Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

[6]

You can listen to this song while reading this chapter, enjoy!

[𝟔] 𝐒𝐭𝐮𝐫𝐦𝐟𝐫𝐞𝐢

"Expect nothing. Appreciate everything."
- Pinterest

________________________
𝐀𝐬𝐭𝐫𝐢𝐝 𝐒𝐮𝐚𝐫𝐞𝐳

"DEAR, what happened? You look sweaty as hell!" Nagulat si Cora nang makita niya akong haggard. Ngayon ko lang narinig ang salitang 'hell' mula sa bibig ni Cora. Cora mostly used formal and proper words, even though she's speaking with her closest friends. 

Lumapit ako sa tenga niya at binulong ako sakanya na "Huwag ka magpapahalata, nasa pangalawang table ang staff ng ShowBT at nasa pangtalong table ang SB19."

After a minute, lumingon ito sa direksiyon sa table ng SB19 at kunwari hinahanap niya 'yong air-condition. 

"Where the hell is that fcking aircon," Cora's acting skill is a lot worse than I thought. Nang makita niya ng mabuti na sila nga 'yon, tumingin ito sa akin agad. Napanganga. 

"Ano 'yan? Ano tinatago niyo?" Malakas na tanong ni Alana habang niluluto niya ang huling batch ng meat namin. 

I sushed at her and I pointed my finger at our right. 

"Sb19" I mouthed.

"Maya ka na tumingin, huwag ka magpapahalata," mahina kong sabi. 

Aba at tumingin agad ang loka.

Napa-react kami ni Cora sa aksyon ni Alana. Jusko, kung hindi ko 'to kaibigan hinila ko na ito palabas, kagaya sa paghila ni Ange Locsin kay Mochua Uson. 

Nung una hindi niya na-gets ang tinutukoy ko kaya sumingkit ang mga nito habang may  hinahanap siya sa kanan namin. Isang minuto niya ito tinignan at isang minuto rin ito nag-process lahat sa isip niya kung ano ang tinutukoy ko talaga. 

"Sb19 'yon-Ah!" Napahawak ito sa kanyang bibig at tumingin sa amin. Napa-face palm si Cora. 

"Alana. Hindi ka talaga puwedeng taguan ng sikreto," seryosong sabi ni Cora.

"Shet," reply naman ni Alan sakanya. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nakikita niya. Mukhang na-gets na ni Alana ang ibig kong iparating. 

Sabi na! 

I knew it was Justin De Dios who was also jamming 'Dun dun dun' by Everglow with me. Sa brown niyang buhok, alam kong siya 'yon. 

All this time, they saw everything! To our embarrassing dares, to our out-of-tune singing, my dance, and our awful laughs. Sana hindi kami matandaan ni Tatang, baka ikansel niya ang offer na binigay niya sa amin. 

"Ken! Andito na 'yong cheese mo!" Sigaw ni Justin De Dios sakanya nang makita niya agad si Ken palabas sa corridor papuntang CR. 

Ramdam ko nasa likod ko siya kaya tumingin ako kay Alana. Nakatulala ang gaga, meaning si Ken nga 'yon!

"Ang tagal mo naman mag-cr, ihing-ihi na ako," naiinip na sabi ni Sejun. 

"Ah. May nilinisan lang ako." Muntik ako mabilaukan sa kinakain kong lettuce. 

"Okay ka lang, dear?" Kaya napatapik si Cora sa likod ko, tulad sa pagtapik ni Ken sa akin. 

Don't tell me, pinagkaabalahan mo pa 'yong lababo na sinukahan ko? Parang gusto ko mag-dasal ng rosaryo at walong novena dahil sa kakahiyan. Sana natanggal na 'yong amoy ng suka sa CR. 

Hindi na kami gumawa ng ingay o ano pang kababalaghan sa loob ng VIP room.

Kakagaling lang ni Sejun sa CR at narinig namin ang sinabi niya kay Ken, "Sumuka ka sa CR?"

"Ha? Hindi," sagot naman ni Ken sakanya. 

"Amoy suka 'yong CR. Hindi ako makaihi," sambit ulit ni Sejun at umupo siya sa tabi nito.  

Ayoko na, gusto ko nang umalis dito. 

"My dad is already here. I can take you guys home," singit naman ni Cora pagkatapos niya tignan ang cellphone niya. 

Our savior has arrived!

Agad agad kami nagpanik. Hindi na kami lumingon sa table nila o kahit humingi ng picture. Nag-bow kaming tatlo sa manager as a sign of 'thank you' for letting us use the VIP room, pati na rin sa maganda serbisyo ng waiters. 

----

Pagkauwi ko, dumiretsyo ako sa CR para maghilamos. Nakasuot na ako ng pajamas at binuksan ang lamp na nasa study table ko dahil handa na akong tapusin ang plates na kahapon pa ito nakatambak dito. 

Nang kunin ko ang iba't ibang Unipin mula sa pencil case, nawalan ako ng gana mag-outline. Siguro dahil pagod pa rin ang katawan ko. Kaya napagdesisyunan ko na bukas ko nalang ito ituloy. 

As soon as I got into my bed, I opened my phone and browsed Facebook, when Alana suddenly chat me. 

A notification popped on my cellphone's screen. "Look back to your memory, 5 years ago." Pag-pindot ko dito, lumabas ang isang video. 

A dance cover video that I performed at the Institute of the Arts. A Graded performance. It's me dancing to Beyonce's 7/11. 

Umabot rin pala sa 50k views.

Ip-play ko sana ang video nang shi-nare nito ni Alana, with a caption of: "Happy 5th Anniversary po." And I replied, "Thanks, fan *wink emoji"

I remembered that this was the video that Felip saw before we met, he even obliged Alana to bring me to the club.

 Another notification popped on my screen. 

Alana:
Olympics are coming. Anong sasalihan mo?

Me:
Soccer ulit.
I guess. 

Alana: 
Hindi ka sasali sa Last Dancer Standing?
Seen. 10:52 pm

Alana:
Alam mo, Ash. 
Namumuro na ako sayo. 
Isa pa
Isa pa talagang seen. 
Seen 11:15 pm

Alana: 
Okay. I signed Prisma up in Last Dancer Standing. 
Goodluck representing our course. 
Seen. 11:36 pm

Me:
Ipapasabak mo nanaman ang Prisma? 

Alana: 
Kayo lang.
Hindi ako kasama. 
Good luck, darling.
Seen. 11:48 pm

Since Felipe left, hindi na ako sumasali sa Last Dancer Standing. Siguro kasi walang papantay sa pagsasayaw niya at ng mga lalake sa PAS. I remember the days we had to stay overnight in the clubroom just only to teach me basic popping and how the boys took care of me while I was practicing to make three clean back flips. And I thank God for his patience for teaching me his style. 

Hindi ko rin alam kung pumasok sa kokote ko kung bakit ako pumayag, eh nakapasok na ako sa soccer HS Olympics team that day.

Hindi man pinagsasabay ang Olympics ng HS at College. Pero ito rin ang ginagamit nilang term tuwing sasapit na ang Intramurals.

Tumayo mula sa aking higaan. Hinanda ko na ang gamit na gagamitin ko para bukas at ang susuotin kong uniform. In-off ang lampara na nasa study table ko at pumunta na ako sa higaan ko. 

The last thought I had in mind ay kung anong oras ko tatapusin ang plates ko na bukas na hapon na rin ang deadline. 

________________________

"Ano pinili mo, Ash?" My seatmate asked after she passed the paper to our adviser. Being part of HS Olympics is a requirement for every student here in Technological Institute of the Philippines. A point will be added to our score in the final exams.

"Wala ako maisip, ikaw?" Matipid kong sagot. Sa totoo lang, ayaw ko sumali sa mga ganto. Mas gusto ko pang tumambay sa bahay at manood nalang ng anime. 

"Pep Squad. Dagdag 10 points 'yon sa exam." Excited nitong sabi. Mukhang mapapasabak 'to sa stunts, eh hindi naman ito dancer. 

Karamihan mga kaklase ko pinili ang sport/field na may matataas na points tulad ng Pep Squad. Isa na rin dito ang Last Dancer Standing, Mr. & Ms. Olympians at Foot Parade. 

Jackpot ka sa exam kung lahat 'yan napasukan mo. Kaso maximum ofdalawa lang ang pwedeng salihan. Chess nalang ang pipiliin ko, at least aircon 'yong gagamitin na room. At buong linggo nandoon lang ako, hindi pa ako napawisan. 

Isusulat ko sana ang 'Chess' sa papel ko nang sumigaw adviser namin, "Oh. Soccer girls at Basketball girls nalang ang kulang." 

Tangina. 

Soccer nalang kaya? At syempre maiiwan ako sa bench, diba mas okay naman yon. Kaysa naman sa basketball, matatamaan pa dede ko.

Sinulat ko ang soccer sa papel ko at pinasa na sa adviser namin. 3 months had passed, wala nang gaanong ganap nangyayari sa buhay ko. Nanalo kami ni Felipe sa R&B duet. At pagkatapos ng event, wala na gaano gumamit ng clubroom, busy na sila sa acads nila. 

Cora is still busy filing the requirements for the PAS' accreditation.

Alana wanted to focus her studies for now while still go clubbing at Hangover at the weekends. 

Felip? I think he has a tournament to attend. Cong Cup ata.

Nag kanya-kanya muna ang mga member at syempre,  alam kong wala ng gagamit ng clubroom. After the performance, namamalagi ako magpalipas ng oras doon  pagkatapos ng klase.

Sometimes I would talk with Prof. Steins and had a snack together at the canteen. We mostly talked about music and careers. Every two days, he would wear a different wig. 

In most cases, I would go back and forth to the faculty room, just to borrow the clubroom's key, but I found out that only the President and VP are allowed to borrow it. 

And I explained that only the clubroom I could kill some time since I don't have friends here.  And that's why Prof. Steins gave me his spare key, para hindi na daw ako mahirapan umakyat pataas sa faculty room at pabalik. May tiwala naman daw sa akin si Prof. Stein, basta huwag ko lang daw ipapahiram sa iba kundi malalagot ako.  

I entered the clubroom for the fifth time.

Nakakamiss rin pala ang ingay at kulitan ng mga officers, lalo na si Alana. 'Yong pressured days before Talent Show, at pag-aasaran ng mga fourth year students.

Fouth year na sila, mas marami silang inaasikaso dahil mga graduating students na sila. Busy sa thesis, sa major subjects at hinahanda na rin nila ang kanilang sarili para sa paparating na college entrance exams. 

Simulang umupo ako dito sa harap ng bintana, dito na rin ako laging pumepwesto.  Kadalasan dito ko na rin ginagawa ang  mgaassignemnts, minsan sinasayaw ko ang sayaw ko na nagviral sa Facebook, at minsan dito ko na rin ginagawa kanta ko. Kahit tutol ang magulang ko sa gusto kong pangarap, tinutuloy ko pa rin. 

May mga iilan na kanta na akong nagawa, pero hindi natatapos ang lyrics kaya naiiwan siyang hindi natatapos. Hanggan sa may maisip ako na bagong kanta at iiwan ko ulit na hindi tapos. 

"Felip?" May babaeng estudyante pumasok sa clubroom, pamilyar ang boses kaya ako napalingon sa aking likod. 

 Si Cora. 

She went straight to the steel cabinet at the back. She didn't ask what was I doing and how I got the key, yet said something else. 

"May I ask, Ash. Why did you let yourself be part of PAS?" The tone of her voice sounded cold and emotionless.

"Why'd you ask?" I replied.

She immediately answered, "Prof. Stein only gives a spare key to students he only trusted. Ano ang nakita ni Prof. Stein sa'yo?"

I shrugged my shoulders. "I just wanna kill some time hereafter class." Hindi na siya nakisumbat sa akin pagkatapos.

Bumalik ang atensyon niya sa pag-aayos ng mga papeles na nakabalag sa loob ng steel cabinet. Naisip ko rin na tulungan siya, kaso baka isipin niya na kaya ako nandito ako sa clubroom dahil may interes akong kunin ang ibang papeles. 

"I thought you were Felip at first because he mostly stays here after class, lalo na kung wala siyang practice," saad niya. 

"Napansin kong wala si Pres these days," I said to keep our conversation going. Ang awkward kung ang tahimik namin, feel ko sasaksakin niya ang likod ko. 

"He has a competition to attend to in Manila, with AMIGO7," sabi ni Cora. "Tapos na ata 'yong elimination round. He'll be back tomorrow." She continued. She's still browsing to their steel cabinet, compiling some documents, and putting it in her plastic envelope.

I heard her sighed and said, "Why I always do the work? And he does the glory? Habang ako inaasikaso ang requirements, siya naman pa-anime anime lang." Sa tingin ko si Felip ang tinutukoy niya dito. 

Naririnig ko pa ang iba niyang reklamo. She keeps blabbering that made me lose focus.

"Because everyone thinks you're more responsible to do it than anyone else?" I answered out of the blue. She didn't expect any response from me. But I answered. Para lang tumigil siya kakamuni sa likod. 

"Right."

And there was silence. Maririnig mo ang paglalaro ng mga estudyante sa labas. May isang grupo kumakanta ng Spolarium at Ang Huling El Bimbo. Hindi ko binuksan ang aircon, para makatulong tayo sa pagtipid ng kuryente. Bago pa makapasok si Cora sa clubroom, lhat ng bintana ay nakabukas, para pumasok ang hangin. 

Mas okay pa langhapin ang hangin kaysa gumamit ng aircon.  

"Alam mo Ash, I've been thinking about passing the position to you after we graduate."

Napalingon ako agad sa direksiyon niya. Ewan ko ba ang hilig nito mang-gulat, ko si Alana mahilig mang-hila, eto naman si gulat. 

"I can see why Felipe wanted you to be part of the club and why Prof. Stein already gave his trust to you. Might as well, turn over my position to you," she said. I only gave her a puzzled look, dahil wala ako naintindihan sa pinagsasabi niya. 

"Ano ang nararamdaman mo sa club, dear?" Dinugtungan niya ito ng tanong nang makita niya naguguluhan ako sa sinabi niya. 

"Hmmm." Kakaunting buwan ko palang sila nakasama pero feel ko isang taon na.

"After the Talent Show, a part of me wanted to meet more people like you. I see PAS as my second home. I'm starting to love this club," I directly said. 

"Sa totoo lang, kayo lang ni Alana at Felip ang nakakausap ko ng ganto. Na kaya ko iopen sarili ko sainyo. Maging komportable. I love myelf better when I'm with PAS," I continued. 

Parang kuminang ang mata ni Cora sa direksiyon ko nang sabihin ko ang sagot sa tanong niya. Ngumiti muna ito bago makapagsalita, "I know you can manage it, dear. Me and Alana are getting into college. Felip might get accepted on his audition. Time is short and gold."

Hindi ko alam kung ano nanaman ang gusto niya iparating, pero na-gets ko naman na malapit na sila gumraduate. Edi, ano ngayon? 

She grabbed all her stuff after organizing it in her envelope. Bago ito tumayo, nilinisan niya na munang kanyang eyeglass gamit ang panyo na kinuha niya mula bulsa ng kanyang palda at saka inayos ang kanyang palda at suot na necktie.  

Sinundan ko siya ng tingin hanggan sa makaalis siya sa clubroom, pero bago ito tuluyan umalis. Tumigil ito sa paglakad, at sabi, "If your heart want to speak the truth, then let it be. If something feared you, then it's worth a shot," then she left the clubroom. She left the clubroom with idioms that I cannot understand. 

I also remembered her saying, "To take full advantage of life's opportunities whenever and wherever they present themselves; to live life to one's full potential." Pero hindi ko na ito in-effortan hanapan ng meaning.

But I did ask Alana about it, and she said, "That Cora talaga. Is she a crossword or something? Ang dami pang sinabi, pwede naman sabihin, 'seize your moment'. Ay, nako."

___

Days had passed. There are only two weeks left for students to prepare for the incoming Olympics. Felip and the boys started their practice after he arrived from Manila. Wala nanaman siyang pahinga, pagkatapos niyang sumayaw sa Manila, sasayaw nanaman siya dito sa Zamboanga. 

They are preparing for the Last Dancer Standing, na kung saan lalagyan pa nila ng marmaing stunts, pitik moves at sandamakmak na surpresa. Mas pinaghahandaan nila ito kaysa sa Talent Show, since may dagdag nga ito sa grade. 

I often see them practicing in the clubroom which made me lose focus again. Some were also practicing their indoor sports here. For the first week, wala akong ginawa sa club kundi panoorin ang practice nila, to the point na alam ko na rin ang sayaw nila.

Nagpatahi ang soccer team ng jersey at nag-canvas sa medyas na gagamitin namin, nagpasukat rin ako ng jersey ko pero sa loob ng isang linggo hindi ako sumipot sa ni isang practice. Nakakatamad at ayaw ko mapagpawisan. 

On my free time, pumupunta ako dito minsan at inaahasan na wala sanang tao. As I opened the door with the spare key I have, I noticed someone hold the knob inside the room.

Nang buksan ito, si Felip.

Felip na pawis. 

Felip na nakatopless. 

"Paano mo nakuha yong susi?" Yan ang unang tanong na bumungad sa akin. 

"Bigay ni Prof. Steins?" Tinas niya ang kamay ko na kung saan hawak ko ang susi at tinignan ito ng mabuti. Tumango tango ito at binitawan din ang kamay ko. 

"Pwede mag t-shirt ka?" Sabi ko. 

"Mainit," tipid niyang sagot. Bumalik siya sa pwesto niya at nag-isip muli ng steps para sa kanilang sayaw. 

"Nadistorbo ba kita? May kukunin lang ako saglit-"

"Hindi man. Okay lang. You can stay," mabilis niyang sagot. 

Hinanap ko muna ang notebook na naiwan ko sa clubroom. Hindi ko naman actually kailangan yung mismong notebook, pero may nakaipit doon na kanta na tinapos ko kahapon lang. 

Sa harap ng bintana lang ako lagi nakapwesto, panigurado mahahanap ko iyong agad dito sa lamesa. O baka nakaipit lang sa iba kong notebook sa bag. 

Napabuntong hininga ako nang makaupo rin ako. Sumakit yata batok ko kakayuko. 

"Ash," tinawag ni Felip ang pangalan ko kaya inayos ko agad ang pag-upomula sa pagkadekwatro. 

"Diba nandito ka kahapon? Naalala mo 'yong huling step, pagkatapos nito?" At pinakita niya sa akin ang dance step na natandaan niya. Hindi na niya naalala ang mga susunod pa na step. 

"'Yong bagong step lang ang natandaan ko na tinuro mo kahapon," sabi ko. 

"Paa ata 'yong mauuna o 'yong ulo?" Tanong niya sa kanyang sarili. 

Tumayo ako sa kinauupuan ko at tumabi sakanya. 

"Diba andito si Mike," turo ko sa position na kinatatayuan ko, "Then, me as Mike will run to your side," sabi ko at dinikit ko sarili ko sakanya doing their pose.

"Mauuna ako lalabas sa triangle formation, with this hand. And after that, mag-free freestyle ka dito for 5 seconds, mauuna 'yong ulo mo, body roll tas titingin ka sa taas," sabi ko. 

Dinemonstrate ko sakanya ang dapat niyang gawin na dance step na nakalimutan niya. "Bale, tak-tak-tak. ta-ta-ta-tak tak tak, tak-ta-tak."

"Hindi ba't tak-tak lang 'yon?" Tanong nito at napakamot sa batok. Dahil may binago akong step.

"Oo, pero may isang beat kang na-miss, kaya nilagyan ko na isa pang pitik. Bale, tatlong tak na'yon," at tumango ito. At last, na-gets niya. 

"Baback flip ka dito, then pupunta na kayo sa formation ng chorus," sabi ko habang pinapakita sakanya 'yong steps lalo na yung back flip kuno.

"Paano 'yong back flip?" Pagbibiro niya sa akin.

"Ha-ha. Nakakatawa," sagot ko. 

Napangiti siya dahil na-amaze siya na mamemorize ko sayaw nila kahit napanood ko lang. 

"Paano mo nalaman na alam ko 'yong sayaw?" Tanong ko sakanya. 

"Panay ka makatitig sa amin tuwing practice, eh." Hindi ako makagalaw nang sabihin niya iyan, napansin niya rin pala.

"I mean, paano mo alam na mamemorize ko sayaw ninyo?" Pag ka klarado ko sa tanong ko. 

"Diba, dancer ka sa dati niyong school?" 

"It was for a graded performance," I answered.

"Ako rin. Nalaman ko na may talento pala ako sa pag-sasayaw pakatapos ko mag-perform din sa isang graded performance," sabi niya. 

May nabanggit ba ako na may talento ako sa pag-sasayaw?  While I was thinking for that thought, may pumasok ulit na katanungan sa isip ko, kaya agad ko ito tinanong kay Felip.

"Pwede ko malaman kung bakit mo inutusan si Alana kunin ako para sa PAS?"

"Ah, 'yon."

"You danced differently. Kakaiba 'yong style mo. On point 'yong pitik sa bawat beat nalagyan mo ng step. Pwede ka sumayaw sa panlalakeng sayaw. Kaya kita gusto kunin, dahil gusto ko magkaroon ng member na isang katulad mo."

"Pero hindi man ako magaling sumayaw?" Pagtanong ko sakanya na kahit sa tanong ko, hindi rin ako sigurado. 

"Sa tingin ko at nakikita ng iba na meron ka, Ash. Hindi mo lang binibigyan ng pansin."

"Nasasabi mo 'yan kasi wala kang tiwala sa sarili mo o ang bilis mo mawalan ng self - confidence. You should start believing in your self that you can and you will. If you can dream it, then you can do it." Pumunta ito sa aking likod at hinila ang dalawa kong kamay pataas. 

Hinarap niya ako sa salamin na nasa kanan namin, "Dapat hindi ka nahihiya sa ginagawa mo, kasi talent mo yan, tulad nito," at sinimulan niyang  guluhin ang buhok gamit ang kamay ko kahit hawak hawak niya pa rin ito. 

Nilagay niya ang buhok ko sa harap ng mukha ko. At 'yan po, guys, ginawa niya po akong isang  white lady. "Nahihiya ka ba sa ginagawa mo?" Pabirong sabi niya kaya siniko ko ang tiyan niya at saka ko inayos ang buhok ko.

"Sa bawat gawain, kahit napaka liit niyan o konti lang ang makakakita, lagyan mo ng pasion." Nasa likod ko pa rin si Felip, pareho kami nakatingin sa salamin. Hinawakan niya ang baba ko habang nakapatong ang ulo niya sa kaliwa kong balikat. 

"Isipin mo ang pinakagusto mong gawin sa buhay. Kung san ka sasaya, kung san ka malaya. Kaya pinili ko ang pagsasayaw. Feel ko malaya ako tuwing sumasayaw. Kahit minsan naaksidente ako. Napapagod. Napupuyat. Nae-enjoy naman ako sa ginagawa ko." Ngumiti ito sa harap ng salamin. Inalis niya ang hawak sa baba ko at ang nakapatong na ulo sa balikat ko. 

Tumalikod ito at inunat ang kanyang braso pataas. 

"Lagyan mo lang ng lakas ng loob at idagdag mo 'to," sabay turo niya sa dibdib niya. 

"Puso. And you can definitely pull anything off." 

All this time, I thought Felip is a shy person, the quiet one. But it turns out, siya pa ang mas passionate pag dating sa buhay, mas vocal, mas determinado. Nakikita ko na ang rason kung bakit pinasa sakanya ang posisyon na ito, dahil mahal na mahal ni Felip ang PAS. 

Tulad ng pagmamahal niya sa pagsasayaw. 

"Tara. From the top." Yaya niya at pinindot ang malaking speaker na nasa unahan ng room. 

Sinayaw namin ang ipeperform nila sa Last Dancer Standing simula sa pinaumpisa. Kunwari ako si Mike, at buti nalang alam ko rin kung san ang formation niya. Titignan ni Felip kung maganda ang buong kalabasan ng sayaw. 

Kaya siguro nakuha ko rin agad ang steps nila Felip, dahil simula noong bata pa ako prinapraktis ko na ang mga dance steps at tricks ng Jabbawockeez at I Am Me. Hindi ako nagkaroon ng interes sa mga pambabaeng sayaw nang naengganyo ako sa mga kanta ni Beyonce, kaya 7/11 ang napili kong kanta that time para sa graded performance ko. 

Pagkatapos ng isang round, tumunog ang school bell. Meaning, uwian na. Nagsidatingan ang ibang lalake ng PAS, pati si Mike andito na rin.  

Umupo muna ako sa gilid nang may narinig akong tumutunog na cellphone sa tabi ko. Kay Felip ata 'tong gamit. 

"Felip, may tumatawag," sigaw ko sakanya. Nagbibiruan sila sa unahan at nagkakantyawan. 

"Ah. Pakisagot, Ash," sabi niya habang tumatawa pa rin sa harap nila Mike.

O kay Mike? Ewan, sagutin ko nalang. 

Kinuha ko ang cellphone sa kanina ang nagri-ring at pinindot ang green button. Nilapag ko ito sa tenga ko nang marinig ko ang isang boses na lalake na nag-aalala. 

"Ken, emergency. Imo-move daw 'yong Final Round ngayong Lunes, dahil sa bagyo. Dapat nasa Manila ka na ngayong Sabado," ani ng lalake na nasa kabilang linya. 

"A-ah. W-wait po. Ibigay ko muna kay Ken," sabi ko. 

"Sino 'to? Wrong number? Magnanakaw?" pagtataka nito.

"Ah, kaibigan?" patanong kong sabi. Nilayo ko muna ang cellphone sa tenga ko at sinigaw ang pangalan ni Felip, "Felip! Si Maverick!"

Nabura ang ngiti sa kanyang mukha at agad ito lumapit sa akin.

"Hello?" seryosong sabi ni Felip. Lumabas si Felip sa clubroom, at tumingin sa akin si Mike. Binigyan niya ako ng 'Ano-meron?' expression., I just shrugged my shoulders. 

After 10 minutes, marahas binuksan ni Felip ang pintuan. Maririnig mo ang bawat hakbang niya papasok sa clubroom. This is bad news. 

"Bakit, Ken?" Nilapitan agad ni Mike ang hindi-mapintang-mukha na Felip. 

"Minove 'yong Finals sa Monday, pupunta ako sa Manila ngayong Sabado," ani niya. 

"Ha? Akala ko Next Saturday pa 'yon?" Pagtatakang sabi ni Mike. 

"Dahil sa super typhoon, kaya minove,"marahas kinamot ni Mike ang batok niya pagkatapos marinig ang hindi maganda na balita . 

"Eh pucha. Sa Tuesday na ang Last Dancer Standing. Sino naman ang pwede naming ipalit sa'yo? 'Yan?" Sabay turo ni Mike sa mga lakakihan na nasa unahan. 

"Ni cartwheel hindi nila magawa!" Pasigaw nitong sabi. 

"Subukan kong umuwi agad pagkatapos ng awarding," napalingon naman kay Felip nang sabihin niya 'yan. 

"Hindi naman pwede 'yon. Gusto mo i-deads katawan mo?" Pag-aalalang sabi ni Mike. 

Nagsimulang nag-debate sila Felip at Mike. Pinipilit ni Felip sumang-ayon si Mike sa pinili niyang desisyon at 'yon ay babiyahe siya sa umaga ng Martes, suot ang kanilang costume. Hindi ito uuwi muna sakanila, kundi didiretsyo na siya sa school para sakto sa kanyang pagdating, makakaperform sila ng kumpleto. 

Sabi naman ni Mike, hindi daw maganda ang plano ni Felip. Baka maaksidente siya ulit tulad ng dati. Napilayan daw ito sa pangalawa niyang backflip dahil sa puyat at pagod. Hindi siya nakapasok sa school ng isang buwan. 

Hindi pa rin natatapos ang pagdedebate ng dalawa. Mas lalong lumakas ang pagsisigaw ni Mike kay Felip, habang si Felipe naman ay sinusubukan itahan ito para imasaayos ang kanilang usapan. 

I can sense that anytime, they'll punch each other's faces. As I saw Felipe's fist raised at Mike, I barged in.

"Ako na! Ako na ang ipalit ninyo kay Felipe!" Naiinis kong sabi. 

"Alam mo 'yong sayaw?" Tanong ni Mike na may halong pagdududa. 

"Alam niya," sagot naman ni Felip. 

"Kaya mong  gawin lahat ng stunts?" Pagsumbat niya sa akin. 

"Kakayanin."

End of [6]


𝐒𝐭𝐮𝐫𝐦𝐟𝐫𝐞𝐢
(n.) the freedom of being alone

A/N: Hi po! Gusto ko lang ipakita ang kung anong  klaseng sayaw ang graded performance ni Ash. Hinalintulad ko po ito sa sayaw ni Leana, tignan niyo nalang po sa multimedia hihi. Thank you!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro