[4]
[𝟒] 𝐓𝐡𝐞 𝐁𝐞𝐬𝐭 𝐏𝐚𝐫𝐭
"Would you chase a dream you're not sure of?" - Alana
________________________
𝐀𝐬𝐭𝐫𝐢𝐝 𝐒𝐮𝐚𝐫𝐞𝐳
HIS hand was warm.
And sweaty.
Ramdam ko ang paghihingal niya dahil tumakbo ito papunta sa clubroom at pabalik dito. I can't express what I am feeling right now. Parang kahapon okay na sa akin kung hindi magpakita ang partner ko.
I prepared myself for it.
Okay na.
No need for dramas and explanation.
But Felipe here made a way.
For a second, I appreciate his efforts for his members and his dedication to the club. He didn't have to go that far. He lacks sleep, he did 5 backflips, made him run and now he's going to sing with a guitar?
"Tara. Ako bahala sayo." Mas lalong humigpit ang hawak niya sa kamay ko. At that moment, he made me feel relaxed.
"Kinakabahan a-ako," bigla kong sabi.
"Ngayon? Ngayon ka pa kakabahan?" pagtataka nitong sabi.
"Shet, parang gusto ko ng mag-back out," haharap sana ako sa likod ng hilahin niya ako palapit sakanya. Naramdam ko ang matigas niyang dibdib na dumikit sa gilid ng dibdib ko.
"Prinaktis ko 'tong kanta para sa'yo. Don't let my effort go to waste, Ash." Ba't tuwing nag-eenglish 'to ang lalim ng boses? Parang nalulunod ako sa sobrang lalim.
"Isipin mo, ako lang ang kasama mo ngayon," sambit niya.
Hindi ko niya siya kinausap pa, dahil na mas umiiral ang kaba ko. Paano kung pumiyok ako o makalimutan ko ang lyrics?
Habang hinihintay namin tawagin ang pangalan ko, I stared him for seconds, at nahalata niya na pinagmamasdan ko siya habang inaayos niya ang cord ng gitara, "Bakit?" tanong ni Felipe. Umiling ako at nginitian siya.
"Let us welcome our third contestants! A transferee student from the Institute of Arts. A 3rd-year high school student, Astrid Suarez! And her partner, Lance Mendoza, a 2nd-year high school student, from Performing Arts Society!" The hosts welcomed us.
Hawak pa rin ni Felipe ang kamay ko at sabay kami umkyat sa stage. May dalawang upuan at dalawang stand microphone nakahanda sa unahan.
I grabbed the mic in front of me at inayos ko 'yong mic niya bago ako umupo, para makasimula rin kami agad. Teka. Hindi ko alam kung anong part ng kanta ang prinaktis niya kaya agad ako napatingin sakanya.
"Paano ko malalaman-?"
"Tumingin ka lang sa'kin," 'yon lang ang sinabi niya at hindi na ako nag-tanong pa At ewan ko kung na-gets niya ang tanong ko dahil hindi ko rin nagets ang sinabi niya. Pero kahit papano, may tiawala pa rin ako sakanya.
He's already tired, but he still tries to carry his energy for the sake of this performance.
And I knew, I started to fall for him. I know what happens at the end of falling—landing.
I hope I'll land safely.
He started strumming his guitar and the audience cheered. It surprised the crowd a bit that Felipe can also play the guitar. Even the PAS, girl. Even the PAS.
He quick nodded at me, it made me puzzled a bit, nag-process sa ulo ko kung ano 'yon hanggan sa tinuro niya yung mic ko gamit ang nguso niya.
Ah! Ako mauuna? Bigla ako napakapit sa mic at napansin kong napangisi ito.
I started singing, at halatang hindi alam ng karamihan ang kanta, pero ano pa ba ang pinuntahan ko dito.
"You're the coffee that I need in the morning.
You're my sunshine in the rain when it's pouring.
Won't you give yourself to me? Give it all"
Sesenyas sana ako kay Felipe na kailangan niya sumabay sa akin dito, pero nakita ko itong nakatingin sa unahan. Mukhang mas alam niya pa ang kanta kaysa sa akin.
"I just wanna see. I just wanna see how, beautiful you are.
You know that I see it. I know you're a star."
Iba pa rin sa pakiramdam kumanta sa harap ng maraming tao kaysa kumanta mag-isa. Hindi ko pinagsisihan na hinila ako ni Cora dito sa PAS, kundi nasa audience ako ngayon, nanonood din.
"You're the best part."
After the last line of the chorus, Felip started to sing, with his eyes closed still strumming the guitar. Sumabay ako sa beat ng gitara na tinutugtog niya kaysa naman umupo lang ako dito na parang semento.
Everyone raised their arms making a wave following the beat that Felip makes. They turned their cellphone's flashlight on which makes the wave more mesmerizing to watch.
I saw a familiar silhouette from afar and when he started to run near the stage.
It was Lance.
Alam niyang hindi na siya makakahabol pero tumakbo pa 'to. Ngumiti ito sa akin atbinigyan ako ng dalawang thumbs up.
Someday, Lance. Someday, kakanta ka rin dito.
Bumalik ang tingin ko kay Felipe. Pinagmasdan ko lang siya habang hinihintay ko ang part ko.
He always gives his best, kahit sa maliit na bagay.
The way he sings it made me fell deeper.
Grabe, mas mahaba pala ang part niya kaysa sa kin. Tsaka diba, duet 'to? Ba't ang spotlight nasa sakanya na?
"You're the sunshine on my life."
Tumingin ito sa akin, at tinaasan ako ng kilay. I know, Felip. I may be staring at you for a while, but that doesn't mean natameme na ako sa'yo. Or do I?
We both sang the chorus part at outro nalang ang kakantahin namin.
"If you love me, won't you say something?"
"If you love me, won't you say something?"
"If you love me, won't you?"
Paulit-ulit itong linya hanggan sa natapos rin ang kanta.
Tumayo kami ni Felipe at nag-bow sa madla. Gumaan ang pakiramdam ko nang marinig ang hiyawan at palakpakan ng karamihan.
It was surprisingly underwhelming.
"Ash. Ash?"
Kinuha nalang ni Felipe ang kamay ko paalis sa entablado.
Ganun pala ang feeling.
Pagbaba namin, the team welcomed us with open arms. Cora and Alana hugged me tightly.
"I knew, you guys can pull this off!" Cora excitedly said. Nawala ang pagkabadtrip niya kila Lance at Felipe kanina. She hugged me tighter than before.
"I can't believe you can sing like that! May pakulot ka pa sa dulo! Kasing kulot ng buhok ko!" Biro ni Alana sa akin.
The boys 'aye'd at Felip. Telling him how cool he is, especially when he's playing with the guitar. I looked at him while the girls are still praising me as he looked back at me and smiled.
________________________
𝐀𝐬𝐭𝐫𝐢𝐝 𝐒𝐮𝐚𝐫𝐞𝐳
[ see the video of Ken Suson singing Best Part in the multimedia above or here below]
p r e s e n t d a y
https://youtu.be/nb9tATcZxZU
Grabe, parang kahapon lang kita nakasama kumanta ng Best Part sa stage, at eto ako ngayon, pinapanood ka kantahin ang paborito kong kanta. Lahat ng babae tumili, sumigaw at sumabay sa kanta mo habang ako nandito sa Technical team, nakiusap kay kuya kung pwede siksikin ko sarili ko dito para lang magkakuha ng magandang view dito sa gilid.
"Sabayan niyo ako," Ken Suson said.
Just like everyone else, sumabay rin ako sa kanta pero ang pinagkaiba lang ay pinagmamasdan ko lang ito habang sila naman ay kinukunan siya ng video. Teka, bawal kumuha ng video, ha?
I really thank Alana for the time she pulled me to introduce PAS. I really think she's an angel in disguise, may araw lang talaga na napakademonyo niya sa akin.
Hindi ko nalang pinansin 'yong nangyari kanina, baka hindi niya lang talaga ako naalala. Limang taon na rin ang nakalipas, panigurado burado na ako sa isip niya.
Kung hindi ka parte ng Sb19 ngayon, siguro nakagraduate ka na sa kolehiyo, nagkaroon ng lisensya, at may trabaho na rin bilang Architect. Pero sa tingin ko para talaga sa'yo ang entabalado, it's like you are born to rock the stage. Nakalaan talaga sa'yo ang tadhana maging isang idol.
Habang ako naman, eto, nag-aaral pa rin. Next year, my 5th year, g-graduate na ako. Sila Cora at Alana naman ay g-graduate na ngayong taon. Mga dalawang buwan nalang, ipapasa na sa akin ni Cora ang University Based Organization ng PAS, ang main organization.
Wala pa sa isip ko kung paano ko papatakbuhin ang PAS. Hanggan ngayon hindi pa rin ako sigurado sa desisyon na 'to. Hindi pa ako sure kung Architure talaga ang gusto kong kurso. Nakakatawa kasi next year g-graduate na ako at pinupursigi ko pa 'to, pero hindi pa rin ako sigurado sa buhay ko.
"If you love me, won't you say something?"
"If you love me, won't you say something?"
"If you love me, won't you?"
Felip.
Do you ever look back and reminisce?
If you ask me. I did. A few times.
Ang dami kong gustong sabihin sa'yo. PAS misses you so much.
And after you left, your plan and visions happened, just like how you wanted to be.
I started dancing and decided to follow your footsteps. I started to believe in myself just like what you always tell me, back then. I started to build my courage and myself, so I can release it onstage. I started to take every chance and drop every fear to be the best version of myself.
And I want to feel that feeling again.
That feeling when I'm with you.
You don't know how many times I wished to go back to the past to correct my mistakes. I should've spent a lot of time with you before you fully decided to go to Manila.
And I should've confessed a long time ago, so I won't have to carry this regret heavily.
But it's all water under the bridge now.
After the performance with Ken, I had back then in high school was only a performance. I already opened this matter to my parents for the nth time. Pero pinagmumukha nila sa akin na wala daw ako makukuha bilang music producer or maging isang mananayaw.
Maybe, being on a stage with you again will only stay as a dream.
The song ended. And it's time for me to go down, naiirita na sila Kuya dahil kanina ko pa naririnig ang reklamo nila na ang sikip daw. Eto na, baba na po. Bababa na. Feeling minion.
Humiyaw ang mga tao and for the second time, naramdam ko anytime guguho na talaga ang Convention Center.
Habang hindi pa rin sila tumitigil sa kakahiyaw, nagsalita muli si Ken.
"Sana nagustuhan ninyo ang kanta. Paborito ko kasi ito."
Ako din, Ken. Ako din.
Masaya ako na dahil sa kantang 'to, doon kita nakilala.
___
Bumalik na ako sa dressing room nakapaa. These 3-inches heels are killing my feet. Nagulat ang iilan na staff sa ginawa ko dahil madumi daw ang sahig. Sa tingin mo, mag-iinarte pa ako?
Pagka-abot ko sa dressing room, si Cora at Alana lang ang nandito sa loob. Maybe the other girls went out to watch the concert or buy some food outside. Pagkaupo ko sa sofa, doon ko naramdam ang pagod. Hindi ko na pinansin ang dalawa dahil nagpapahinga rin sila. Si Cora ay nakatulog sa sofa, katabi ko. Habang si Alana naman ay busy kakaselpon.
Lumakas ulit ang hiyaw sa labas ng dressing room namin, dahil ipe-perform ng Sb19 ang bago nilang kanta, ang Alab.
"Hindi ka manonood?" tanong ni Alana sa akin habang nakatinign ito sakanyang cellphone.
"Pagod ako. Gagawa pa ako ng plates mamayang gabi." Sabi ko.
"Patapos ka na ba?" tanong ni Alana.
"Outline nalang, bakit?"
"Plano namin ni Cora mag-samgyup pagkatapos nito." Biglang kuminang ang mata ko nang marinig ko ang magic word.
"The plates can wait," I replied. And there was silence. Alana breaks it again, by opening up what happened to me a few minutes ago.
"Felipe knew it was you who called him, Astrid," Alana said.
"How can you tell? Hindi niya nga ako nilingunan."
"But he did stop walking. Nasa protocol nila, bilang idols, na hindi lumingon sa fan pag tinawag sila. But sometimes, hindi nila maiwasan tumingin sa fans nila o ngumiti. I know you can understand that." she said.
"Alam na alam, ah?" Pagbibiro ko sakanya.
"I just watched their interview last night with Boy Abunda. Sinabi 'yon ni Justin." Pag-explain ni Alana.
"Oh well, all well ends well."
"You should've confessed a long time ago. Now you regret for not telling your true feelings for him." Hindi ko nalang pinansin ang sinabi ni Alana. She always keeps reminding me of the days of not confessing to Felipe. Tuwing kaming dalawa lang ang mag-kasama, she always brings up the topic.
Reminding it for me to regret it.
"I can't count the chances that destiny gave you para lang mag-confess. Every second is a possibility, darling. Every day there's a chance. There's no such thing as 'wrong timing'. Bawat oras ay laging nasa 'right timing'." Wala ako masabi, dahil tama siya.
"Kaya mo naisipan gumawa ng girl cover group dahil sakanya?" she asked. And I didn't respond.
"You think, being part of Prisma, will bring back the past?" Well, that slapped me hard.
"Astrid. Gagraduate ka na. Hindi natin alam kung bukas sasayaw pa tayo bilang isang Prisma. Magkakanya-kanya tayo ng buhay. But I hope, hindi ka magmumukmok diyan, magiging Architect ka na."
Alana is like my subconscious. My Id. The one who reminds me of the 'reality'. 'And life is harder than you imagined after you graduated from college,' she said.
"I know. I know. I'm still working on that. May plano na ako, actually. Hindi lang talaga ako . . . . . handa." Alana heavily sighed, iniisip niya kung paano niya ako matatauhan.
"Whatever. Nasa sa'yo naman 'yan kung kailan mo gusto gumising. Cora, can we go now?" Alana said in an irritated voice. When she's irritated meaning, she's hungry.
"Natutulog si Cora, huwag mong gisingin," I shushed at her.
"But I'm so hungry. Gusto ko na ng meat with cheese." At lumipat ang mood niya galing sa matured Alana to immature Alana.
"Jennie ordered us to stay here, we can leave after the concert." Nagising si Cora at napaupo ito, o baka hindi naman talaga ito natutulog?
Edi narinig niya ang pinagusapan namin ni Alana?
Cora also knew my story, about the Prisma, Felipe's departure, and my feelings toward him. Hindi namin ito pinag-uusapan pag kaming dalawa lang magkasama. She's still the Cora I used to know. Ang lumalabas lang sa bibig ni Cora mga dapat lang pag-usapan, o may sense pag-usapan.
"If I were you, Astrid." Eto nanaman tayo sa pa-if-I-were-you ni Cora.
"Ihanda mo na ang sarili mo makinig sa sermon ni ate Jennie." Cora said with a dull expression.
Shet, nakalimutan ko palang 'yong ginawa ko kanina! Sesermonan nanaman ako ni ate Jennie. Mas okay na si ate Jennie ang mag-sermon sa amin, huwag lang si Ma'am Karen, ang production manager. Although favorite niya ang grupo namin, pero pag dating sa pagvi-violate ng rules, sisiguraduhin niyang hindi ito mauulit pa.
Takte, pangalawang beses ko na ito ginawa!
"Goodluck nalang Astrid, kung si Ma'am Karen ang kumausap sa'yo," at tumawa ang bruha na si Alana. Binabawi ko na ang sinabi kong angel in disguise ang bruha.
Tumayo si Cora mula sa sofa at lumait sa pintuan, "Saan ka pupunta?" tanoning ni Alana our of curiousity.
"CR," maiksing sabi ni Cora.
But before she holds the doorknob, someone twisted it outside, it knocked three times and went inside. Napanganga kami ni Alana and Cora gave me 'told-you' look.
It was Ma'am Karen.
Bumalik si Cora sa sofa. Ma'am Karen closes the door.
"Nasan ang iba ninyong kasama?" Ma'am Karen, wearing a polo shirt, looked prim and proper gave us a devil glance.
"Kumain po sila sa labas," sagot ni Alana. At napa-'po' ang bruha.
"Sige. Sasabihin ko nalang ito ngayon, since I'll be busy after the concert. I'll relay this matter from the Director staff to you girls. Cora, Alana, and Astrid." Na-feel ko ang pag-diin ni Ma'am Karen nang sambitin niya ang pangalan ko.
"Astrid. Care to explain why you didn't keep your promise?" Napawisan ako sa tanong ni Ma'am Karen.
"Ah. I got carried away po-"
"Same old reason. Alam niyo bang concert ito ng SB19, hindi ninyo. Ilang beses na kayo ni-remind ni Jennie about this rule. The only rule you should follow, pero hindi ninyo man lang kayang sundin. Even Tatang approached me about this."
Mas lalo ako napanganga sa sinabi niya. Nakakahiya. Si Tatang pa ang lumapit.
"And because of this, hindi ko na kayo papayagan sumali sa anumang intermission number, pati na rin sa mga paparating na competition."
"Kami pong Prisma? 'Di po pwedeng si Astrid lang, Ma'am?" Gaga ka talaga Alana, mas lalo mong nilubog ang bangka ko.
"Unfortunately, kayong tatlo ang pinagbabawal, utos ng Director." Tinignan ako ng masama ni Alana habang si Cora naman ay nakatingin lang kay Ma'am. Nai-imagine ko pagkatapos nito, si Cora naman ang sesermon sa akin habang sinasabunutan naman ako ni Alana.
"Dahil sa ginawa mo, Astrid," Sambit ni Ma'am na may halong galit.
"Napahanga ang staff ng ShowBT, lalo na si Tatang. Nagustuhan niya ang presensya niyong tatlo nang naipakita ninyo ang gilas niyo sa stage. Kaya, kayong tatlo ay iniimbita ni Tatang, the company itself, to be one of their trainees."
End of [4]
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro