Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

[11]

[𝟏𝟏] 𝐏𝐚𝐢𝐧𝐭𝐞𝐝 𝐒𝐤𝐢𝐞𝐬

"Every day can end beautifully" - Astrid

______________________
𝐀𝐬𝐭𝐫𝐢𝐝 𝐒𝐮𝐚𝐫𝐞𝐳

Pagkaliko ni Felipe, natakpan nanaman ang tanawin ko ng mga puno. Napahigpit ang hawak ko sa balikat niya, dahil mas binilisan niya ang pagtakbo ng motor paakyat sa bundok. 

I witnessed the sun for the nth going down and waited for the night to appear on the sky. Dumilim ang paligid. Hindi ko naisip na walang street lights dito, tanging sinag ng buwan ang nagsilbing ilaw sa aming daanan.

"Ash! Huwag mo kurutin balikat ko. Masakit!" malakas niyang sabi. Malamang masakit, hindi na ako nakakapit, eh. Kinukurot ko na. 

"Pag ako nahulog dito, ikaw ang una kong mumultuhin!" 

"Kumapit ka lang kasi, huwag sa balikat ko," ani niya. Inalis niya ang hawak ko gamit ang kaliwa niyang kamay at nilagay ito sa tiyan niya. Hindi na ako nag-inarte pa. So, I wrapped my arms around him and held tightly. 

His motor's headlamp paved our way to our destination. The fact that the place was dark and cold, hindi ko naramdaman iyon nang nakakapit ako sa tiyan ni Felipe. 

"Dahan-dahan naman, Felipe!" I jeered. Nakailang sigaw na ako dito sa likod, hindi niya pa rin pinapakinggan. Mapapaas na ako dito kakasigaw. Kala mo nagd-drag race ang loko, eh. 

This left me with no choice. 

Mag-dadasal tayo.  

"Hail Mary full of grace, the Lord is with you. . ." Mabilis kong dinasal ang 'Hail Mary' na nakapikit habang nakapatong ang ulo sa likod niya.

"Ha? Ash? Ano sabi mo?"

" . . . Now and at hour of our death. Amen. AYAW KO PA MAMATAY!" 

"Hindi ako ang papatay sa'yo, yang kaba mo, oo!" 

"Sabing dahan-dahan lang!"

"Bundok 'to Ash, hindi kalsada!" 

Inayos ko ang upo ko nang nawalan ng balanse si Felipe, muntik ng bumangga ang motor niya sa puno nang dahil sa akin. Akala ko 'yon na ang katapusan namin.

"Gagu ka talaga, Felipe! Hail Holy Queen, Mother of Mercy. Hail our life, our sweetness, and our hope~" 

Dahil sa kakadasal ko sa likod, hindi ko napansin na andito na pala kami. I slowly opened my eyes and lifted my head when I heard him turned off the motor. I quickly got off from my seat and ran towards the cemented barricade. I leaned forward in case I would see the view a lot nearer. Hindi lang city province at city proper ang makikita mo kundi pati ang mga bundok sa kabilang siyudad. 

Ang ganda.

"Huwag ka magpapahulog diyan," paalala niya. Inaayos niya pa rin ang pag-parke ng motor niya.  

"Hindi po ako shunga," I sneered. 

I removed my grip on the fences and crossed my arms because of the cold breeze. Tumingin ako sa aking likod, malapit na pala kami sa tuktok ng bundok. The place was captivating and terrifying. Napakadilim ng lugar. Kami lang talaga ni Felipe ang nandito. I don't know what and who will show up behind us.

Felipe sat on the cliff border, he rest his back on the tree and let his feet through the fence. I sat besides him in an indian seating position. I took my cellphone out from my skirt pocket and took a lot of pictures. 

"Maganda?" He asked in a soothing tone. I quickly nod. 

"Paano mo 'to nahanap? I mean wala pa ata nakakapunta dito bukod sa'yo, right?"

I saw him smiled then sighed after, "Lagi ako dito dinadala ng lolo ko noong bata pa ako."

He pursed his lips, which made me put my left hand on his back and said, "I-I'm sorry, I shouldn't have asked."

He removed my hand with his, "Gagi," he responded. He chuckled as soon as he saw the bewildered look on my face, "Buhay pa lolo ko."

"Kung maka-react ka kasi," I chortled as I slapped his shoulder.

"Pinapangunahan mo 'ko, eh," he said between in his laugh. Then he flicked his finger on my forehead. 

I scoffed at him, "Masakit 'yon ah."

"Pati rin kaya palo mo."

I firmly crossed my arms when I felt another chill breeze. My body is literally shaking right now.  I noticed Felipe took off his jacket and handed it to me. I accidentally held his hand—he was also trembling.

"Paano ikaw?" I asked with tethering teeth.

"Paano rin ikaw?" 

"'Wag na," I shoved his hand away, "Para parehas tayong mamatay sa lamig," I added. He guffawed loudly. Tanging tawa namin ang naging ingay ngayong gabi kahit pareho kaming nilalamig. Pagkatapos ng konting asaran at walang katapusan na tawanan, may pumasok bigla sa isip ko. 

"Pwede dito na rin ako mamalagi?"

He nodded and said,  "Ikaw palang ang unang tao na dinala ko dito. Gusto ko kami lang ni lolo ang may alam nito kaya huwag mo muna sabihin sa iba, ha?" Um-oo nalang ako. Siguro pag-nalaman ng ibang tao ang lugar na ito, panigurado masisira nila ang nature land.

"Every time I feel stress or pressured, kukunin ko lang motor ko at idadala ko sarili dito. Just to admire it all and let my cares fade away," he admiringly said while looking at the view.

"Paano ba yan, that makes the two of us," I replied. 

There were silence between us, but the moment wasn't awkward. Pinatong ko ang ulo ko sa dalawa kong forearm na nakapatong sa barricade. Ang ganda talaga. Maririnig mo ang busina ng mga kotse at bilis ng pag-drive ng motor sa baba. Kung pwede sana pag-masdan ko ito hanggang bukas, gagawin ko. 

There's nothing I find more satisfying than admiring the city lights and the peace and quiet of the night. I somewhat  feel melancholic and nostalgic at the same time whenever I look at it. The serenity that I've been longing for—dito ko lang pala mahahanap. Pinipilit kong hanapin 'yon sa bahay, since family is your 'home'. This view, however, makes me feel at ease. 

Napabuntong hininga ako ng malalim. They are slowly coming back—like how can my brain show these nightmares while I'm enjoying myself up here. 

Parang ayaw ko na tuloy umuwi sa amin, parang ayaw ko na bumalik.

"Tara na? Mag-aalas syete na," Felipe said and was about to stand up when I suddenly pulled him down with his polo. 

I raised my head and looked deeply at his eyes. "Wait." He foze and his eyes went bigger when he saw my tears falling. "10 minutes pa," I pleaded between my sobs. 

Dahan-dahan ito umupo sa dati niyang posisyon, hindi niya inaalis ang tingin niya sa akin. At hindi na rin siya nag tanong pa kung bakit ako umiiyak. 

Without Felipe uttering a word, he pulled me with my arm towards him and wrapped his arms around me. He started caressing my head with his other hand, trying his best to comfort me. 

"Tahan na, tahan na."

As soon as I felt his arms, I cried louder.

Ngayon lang nalabas lahat ng naipon kong galit at lungkot. Bakit ngayon pa? Bakit ngayon ko pa naalala lahat? I was supposed to be happy today, but the past replayed in my mind. 

After a few minutes, my crying stopped, pero humahagulhol pa ako. Felipe is still hugging me while caressing my head. He rest his head on the tree trunk his gaze were at the sky. 

"Okay na ako, okay na ako," I said while sobbing. Humilaway ako sa yakap ni Felipe at kinakapkap ko ang bulsa ng palda ko para hanapin ang panyo, when Felipe handed me first his. 

"Labhan mo nalang," he said while offering his hanky. I took it without hesitation. 

Sisinga sana ako nang maalala ko na ang pangit pala ng pag-singa ko. Kinuha niya ang kamay na kung saan hawak ko ang panyo at nilagay sa ilong ko, "Sige na. Umiyak ka na nga sa harap ko, pagsinga pa kaya?" 

Kaya suminga ako ng napakalakas. Ramdam ko ang pagtili ni Felipe habang pinapanood niya ako.

"Lalabhan ko talaga 'to ng maigi," sabi ko pagkatapos.

"Ha? 'Wag na, sayo nalang 'yan," nadidiri niyang sabi. 

"Para kang tanga. Kala mo wala hindi siya sinisipon." 

Ngumiti ang loko at sabi, "Ayan, at least okay ka na."Napahinga ako ng malalim. Since, I let everything out, might as well share the story behind it. 

"Naalala mo nung hinatid niyo ako pauwi nila Cora? Pagkatapos ng Last Dancer Standing?"

"Oh?"

"Hindi ko alam kung sinabi ito ni Alana sainyo, pero sinampal ako ng nanay ko pagkaalis ninyo." He scoffed. "Hindi lang 'yon unang beses nangyari." Inayos ko ang pag-upo ko at humarap sakanya. 

"Tinapon nila ang inipon kong DJ pad as soon as I got it after shipping. Wala ako mararating if I produce music, they said, so I listened. During our Intramurals I joined several contests like soccer, chess, dancing competition and sprinting."

"I don't really get them kung bakit 'yon bawal rin salihan? Wala namang exam, wala namang assignment, bakit kailangan nila i-grounded ako? Is it because I was happy?" Pagtataka kong sabi. 

Feel ko iiyak nanaman ako, kaya hinanda ko na ang panyo ni Felipe. 

"At ang malala, when I actually going to compete divisionally. I accepted the offer dahil mare-retain ang grades ko, which is a good idea. But when my parents soon heard of it, they immediately rushed to my school and scolded me there. That's why they transferred me at your school."

"Pagkauwi ko, pinapaluhod nila ako sa asin habang may hawak na tig tatlong encyclopedia book sa kamay ko for two hours, ha? For two hours. Pag nahulog ko 'yon, dadagdagan nila ang asin. Walang katapusan na sermon at laging pinapaalala nila sa akin na dapat pag-aaral ang atupagin ko." Naramdaman ko ang pagpatak ng mga luha ko sa palad ko pero hinayaan ko nalang ito. 

"Hindi ko alam kung bakit. Tutok naman ako sa pag-aaral ko, my grades were all 90 above. Ayaw ba nila maging masaya ang anak nila, just for once? Hindi ba nila alam na sila rin ang rason kung bakit nawala ako ng confidence sa sarili?" Felip was silent.  I don't want advices, I just need someone to listen to all my doubts and rants.

"They took my dream away from me. I stopped rebelling because I still respect them. I obeyed, so I let them plot their desired future for me."

"I lost track when I entered your school not until I met PAS. Ewan ko ba, PAS set my foot back on track, that's why I'm eager to perform that day on Last Dancer Standing. Iniisip ko kung nagawa ko 'yon, meaning kaya kong maabot pangarap ko."

"Since I got my parent's dream school for me, lagi ko sinasabi na tinatapos ko ang assignment sa school kaya gabi ako nauuwi. Hanggan sa nahuli nila ako nagsinugaling—akala nila 'yon nga,  chess lang ang sinalihan ko sa Olympics." I wiped my tears after that. Hindi ko na sinabi ang iba, at least, nalabas ko rin, diba? I just told him the recent ones, but the recent ones were the worst. 

"Then I realized, every path has an obstacle. Talagang bibigyan ka ng maraming pagsubok, susubukan ka talaga kung hanggan san ka susuko. 'Yan rin ang rason kung bakit napamahal ako sa PAS. Now, I'm starting to rebuild myself. Sanayan nalang." 

I heavily sighed, "But hay, that's life, diba?" Ngiti kong sabi. 

"Ash," pinatong niya ang kamay niya sa balikat ko, "you should also see the brighter side of it. I mean, siguro may maganda namang nagawa magulang mo sa'yo, diba? Tulad ng bilhan ka ng iphone, kung may hihingin ka, ibibigay naman agad."

"Your parents may be overprotective, dahil nag-iisa kang anak nila at isa pa babae ka pa, but trust me, they love you. They can't afford to lose you that's why they're trying their best to raise you," he continued. 

"Marerealize rin nila na may mali rin sila. No one is perfect, really," Felipe smilingly said. He . . . does have a point. Life isn't always about being happy. Feel ko tuloy galing ako sa recollection. 

"About the audition, that everyone's been asking about," Felipe opened a topic. I noticed how his expression turned serious. I sensed something's bothering him. 

"'Yong sa ShowBT?"He nodded, "Nakapasok ako."

"Kailan pa?" I said with surprise. 

"Last month pa."  Napangiti ako sinabi niya—this is good news! Pero bakit ako lang ang masaya sa aming dalawa?

"Bakit parang hindi ka naman masaya?"

"Oo naman. Ang problema, hindi ko alam kung paano pag sasabayan ang pagt-training ko sa Manila at pag-aaral ko dito." 

"Well, pwede ka naman mag-transfer sa Manila, diba?"

"'Yon nga rin naisip ko, pero may scholarship na akong nakuha kung dito ako mag-aaral. Kung sa Manila naman, baka mahirap makahanap ng pang tuition. Kaya hindi ko alam kung ano ang bibitawan ko. 'Yong training o 'yong pag-aral ko." Somehow, me and Felipe have the same situation. 

"Gusto mo tulungan kita?" Umiling ito. 

"Pera? Maraming solusyon pag dating sa pera. Kung hindi ko kayang pagsabayin baka magtransfer talaga ako sa Manila," at napabuntong hininga siya. 

"'Yong maraming sumusporta pero at the same time, mataas na rin ang expectation nila sa akin. Paano kung umuwi akong wala palang nangyari sa akin?" 

"Remember what you said to me back then? Now I'm using your words against you," natatawa kong sabi.  "No matter what happens, always do your best with passion. You should start believing in your self that you can and you will. If you can dream it, then you can do it, diba?" I said.

"We don't know what the future holds, but as long as you're a dreamer, you can pull anything off," ngiting kong sabi. "Kung na-handle mo kami sa PAS paano pa kaya kung idol ka na? If you already choreographed a lot of dances and teaches someone to dance, paano pa kaya pag-artist ka na?" I continued.

"FYI, si Cora ang nag-asikaso. Pasaway lang ang nabigay ko sa PAS," natatawa niyang sabi. 

"Tsaka walang imposible diba? Kung hindi mo ako tinuran mag back-flip, hindi ko rin makukuha."

"Pero nanood ka ng 5-minute video, diba?"

"Are not getting my point?"

"Gets gets," he chuckled. 

"Ramdam ko talaga na makukuha mo ang pangarap mo, Felipe."

"Feel mo?"

"Mh-hmm."

"Tignan natin," he smiled bitterly. 

After letting my sadness and anger all out tonight, I felt relieved. I felt better than ever. Felipe stood up and ask for my hand to help me stand up. Biglang nanguryente ang mga paa ko, dahil matagal ako nakaupo. I grabbed my backpack and Felipe handed me his spare helmet for the nth time.  But before I hop in, I took a quick glanced at the view. 

I'll be back, I thought and I wore the helmet. I'm still having doubts that we'll drive home safely. Hindi ako sigurado na kabisado ni Felipe pababa, lalo na't walang ilaw dito. But either way, I trust him. I didn't check what time is it already, but I know it's already late, dumagdag pa ang traffic. 

Hinatid na niya ako pauwi sa amin,at buti nalang nakauwi ako na buo pa ang katawan ko. Sinauli ko na ang helmet sakanya. 

"Alam mo, Ash. Ang OA mo kanina paakyat sa bundok. Kung makareact ka, waldas!" Jusko, pinaalala pa ni Felipe.   I looked at him with an annoyed face, "Sorry, ha? First time ko sumakay sa motor, eh." 

"First time?"

"Oo. First time. First time magroad trip, first time pumunta sa centro, first time mag-laro sa peryahan, first time makasakay sa motor, first time makapunta sa hepa lane at first time rin makakita ng ganoong view."

"Kaya thank you, Felip," ngiti kong sabi, "Hindi ako nag-sisi na sumama sa'yo. Napakita ko tuloy ang childish side ko."

"Okay lang. Nag-enjoy rin ako, actually. Lalo na ang dami nating nakuhang pera ngayon. Thank you for being my company for today," he replied. "See you on Monday," he added.

"See you."  

Inandar na niya ang motor at umalis na. As I turned my back, napatingala ako sa bahay namin—balcony lang ang nakabukas na ilaw. Tulog na ba sila?

I pushed the doorbell a few times and there were still no answer.  I took my phone out so I can call my parents. When I noticed it was already 10:55 p.m. I swiped the screen up, and saw multiple missed calls from my dad and a lot of text messages from my mom. 

"Whew, 45 missed calls." 

I looked at my mom's text messages first. 


From: Mommy

Anak, may cordon bleu sa ref, imicrowave mo nalang. Pina day off ko na muna si Minna, babalik siya bukas. May emergency trip kami ni daddy mo sa palawan, babalik kami next week. Text ka pag nakauwi ka na. 
8:53 p.m

Astrid, nasaan ka na? Umalis na si Minna, walang tao sa bahay!
9:32 p.m

Astrid nasan ka, babae ka?!
9:46 p.m


From: Daddy

Bt d k p umuuwi? Anng ors n? Nsn k n?
9:11 p.m


To: Mommy

Nakauwi na po ako pagkaalis ni ate Minna, kakacharge lang ng phone ko. 

11:00 p.m


Ewan ko sa tatay ko, de-touch screen naman cellhpone niya pero ganyan pa rin mag-text. Mas lalo sila magagagalit kung malaman nila na kakauwi ko pa lang. Pagkabukas ko ng bag ko, stuff toy ni Felipe na sisiw ang bumungad sa akin, "Oh shit, hindi ko nabigay," ani ko sa sarili ko. 

Kinalkal ko ang mga gamit ko para hanapin ang susi ko, nang maalala ko na, "Shit." Nasa pencil case ko pala 'yon, hindi ko dinala pencil case ko ngayon. Tinext ko si ate Minna—sinabi ko ang totoo na kakauwi ko lang at pahiram ng susi niya. Naghintay ako ng 30 minuto, wala pa ring reply. 

Pucha, pa lowbat na ako. 11% nalang ang battery ng cellphone ko. Kung tatawag ako, ma-ddrain 'to.  Tumingala ako ulit sa second floor, pumunta ako sa gilid ng bahay namin kung sakali may pag-akyatan ako, pero wala. Okay na sana kung sa garahe nalang ako matutulog, pero pati gate namin, sarado rin. 

Masyadong ginalingan nila mommy ang pag-tayo ng bahay namin. Anti-thief ang bahay namin, kaya hindi na si mama kumuha ng aso. 


Ang tanong: Saan ako ngayon matutulog? 


Street lights nalang ang nakabukas dito sa aming subdivision, tahimik na ang paligid. Baka sabihin ng kapitbahay, pinalayas ako dahil nakasuot pa rin ako ng uniform.  Hindi na ako nagdalawang isip pa maglakad papunta sa park malapit dito sa subdivison. Ako lang ang tao dito. Umupo muna ako saglit sa mahabang upuan. Whoo, nakaupo rin, sa wakas~

Iniisip ko ang nararapat na desisyon kung sino ang itetext at tatawagan ko. Dalawang tao ang nasa isip ko ngayon, si Cora at Alana, since PAS members lang ang nasa contacts ko.

Tinext ko na muna ang dalawa. 


To: Coraline, Alana 

Pwede makitulog ako sainyo? Nasa Hiraya Park ako ngayon. 


I waited another 15 minutes for their reply, pero wala pa rin. Inisip ko na lagi naman may load si Cora, mag-rereply 'yon kung gising pa siya. For sure tulog na 'yon. Eh si Alana naman, panigurado nag-cclub nanaman 'yon ngayon. I am hundred precent sure na gising pa 'yon, wala lang load.

Napabuntong hininga ako. 

Then I'm gonna risk my cellphone's remaining battery for her. Kung hindi niya nasagot ang tawag at nag-off nalang ang cellphone ko, baka mag-antay nalang ako sa labas ng bahay namin para kay ate Minna. 6 ng umaga 'yon darating. 

I dazed for a moment and looked at my phone, I almost dropped it when I saw it's already 4% left. Pucha, when I checked it, nakabukas pala mobile data ko. Yo, what the actual fuck. 

In-off ko agad ang data at pumunta sa recent calls. Hindi ko alam kung tama ang napindot ko basta nilapag ko na ito agad sa tenga ko. After the third ring, she picked it up, kaya napasalita ako ng mabilis. 

"Alana, nasa Hiraya Park ako ngayon. Wala akong matulugan, nakalock na ang bahay, please kunin mo ako dito, please. Inaantok na ako-" When I suddenly heard my Iphone's off tune. 

"Fuck!"

Hindi ko alam kung si Alana ang natawag ko o si Prof. Steins o si Mama. Ewan, bahala na! Inaantok na talaga ako, baka dito nalang rin ako matulog.

Hihiga sana ako sa mahabang upuan, nang makita ko na may palapit na motor. 

Holdapper? Kidnapper? Tumigil ito sa harap ko. Wala namang motor si Alana, ah? Pagtanggal nitong helmet. 

"Felipe? How?" He was wearing a white tshirt and sky blue boxers.

"You called me, remember?" He raised his phone, " You thought I was Alana." 

Jusko, nakakahiya na talaga. Ayoko na, Lord. Ayoko na. Of all people, si Felipe pa talaga? Mas okay na siguro kung si Mama ang tinawagan ko. 

"Hala! I mean, it's fine! Sige na bumalik ka na sainyo." Sinabit niya ang helmet niya sa side mirror at lumakad ito palapit sa akin, "Tara na," at kinuha niya ang bag ko. Nilagay niya ito sa unahan niya. 

"Anong 'tara na'?"


"Sa bahay ka na matulog."


[End of 11]

@ashtrid posted a picture in Instagram. 

A/N: Originally, hindi talaga to parte sa storya. Habang tinatype ko 'to, napunta nalang ako dito hahaha omg. Kahit ako shookt rin. Check Chapter 10 to see Ashtrid's igpost. Nasa last part po siya. 


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro