[3]
[𝟑] 𝐒𝐞𝐫𝐞𝐧𝐞
" I have nothing left to fear, you gave me confidence to stand up again with my own feet" -Ash
________________________
𝐀𝐬𝐭𝐫𝐢𝐝 𝐒𝐮𝐚𝐫𝐞𝐳
THREE days before D-day. Napansin kong maaga lagi umuuwi ang partner ko pero hindi niya naman sakin sinasabi ang dahilan kung bakit. Medyo nabawasan ang kadadalan niya at mas lalo siyang sumeryoso sa practice namin. I can really sense something is bothering him.
Hindi ko na ito pinansin, since I have no right to budge into his privacy.
As usual, lagi ako nagpapaiwan sa clubroom at etong makulit naming presidente lagi ako dinidostorb. Lagi siyang nakikisawsaw sa practice naming dalawa, to the point na memorize na niya ang kanta.
May oras na masasabatan ko siya sa corridor at maririnig ko ang pag-hum niya sa kanta ng Best Part. O kahit tuwing break time nila galing dance practice, bigla-bigla nalang ito kakanta na akala mo hindi napapagod ang loko.
Second days before d-day. Binisita kami ni Prof. Steins dala ang isang malaki na plastik ng costumes para sa dancers. Nangangamusta ito sa aming practice, maraming naengganyo sa kanayang presensya. Sa pangalawa naming pagkikita, ibang wig naman ang suot niya ngayon, burgandy na burgandy ang kulay.
It's nice having a club adviser like him, wala naman siyang talento na ihahalintulad sa PAS, pero walang tatapat sa napaka-maalaga at caring na adviser.
One day before the D-day. Lahat ay busy sa kanilang performance para bukas. Habang nagpaparactice sila Alana at si Felip sa kanilang sayaw, heto ako naghihintay sa partner ko. Dalawang oras na ang nakalipas, hindi ako mapakali sa inuupuan ko. Nakaramdam ako ng inip. Eh, sino ba naman uupo ng dalawang oras na nakatunganga lang?
Bukas na ang Talent Show, pero nanonood lang ako sa performance ng folk dance at modern dance na par bang wala akong ganap bukas.
Siguro sa kaboringan ko dito sa loob, I measured the place na kasing laki pala nito ang Social Hall, it can fit at most 300 people. And also because of this, my boredom helps me to rest after a week of practicing.
Hindi pa ako nagsisimula mag-practice kakahintay sakanya.
Don't tell me hindi siya magpapakita sa mismong araw ng talent show?
6:45 pm na, mag-iisang round nalang sila Alana sa folk dance and after that, they are ready to go home, while the modern dancers ay uuwi daw ng alas otso. Siguro sasabay nalang ako kila Alana pauwi pagkatapos nila.
7 pm. I am already packing my things up while Alana and the folk dancers are waiting for me outside.
Hindi na rin ako nag-paalam kay Felip dahil busy pa siya mag-polish ng sayaw nila.
Bago tumuntong ang aking paa sa labas ng clubroom, may isang lalaki humarang sa aking daanan. Nasakop ng maskulado at malaki niyang katawan ang pintuan. Napaatras ako sa gulat. Hingal na hingal ang partner ko, para siyang binuhusan ng pawis.
"A-ash. Sorry." 'Yan lamang ang sinabi niya sa akin. Kahit hinihingal ito, sinisigurado niyang hindi ako makakalabas sa clubroom.
Wala naman akong karapatan magalit.
May kanya-kanya tayong pinagkakaabalahan sa buhay.
Kanya-kanyang responsibilidad.
At kanya-kanyang obligasyon.
But he should've at least contact me na mala-late siya sa practice o kahit sabihan niya isa sa mga officers, and the officers should've done the same. From my partner's actions and expression-gusto niya bumawi sa akin.
I rolled my eyes, not because of him, but because of this kind of dilemma. I heavily sighed.
Before he utters a word, I quickly changed the mood.
"Ash-"
"Let's practice in the park. Pagabi na rin malamig na doon. Naiinitan ako dito sa clubroom, eh," I changed the mood right away to avoid tension.
"Wanna grab a drink?" Yaya ko.
Hindi maguhit ang mukha niya, dahil hindi nagtataka ito kung bakit hindi ako nagalit. I grabbed my partner's hand and left Alana without saying a word. Nakuha niya rin ang sitwasyon kaya nauna na silang umalis.
I was also like this at my previous school. Settling things in a quiet way.
"Ash!" Napalingon ako sa likod ko. At sino namang loko-loko isisigaw ang pangalan ko sa tahimik na corridor?
"Yes, pres?" I raised my right eyebrow at him, hindi dahil sa nainis ako sakanya, but I am maintaining my temper after my partner let me wait for 3 hours. Ayoko lang mabuhos ang galit ko kung kanino man.
"Ah. Huwag kayo magpapagabi."
Sinigaw niya ang pangalan ko para lang sabihan kami na huwag magpapagabi? I gave him two thumbs up while a poker expression drawn on my face.
As we reached the city park near our school, I bought him a drink from a food vendor with 3 pieces of neon balls. Then I decided to sit down for a while on the swing. Tinignan ko ang partner ko bumili ulit ng neon balls sa vfood vendor na binilhan ko, and as soon as he finished eating, he sat beside me.
"Arat?" he asked. Binaliktad niya lang ang salitang 'Tara'. Mahilig 'to mang baliktad ng mga salita, buti nalang naiintindihan ko ang mga jeje words niya.
"Obviously, hindi tayo makakapractice dito, medyo maingay eh," sabi ko habang nakatingin sa langit.
Lumamig ang paligid at maraming butuin kumikindat sa akin mula sa taas. Naririnig ko ang ingay ng mga naglalarong bata sa dulo ng parke. At napalingon ako sa grupo ng mga estudyante na sumasayaw sa kaliwa ko.
"Eh, bakit mo ako niyaya dito?" Sabi nito na may halong inis.
Hinarapan ko siya. Bakit ikaw ang inip na nip na sa atin?
Tinignan ko siya ng matagal, bago ako magsalita. Hindi nasuklay ng mabuti ang kanyang buhok, may isang butones nakabukas sa kanyang polo at ang kaniyang mata-nangingitim ang ilalim ng kanyang mata na para bang ilaw araw na siyang puyat.
Halatang pagod ka na, partner.
"Hay. Alam ko na ang mangyayari bukas." I thought.
"Because you need a rest. At least. Dito makakarelax ka, even just for a minute." Ani ko. Hindi ito umimiik pa, at tumingin rin ito sa langit tulad ko.
Akala niya hindi ko mahahalata na palagi siya nauunang umuwi sa amin. Panigurado na mas importante pa ito kaysa sa Talent Show.
"May tanong ako, pero sana sagutin mo ng totoo."
"Ano 'yon?" Sagot niya agad.
"Sasamahan mo pa ako bukas sa Talent Show?"
Hindi siya umimik. Napayuko ito at nilaro ang lupa gamit ang sapatos niya. Tumingin ito sa akin at ngumisi.
"I'd be lying if I said yes," sabi niya.
"Partly no, but I'll try getting there on time," Umalerto ang tenga ko nang narinig ko ang maikling piyok niya. Naramdam ko ang lungkot nang sabihin niya iyan.
"Sorry if I ask you this, at least hindi ako matataranta bukas kakahanap sa'yo," I chuckled after saying those words.
Nakuha muli ang atensyon ko ng mga estudyanteng sumasayaw. Humihiyaw sila habang inuulit ang kanilang sayaw. Napansin ko na iilan sakanila ay pagod na at babapawisd sa , pero masaya pa rin sa ginagawa nila. Tinutuloy pa rin nila ang kanilang praktis.
Bumalik ang atensyon ko sa aking partner na kanina pa ito nakayuko.
"Kung ayos lang sa'yo, can you at least tell me the reason why?" tanong ko sakanya.
Huminga ito ng malalim. Nakitang kong hindi pa rin naalis ang lungkot sa mukha niya.
"Wala kasi nagbabantay sa nanay ko sa hospital tuwing gabi. She calls my name when she's asleep. Lagi niya ako hinahanap sa mga nurse, kaya wala ako choice kundi samahan siya," sabi niya.
"Naaksidente ito nung araw na may meeting tayo sa PAS. Na-contact ako ng doctor niya tatlong oras pagkatapos ng aksidente. Napunit ang tahi niya mula CS. And the rest, gasgas lang," he continued.
"Pero she still needs to take some meds and pain killers."
"Dapat sinabihan mo ako agad, para makahanap tayo ng kapalit mo," sabi ko. Ang bobo mo talaga, Ash. Napakainsenstive mong tao. 'Yan pa ang nasabi mo, alam mo naman na may pinagdadaanan ang tao.
"Sorry Ash, pero gusto ko kumanta sa Talent Show. Na-miss ko rin magperform sa stage, kaya tinulak ko na ang desisyon ko na kakanta at kakanta pa rin ako." sabi niya.
"Sa tingin ko kasi sa daan ng pag-kanta maaalis ko rin itong lungkot nararamdaman ko, hinihintay ko lang ang araw na 'yon."
"Ibuhos mo na'yan ngayon," saad ko.
"Ha?"
"Ngayon na, tara." At sinimulan ko kantahin ang unang linya ng Best Part.
"Hindi man ganoon kadali, Ash," singit niya.
"Kaysa naman sa umiyak ka mismong performance natin. Our song is about two couples being happy having each other's backs. If you cried on stage, you'll only ruin the momentum," ani ko. Napangisi siya.
"Pero kung pupunta ka man o hindi, ayos lang sa akin. Kung ako sa'yo unahin mo muna ang pamilya mo. Alam ko marami pang opportunity nakalaan para sa'yo." Hindi ko naman siya masisisi, hindi niya ito kasalanan.
"Salamat," sabi niya. "Nakakahiya kasi mag-sabi kay kuya Ken, lalo na kay ate Cora na ang lakas ng loob ko itaas ang kamay ko para dito tapos ba-back out lang ako."
"Maiintindihan rin nila, 'yan."
Napahanga ako sa partner ko. On how he handles his problems. Well, anyone can run away, it's super easy. But facing your problems and working thought them what makes you strong.
Mukhang hindi magiging mahimbing ang tulog ko ngayon. Aaralin ko ang buong kanta ngayong gabi.
We should always prepare for the worst and that is Magso-solo ako bukas.
________________________
Our talent show will start at 3 pm while the party will start at 7.
Sabi ng student body 'wear your best outfit tonight'. Imagine, ang ganda-ganda ng suot mo pero uuwi ka na may dalang malaking backpack puno ng gamit mo galing Talent Show o kaya marami kang dalang paper bag na akala mo pupunta sa outing.
Pero hinayaan na 'yon ng karamihan, they still look forward to joining both events to have fun.
Everyone's busy preparing for the show. They held their dress rehearsal here in the clubroom, you can feel their excitement and nervousness. May isang oras pang nakalaan sa amin para mag-practice.
Everyone is now dressed up, especially the folk dancers, since they'll be the first one to compete onstage. Cora took care of everyone's make-up. At ngayon ko lang rin nalaman na siya rin pala ang nagdesenyo sa damit nila at para rin sa modern dancers.
Andito na ang lahat, handang handa na, maliban sa partner ko.
"Ken, gising! Isang oras nalang, magsisimula na ang talent show," bungad naman ng isang old member kay Felip na natutulog sa mahabang lamesa, ngunit hindi ito nagising at inayos pa nito ang position sa pag-tulog.
"Bakit puyat na puyat 'yan?" tanong ni Cora sa lalake na gustong gisingin si Felip.
"Ewan ko diyan, nag-aral pa kung paano gumamit ng gitara kagabi," sagot naman ng lalake kay Cora.
"At para saan?" tanong ni Cora na may halong inis.
"Hindi ko rin alam. Ala singko ng umaga na 'yan natulog. Dalawa oras lang ang tulog niya."
Ang tanga tanga naman ni Pres. Alam naman niya na may performance sila ngayon, nag-puyat pa para lang mag-aral kung paano gumamit ng gitara? He can study playing that thing or the song tomorrow, but why now?
10 minutes before the show starts, nagising rin ang presidente ng PAS. Tinawag niya ang lahat para gumawa ng isang malaking bilog, "Tara, pray muna tayo," yaya ni Felip.
We formed a big circle, held each other's hands, and bowed our heads. Felip, as the president of PAS, lead the prayer.
"Lord Almighty God, we thank you for giving us this wonderful opportunity, despite having several conflicts and misunderstandings, you let us perform as a team. Thank you, because without your guidance hindi namin po 'to maabot. Lord, guide each of us na sana hindi namin makakalimutan ang mga prinaktisan na steps, sana hindi rin makalimutan ang lyrics at sana walang maaksidente," naalala ko na ito rin daw ang ginagamit na prayer ni Felip tuwing sasabak sila sa isang tournament sa labas ng paaralan.
"Lord, our performance is not only for us but also for the people, for our family and for You. We thank you for giving us a chance to rock this stage once again. In Jesus Name."
"Amen." We all said in chorus.
"Lumapit kayo, guys." Yaya ni Felip.
Una niyang nilapag ang kanyang kamay sa gitna at sinundan naman ng iba. Ako ang huling pumatong ng kamay sa gitna ng lahat.
"PAS on 3," ani ni Cora.
"On 3? Or after 3?"pagtatakang bungad naman ni Alana an she just ruined the momentum. Really Alana? Nasingit mo pa 'yan?
"Kasi kung on 3, edi 1, 2 PAS?" Alana explained. Tumirik ang mata ni Cora, natawa naman ang iba nang makita rin nila ang godly taray ni Cora.
"After 3," Cora said.
"1, 2, 3," and we put our arms high and said, "PAS!"
________________________
Mauunang mag-peperform ang folk dance, sunod ang solo singing contest. Base sa binigay na program, may isisingit na intermission, and after that modern dance naman at huli ang R&B duet. Tatlo lang ang club at dalawa lang ang organization, kaya sa tingin ko mabilis matatapos ang talent show.
Since, excited na rin ang lahat para sa party mamaya.
Nagsipalakpakan ang madla nang makita nila ang mala en grande props ng PAS para sa folk dance. Props palang, panalo na. Natapos rin ang 3-minute dance nila Cora at sumunod na ang solo singing contest.
Dito sa soccerfield ang venue, buti nalang maganda ang panahon ngayon at nakisabay sa amin.
Natapos ang intermission at susunod na ang modern dance competition, unang mag-peperform ang PAS. Mas maganda sana kung sila ang huli para nakatatak pa rin sila sa isipan ng mga judges.
I thought Felip's group would perform an ordinary k-pop dance, but I was wrong.
Nirevise nila ang steps ng Exo Growl. At kung andito kayo sa lugar ko, I knew you would also tdo the same, bibilangin niyo rin kung nakailang back flip nasi pres. Sa ngayon, naka apat palang siya, partida puyat pa 'yan ha.
Natapos ang sayaw nila with a total count of 5 Felip's backflips. Maraming babaeng estudyante nagtitilian. Ako na ang magsosorry para sainyo, guys, kung bakit lahat ng gwapo at magaganda ay napunta sa amin, but all of them are not available.
"Ash! Andito ka lang pala! Kanina pa kita hinahanap!" Hindi lang ako nagulat pati ang mga taong nanonood, nang makita namin ang isang babae na may make-up sa kanan ng mukha niya habang ang kaliwa naman ay burado. Magulo ang buhok niya at naka suot siya ng puting sando at mahabang palda.
"Alana? Ikaw 'yan?" At aba, nag tanong pa ako.
"Sino pa ba? The one and only! Tara na! Mag-ayos ka na!" Naiinis na sabi ni Alana. Hinugot niya ako paalis sa madla.
"Nakaayos na ako," sabi ko sakanya habang hinihila niya ako. Hilig talaga nito hilain ako kahit saan.
"You call that, 'naka-ayos' na?" she bluffed. Grabe ka ha! I spent an hour doing my hair and make-up at 'yan lang masasabi mo?"
"Pang-ilan ka, darling?" she asked.
"Third"
"Then, we still have time to redo your make-up."
Nakaabot rin kami sa backstage. Panay sigaw ni Alana ng "Emergency! Let us through!" para walang humarang sa daanan namin. Nakita niya agad si Cora at hinugot niya naman ito gamit ang kabila niyang kamay.
Nakapasok kami sa tent namin at agad ako pinaupo sa harap ni Cora. "Make her look human," Alana suggested while she's bringing the chair with make-up kits. Hindi naman nag-reklamo si Cora, since siya rin ang nag make-up sa folk dancers at sa modern dancers.
-[You can listen to this song while reading this part, for a better reading experience. *winks. Enjoy!]-
https://youtu.be/yGHFCWRKoc0
Instead of worrying my make-up, Cora said, "Kung ako sainyo, kontakin niyo na ang partner ni Astrid."
Naalala ko ang pinag-usapan namin kagabi sa park.
"Ano pangalan niya ate Cora?" tanong ng baguhang member.
"Aba malay ko ba! Ask Felipe! Dalian niyo na or we're screwed kung hindi natin iyon mahanap!" sigaw ni Cora habang inaayos niya ang kilay ko. #Multitasking
Pucha, hanggan ngayon hindi ko pa rin alam ang pangalan ng partner ko.
"Ate Cora, kahit si kuya Ken hindi namin nahahanap," ani naman ng isang baguhang member.
"Ha?! Mike! Kontakin mo nga si Felipe!" Mas lalong lumakas ang boses ni Cora dahil sa inis. Saan naman pupunta si pres? Baka nahimatay na sa gilid dahil wala siyang tulog at pinaback flip pa.
Normal na sa PAS members na makita ang kanilang VP galit na galit. Pero bawat salita na binibitaw ni Cora ay nag-iiwan ng pressure sa mga members, kaya napapanik ito.
"Pag natapos ako dito, kukurutin ko ang singit kung sino man ang walang ginagawa diyan!" sabi ulit ni Cora. At mas lalong nagkagulo ang members ng PAS. Hindi nila alam kung sino ang una nilang hahanapin: Si Felip ba o ang partner ko.
"Ate Cora! Lance po ang pangalan ng partner ni ate Astrid," sabi ng isang freshmen member.
"Tapos? Ano ngayon kung Lance ang pangalan niya?! Search him now!" Kawawa naman ang freshman, nasigawan ng VP.
Nakakatawa, no? A week had passed at ngayon ko lang nalaman ang pangalan niya.
I can feel Cora's frustation, dahil diin na diin ang pag make-up niya sa akin, parang tinutusok niya ang mukha ko gamit ang mga brushes.
"We don't have a choice. Only Lance knew the song, dear. Either we find him now or you go solo," Cora said out of frustration.
Of all people, ako lang ang kalmado. Good thing I studied the song yesterday, I prepared myself for this. I already saw this coming.
Pero bakit bigla ako nakaramdam ng lungkot?
Hindi dahil sa mag-isa akong kakanta, pero mawawala yung essence ng mensahe ng kanta na gusto ko iparating.
Second contestants na ang susunod na kakanta, pagkatapos nila, ako na ang susunod.
Dumating si Alana na ganon pa rin ang itsura, "Andito na ba sila? Si Felipe at 'yong Lance?" tanong niya.
Girl, hindi mo ba napansin ang itsura mo ngayon? O dahil sa stress na si Alana, wala na siyang time mag-ayos pa sa sarili.
"Both of them are not here," Cora replied while fixing my hair. I heard her teeth grind. She's like a boiling kettle ready to fire a loud whistle.
"Ate Cora, sinubukan na po namin tawagin ang cellphone ni Lance. Hindi po siya sumasagot," sabi ng isang member.
"Ano naman ang rason niya kung bakit ngayon pa siya hindi magpapakita? Napilitan kumanta? Takot? Edi sana hindi nalang siya nag-volunteer," Cora asked herself.
I know why. Pero wala naman tayong magagawa, mga chong.
Bumalik si Mike sa tent namin, "Any updates about Felipe?" Cora asked him.
"Kinuha niya 'yong gitara sa clubroom, pabalik na daw siya," Mike replied.
"AT TALAGANG MAGGIGITARA PA SIYA NGAYON? WE'RE IN A DILEMMA! TELL HIM TO BRING HIS GOD DAMN ASS HERE! DOUBLE TIME!" Cora went enraged.
Natapos ang pag-ayos ni Cora sa akin, iniwan niya ako dahil handa na siyang mangurot ng singit ng mga members. Napatingin ako sa salamin na hawak ko. Pinipigilan ko pumatak ang luha ko.
Well, there's no other way.
"FELIP!" Galit na sambit ni Cora. Napalingon ako sa direksiyon nila, nakarating rin si Pres dala-dala ang gitara na kinuha niya mula sa clubroom.
"Walang partner si Astrid, the members can't contact him and we don't have a substitute for Lance. So our best option is she will sing-" Cora was about to say the last word when Felip interrupted her.
"With me."
Mine and also Cora's jaw dropped.
Wait. Don't tell ito ang pinagkabalahan niya kagabi? Ang rason kung bakit siya hindi nakatulog kagabi dahil pinag-aaralan niya kung paano kantahin ang Best Part?
With the guitar?
There was no time left to ask questions. Cora pampered Felip for 5 seconds, she combed his hair, pinulbuhan at pinasuot ng denim jacket to match with my outfit.
He quickly grabbed my hand and pulled me upstage.
"Tara. Ako bahala sa'yo."
He gripped my hands and smiled at me. At that moment, he made me feel relaxed.
End of [3]
𝐒𝐞𝐫𝐞𝐧𝐞
(n.) an expanse of clear sky and calm sea.
A/N: Let me talk about Lance and Astrid here. Kung pumunta si Lance before their performance, mahuhulog sana si Astrid sakanya. But Felipe saved her and knew what was going to happen. Lance didn't inform Felip about his mother's accident. He only senses something's off with Lance's action. Hindi na siya 'yong masiglang tao na nakilala niya noong first day. He predicted that Lance wasn't going to show up on the actual performance that's why Felipe practiced the song beforehand, in case the worst scenario happens.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro