[10]
[𝟏𝟎] 𝐂𝐚𝐫𝐩𝐞 𝐃𝐢𝐞𝐦: 𝐒𝐞𝐢𝐳𝐞 𝐭𝐡𝐞 𝐝𝐚𝐲
"Do all that you can and all you thought that you could not" - Pinterest
_____________________________
𝐀𝐬𝐭𝐫𝐢𝐝 𝐒𝐮𝐚𝐫𝐞𝐳
I used my two hours of vacant this morning to outline my unfinished plates here in the Pristine Cafe with Alana. Actually, she cut class, dahil ayaw niya daw makita ang pagmumukha ng terror teacher nila sa Research, na si madam Faye.
We had our early lunch here. Alana's busy typing on her phone while I'm focusing myself to finish this effin shit with a weird arm angle I had. When Alana suddenly elbowed at my mocha frappe and it spilled on the table, even on my plates.
I stopped outlining it and slowly turned my head at Alana's. She slowly put her phone down with a shook expression.
"Alana, you dumb bitch-"
"Mami~ Lumayo ka sa'kin!" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang tumayo agad si Alana hawak ang Strawberry frappe niya at mabilis lumakad pumunta sa counter.
May lumapit na waiter sa amin at agad pinunasan ang table namin, hindi pa rin nakaalis ang masamang tingin ko kay Alana, "Bumalik ka dito, sasakalin lang kita saglit," mahina kong sambit. Sumipsip nalang siya sa frappe niya at nag-pace 'sign' pa ang bruha.
We ate our meals while I let my plates dry outside. I am already done with it, actually. Ite-trace ko nalang 'yong iba to make it look bolder.
"Omg. Today is Prof. Stein's birthday," malakas na sambit ni Alana habang nakatutok pa rin sa cellphone niya.
"Ano plano?" Tanong ko habang kinakain ko ang beef steak ko.
"Bisitahin daw natin."
"Daw?"
"Says the evil witch. Nanguna ang gaga, bumili na ng cake. Free ka naman mamayang alas tres diba?"
"Mhmm."
In the afternoon we went to high school campus. Cora gathered all the old members together with the current members of PAS-HS.
Nakarating rin kami sa clubroom, everyone was busy decorating the whole room, and some of the new members recognized us as 'Prisma', not as members of PAS.
"Ate Alana! Grabe! Nakita ko rin si ate sa personal!" Sambit ng isang highschool student. Of course, Alana took everyone's attention because of her unconditional beaut.
Majority in the club, hindi nila alam na naging miyembro kami, kaya medyo nagkagulo sa loob. Taking pictures and asking questions. Cora was suffocated with the situation dahil iniipit kami sa corner ng room. Nag-aalala ako na baka tirahin ito ng asthma.
"Uh, can we decorate the room first and talk after? Baka mahuli tayo ni Prof. Steins," I cut the chaos. The members nodded and went back to their works.
"Mamaya na tayo mag-chismisan, mga bagets," Alana joyfully added.
Hindi na kami pinatulong nila kaya pinaupo nalang kami sa unahan. Other members of Prisma arrived even the old members such as Mike and Kris. Kumpleto na ang lahat, ang may birthday nalang ang wala.
The place was so nostalgic.
Naalala ko pa na lagi ako nakapwesto doon sa may bintana tuwing uwian. Dati rati, kakaunti lang ang miyembro ng club, pero ngayon? Nakuha na ang long-term goal ng PAS. We represented the school and joined several competitions. Nagkaroon ng university-based organization ang PAS, and Cora is the president of that organization. May mga ibang grupo pa, galing sa PAS, represented the school.
"ANDYAN NA SIYA!" Pumasok ang isang lalake na hingal na hingal sa kakatakbo. Sinarado ang mga ilaw pati ang pintuan. Lahat kami ay tumago sa likod ng mga arm chair. Pagkabukas ni Prof. Steins ng pintuan, nasurpresa namin siya at napaluha ito nang makita niya ang mga dating miyembro.
"Ang awitin na 'to ay para sa'yo~" Sumabay nalang kami sa pakulo ng HS PAS pagkatapos naming kumanta ng 'Happy Birthday'.
The party ended. Nagsiuwian na ang iba habang ako, si Alana at Cora naman ay nagpaiwan sa clubroom kasama si Prof. Steins. The three of them were happily chatting while my gaze is at outside, staring at the sky, as usual.
"Malapit na ang graduation ninyo," sambit ni Prof. Steins sa aming unahan.
"Ewan, sir. Parang hindi ako makakagraduate. Ang demonyita ni madam Faye, ayaw niya ako ipasa sa subject niya," padabog na sabi ni Alana at tinawanan lang ni Prof. ito. "Ikaw, Coraline?" tanong naman ni Prof. kay Cora.
"Fine as always, sir. By the way, I'm already finished revising the Constitutions and By-Laws of the organization. Para hindi na mahirapan ang susunod na presidente," sabi ni Cora at napunta ang tingin niya sa akin.
Nakadekwatro ang upo ni Alana, habang si Cora naman ay nakaupo na parang Duchess. Nakapatong ang mga paa ko sa cabinet at naksandal ang ulo ko sa upuan.
"Astrid, ikaw?" Hindi pa rin maalis ang tingin ko sa langit nang tinapik ako ni Cora sa braso ko.
"Po?" Mabilis kong sabi at humarap kay Prof.
"Ikaw naman, Astrid? Kamusta? Grabe ang pinagbago mo ngayon," masayang sabi ni Prof. Steins.
"Ah, hindi naman po ako nagbago," sagot ko.
"Dati rati, ang hinihin ni Astrid noong baguhan pa lamang siya sa club, pero ngayon, ang taas ng energy sa stage. I am so proud of you, iha," ngiting sabi ni Prof.
Hindi ko makasalita sa sinabi niya. For the past three years of proving to myself that I can be better and just for once I wish someone would be proud of me. Prof. Steins is the first person who said that to me.
"Nalaman ko pala sa Director na magiging trainee kayo ng Show BT!" Dagdag niya.
Alana reacted quickly with, "Yes naman! Excited na ako gumo-go go to Manila!" with matching suntok sa hangin. Natawa sila Cora at si Prof. sa reaksiyon ni Cora. Well, except for me.
Tuwing nababanggit ang ShowBT, naalala ko lagi ang magulang ko. Mas lalo akong na p-pressure sabihin sa kanila ang totoo.
"Ash? Something's bothering you?" Prof. steins immediately said when he noticed my expression. Umiling nalang ako at nigitian siya. The two of them were happily chatting about their college lives and gossiping their terror professors. They also ask Prof. Steins' advice, kung ano ang una nilang gagawin pagkatpaos grumaduate.
"Based on my experience. Marami akong pinagdaanan, eh. Pero bibigyan ko lang kayo ng apat. Una: 'don't be afraid to crash', it's okay to make mistakes, expose yourself to things that give you discomfort—don't stop learning new things."
"Pangalawa: escape the social media bubble, don't gauge your success with social media. That doesn't mean that your friends are doing well thinking you'll have the same success in with him, na-realize ko na may kanya kanya tayong daanan. Social media is meant to share the best parts of your life, not the messy journey that gets you there."
"Next is doubt your doubts. Life is tough but so are you. After graduation, a lot of people try to tell you what you can't do. It can be scary to try jumping into a new career. But you shouldn't let these doubts weigh you down. Never be afraid of aiming high."
"At ang pinakahuli ay: be true to you. Huwag niyo pansinin ang iba, porket that person is doing better than you, gagayahin mo na ang ethics niya. Para sa akin, if you're pushing yourself to fit in, why not, stand out instead?"
Prof. Steins's advice will always embark in our minds. He's also like Cora, maraming baon na quotes. We are really grateful to have a professor like him. He's still watching over us kahit hindi niya kami estudyante niya.
Gumabi na ang paligid at napagdesisyunan namin na umuwi na. Bago isarado ni Prof. Steins ang room, hindi pa rin maalis ang tingin ko sa lagi kong inuupuan at sa salamin kung saan kami banda ni Felipe nagpa-practice ng mga sayaw.
Ang bilis ng panahon, parang kahapon lang nangyari ang first meeting namin sa PAS. Mga apat na taon na rin nakalipas bago ako bumalik dito. Maraming pinagbago ang clubroom, at marami ring ala-alang naiwan dito. Pero napagdesisyunan ko na iwan ko nalang lahat dito bago ako umalis.
Baka ito na ang huling bisita naming tatlo dahil matagal tagal pa bago kami bumalik. Niyakap namin si sir bago umalis. We parted ways.
"Maaga ba pasok niyo bukas?" ngiting tanong ni Alana na parang may binabalak ang bruha.
"Bakit?" pagtataka kong sabi.
"Bukas daw yung carnival sa centro. Tara!" Alana knew our schedule, at sa tingin ko sinadya niya talagang i-memorize ang vacancies namin para makasama niya kami.
"Dear, kakainom lang natin kahapon sa Samgyeopsal House, at ngayon gagala tayo?" ani ni Cora.
"Oh c'mon, parang hindi kayo nasanay sa akin. Tara na!" Hindi nanaman kami nakapag ayaw ni Cora kaya hinayaan namin si Alana hilain kami palabas ng campus at bago sumakay sa tricycle.
Kahit nasa main gate palang kami, alam na ni Cora ang mangyayari kaya tumakbo ito agad papunta sa parkehan ng tricylce. Napatakbo rin kami ni Alana. Nakahawak na ako sa tricycle nang siniko ni Alana ang leeg ko kaya naagawan niya ako ng upuan.
Hanggan ngayon nag-aagawan pa kaming tatlo kung san namin gusto umupo. Since ayaw namin ang isa sa likod dahil mao-op, kaya no choice na isa sa amin ay uupo sa baby sit.
At dahil ako ang huli, ako ang uupo sa baby sit.
"Para sa'yo talaga ang upuan na 'yan, since ikaw ang pinakabata sa atin," natatawang sabi ni Alana. "Kuya sa Centro po!"
_____________________
"Felipe, I don't think this is a good idea," mahinang sambit ko kay Felipe habang dahan-dahan ko binibuksan ang lumang gate ng school.
"C'mon, Ash. Ngayon lang 'to," sabi niya habang hinihila ang motor niya palapit sa akin.
"Paano kung nahuli tayo?" Dumaan si Felipe sa akin at nailabas niya rin ang motor sa campus.
"Hindi nila 'yan malalaman," sabi niya at sumakay sa motor niya. Inaabot niya sa akin ang spare helmet niya. Sumilip muna ako sa likod ko, nagdadalawang isip umayaw sa plano ni Felip.
Wala namang nakakita sa amin, diba? Ito ang unang kagaguhan na ginawa ko dito sa paaralan na ito bukod sa mag-papaalam na pupunta sa CR pero dideretsyo sa canteen at kunwari masakit ang ulo para makatulog sa clinic.
It's been a while since I cut class or escape from a teacher's watch.
Pucha. It's now or never.
Napabuntong hinga ako ng malakas. Inagaw ko ang helmet sa kamay ni Felip, marahas ko sinuot ito at sinarado ang gate. Sumakay ako sa likod niya at inandar niya na ang motor.
"Kapit ka na mabuti," sabi niya. Hindi ko alam kung san ako hahawak kaya sa likod ko nalang.
Tumakas kami ni Felip sa guidance counselor namin, dapat maglilinis kami ngayon sa field. Nahuli ako ng teacher for the third time kumakain sa canteen during class hours at si Felipe naman ay naka 85 lates at 30 days absent sa loob ng pitong buwan.
As for our punishment, kasama ang iba pang estudyante, maglilinis kami sa field. Binanggit ko lang kay Felipe na hindi pa ako nakakapunta sa centro, hinugot na niya ako dito.
Tuwing sasapit ang pasko, may pa Carnival sa city provibnce. Ito rin ang pinakaaabangan ng marami sa Pagadian City, kaso kailangan mo muna magbiyahe ng dalawang oras papunta doon kung sa jeep ka sasakay.
Hindi ko alam kung excuse niya lang ito para makatakas sa Community Service o sadyang gusto niya lang ako idala doon.
Lagot nanaman ako sa magulang ko pag nalaman ito, baka itransfer nanaman nila ako. Tinigil ko na gumawa ng kalokohan sa dati kong paaralan para matigil na rin ang araw-araw na pagsesermon nila sa akin. Nakakairita na rin kasi pakinggan.
Sa totoo lang, simula nung bata pa ako, hindi pa ako nakakapunta sa anumang carnival. Mga kaklase ko lagi pumupunta doon kasama ang pamilya nila, lalo na pag-gabi. Pero mga magulang ko? Trabaho ng trabaho. Isa na rin ito sa aking rason kung bakit hindi ako nakakapunta doon ay dahil wala ako kasama.
Alas dos ng hapon, mainit na araw ang bumungad sa amin. Papunta na kami sa City Province, malapit sa Centro ng Pagadian. Nakalabas na kami sa city proper, anditona kami sa high way.
Biglang nag-bago ang ihip ng hangin, mas prumesko—hindi polluted. Nadaanan namin ang kalsada na maraming puno, kaya hindi gaano mainit ang byahe namin. Madadama mo na mas lumamig ang hangin.
First time ko 'to. First time ko sumakay sa motor, mag-road trip, makakita ng gantong view at mas lalong first time ko makapunta sa Centro.
Pinarke ni Felip ang motor sa tabi ng peryahan. Mabilis ang pagtakbo ni Felip, kaya sa loob ng 45 minuto nakaabot rin kami dito.
"Dito na tayo?" Tumango si Felip habang pinagmamasdan ko pa rin ang paligid. "Ang ganda," sambit ko.
"Mas maganda dito pag gabi," ani niya. May iilan na rides na nakasara, pero kahit mainit at alas tres palang, marami ng tao ang nandidito, karamihan mga bata at may nakikita rin ako na estudyante—sigurado ako tumakas rin 'to katulad namin.
"Doon tayo!" Hinila ko ang suot niyang jacket papunta sa pinakamalapit na peryahan. Sinubukan namin ang color game, hindi ko alam kung paano 'to larauin kaya pinanood ko na muna sila mag-laro.
"Eto," kumuha ng barya si Felip sa bulsa niya at binigay sa akin. Singko. As in 5 pesos.
"Tapat mo doon sa kulay na feel mo tutugma doon sa ihuhulog ni kuya na parang domino," turo ni Felip.
Nilagay ko ang singko sa color pink. May tumaya ng 100 pesos sa blue, yellow at green at 500 pesos naman sa puti at pula. Ako lang ang tumaya sa pink at ako lang rin ang tumaya ng barya. Sa paghulog ni kuya ng mga kahon, dalawang pink ang lumabas.
Napatingin ako agad kay Felipe kasama ang mga ngiti sa labi. Hindi ako makapaniwala nanalo ako sa unang subok. Sa huli, nakakuha kami ng 860 pesos.
Hindi ko pinalamapas ang bawat peryahan dito. Ramdam ko nahihiya si Felip sa akin dahil para akong bata nakalaya pagkatapos makulong ng ilang buwan sa bahay.
Sa drop ball, shooting games, sa dart, sa hoop atbp. Nanalo si Felip sa dart at nakakuha siya ng isang baby size sisiw na stufftoy, pinalagay niya na muna ito sa bag ko dahil malaki ang Jansport ko kaysa sakanya. Napunta kami sa mga bote, kung saan pag na-shoot mo ang hoop sa mga softdrinks bottle, mananalo ka ng 1000 pesos.
"20 pesos lang naman, tara na kasi," hinila ko siya palapit sa booth.
"Kung wala pa rin sa pangatlong try, alis na tayo," sabi ni Felip at tumango ako ng mabilis na parang bata. Habang nag-kakapkap siya sa bulsa niya, napansin niyang siya lang ang nagwawaldas ng pera sa amin, "Wait, ba't ako nalang lagi? Ikaw naman!" sabi niya.
Linabas ko ang bente ko na nakasimangot at binigay sa ale. Nawalan kami ng pag-asa peo naka pangsampung subok na kami. Grabe, nagagsayang ako ng 200 pesos.
Walang ganang pinapanood ni Felipe ang matamlay na paghagis ko ng hoop sa bote. At sa huling hagis, nag-shoot ito! Napalaki ang dalawang mata namin ni Felipe at nagsalubong ng tingin. Parang natanggalan siya ng antok nang inabot ni Ale ang 1000 pesos.
"Whooo! 1000 pesos!" Malakas niyang sambit. Napasayaw siya dahil sa saya. Hindi pa rin kami mapakali sa napanalunan namin.
"Hoy, ibababa mo nga 'yan baka holdapin tayo mamaya," ani ko, kaya agad niyang nilagay ito sa bulsa niya.
_____________________
Bumili muna kami ng cotton candy sa gilid ng carnival. Ewan ko ba kung bakit cotton candy ang tinuro ni Felipe, eh parehas na kami nagugutom.
"Pink sa akin," sabi ko sakanya at tinuro 'yong pink na cotton candy na nakasabit, "Libre ko? Diba may pera ka rin? Woooy~" bungad niya.
"10 pesos lang naman eh! Ang kuripot!"
Kukuha sana ako ng dyis sa bulsa ko nang mapansin ko na napalibutan kami ng mga bata na naglalaro ng bubbles. Masaya silang nag-lalaro at naghahabulan kahit nakasuot lamang sila ng tsinelas. 'Yong pinaka bata sakanila tinuro ang cotton candy na nakasabit sa tabi ni Felipe, pero sinagot siya ng kasama niya ng, "Wala na tayong pera, Anna."
"Ate, pito po." Napalingon si Felipe sa akin, "Gutom ka na talaga?"
"Sa tingin mo nakakabusog ang cotton candy? Tanga, para sa mga bata 'to." Napatingin ako sa reaction ng ale habang inabot sa aking cotton candy. Na-realize ko na mali pala ang nasabi ko.
"Oh, kunin niyo 'to. Wala 'to lason," abot ko sa mga bata. Nag-aalanganin silang kunin ito dahil hindi nila ako kilala.
"Kakabili ko lang niyan, promise," ngiti kong sabi.
"Malinis 'yan, Anna. Kunin niyo na, Chocho," sambit naman ng tindera ng cotton candy sa likod ko, kaya kinuha nila agad.
"Talaga, mama?" tanong ni Anna sa tindera.
"Oo, anak. Magpasalamat kayo," sagot niya. "Salamat po ate, salamat rin po kuya," sabi ng mga bata at nagtakbuhan sila.
"Anak niyo po?" Tanong ko sa ale pagkaharap ko sa unahan.
"Mga anak ko 'yon lahat." 'Yong anim? Lahat 'yon? Naalala ko 'yong nasabi ko kay Felipe, nakakahiya tuloy. Nang makuha namin ni Felipe ang amin, inabot ko ang 500 pesos ko sakanya bilang 'bayad' ko.
"Ay, okay lang po. Huwag na," pagtanggi ng tindera.
"Kunin niyo na po, baka liparin. Napanalunan ko po 'yan sa peryahan. Hindi ko po 'yan ninakaw," natawa si ate sa sinabi ko pero tinanggi niya pa rin.
"Sige na ate. Sige, bahala ka, malulugi tinda niyo," at pinatong ko sa harap niya ang bayad ko. Hindi na nagdalawang isip ang tindera kunin ang pera. Yumuko ito at nag sabi ng, "Salamat."
_____________________
Dahil hindi ako nabusog sa cotton candy, dinala naman ako ni Felipe sa 'Hepa Lane'. Andito daw lahat na masasarap na street food, kaya nag-g na rin ako. Sa totoo lang, first time ko rin makapunta dito.
"Ganito pala ang istura ng 'Hepa Lane', kala ko makakakuha tayo ng Hepa dito kaya tinawag na 'Hepa Lane'," ani ko habang pinagmamasdan ang paligid.
"Nandito na lahat ang mahahanap mong street food. May paunli rice, ihawan, mooncake, sisigan, shake, lugaw, mami at iba pa," sabi niya.
May kanya-kanyang trapal at kaninan ang bawat stall. May mga lamesa at upuan rin. Nakasemento ang sahig, at makikita mo na malinis sila mg-luto. Kaso nga lang, daming usok sa paligid.
Bumili muna ako ng fishball at kwek kwek, saka pumunta sa isawan at bumili ng tatlong dugo at limang isaw. Pagkatalikod ako, nakita ko si Felipe may hawak na plastic ng mga tigki-kinseng fried chicken. Ngumuso ito sa likod ko, tinuturo ang 'Totoy's Lugawan'.
Syempre, dahil may pera kami ngayon, special lugaw ang binili namin. Kinain na muna namin ang binili naming pagkain habang hinihintay ang lugaw.
"Musta pala paa mo?" Kahit dalawang buwan na ang nakalipas, tinatanong niya pa ito lagi tuwing nagkikita kami.
"Nakita mo ako kung paano ako tumakbo sa mga peryahan, diba?" Umasiwa si Felipe sa nasabi ko.
"Nakakatawa 'yong reaksyon mo kanina nung dinaya ka sa ball game," paalala ni Felipe.
"Juicecolored! Nagtitimpi lang ako kanina sa ginawa niya, porket siya ang may-ari, he thought I wouldn't find out his tricks on his sleeves," I replied.
"Diba, tama 'yong ginawa ko kanina, kasi 'yon ang binigay niyang instruction. Kung hindi ko pinalit ang angle ng pag-hagis ko, hindi tayo mananalo," kwento ko.
"Paano nga ulit 'yong pag-shoot mo ng bola?"
Ginawa ko 'yong weird angle at katawa tawa na pag hagis ko ng bola, "Paano nga ulit? Hindi ko nakita," natatawang sabi niya.
"Ha-ha. Uto-uto?" Prangka ko at muntik pa ito mahulog sa upuan kakatawa with hampas sa binti.
Dumating ang special lugaw namin. Napunta ang usapan namin sa Last Dancer Standing.
"Nag-taka talaga ako kung bakit may wheelchair sa gilid ng stage. I was like, 'Nani?'" sabi ni Felipe. Hindi pa rin ako maka-move on sa nangyari, hanggan ngayon natatawa pa rin ako.
"Tapos kung makatulak ka ng wheelchair, parang itatapon mo ako sa basurahan," pag-harap ko sakanya.
"It was my Adrenaline Rush. Hindi ko rin napansin na mabilis pala 'yong pag-tulak ko. Nag-aalala kaya ako nung nakita kita palabas ng backstage."
Napatingin ako sakanya at bigla lumaki ang mga nito, "Talaga?"
"I mean, s-sino ba ang hindi mag-aalala, diba? K-kahit si Kris o si Mike, gagawin rin nila 'yan sa'yo," nauutal niyang sabi. Tumango nalang ako na parang gets ko ang ibig niyang sabihin.
"Don't get me wrong, ah? May girlfriend ako."
Natigil ang pagsubo ko sa lugaw nang marinig ko'yan mula sa bibig ni Felipe. May girlfriend siya? Sino naman? Kung ganon, bakit niya pa ako dinala dito?
"Walang nagtatanong," masungit kong sabi.
Parang nasira ang araw ko sa narinig ko. Iniisip ko na sana hindi ko nalang 'yon narinig.
"Ash? Ash," para akong nagising nang tinapik ako bigla ni Felipe sa balikat ko.
"Ano?"
"Tara na. Kanina ka pa diyan nakatulala," ani niya.
"Ah, ganun ba," walang gana kong sabi.
Si Felipe ang nag-bayad sa kinainan ko. Hindi ko sadyang tignan ang relo ko, nang tinignan ko ng mabuti na mag-aala singko na pala.
"Okay ka lang? Malalim ata iniisip mo?" alalang sabi ni Felipe habang naglalakad kami palabas sa Hepa Lane.
"Ah, ano, of course, malalaim iniisip ko. Ah fuck, I mean-shet, pakshet. Okay lang ako," naguluhan si Felipe sa sinabi ko.
"Sige. Hintayin mo ako dito, kunin ko lang motor ko."
Pinagmasdan ko siyang lumakad palayo sa akin.
Ba't ba ang lungkot mo, Ash? I thought to myself. Wala ka naman kaparatan mag-selos, hindi naman kayo. Wala namang 'kayo'.
Alam ko malakas ang paniniwala natin na walang tumatagal sa mundo, na walang forever. Hintayin nalang natin mag-hiwalay sila.
"Oh," inabot niya sa aking ang helmet at sinuot ko ito agad.
"Para kang tanga, kanina ang lungkot mo, ngayon nakangiti ka," sabi ni Felipe bago niya suotin ang helmet niya.
Umalis na kami sa Centro at naabutan namin ang traffic pauwi sa City proper. Napansin ko na ibang routa ang dinaan namin, panigurado ako na hindi ito ang daanan pauwi.
Pumasok kami sa maliit na daanan. Teka, paakyat ang kalsada?
"San pa tayo pupunta? Ala singko na!" Sigaw ko para marinig niya.
"Daan muna tayo sa pinupuntahan ko lagi. Doon ko tinatanggal stress ko," sagot naman ni Felipe, sumilip ito sa side mirror at tumingin sa akin.
"Pabundok ba 'to?" tanong ko.
"Oo," sagot niya agad.
"Baka ibang bundok pupuntahan natin, ha. Ikaw ha."
"Gago!" At mas binilis niya ang takbo ng motor kaya napakapit ako sa balikat niya.
"Felipe! Ano ba!" Hinamapas ko ang likod niya at tumawa ito ng malakas.
Habang nagd-drive si Felipe, nakatingin ako sa kaliwa ko na unti-unting binubuksan ang ilaw ng siyudad kahit palubog palang ang araw. Ang ganda nilang tignan. First time ko rin makakita ng ganto.
Marami puno humarang sa pinagmamasadan kong tanawin, nanginig ako nang may dumaan na malamig na hanigin sa direksiyon namin.
Pag-liko ni Felip, hindi ko kayang pigilan magsabi ng mahabang "Wow." Nakita ko rin ang buong tanawin sa matagal ng oras. Gusto ko rin makakita ng ganto noong bata pa ako. Nakakatanggal nga ng stress pag nakita mo ang city lights.
Buti nalang sumama ako kay Felipe.
Maybe taking risk isn't that bad at all.
End of [10]
@ashtrid posted an image in Instagram.
A/N: Tatlong linggo na ang nakalipas, nawalan ako ng gana magsulat kaya tinigil ko na muna. But hey, I'm back hahahaha. If someone is still reading this story, let me know.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro