Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

[8]

[𝟖] 𝐇𝐨𝐥𝐝 𝐃𝐞𝐚𝐫𝐥𝐲

"Of course you'll do anything for love."
- Alana

________________________
𝐀𝐬𝐭𝐫𝐢𝐝 𝐒𝐮𝐚𝐫𝐞𝐳

"SEE? I knew you can pull this off! Kahit kailan, my instincts never betrayed me," Alana happily said. The three of us walk through the school gate as we head home. Manong guard really waited for us, even though the turning off the lights were scheduled at 8 pm. 

The street lights paved our way and the noise of grasshoppers accompanied us throughout the evening. We still have to walk for three minutes before we reached the main road. Wala nang nakaparkeng tricycle dito. We don't have another option but to get on a jeep.

Natanggal rin ang mabigat na loob na matagal ko ng dinadala. Kung hindi sinabi ni manong 'yong tip sa pag-babackflip, hindi ko rin makukuha.

Hindi ko nanaman maiwasan hindi tumingin sa langit. Maraming kumikinang na bintuin ngayon gabi. Sabi nga nila makikita mo lang ito pag nasa probinsya ka. Totoo nga. 

If only I could stare at it a bit longer. 


Tomorrow is the day. Wish me luck, stars. 


"Cora, darling. Nasend mo na ba kay Mike 'yong vid ni Astrid? Ikaw lang kasi may data sa atin, eh," banggit ni Alana. 

"Kanina pa," mataray na sagot ni Cora. Base sa tono ng kanyang boses, parang ayaw niyang kausapin namin siya. 

"Sungit mo talaga, kahit kailan." I saw Alana's pouted lips. I admit, it doesn't suit her. 

"I'm just exhausted, dear," Cora quickly replied. She inhales deeply and sighed after. Kanina pa nito gusto umuwi, but she stayed. 

"How's the competition?" Lumaki ang mga mata ko nang sambitin iyan ni Alana. Napatingin ako agad sa direksyon niya. 

Si Felipe ba ang kausap niya sa cellphone?

Binalik ko nalang ang tingin ko sa unahan. Hindi ko na ito pinansin. 

"1st place isn't that bad. May K-pop Star 2016 pa naman," sagot ni Alana sa kabilang linya. 

Tama si Alana. Biruin mo, out of 32 cover groups, nakakuha pa sila ng place sa National K-pop Competition. Kahit kakaunting araw ang nakalaan sa practice nila, nakakakuha pa rin sila ng place. 

Bumalik ang tingin ko kay Alana. 

"Pakisabi, Congrats⁠—"

"Nakita mo rin, Felip?" Alana's eyes went big and her jaw dropped. Then, she looked at me. 

"Nakita niya video ko?" I whispered. Alana nodded. She reaches her phone to me and said, "Naririnig ka niyan, umayos ka." 

I am having doubts about it. Whether should I take it or not. There are instances that Alana would prank me, making it look like that the call was for me or the person was really looking for me even if it's not.

I stare at it for seconds and released a heavy sigh. 


"Ba't hindi pa kayo umuuwi? Anong oras na?"  

Those were the first words that Felip said as I put Alana's cellphone to my ear.  Akala ko kakamustahin niya na muna ang sayaw. 

His voice sounds weary. 

"Nag-lalakad na kami palabas," I replied. He didn't answer back so I came up with a topic. Just to check if he's already sleeping. 

"Pres, itutuloy pa ba natin 'yong breakdance?" Baka sabihin niya na 'I lack common sense' dahil tinanong ko pa 'yan. 

"Oo. Mas na-execute mo pa ng mabuti kaysa sa akin," he said. 

"Kamusta pala? Kailan kayo uuwi?"

"Kakarating ko lang sa condo ng kaibigan namin. Alas tres ng hapon ang nakuha kong available flight pauwi. Sayang nga, eh. Hindi ko mapapanood sayaw niyo."

"May mag-vivideo naman bukas. Mag pahinga ka na muna ngayon. Ah—Hey!"

"Akin na nga 'yang cellphone ko, mauubos load ko dahil sa'yo. Hindi pa 'to nakaregister," sabi ni Alana nang hugitin ang cellphone niya mula sa kamay ko.

"Bye Felipe. Ingat ka pauwi." And she ended the call. 

"Kung gusto mo makausap si Felipe, i-add mo sa Facebook. Ang tagal niyo nang magkakilala hindi mo pa friend." Dapat ba ganun?

"Alana. Sabi mo wala ka load?" painis na tanong ni Cora kay Alana. 

"Ah, ano kasi." Umiwas ng tingin si Alana. Napakamot siya sa ulo. 

Naumpisahan nanamana ng pagdedebate ng dalawa habang ako naman ay naipit sa maliit nilang problema. 

Nakarating rin kami sa kalsada, unang nag-paalam si Cora nang makita namin ang nag-iisang maitim na kotse nakaparke sa tapat ng 7/11.

"Dito na ako, Ingat kayo," paalam ni Cora. Kinawayan namin si Cora hanggan sa nakapasok siya sa loob. Sakto, may parating na tricycle, agad naman ito pinara ni Alana.  

"Bye, darling!" Paalam ni Cora sa akin bago siya sumakay dito. 

Ako naman ay kailangan pang tumawid sa kabila para mag-antay ng jeep.

________________________

As soon as I got home, I immediately change my clothes and wear my white sando and chibi fire pajamas that were hanged on my chair.  Tinatamad na ako mag-hilamos tsaka wala naman akong nilalagay na skincare tuwing gabi.

I jumped on my bed and remembered what Alana said. I left my cellphone here, on the tabletop, charging this morning and I forgot to bring it today. I opened it and searched Felipe's name on Facebook. 

Limang account ang lumabas. Famous, ah? O kaya siguro gumawa 'to ng apat pang account para ma-gift ang sarili sa Pet Society o sa Farmville. 

I added Felip Jhon Suson that has 516 mutual friends. I chatted him, making sure if it's him. Minutes later, there was no reply. 

I put my phone on my tabletop. I was about to reach for the end of my blanket when I heard a loud ding notification. 

He replied. So I replied back. 

Dapat "Sige, seen pa," ang irereply ko, pero inaantok na ako para ayusin ito. Nag-sayang lang ako ng oras, na dapat kanina pa ako natutulog. Ilalapag ko sana ang cellphone ko sa tabletop na katabi ng kama ko nang nakita kong tumawag si Felipe. 

Gabing-gabi na, magvi-video call ka pa? 

Sinagot ko agad para tanungin kung anong problema niya. Inaantok na ako, marimar!

"Bakit?" Mabilis kong binaliktad ang camera screen ko nang makita ko ang haggrado kong mukha nakabungad sa screen.

"Ah, napindot ko lang," kalmado niyang sagot. Hinintay ko i-end call niya ang videocall, pero wala man nangyari? Napansin ko na hindi pa rin siya nakabihis.

"Uh, pwede na ako matulog?" I asked in an awkward tone. He didn't answer. Parang may pinapanood siya sa baba. Nakalimutan niya ata na may kausap siya ngayon. 

"Ano meron, Felipe?" tanong ko. 

"Performance namin," matipid niyang sagot.  

Edi pwede ako nalang mag-end call nito? 

"Joke lang, hindi 'to performance namin. Backflip video mo'to. 'Yong sinend ni Cora sa gc." 

"Kanina ka pa niyan, ah?" Natapos rin siya sa pinapanood niya, binibigay niya ang cellhpone na hawak niya sa kasama niya sa condo. 

"Ba-ba't? Bakit may copy kaibigan mo?!"

"Lowbat ako kanina, eh. Shi-nare it ko na muna sakanya. Pre, oh," kalmado niyang sabi. Kinuha rin ng may-ari ang cellphone. 

Napunta rin ang tingin niya sa kanyang cellphone screen.

"Uy, magkaiba tayo ng bwelo," banggit niya. 

"Luh. Pati ba naman 'yon mahahalata nila?" Felipe chuckled and looked again at his screen. 

I remembered. Kwento ko sakanya ang nangyari kanina. 

"Alam mo ba—" 

"Hindi. Hindi ko pa alam," he let out a small laugh and moved a little away from the screen.

"Ha-ha. Marunong pala school guard natin magback-flip! Sakanya ko nakuha 'yong patigilid na pag-talon, kung napansin mo, kaya hindi pareho ang bwelo natin," I explained. Medyo na-excite ako magshare sakanya lahat nangyari simula pagkaalis niya. 

Mukhang namangha rin si Felipe sa nasabi ko. 

"Sabi ni Mike, na-master mo rin 'yong pag krump ko. Nilalagyan mo daw minsan ng chest bang at pop pag adlib." 

Kailangan, eh.

"Pasok na ba ako sa AMIGO7?" He lost it. Napabuka ang bunganga niya kakatawa sa sinabi ko. 

"Aalis ka ngayon? Nakabihis ka pa, eh." I quickly changed the topic. Ayaw ko pinag-uusapan ako, minsan nahihiya ako pag ako ang topic. 

Napahawak siya sakanyang kwelyo. "Ah? Ah!" Na-gets niya ang sinabi ko, "Hindi pa ako nakakabihis," he added. 

Nilapit mukha niya sa screen at para bang may hinahanap siya sa kwarto ko.

"Kwarto mo 'yan?"

"Oo, bakit?"

"Ang puti. Pati kumot mo, puti rin."

"Felip, antok ka na yata." Kung anu-ano na ang pinagsasabi mo. 

"Ang daya mo. Ako nakafront-cam, ikaw hindi," reklamo niya. 

"Pati ba naman 'yan?" 

"Dali na—"

"11 na, Felipe—"

"Madali lang naman, may tinatago ka, no?"

"Ha? Eto na. Eto na. Huwag ka magugulat, ha," pabiro kong sabi. Nang mapindot ko ang 'Flip camera' button agad ko ginilid ang cellphone ko sa aking kanan.

Tumawa ito dahil sa mabilis kong pag-panic. Nakita niya ata ang puyat kong mukha. 

Ngumiti ito na parang tanga, "Pati suot mo puti rin. Mahilig ka talaga sa puti, no?" 

"Satisfied, dear? Can I sleep now?" I pleaded. A loud yawn came out fro my mouth. He nodded. 

"Hmmmm. Sige. Matulog ka agad, ha? 'Wag na mag-cellphone," he said.

"Opo, daddy," patawa kong sabi.

"Goodnight, Felipe. Mag-pahinga ka na rin," I farewelled. I saw him smiled. 

"Goodnight," and he ended our call. 

Napahinga ako ng maluwag. 

Shet, ang gwapo niya dun.

Pagkatagilid ko sa aking kama, nag-chat pa ito. Kala ko ba tapos na ang usapan namin? 

________________________

"Let me hear the roars from Gryffindor!" A teacher hyped each team for the Olympics. Nag-ingay ang team namin, the Gryffindor. Natapos rin ang foot parade mula sa Padigan Park papunta sa school namin.

The first day of the Olympics—Nauna ang pagb-bless ng mga gagamitin na bola at equipment para sa laro. Running of Olympic torch followed then the flag raise—natapos din ang preliminaries. 

For this morning, Pep Squad at Dance Sport ang gaganapin. Mamayang hapon naman ay sabay ang lahat ng sports-girls mag-lalaro, mapa outdoor games man o indoor. Matatapos ang araw ngayon sa Last Dancer Standing.

Pep Squad at Last Dancer Standing ang pinagkakaabangan at pinagkakaabalahan ng karamihan. Bukas naman igaganap ang Mr. & Ms. Olympics pati na rin ang mga sport-boys. Sa ikatlong araw naman ang Coronation Night at second games. Sa pang-apat araw naman ay ang finals at ang pinakakahihihntay ng tug-of-war. Sa Saturday naman ang Awarding at ang Vitcory Ball. 

Pumunta ako sa unahan ng stage, malapit sa mga judges. Malapit na sila Alana magperform, kaya sa akin nila pinapavideo ang sayaw. Sa huli, hindi sila nanalo dahil mas magaling ang Peer Counselor's Organization. Siguro mas mahal ang binayad nila sa dance instructior, kaya ganun. 

Nag away-away pa sila bago  mag-simula mismo ng performance dahil magkakaiba ang costume nila. Nakuha nila ang 2nd place. At least nakapasok sila sa Top 3, diba?

The morning event ended. Nag-isang round muna kami ng PAS para sa Last Dancer Standing dito sa field bago kumain ng lunch. Dinistribute ang mga costumes na sususotin namin para mamaya at nag-singilan na kung sino pa ang hindi nagbabayad kay Mike. 

Nandidito ang mga babae para manood ang performance namin. Sinabay ko na ng breakdance sa huli at nagawa ko ang tatlong backflip. 

"Grabe, four days, Ash! Four days mo pinag-aralan," namamangahang sabi ni Mike. 

"Sila Kris nga isang araw lang," sabi ko. 

"Sino kaya nag-turo sa'yo?" Tanong ni Kris. Lumapit sa amin si Alana at tinaas ang kanyang kamay.

"Sino pa ba? Me! The one and only mentor!" At pinagtawanan lang siya ng mga lalaki.  

Natapos ang umaga namin puro tawanan, asaran at kwentuhan. Sabay kaming kumain ng PAS sa canteen at kinantyaw pa nila si Cora dahil naging tigre nanaman ito kanina sa pep squad. 

"Astrid, right? Ikaw ba si Astrid Suarez?" May babaeng tumapik sa likod ko, nag-subo muna ako ng isang kutsara bago ako tumalikod. Nakasuot ito ng soccer jersey namin. Tumingin ako agad kay Alana na nasa kaliwa ko at binalik ang tingin ko kay ate. 

"O-opo. Ako po 'yon," sagot ko sa senior ko. Kabatch niya sila Cora pero iba ang section nito. 

"Mag-wawarm up na tayo sa field. Ala una daw magsisimula unang laro natin," sabi niya. 


Patay. 


"Hey Vivianne. Astrid can't play," mataray na sabi ni Alana sa babaeng kausap ko. 

"Bakit naman hindi?" Tanong ng aking senior kay Alana. Hindi nakapagreply si Alana nang maalala niya na bawal pala ipaalam sa iba na ako ang ipapalit kay Ken. 

"I mean, you did sign up for this, right? Huwag ka mag-aalala, sa substitute ka namin nilagay. Lalabas pasok ka lang naman sa field," kalmadong sabi ni Vivianne. 

Of course sa substitute niya ako ilalagay, dahil ni isang practice namin hindi ako sumipot. 

Inubos ko agad ang kinakain ko at nilaklak ang baso na puno ng tubig. Binigyan ko ng pag-aalalang ekspresyon si Cora bago ako umalis. 

"See you later," sabi ko sakanila. Hindi pa ako ganun kalayo sa table nila, narinig ko ang pag-hihiyaw nila Mike sa akin.  

Inagaw ni Vivianne ang atensyon ko, "'Yong jersey mo nasa sakin. May spike shoes ka na ba?" seryosong tanong niya. Inaasahan niya na sasbaihin ko 'oo', pero hindi ko talaga ito pinaghandaan. 

"Ah, wala pa po ako spikes." Napalaro siya sakanyang dila at ngumiti ng sapilitan. 

"Sige, makakahiram naman tayo sa boys. Sorry, kung pinilit pa kita. Isang malaking difference sa final score kung babawasan pa tayo ng point dahil may kulang na isa." 

Nainitindihan ko naman siya, saka uupo lang naman ako buong hapon, diba?


Sa bawat hakbang ko papunta sa field, pabigat ng pabigat ang nararamdaman ko. 

"Nag-lalaro ka ba ng soccer dati?" Panay bato ng tanong ni Vivianne sa akin. Kung ako ay kinakabahan para sa laro, siya naman ay mukhang kinakabahan para sa akin—baka sakaling masira ko ang laro. 

"Sa dati ko pong school. Naglalaro rin ako dati ng volleyball at chess," sabi ko. Baka sabihin niya na ang lakas ng loob ko magpakita ngayon dahil may binatbat pala ako. 

Actually, wala po. 


Nakabihis na ako sa jersey namin. Mabuti naman ang pakikitungo nila sa akin kahit hindi ako ngayon ko lang sila nakilala. Hindi pa rin natatapos ang pagbabato ng tanong nila sa akin tungkol sa paglalaro ko ng soccer ko sa dati kong paaralan. 

Kaya shinare ko naman ang kaunting experience ko. Forward ang posisyon ko dati. Forward ang striker ng team, taga score at nasa gitna ng field ang posisyon. Alam ko rin ang gagawin pagdating sa foul. Of course, alam ko rin ang flow ng game. Laging may palaro sa dati kong school at madalas sa soccer ako nililista ng mga dati kong kaklase. 

Dumating rin ang opposing team, ang Ravenclaw. Sumunod naman ang referee at ang scorer. Hindi nag-tagal tinawag kaming lahat para sa flipping coin, kung saang goal base ang gusto namin, napili ni Vivianne ang heads at heads ang lumabas. 

Tinuro niya agad ang goal base na malapit sa amin, dahil pinapaniwalaan ng lahat na swerte daw ito. 

"Gryffindor sa first goal base, Ravenclaw sa second goal base. Okay na ba ang lahat? 5 minutes nalang, magsisimula na tayo," banggit ng referee. 

I felt relief when I learned that Vivianne has great experience in soccer. She always competes in FutSal. Nakakawala rin ng kaba, dahil may magaling rin na manlalaro sa amin. 

Pumasok na ang goalkeeper at sampung players namin sa field habang ako naman naiwan sa bench kasama ang isa pang subsitute. Mukha siyang geek, nakalabas ang braces nito, naka suot pa ng eye glasses at nakabraid ang buhok. 

"Soccer rin ba ang last option mo?" Tanong ko sakanya. 

"Huwag mo akong kausapin," mataray nitong sabi. Mas mataray pa 'to kay Cora!


So far, naka isang score palang kami dahil kay Vivianne. 1-0. Nasa half game na kami, 45 minutes pa para matapos na ang laro. Bale 45 minutes na rin ako nakatunganga dito habang ang katabi ko naman ay kanina pa nangungulangot. 

Napapikit ako sa pagkahikab ko. 

Narinig ko ang hiyawan ng kabilang team. Nakascore ang kalaban at natamaan sa mata ng bola ang goalkeeper namin. Pumito ng maraming beses ang referee at gumawa ng ekis gamit ang kanyang kamay, meaning time out.

Sumisigaw ang team ko ng "Yellow card!" at tinuturo ang babaeng maiksi ang buhok. Pero hindi ito binigyan ng referee.  

Tumakbo ang mga kateam ko sa goalkeeper namin. Kinawayan ng referee ang medics at agad naman sila rumesponde. Nasa kalahati palang ng laro, wala na kaming goalkeeper. Naghiyawan at nagismulang magselebra ang kabilang team. 

Nakita kong inalalayan ni Vivianne ang goal keeper namin sa wheelchair habang may hawak itong yelo sa kanyang mata. Tinuro ako ni Vivianne with her two fingers and made a 'come here' hand signage. Tinapalan niya ang kanyang pantaas ng yellow neon shirt. 

Sinuot ko agad ang spike shoes ko at sinintas ito ng mabuti. Tumakbo ako palapit kay Vivianne. Hindi na ako nag-tanong kung bakit ano pinili, hindi ang kasama ko.  

"Ikaw muna ang pumalit sa akin," kalmadong sabi nito habang sinusuot ang soccer gloves. 

"Forward ka dati, diba?" Tumango ako. 

 "Mag-ingat ka sa babae na 'yon, 'yong feeling may etits." Tinuro ni Vivianne ang babaeng maiksi ang buhok gamit ang nguso niya.

"She plays dirty. Sinasabunutan niya ako tuwing inaagaw niya ang bola sa akin,"  sabi ni Vivianne. Inayos ko ang buhok ko from ponytail to bun.  Tignan natin kung makukuha niya pa buhok ko. 

"Give your best, champ," tapik nito sa balikat ko. Mahina niya akong tinulak paabante, saka ako tumakbo sa gitna ng field. 

Lumakad ang referee pagitan namin, dala niya ang bola at nahakanda ang pito niya. Tumingin naman ako sa kaharap ko, ang kalaban namin. Etong tomboy na 'to ang nagpablack eye sa goal keeper namin. Pangisi ngisi ito at ang yabang niyang tignan. 

"Isang sipa lang 'to, tumba na 'to," pagmamayabang niya sa  likod. Ako ata tinutukoy niya. 

"Kala mo magmumukha kang astig sa pagiging tomboy mo? Babae ka pa rin. Sis" Diniin ako ang huling salita. Nainis ito at aktong susugurin ako nang hinarangan ito ng referee.

— Hi! You can skip this boring part, if you want to. —

"Gusto mo ng red card?" seryosong tanong ng referee sa tomboy. Tumahimik ito. Pag nakakuha ka nng red card, hindi ka na pwede makalaro pa sa loob ng field.  Makukuha niya ang red card pag naka dalawang yellow card ito mula sa referee. 

The game continued. Nakuha agad ng tomboy ang bola at aaminin ko, mabilis nga ito tumakbo. Sinubukan kong habulin siya at harangin para ma -agaw ang bola nang siniko niya ang leeg ko at napaupo niya ako sa lupa. Nalusot niya ang middle field at nang masipa niya ang bola, nakuha naman to ni Vivianne. 

I sighed with relief. Paano ito natapatan ni Vivianne? Para siyang nakatakas sa kulungan simula nung ako ang pumalit kay Vivianne. 

I inhaled deeply and exhaled. Limang minuto palang ang nakalipas. Kung uulit ulitin ni tomboy 'to, paniguradong matatalo kami. 

Habang tumakatabo kami pabalaik sa posisyon at hinintay ang sipa ni Vivianne, sinabihan ko ang dalawnag middle fielders na harangin 'yong tomboy at 'yong tomboy lang. Napansin ko na siya lang tigre sa team nila habang ang mga kasama niya naman ay parang mga kuting. 

They're harmless. 

Tinignan ko ang isang forward sa malayo, hindi ko to masasabihan ng plano ko. Tumingin ito saakin at tinuro ko ang goal ng kalaban gamit ang mga mata ko at nakuha niya agad.  

Pagksipa ni Vivianne, nasalo ng isang middle fielder namin at pinasa sa akin since ako lang ang open at hindi pinalibutan ng mga kuting. Nang makuha ko ang bola, sumugod ang mga kuting sa akin lalo na ang tomboy. Hinarangan agad ng dalawang middle fielder ang tomboy tulad ng sinabi ko sakanila at nakita kong kumaway 'yong forward sa likod, na ibig sabihin nun ay open siya. 

"DITO!" sigaw ng goal keeper ng kalaban. Umalerto ang tomboy at tumako palapit sa kateam kong nagaantay sa dulo. 

Inaasahan nila na ipapasa ko ang bola sakanya kaya siya ang binantayan ng karamihan hanggan sa sinipa ko ang bola at nakapasok ito sa net. 


2-1.


Masyadong predictable ang galaw ng mga babae, kaya wala nanonood ng soccer girls dahil boring ito. 

"YES!" Isang malakas ng sigaw ang narinig ko mula kay Vivianne. 

Humarap ako sa direksiyon ng referee at ng scorer. Tinuro ko ang wrist ko, tinatanong ko kung anong oras na o ilang minuto nalang ang natitira. Rumesponde naman ito ng '25' gamit ang kanyang dalawang kamay. 

Hay, matagal tagal pa. Pero pagod na ako tumakbo. Unting nauubos ang stamina ko.

"Sabi ni Vivianne, kung kaya mo pa daw makascore ng isa," sabi ng kateam mate ko pagkatapos niyang tumakbo palapit sa akin. 

'Yan rin ang iniisip ko bago gawin ang huling strategy. 

Ang huling strategy tuwing naglalaro kami ng soccer ay pag kampante na kami sa leading score namin, pinapalabas nalang namin ang bola, o pinapa out. Pinapatay nalang namin ang oras. Dahil kahit nasa labas ang bola, tumatakbo pa rin ang oras di tulad sa basketball.  

Tumango nalang ako. Tinitira ko pa ang energy ko para mamaya sa sayaw. 

Nang sinipa ng kalaban ang bola, nawalan ako ng lakas sumigaw kaya katabi ko lang ang nasabihan ko ng, "Defense."

"Ha?"

"Defense!" turo ko sakanya ang bola. Isa man 'tong kuting. 

"Ba't di mo gawin?" Aba, sumagot pa. 

"Pagod na ako," sabi ko.

"Ha?"

"Isa pang 'ha?' at hahambalusin na kita!" Tumigil ang pagtatalo namin nang humiyaw ang kalaban namin. Naka-score sila?


2-2. 


Fudge, dapat hinabol ko nalang. 

"What was that, Suarez?!" Vivianne yelled out of frustration. 

Sinipa niya ng napakalakas ang bola. Binigyan ko ng senyas ang isang forward, tumango ito. Nakuha ko ang bola mula sa pagkasipa ni Vivianne. Sinugod muli ako ng tigre at ng mga kuting.

Sinubukan ulit ng dalawang fileder harangin ito, pero ano pa nga ba, you can't use the same strategy twice. 

Nalusutan niya ito at sinugod ako ni tomboy. 

Sinusubukan niya ang makakaya niya para makuha ang bola sa paa ko pero nalusutan ko siya muli. Hinugot niya ang kamay ko papunta sakanya at muntik pa ako mapadapa. 

"Sumusobra ka na, ah!" This girl is running into my nerves!

Nakapa ng kamay ko ang dibdib niya ng aksidente, naramdaman ko na wala itong foam, napangisi ako. 

Kinurot ko ang kanang dibdib at napa-aray siya. 

"Foul!" Turo niya sa akin. At binigyan ako ng yellow card ng referee. 

Hindi ako nakunteto sa ginawa ko at pakielam ko sa yellow card na 'yan. Naalala ko ang ginawa niya sa goal keeper, kaya kinurot ko naman ang kabilang dibdib niya gamit ang isa kong kamay. Napaluhod siya sa sakit, gigil na gigil pa rin sa ako ginawa niya. 

Pinasa ko ang bola sa nagaantay na forward sa dulo, na akala ng lahat ako ang malakascore. Napasok niya ang bola sa net. 

3-2. 

Tumingin ako ulit sa scorer at tinanong ang oras. 10 minutes. Sampung minuto nalang at matatapos na rin ang game, sa wakas.

"Ilabas niya lang ang bola!" Sigaw ko. Sa loob ng sampung minuto, pinapalabas lang namin ang bola para patayin ang oras. 

— Skipping part, ends here —

Sa muli, napasa akin ang bola, nakita ko ang tomboy galit tumaktabo palapit sa akin nang sipain ko ang bola sa kanan ko, at napansin ko na hindi ito lumiko kundi sinipa niya ng malakas ang binti ko. 

Napahiga ako sa sakit. 

"Hala! Sorry! Kala ko bola!" Pagmamakaawa niyang sabi at nugmiti ang demonyo pagkatapos. 

Bago ako lapitan ng mga kasamahan ko, natapos na ang laro at kami ang panalo. 

Napahawak ako sa binti ko, napapulupot katawan ko dahil sa sakit.

"How cheap! Get ready for Guidance, bitch!" Narinig ko ang boses ni Cora sa malayo. 

"Ikaw! Ikaw! Ikaw! Oo, ikaw!" Sumunod naman ang boses ni Alana. 

"Kaya ka hindi nakakapasok sa palaro dahil sa bylok mong ugali! Dapat disqualified ka na, eh! Diba dapat sa Men's Soccer team, ka? Ay, oops! Babae ka pala!" 

Sasampalin na sana si Alana nang makuha niya ang kamay nito, "Ituloy mo! You can't? Make my day, SIS!" 

Sinabunutan ng demonyo si Alana, napakapit naman si Alana sa buhok nito at kahit napakaliit ang buhok nito, mahigpit niya ito hinawakan saka sila nagsabunutan sa lupa. 

Kalahating umaalalay sa akin ay pumunta kila Alana para pag-awatin sila. 

Dumating si Vivianne at inalis ang suot niyang soccer gloves. Tinanggal ng mga kasamahan ko ang spike shoes ko. Pinatong niya ang kamay ko sa balikat niya at inalalayan ako maglakad paalis sa field.  Dahan-dahan niya ako nilagay sa upuan. 

"Medics! Medics!" sigaw ng isa naming kasama. Dumating agad ang medics. Binaba nila ang suot kong mahabang medyas. Pinanood ko sila while they're doing their work. 

My teammates reacted when they a violet-reddish strain on my shin, the front part of my leg. Nasakop ng pasa ang buong binti ko. 

Inispray-an nila nito ng Volini, to relieve the pain. "Pakidagdag pa po ng spray," I plead. Kumikirot lalo ito sa sakit. 

Lumapit sila Cora at Alana nag-aalala sa akin.  Dumating ang wheel chair at inaalayan nila ako umupo doon.

"Diretsyo na tayo sa clinic," tanong ng medics sa likod ko hawak ang push handle ng wheelchair.

Sa clinic? Paano 'yong?

"Hindi -Uh, wait po." Nahinto ang pagtutulak niya. 

"Pwede po mga kabigan ko nalang sumama sa akin papunta doon?" Request ko. Sinundan ng tingin ng medics ang turo ko sa likod. Binigay niya ang push handle kay Cora. 


Mamaya na ang Last Dancer Standing. Paano 'to?


Malalim ang pag-iisip ko habang tinutulak ni Cora ang wheelchair ko nang biglang kumanta si Alana sa likod namin, "Ang de boto ni Hesus~" 

Pota ka Alana, lahat tuloy ng atensyon napunta sa amin. Napagkamalan tuloy na may maikling prusisyon o kaya may lamay. 


"Idala mo ako sa CR." 


Hindi huminto si Cora sa pagguguyod. Nakuha niya ang pakay ko. 

"We're going to the clinic, dear. Doon ka nalang mag-cr," Cora replied. 

"Cora, please." 

Hindi siya kumibo. 

"Pinaghirapan ko 'to. Ngayon na 'to. Gusto ko talaga sumayaw," nag-simulag pumatak ang mga luha ko sa aking palad.

Ilang araw ako nag-puyat para panoorin ang 5-minute video gabi-gabi. Ilang oras din ako nagbalad sa araw para lang makuha ang walangyang thirds phase na 'yan. Why would I let my four days of overnight practices go to waste?

Napabuntong hininga si Cora. Ramdam ko ang paghigpit ng hawak niya sa push handle. Niliko niya ang wheelchair papunta sa CR ng HS campus. 

Pinasok ni Cora ang wheelchair sa loob at nilock ni Alana ang pintuan.  

"Dear, you may dance. But I do not allow you to do the stunts," seryosong sambit ni Cora, napakrus ang kanyang braso. Hindi niya inalis ang kanyang tingin sa akin.  Inalalayan ako ni Alana pumasok sa cubicle para mag-bihis.

"Oh c'mon, Cora. Ngayon lang naman 'to." Singit naman ni Alana.

"Talagang susuportahan mo pa ang trip ng kaibigan mo?"

"Partly yes. Ayoko naman magsisi si Ash dahil dito." 

"Why did I let myself be part of this," Cora whined. 

Hinayaan nilang dalawa marinig ko ang usapan nila.

"Who texted you?" Cora asked Alana.

"Mike. Hinahanap na si Ash. Ash, double time!" Nahihirapan ako mag hubad ng pambaba nang binuksan ni Alana ang pinto ng cubicle ko. Nakita niya akong naka cycling shorts at nakabra lang. 

"Alana!"

"Ano akala mo? Meron rin ako niyan."  

"Tulungan ka na namin mag-bihis, kung gusto mo pa sumayaw," Alana added. 

Hindi na ako nagreklamo pa. Kinuha ni Alana ang mga gagamitin kong damit mula sa bag. Kinuha niya ang binder at inikot niya ito sa dibdib ko.

Dinala ko 'to dahil nakikita ang hugis ng kababaihan ko sa t-shirt na susuotin namin. Mahigpit niya ito sineal sa likod at sinuot ko agad ang itim na shirt. Nasuot ko na ang army green cargo pants. Nilabas ni Alana ang familiar na spray mula sa bag niya. 

Ang Volini Spray.

"Please don't ask how I got this," Alana said. 

Inubos niya ang pain killer spray sa pasa ko habang inaayos ni Cora ang buhok ko. Napakalinis ang na hair bun ang ginawa niya at nilagyan ng maraming hair pins. Kinuha niya ang hairspray sa bag ko at tinakpan niya ang mata ko para hindi malagyan.

At ang huli naman ay ang bucket hat na hiniram ko kay Alana. Nilagyan ni Cora ng maraming hair pin ito para hindi daw mahulog. 

Natapos ang makeover namin. 

"Try mo tumayo," utos ni Cora. 

Sinubukan ko tumayo mula sa wheel chair. Muntik ako mahulog pero naagapan ko naman sarili ko. 

"How are you feeling?" Alana asked.

"Masakit pa rin—" Sumingit si ALana. 

"Idala ka namin doon nakawheelchair. Kung papalakarin ka namin baka hatinggabi na tayo makaabot doon," sambit ni Alana. Sinuot ko ang army green na bomber jacket at pari na rin ang itim na face mask. 

I nodded at mabilis tinulak ni Alana ang wheelchair papaunta sa Gymnasium. Tumakbo naman si Cora sa tabi namin habang hawak niya ang mga gamit ko. 

"Make way for Ast-Ken! Si Ken 'to! Tabi, mga hamapaslupa!" May mga araw talaga na nakakahiyang kasama si Alana. Pero lahat naman ito ginagawa niya para s aakin. 

Si Cora at Alana lang ang nakakaalam tungkol sa akin. Kaya sila rin ang mas nagaalala ng grabe. Tumayo ako sa wheelchair ko at pumasok kaming tatlo sa backstage. 

"A-Ken! Tayo na ang susunod! San ka nagpunta, pre?" Kumaway si Mike sa amin. 

Tinaas ko lang ang kamay ko habang nasa tabi ko si Alana at Cora. 

"Ba't paika ika si Ken maglakad?" mahinang sabi ni Mike kay Alana.

"Ewan, kakatuli niya lang sa baranggay," seryosong sabi ni Alana. 

Naguluhan si Mike sa sinabi ni Alana kaya kay Cora naman siya nag-tanong, "Cora? Ano nangyari?" 

"Will you stop talking to me? I'm tired," Pag-iiwas naman ni Cora sa tanong ni Mike. 


"Bakit parang wala kayo sa katinuuan ngayon?"


Maraming mananayaw nangamusta sa akin tungkol sa competition ni Felipe sa Manila. Tinanguan ko nalang sila. May mga naki-apir sa akin kahit paika-ika ako mag-lakad. How can they not notice this? 

I reunited with the PAS. They started calling me, "Ken" as soon as I join in. Before Alana left, she whispered in my ear, "Break a leg!" 

She paused and realized something, "No—I mean, not literally. Please don't break your leg, As-Ken!"

Both of them left and Mike arrived looking puzzled. He sensed something's going on. 


We are the second group to perform, thank goodness. Makakapahinga rin ako. 

Bago banggitin ng host ang club at team name namin, gumawa kami ng malaking bilog para mag-dasal muna. 

"Lord Almighty God, we thank you for giving us this wonderful opportunity, despite having several conflicts and misunderstandings, you let us perform as a team. Thank you, because without your guidance hindi namin po 'to maabot. Lord, guide each of us na sana hindi namin makakalimutan ang mga prinaktisan na steps, sana hindi rin makalimutan ang lyrics." Mike lead the prayer since he became our attending leader. Eto mismo ang ginagamit na dasal ng PAS bago mag-perform. 

"At sana walang maaksidente," tumingin muna si Mike sa akin,  bago ituloy ang susunod na pangungusap. 

"Lord, our performance is not only for us but also for the people, for our family and for You. We thank you for giving us a chance to rock this stage once again. In Jesus Name."

"Amen." We all said in chorus. 

"After 3," nilagay ni Mike ang kanyang kamay sa gitna, sinundan naman ng mga lalake at ako ang huling naglapag. 


"1, 2, 3. PAS!"

End of [8]



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro