 


Hindi sakanya nakatutok ang ilaw, kaya hindi niya pa rin inaalis ang hawak niya sa paa habang  sumasayaw. Nang makarating siya sa gitna, bumalik ang Ken Suson vibes niya.

Na parang wala itong nararamdaan na sakit.

Na para bang wala siyang malaking pasa sa paa.

Na parang walang nangyrari ba. 


She releases her inner beast on stage. 

Until I can't recognize her. 


Kung dati, nahihiya ito ipakita ang gilas niya sa maraming tao. Actually, Ash can easily adapt to any environment. Mas umiiral lagi ang hiya at kaba niya, kaya minsan mas gusto niyang manood nalang kasama ng audience. 

At her old school, she was carefree and happy. She can deal with any person who blocks her way. Narinig ko sa mga kabigian ko doon, na she was the new definition of 'boss bitch'. She does what she wants, get what she wants, and she was confident in everything she does. She was extra af and making each moment special. 


But now, hindi na siya nangingielam sa perception ng ibang tao. Hindi na siya gumagawa ng gulo. She became an outcast in her classroom. Mute, silent, o ano pa ang gusto mong tawagin. 

Kami lang ng PAS ang nakakaalam sa existence niya. 


Ano nangyari? Bakit lahat nagbago simulang lumipat siya dito?


Mah girl is very keen when it comes to details, nauto niya talaga ang lahat lalo na ang judges. She fooled everyone and proved that she is Ken Suson.


"Tang lupet ni Ken, bro! Grabe!" A student at my back uttered. Parang mababaliw na ang mga tao na nasa likod ko. Hindi na nila kayang panoorin ang walang katapusan na tumblingan na binibigay ng PAS.

The dance ended with Ash's backflip. The crown did a standing ovation and endless claps. 

I clapped harder. Sumabay na rin ako sa hiyaw nila.  

"Gryffindor! Perfoming Arts! Gryffindor! Performing Arts!" Paulit ulit na pagsigaw ng mga tao dito sa Gymnaisum. Na-overpower nila ang pagsasalita ng host sa unahan. 

"Grabe, walang tatapat sa choreography mo, Felipe," sabi ko sa katabi ko habang pumapalakpak.


He was staring at the stage. Got mesmerized by the performance he created. 

"You did it, Felipe," sabi ko. 

"Did what?" 

"Pwede ka na talaga maging choreographer. Yon' ang pangarap mo, diba?"

Hindi siya sumagot.

Siguro dahil the PAS pulled this off beyond his expectation or maybe because he was amazed by Ash's new identity. Well, this is the reason why you want her to be part of PAS, right? 

Nakuha mo rin ang matagal mo nang hinahanap. 


Wait a minute, kapeng mainit. Parang may nakalimuntan ako. 


"Ah! Shit!" Everyone's attention went to me. 


Fuck, I almost forgot Ash's injury. 


"Bakit?" Nag-aalalang sabi ni Felipe. 

"Wait for us outside," I ordered. 

Tumakbo ako papunta sa stage. Kahit walang alam si Felipe sa nangyayari, pero base sa sinabi ko, alam niya something's going on. Bumuntot pa siya sa likod ko while I am still running towards the backstage. I saw the wheelchair on the side. Kaya kinuha ko ito at pinahawak sakanya. 

"Hold this and wait for us," I said. 

"Ha? Bakit may wheel chair dito? Alana? Alana!" 

Hindi ko na siya pinakinggan, nakisiksikan na ako sa loob ng backstage. 

I am fucking sure hindi lang pasa ang nakuha ni Ash. Kahit maganda naman ang paglanding nito, may nag-udyot pa rin sa paa niya. 

"Ken!" I shouted when I saw her on the floor and the boys are trying to bring her up. 

"Alana!" Sumugod si Mike palapit sa akin na hindi mapinta ang mukha. All of them are panicking. 

"Bakit hindi niyo sa akin sinabi na may leg strain pala si Ash? I mean Ken! Si Ken," He said in a mad tone. 

Ah, alam na nila?  

Argh. Kung si Mike nagalit, panigurado si Felipe mas lalong magagalit sa akin. Tsaka, bakit ako lang? Cora also helped Ash, hindi lang ako!

"Bakit niyo pa pinayagan si Ash—"

"Because she wants to dance! Okay? Your girl is so fucking stubborn and wants to risk her leg for a fucking show. I don't have a choice! Cora also doesn't have a choice!" Hindi ko napigilan sarili ko kaya nasigawan ko si Mike. 

He shut up. 

All this drama is making me stressed. Gusto ko na matapos ang araw na 'to at malaman kung sino ang mga nanalo. Pero may dalawa pang teams sasasayaw. 

Inalalayan ng mga lalake si Ash palabas sa backstage. Her right arm was on my shoulders while her left arm was on Mike's. Dala nila Pete at Kris ang paa ni Ash para mabilis namin mailabas siya dito. 

Other teams started to murmur and get worried for 'Ken'. Narinig ba nila ang pinag-usapan namin ni Mike?

Ken was happily watching the other team's performance while holding the push handle of the wheelchair when he saw us bringing 'Ken' towards him, he ran near us and we put 'Ken' on the wheelchair. 

Siya na ang nagtulak ng wheelchair ni Ash papunta sa clinic. Hindi na siya nagtanong pa. Sumunod naman kami sakanya .

I tried running at the same pace as Felipe's. Kala mo nagso-scooter lang eh. Mapapadapa pa ako sa kakatakbo. 

"Pwede tama lang ang pagtakbo natin, no? Baka lumipad si Ash, no?" Pahingal kong sabi. Hindi siya sumagot. Nakatutok ang mga mata nito sa daanan. 

The people outside got confused when they saww two Kens. The one was pushing the push handle of Ken's wheelchair and the other one was on the wheelchair. 

As soon as we got inside of the HS building, tinanggal ko ang suot ni Ash na bucket hat at face mask. Ash let out a heavy exhale. 

I saw her watery eyes. Nakalipbite ito at pinipilit niyang hindi umiyak dahil sa sakit.

Nakita namin ilolock na sana ng school doctor namin ang pintuan ng clinic. Pauwi sana ito nang makita niya kami.

Tada po~ Anidito kami para hindi ka pauwiin~

Gabi na, pero dito pa namin sinugod si Ash. Well, wala na kaming maisip pa kung saan namin siya pwede idala. This is where our adrenaline rush told us to go. 

The boys waited outside, habang ako, Mike at si Felipe naman ay nasa loob kasama ang school doctor. Kailangan daw nandito si Felipe since he's the PAS club president—he's responsible for Ash's injury. Mike's here to explain naman kung ano nangyari sa backstage pagkatapos ng performance nila. At ako naman ay nandito para i-explain sakanya kung ano talaga ang nanagyari kay Ash from the start. 

I explained what happened to Ash during their game at soccer with actions and expressions. Hindi ko na sinabi kung sino ang gumawa, hindi dahil sa ayaw ko gumawa ng issue pero hindi ko talaga alam ang pangalan nun.

"Tas 'ayon, kinuha ko ang buhok ng tomboy, ganto, oh." Pinakita ko sakanila kung paano kami nag-away sa field. 

"Ginigil niya talaga ako, eh. Bago ko pa siya makalmot, inawat na kami ng dalawang teams. Ha, swerte niya, kundi, umuwi rin 'yon na maraming pasa," pagmamayabang ko sakanila. Pagkatapos ko mag-kwento, I saw Mike's face in disgust. Felipe was enjoying listening to my 'explanation'. And the doctor show a contemp expression. 

Well, they ask for details, then I gave details. So tada~ 

"Alana naman, ba't hindi niyo pinaalam sa amin 'to?" Naiinis na tanong ni Mike, napa face palm ito at naglakad pa back and forth sa loob ng clinic. Kung makareact ka, parang ikaw ang bida dito. 

I already told you the answer for the second time, Mike. 

"If I did, then hindi ninyo papayagan si Ash magperform," I answered. But this time in a moderate tone.  

The doctor already prepared the materials for Ash's strained leg. Iche-check niya na muna daw ito kung malala, dahil kung oo, dadalhin na daw sa hospital. 

When the doctor raises Ash's pants' sleeve up. 

The three of us reacted. 

Shet, mas lalong nangingitim ang pasa. Butog ang paa ni Ash. At napansin kong mas lumaki ito. 

Hala, baka may nakatirang worm na diyan?  Kidding. 

I looked at the boys' reaction. KShe removed first her binderay Mike yung pinaka OA na reaction, that he needs to go out daw to get some air. 

I looked at Felipe's reaction. Parang sinisi niya ang lahat sa kanya. I know kung ano ang tumatakbo sa isip nito. 

Na sana hindi niya nalang binigay kay Ash ang posisyon niya. 

Na sana siya nalang ang sumayaw. 

Na sana siya nalang ang nakakuha ng injury. 


I gave him a 'You-okay?' hand sign, he nodded and smiled bitterly. 

The doctor treated Ash's strain. Pinatong ang ice pack sa ibabaw ng pasa niya habang nakataas ito sa dulo ng higaan. 

The doctor asked us if we have a cell number ng kanyang magulang. Hindi memorize ni Ash ang number. Unfortunately, wala kami. Lalo na ako, dahil hindi ko 'yon close. 

"Ah, doktora. Pwede naman po mag-tricycle nalang ako pauwi," mahinang sabi ni Ash. Hindi narinig ng doktora ang sinabi niya. Talagang magmamatigas ulo ka pa ngayon, babaknita ka? 

So she had to go out to check if the Guidance's office is open. 

Naiwan kaming dalawa ni Felipe sa loob kasama si Ash. 



There was silence.

Someone opened the door with force, it was Mike. 

He looked . . . happy?

"Guess what? Cora texted me." Here we go again with Mike and his guessing game.

"Ano daw?" Felipe asked out of confusion. 

"Oh cut the chase, Mike. Sabihin mo na!" Nasigawan ko nanaman siya. Feel ko unti-unti ako nagiging Coraline Javier Aragon. For two straight weeks, akala ko bonding ang nakukuha ko sakanya, shet, personality niya rin pala. 

"We won!" 

We jumped from Mike's good news! Felipe fist bumped with the boys outside and Ash yelled, "Yes baby!" Bumalik ang pansin ni Mike sa cellphone niya nang may mag-text ulit sakanya. 

"Oh shit. 'The panel knew all along that Ash was Ken for the whole time'," basa ni Mike sa nakuha niyang text gaig kay Cora. 

"Paano? But we still won, right?" Tanong ko. 

"Cora said that the panel did subtract 1 point form our score, that's why we have 99 at the end," sabi ni Mike. 

"The 2nd placer got 95," he added. 

"Oh. Malaki ang pagitan," Sabi ni Kris. 

"Trulagen," I replied. 


For the record, this was the first time mag-bigay ng panel of judges ng 100—sa buong Last Dancer Standing history. 

Ano pa ineexpect mo na matatalo ang mismong PAS sa kanilang field.

"'Everyone's was ranting and protesting here', kung bakit daw tayo binawasan ng point. 'That's why the host answered everyone's questions why we get -1 point. He revealed that Ash took Ken's place'," patuloy pa rin ang pagbabasa ni Mike sa text ni Cora. 

"'Some were still shocked from the results and Ash's dancing. They can't tell that Ash was Felipe the whole time'," Natapos rin si Mike sa pagbabasa niya ng text. 

Wala talagang sikretong hindi mabubunyag. 

"Nice one, Ash! Wala talaga nakapansin!" Naki-apir si pete kay Ash. 

"Akala ko ipaabot pa natin 'yan, hanggang bukas," Kris said. 

"Pero yung pagkatapos baga ng break dance, kala ko si Ken na ang sumasyaw sa unahan," Kris confessed. The boys agreed.

"Same. I also mistook Ash for Felipe. For a second, nakalimutan ko na nasa tabi ko lang pala si Felipe," Sabi ko. 

"I was like, 'Oh, Felipe you're here lang pala'". Tumawa ang mga lalake sa sinabi ko. 

"Totoo! I'm not joking, guys!" Pag depensa ko. 

"Lupit mo talaga, Ash!" 

The boys congratulate Ash for doing her best. I somehow feel happy that our efforts didn't go to waste, especially my and Cora's efforts for preppin her at the CR at ang pagpupuyat namin sa field.The crowd didn't really notice it was Ash the whole time, doing the most dangerous stunt of the performance.

"Sabi ni Cora, tinatawag tayo pre para sa photo ops," sabi ni Mike habang nag-ttype ito sa cellphone niya. 

"Pumunta na kayo doon," ani ni Felipe. 

"Hindi ka sasama, pre?" Mike asked. Umiling si Felipe. 

"Kami na bahala dito." Singit ko. 

Umalis ang mga lalake sa clinic, narinig ko ang pag chant nila sa corridor, singing 'We are the champion'. 


Ash unexpectedly laughed. 


"Bakit?" Natatawa kong sabi. Parang nahawaan ako ni Ash. 

"All the drama happened today, nakakatawa nalang isipin. Nag-effort pa ako mag suot ng binder, ng bucket hat at sa hindi nakakahingang face mask, pero alam na pala ng panel 'yong totoo," natatwang sabi ng bruha. 

"Paano hindi nila malalamana eh sa practice palang nakikita ka na ng mga teachers na kasama mo sila," sabi ko. Come to think of it, diba? 

"Ginawa mo pa kami ni Cora bilang PA mo for the whole afternoon, but it was fun. Especially when I had I fight with that girl."

Napatingin sa akin si Felipe and he touches his hair aggressively. 

Dahil lahat ng gulo na ginawa namin ay masisisi sakanya, he is still responsible for our actions. But we knew, hindi naman siya papagalitan ni Prof. Steins.

"Nag effort pa tayo tumago sa CR para magbihis," mas lumakas ang tawa ni Ash. 

"Tapos tinago ko pa yung wheelchair sa gilid ng stage pero nakabalag balag na pala," bumuka ang bibig ni Ash kakatawa.

"Tas si Cora uto uto din, tinulungan kang pagtakpan ka," sabi ko. Muntik pa mahulog si Ash sa higaan niya , pumalkpak ito na parang seal dahil sa kakatawa.

"Ah kaya pala, napakachill mo ngayon," sabi ni Ash.

"Duh! 'Yong mga tao na nagpa-practice sa field, kitang kita kayo!" I replied. 

The doctor arrived holding Ash's student profile. Nag-bago ang ekspresyon ni Ash.  Hindi matanggal ang tingin niya sa folder na hawak ni doktora. 

"Iha, your parents' numbers aren't inputted here. Paano ko sila maiinform—"

The doctor paused when someone knocked on the door three times. Felipe opened it and it was bulaga! It's yo girl, Coraline Javier Aragon! 

"Goodevening Dra. Rosales, I am Astrid Suarez's senior. Since I was also responsible for her injury, I can take her home po with my sundo po. He's already here po." Cora politely said. The doctor closed the folder and stood up. 

"Sige. Thank you, iha, for this. Eto ang reseta," the doctor gave Ash a medical prescription and a lot of instructions. 

She's not allowed to participate in this year's Olympics. She has to rest for at least two weeks at home. Our school doctor will inform this matter to Prof. Steins and to her class adviser.

When the three of us went to Cora's car at the parking lot, dahan-dahan nilagay namin si Ash sa gitna sa backseat. Hinintay namin si Felipe, dahil sinauli niya ang wheelchair sa clinic. 

"Ngayon, sino sa atin mag-eexplain sa magulang ni Ash?" Tanong ko kay Cora. Nasa labas kami ng kotse habang inaantay si Felipe. 

"Ako na mag-eexplain kila mama," singit naman ni Ash pero hindi namin siya pinansin. You just sit there and relax, your elders are talking.  

"You can do it, dear," Cora smiled. 

"You cheeky bob cut haired bitch."

Dumating si Felipe. Tumingin siya sa akin at tumingin naman kay Cora. 

I sighed and said, "Oo na, ako na. Pero ihatid mo ako pauwi." Cora raised her left eyebrow and smirked. 

Ah! Kaibigan mo ako, at ginagyan mo ako? At sino ba ako para mag-reklamo, eh ihahatid niya ako sa bahay. 

"Sumama ka na sa amin Felipe, madadanan mo man lang ang bahay ni Ash, right?" Cora said before she went to the front seat and closed the door. 

Hindi na sumagot si Felipe at binuksan ang kabilang pintuan ng kotse habang ako naman ay pumasok sa pintuan na malapit sa akin. 

Ang unang uuwi si Ash, sunod si Felipe at ako ang huli. 


Wala ng umimik sa loob ng kotse during the ride. All of us are tired especially Ash. Nakatulog ang prinsesa sa balikat ni Felipe. Si Felipe naman ay nakatanaw sa bintana.

Killing Me Softly by KZ Tandingan was played on the radio. 

"Wag niyong sabihin kay Noona tungkol dito," Felipe said. Tinignan ko si Felipe sa mirror at sinensyasan si Felipe ng 'bahala-ka-dyan' look.

Hindi naman malayo ang bahay ni Ash, nakarating rin kami sa Maria Sinukuan Subdivision after 15 minutes. Tinapik ko ang balikat ni Ash na magising, para ituro niya sa amin ang daanan papasok. 

"Alin dito, Ash?" tanong ko habang dahan-dahan nagddrive ang driver ni Cora, habang iniisa isa namin ang 'maputing bahay'

"'Yong malaking gate," nanghihina niyang sabi. Kakagising niya lang kasi. 

"Dito," sabi niya. 

"Waa~ Ang laki ng bahay niyo," puri ko. 

"Syempre, my parents are both Architects," she said in an unsurprised tone.  

Binaba namin ni Felipe si Ash. Pagkatapos ko pindutin ang doorbell, pinagmasdan ko ang malaki nilang bahay. 

Naalala ko ang bahay namin sa Pangasinan. Nakakamiss rin pala umuwi sa amin. 

Hindi nagtagal pinagbuksan kami ng nanay ni Ash. Binigay ni Felipe ang kabilang braso sa Nanay ni Ash, nag-antay nalang ito sa labas ng bahay. 

Inalalayan namin ng nanay ni Ash ang bruha papunta sa kwarto niya. Nag-alala ang nanay ni Ash at tinatanong kung anong nangyari. And how Ash got the injury. But before I speak a word she asked how was her chess game. 

Hindi ako nakapagsalita. 

Hindi ko rin alam kung paano ko sasabihin ang totoo. 


Why Astrid lied to her parents? 


Hinawakan ni Ash ang kamay ko. We take Ash to her room upstairs.

"Uh, sinipa po ng kalaban ang paa ni Astrid during the soccer game po," I confessed. 

Kinurot agad ni ash ang kamay ko, kaya nap.kurba ang tuhod ko ng konti. Muntik ko pa mabitawan si Ash sa hagdan. 

Gagu3 ka ba, Ash? 

"Ah, sorry po. Hehe. Minsan po nagwi-wiggles talga ang mga paa ko, tita," sabi ko sa nanay ni Ash. 

"Soccer, huh?" ani ng nanay ni Ash. 

Binitawan ni Ash ang hawak niya sa kamay ko. I heard her small groan. 

Nilagay namin si higaan ang feeling prinsesa, Inaayos ng nanay ni Ash ang kama nito habang nakatingin ng masama si Ash sa akin. 

She gave me a cold stare. 

A dead and empty one. 

I thought it was a sign or whatever, but it was only just a stare. 


"Mauna na po ako tita. Pagaling ka, Ash," paalam ko sakanila.

"Salamat, iha. I didn't catch your name," mahinahong sabi ng nanay ni Ash. 

"Alana po, tita."

"Salamat, Alana."

"Welcome po. Bye, Ash." I waited for Ash to wave back at me, pero wala. 

I closed the door and paused. Naano si Ash? Bilang pumutla ang mukha niya, tapos hindi pa siya kumikibo simula nung nilapag namin siya sa kama niya. 


Hindi ko na inisiip pa kung ano ibig sabihin ng mga tingin ni Ash. 


But before I take a step, I heard a loud slap coming inside of her room. 


End of [9]

Share your thoughts about this chapter, here in the comment box! 

{A/N:  Hi po! I took Kinja's dance serves as an inspiration for PAS' performacne in Last Dancer Standing. I don't oon the pictures po, hihi]. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro