Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

[5]

You can listen to the song in the multimedia while reading this chapter. Enjoy~

[𝟓] 𝐒𝐚𝐦𝐠𝐲𝐮𝐩𝐬𝐚𝐥

"Even in the far future, don't forget the 'you' of right now" - BTS

________________________
𝐀𝐬𝐭𝐫𝐢𝐝 𝐒𝐮𝐚𝐫𝐞𝐳

The girls and I went to Samgyup House right away, near the Convention Center. After Ma'am Karen relay the message to us, hindi na namin tinapos ang concert kaya umalis na kaming tatlo. Hindi namin ito pinagusapan pa pagkatapos ni Ma'am umalis sa dressing room. Her face tells us that she has high expectations of us, that we'll accept the offer from ShowBT.

Nasabi rin i ni Ma'am Karen that our training will start after SB19's Nationwide tour, meaning to say, after Cora and Alana's graduation. We will be 2 years trainee, this includes, Hanggul lessons. Sa Manila kami mag-ttraining at sa final evaluation naman ay gaganapin sa South Korea. 

Our plane tickets and dorms' expenses will pay by them except for our daily food. A passport and parent's consent nalang ang kailangan. And for me, that's the hardest part.

Half of me wanted to be a trainee of ShowBT, and half of me is telling me to finish my college years instead. Maswerte sila Cora, they can be trainees immediately after they graduated.

But another thought came into my mind, what if it didn't become successful? What if, no one would recognize me. Surely, sa lalake, like Sb19, ay magkakaroon agad ng fans dahil mga lalake sila. But in my shoes, at karamihan na fans sa Pilipinas ay babae, it's a a 50-50 for me.

Hindi ko na inisip pa ang offer ni Tatang sa amin, panigurado sisirain ng mga magulang ko ang luggage ko before I depart. For sure, lalagyan nila ng kandado ang bintana at pintuan ng kwarto ko para lang 'di ako makaalis.

The three of us arrived at Samgyup House. And Cora doubled our payments para ma-enjoy daw namin ang pagkain namin dito. At least, hindi kami kakain habang iniisip ang time limit. Instead na 2 hours ang eating time namin dito, naging 4 hours. Thanks to Cora's family wealth.

Hindi na kami nagpalit ng damit kaysa sa pantaas, we just changed it to shirts and still wore our jackets and skirts. We still have our boots on and chains on our waists.

We even sat inside one of the VIP rooms. Dahil na-engganyo si kuyang manager kay Alana. Hay. perks of having a goddess and a rich friend, and I'm the privileged one.

"Gusto ko mag Soju," Alana said out of the blue.

"Hey, hey, hey. May pasok pa tayo bukas," Cora stopped her as Alana reaching the menu beside me. 

"And I still have plates to finish," I said in a serious tone. 

"Oh, c'mon, guys. Minsan lang tayo magkaroon ng oras sa isa't isa. Ayaw niyo naman sumama sa akin sa Hangover Club and go party. Minsan lang uminom!" She insisted. 

"Sakto nasa VIP room tayo. Hello, tayo lang ang nandito," Alana continued as she points her finger at our right side. Napalingon naman kami sa kanan namin. Tama nga siya kami lang ang nandito. 

Tinignan ko si Cora, dahil siya ang huling pumipili ng desisyon para sa aming tatlo.

Cora sighed and rolled her eyes at Alana. Ayaw niya maging KJ ngayon, so she agreed. Habang ako naman iniisip ko na kaunti lang ang iinumin ko para matapos ko ang plates ko mamayang gabi.

And I think drinking will be a bad idea, lalo na't marami kaming kakainin. Aish, bahala na si batman. 

Inalis namin ang leather jackets naming tatlo nang sinet-up ni manager ang table namin. The charcoals were lit and our plates were ready. Out first meat arrived, together with the side dishes and a bottle of Soju.

Tanging tunog lang ng mantika ang narirnig ko at may pinapatugtog na kanta ang Samgyupsal house. Napansin kong malamig dito sa VIP room at hindi kami nauusukan ng niluluto ni Alana. 

The room is soundproof and a LED light is flashing on the four corners of the ceiling. The ambiance was nice, komportable kami kumain dito. 

"About ShowBT," Alana broke the silence.

"G ako," sabi nito habang nagluluto ng meat namin sa grill.

"Ikaw Cora?" Tanong naman ni Alana sakanya. 

"I don't know, maybe," sabi naman ni Cora habang kumakain ng mga side dishes. Napalaki ang mata naming dalawa sa sinabi niya. Hindi namin inaasahan um-oo siya. 

"Don't get me wrong. If 2 years will be a waste of time, at least I've gained experience, I learned how to speak Hanggul and I can use that when I got a job in Korea, it's a good investment for me. Hindi naman tayo nagmamadali, diba? And besides, who knows we'll turn into idols," Cora explained as she finished eating a bowl of fried sugar-coated sweet potatoes. In tagalog, camotecue.

Cora ended her statement with, "Curiosity killed the cat but satisfaction brought it back."

Eto nanaman tayo sa pa-idioms ni mayora. 'Curiosity killed the cat' lang ang alam ko.

"Curiosity killed the cat, at least the cat died satisfied," pabirong sabi ni Alana. Pareho kami natawa ni Alana sa sarili niyang joke.  

"But the cat has nine lives." Napatikom ang bibig naming dalawa sa counter-reply ni Cora kay Alana. Kahit kailan, ayawni Cora magpatalo sa anumang argument, kahit napaka liit lang nito o pabiro pa. 

"My dear Alana, would you chose a simple yet boring life or a happier one despite the warnings?" 

Alana only nodded at her and starts to eat her meat as she started to take a shot of Soju. Tinikom nalang niya ang bibig niya para hindi siya ulit sumbatin ni Cora. 

Every conversation we had with Cora, lagi kami mayroong natutunan. It may be a realization or a quote. She's a walking 'book of wisdom'.

"Ikaw, dear?" Cora suddenly asked me. 

"If my parents, agreed. Tsaka napakarisky nitong desisyon. Maybe, being an idol it's not for me." I said.

"Really, Ash? Who heated the stage awhile ago? Diba ikaw? The crowd thinks you're an artist." Alana compliments me with an exaggerating expression. Well yeah, to the point Ma'am Karen scolded me. 

"Well, you can take 2 years leave of absence. You can come back to school anytime you want. It'll expire for four years." Cora said. 

Ba't hindi ko 'yan naisip? Full package talaga si Cora, daming alam! Nakalimutan ko na dating VP pala ito ng PAS. She did all the club's paperwork, kaya alam niya ang laws and conditions ng paaralan. Kumbaga, babasahin niya talaga ng maigi ang Agreements & Conditions ng Apple, bago siya tumuloy. 

"Well, I'll give it a shot." Napa-'yehey' si Alana sa sinabi ko. Problemahin ko nalang ito pag malapit na kami umalis. 

Saka ko na ipaalam sa magulang ko. 

An hour had passed. We saw a lot of people, through this transparent glass behind Alana, coming out from the Convention Center, looks like the concert just ended. 

I heavily sighed. Hindi ko man lang nakita ang huling concert nila.

"What if maglaro tayo?" Alana suggested. Cora didn't bother to reply while I nodded at her. 

"Syempre, everyone will get a dare. No spinning of bottles, no pinpointing, one after another lang. Clockwise ang ikot. Since I come up with the game, I'll decide who goes first." ani niya. 

"Let's go with Cora." Binigyan ni Alana ng matinis na tingin si Cora.  Well that was fast. Cora quickly glanced at Alana. Alana waited for her to finish her food, before giving her a dare. 

I can sense Cora is feeling a bit tipsy.

"I dare you to sing Psycho, now," Alana said nang marinig ang kanta na Psycho by Red Velvet na pinatugtog ngayon ng Samgyupsal House.

And Cora did what Alana asked. She did Wendy's part, and we are all satisfied with it. Siya ang main vocalist ng Prisma, eh. 

Hanggan sa pumiyok si Cora sa pangalawang chorus at may sumunod na malakas na sinok.

Both of us laughed, sumunod ang tawa ni Cora. Uminom kami na parang wala ng bukas, na akala mo wala kaming pasok. 

We keep eating, laughing, drinking, and do a bunch of foolish dares. May iilang tao napatingin sa amin mula sa labas dahil sa transparent glass na nasa likod ni Alana. 

"Hala, nabasag ko 'yong bote," sabi ni Cora habang pinupulot niya ang bubog ng walang laman na Soju sa ilalim ng lamesa namin. Itinapon niyo ito agad sa basurahan at bumalik sa upuan niya. 

"Ang kalat natin," natatawang sabi ni Cora. 

"Okay lang 'yan, loves. Coz, we're in VIP!" Alana yelled, as Cora and I yelled back at her. 

We heard a door opened beside us, pero hindi na namin iyon nabigyan ng pansin dahil we are having a lot of fun. Hindi na kami ang solo dito, that's why we keep our actions down and semi- behave. After three bottles of Soju, ako ang unang nag-salin ng bagong bukas na Soju sa shot glass ko since I'm next. 

"I dare you to dance your own version of this song," Cora said in a sexy tone. So ganto pala ang ang lasing na Cora, delikado pala ito malasing.  

Tumingin ako kay Alana, na hanggan ngayon nasa normal state pa rin, halatang sanay na ito sa alak.

The song that was playing right now is 'Dun dun dun' by Everglow.

Hindi na ako nag-isip pa, so I stood up. Nawalan ako ng hiya for a second. I quickly wore my leather jacket and borrowed Alana's black bucket hat. Cora and Alana's phone are ready to record me as I waited for the chorus.

And go.

"Everglow," both of them said. Ibig nilang sabihin ay gawin ko ang original steps ng kanta, at ako naman si uto-uto todo-todo naman ang pag-sayaw.

"You're so~" Narinig ko ang pag-sabay ni Cora sa kanta. 

"Ash," sabi nilang dalawa.Vversion ko naman ang sinayaw ko. At sa pag sipa kuno ko sa hangin, mas tinodo ko ang pag-sayaw ko. Napansin ko yung katabing table namin ay nanonood na sa amin. 

"Everglow." At binalik ko ang steps sa original versional. Hinagis ko ang bucket hat kay Alana at buti nasalo niya ito. Ramdam ko kasi mahuhulog ito. 

"Ash." At mas tinodo ko naman sa version ko. Parang akong may ka-dance battle pero wala namang kalaban. 

"Ah! The attitude! I love it!" Alana said. 

May nakita akong lalakeng sumasayaw sa pangatlong table katabi namin, kamukha niya si Justin De Dios, ah. Hindi ko na tinapos ang kanta kasi putangina nakaramdam ako ng hilo. Gumegewang ang katawan ko at parang mapapadulas ako dahil sa heels ng boots na suot ko ngayon nang umuo ako sa aking upuan.

Narinig kong pumalakpak ang dalawang bruha at 'yoohooo' ng 'yohooo' sila.

Pang-lima na namin ito ng bote ng Soju, at si ako naman ay hilong hilo na. Lumabo at gumagalaw na ang piligid ko. Kailangan ko na ito ilabas. 

Pagkatingin ko sa aking katabi, Cora here is having a time of her life, habang si Alana naman ay mukhang hindi pa tinatalaban ng alak. From what I know, tequila ang nilalaklak niyan, that's why her alcohol tolerance is very high. 

The song 'Ddaeng' by RM, Suga, and J-Hope played in the house. And because of alcohol, we sang the sang without having the feeling of little embarrassment. Of course, the three of us had lyrics distribution. Alana sang J-Hope's part, Cora sang Suga's part, and mine is RM's. 

We've been singing this song ever since we started eating here. I think pang limang beses na namin dito sa Samgyupsal House at etong araw lang talaga kami nak-ajackpot sa VIP room. 

When I started to sing RM's part. Alana yells to hipe me up. Encouraging me to perfect RM's stutters. Feel na feel ko naman ang pag-rap ko hanggan sa naramdam ko na tumingin ulit ang kabilang table sa amin. Hindi pa rin si Alana tumitigil kakahiyaw.

"Wala tayo sa club," sabi ni Cora. 

"Nasa VIP room tayo, wala naman maiistorbo," Alana replied. 

"May kasama tayo, dear. We're not the only one here," and their argument started. 

Hindi ko na sila inawat pa. Napahawak ako sa aking bibig at dali-dali ako umalis sa table namin para dumiretsyo sa CR. 

Isahan lang pala ang CR sa VIP room. Sa maliit na corridor, lababo at salamin and una mong madaanan, sunod ang Employee's door at nasa dulo ang CR. 

Pag pasok ko at pag pasok ko sa CR, agad ko ni-lock ang pintuan. Nang pagkaluhod ko sa sahig, doon ako napasuka. Pati kinain ko sa umaga nasuka ko na rin.

Shet, paano ko 'to lilinisan?

Hinanap ko agad ang bidet na nasa tabi  ko lang pala. Tinututok ko ito sa toilet seat. Akala ko lahat ito ay mapupunta sa inodoro nang mag watak-watak sila sa sahig dahil sa pressure ng bidet.

Shet, shet, shet. 

Una kong naisip na buhusan ang sahig saka ito i-mop. Kaso walang timba at tabo kaya ginamit ko ang pressure ng bidet papunta sa sinkhole ng CR. 

Potangina, paano ko naman mapapatuyo ang sahig?

Lumabas ako saglit sa CR at pumasok sa Employee's room. Sakto at nasa tabi lang nito ang mop, ginuyod ko ang mop at ang saluhan ng tubig papunta sa CR, kinuha ko ang yellow signage na may "The floor is wet" at nilagay ko ito sa labas ng CR.

Takte, naging instant janitor ako. Naging ugali ko kasi maglinis ng mga dumi ko, tulad nito. Nakakahiya naman sa susunod na gagamit kung hahayaan kong ganto.  

Binilisan ko ang pag-mop sa loob, dahil bigla pumasok sa isip ko na baka iniwan na ako ng dalawa dahil mag aalas otso na. Pagka-flush ko ng dalawang beses, lumabas na ako sa CR at iniwan ang mop doon. 

Naghilamos ako sa lababo at naghugas na rin ng kamay. 

Napa buntong hininga ako dahil sa nangyari. Mas okay nang nilinisan ko 'yon kaysa sa iwan ko na puno ng suka ang toilet seat pati ang sahig. 

Isang oras nalang at magti-time na kami. Na-enjoy ko naman ang araw ngayon kasama ang dalawang bruha. Eh, sila lang naman ang naging pinakamalapit kong kaibigan simula nung nag-transfer ako sa school nila. 

Hindi ko man pinagsisihan ang mga nangyari. Sa totoo lang, thankful ako na napadpad ako sa paaralan nila. Marami akong natutunan sakanilang dalawa, sa PAS at kay Felip. Doon ko nahanap ang sarili ko. 

Napahawak ako sa garter ng lababo at tumingin sa salamin. Naalis rin ang hilo ko. 

Totoo nga na mas mabuti pang isuka mo, kaysa sa abutin mo pa ito ng bukas. 

Maayos pa naman akong tignan. Nabura lang lipstick ko. Bumuhaghag ang buhok ko. 

Natawa ako sa ginawa ko, mas nakakatawa kung may masabatan ko pa ang SB19, the worst, si Ken pa. 

Inayos ko nalang buhok at bucket hat na suot ko sa harap ng salamin. Pagkaharap ko sa kaliwa, may lalakeng nakaitim na cargo pants at boots bumunggo sa akin. Nahulog ang bucket hat ni Alana sa sahig, pupulutin ko sana ito nang inunahan niya ako.

"Eto na po." Napatigil ako nang marinig ko ang pinakapamilyar na boses na narinig ko sa buong buhay ko. 

"Miss?" Hindi ako gumalaw, maski huminga. Mas lalo kong niyuko ang ulo ko habang nakadikit pa rin ang mga kamay ko sa tuhod ko. Iniisip ko sana hindi niya ako nakikita ngayon. 

Shet! Bakit ngayon pa? Kung kailan ang dungis dungis ko?

Napansin kong umiling siya sa likod niya at sa paligid namin kung may tao. 

"Okay ka lang?" Siguro akala niya nag s-stop dance ako o maglalaro kami ng tumbang preso kasi feeling ko ako ang taya dito, eh! Hindi ako makagalaw sa kahihiyan!

Alana, Cora, help me!

"Miss? Masakit ba tiyan mo?" And that word triggers something. Yung kulo ng tiyan ko umakyat sa lalamunan ko. The worst comes to worst, napasuka ako sa lababo. 

Nagulat siya kaya napatapik ito sa likod ko, "Isuka mo lahat," sabi niya. At sumunod naman katawan ko, sinuka ko ang mga kinain ko kahapon. 

Hinihilot niya ang likod ko gamit ang bucket hat ni Alana habang ang kabila niyang kamay ay hawak ang buhok ko, para hindi sumayad sa lababo. 

Kahit ngayon, nakayuko pa rin ako. Binuksan ko ang gripo at winisik wisikan ko ito. For the second time, napahilamos nanaman ako. 

"Okay ka na?" His comforting voice melts me. 

"Okey ne. Selemet." Of course! I had to change my voice so he won't recognize me!

Napatango ako at hinablot ko ang hawak niyang bucket hat at binilisan ko ang lakad ko paalis. Bumilis ang tibok ng puso ko at mas lalo ako pinawisan. 

Bakit siya pa? Bakit siya pa, Lord? 

Si Ken yun! Si Ken! Si Ken! Si Ken! Chi Ken! Chi Ken! Chi Ken! Chicken! 


End of [5]


A/N: Hi po! Sa mga nagbabasa po nito please comment down, to encourage me to write more chapters about Ken. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro