Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

6

A r k i n.
"Hoy, Arkin Lawrence!," sigaw ng isang babae mula sa di kalayuan.

Kahit naman hindi ako lumingon, alam ko na agad kung sino iyon. Syempre, siya lang naman ang babaeng kakilala ko eh. At higit sa lahat, siya lang naman ang kaibigan ko.

"H-hoy, bakit di mo ako nililingon?," humahangos na sabi sakin ni Keira.

"Eh pupunta ka rin naman dito eh..."

"Oh? Ano na naman 'yan?," kunot noo niya tanong sakin at saka tinuro ang pilit kong tinatagong sketch.

"Wala 'to..."

Nagpout siya. "Ewan. Malapit na akong magtampo sayo, Ark..."

"Bakit naman?," tanong ko. I continued my sketch habang siya naman ay nakakunot pa rin ang noo.

"Hindi kita ma-contact ng dalawang araw..."

"Huh? Naka-on naman ang phone ko ah? Hindi ko ino-off 'yun ni minsan..."

"Yun naman pala eh! Then why weren't you replying at my texts?"

"I was grounded, okay?'

"Bakit? Oh my gosh! Nakabuntis ka ba kaya ka grounded ng mama mo?"

Namula at nahiya ako sa sinabi niya. "Sira! Hindi kasi 'yun..."

"Eh ano?" Napatakip siya sa bibig niya. "Nahuli ka ba ng mama mo na nag-aano?"

"Huh? Nag-aano?"

"Alam mo na 'yun," nangingiti niyang sabi sakin.

Napakamot na lang ako sa ulo ko. Hindi ko kasi talaga siya maintindihan. "Hindi ko nga alam... Ano nga kasi 'yun?"

"Lika, ibubulong ko sayo..." Ako namang si uto uto, lumapit rin. "Nahuli ka ba niyang ano... Nagmamasturbate?"

"What the f--"

She immediately covered my mouth. "Hwag kang magmumura!"

"Eh paanong hindi magmumura? Utak mo kasi eh!"

"Eh pabitin ka kasi, hindi mo na diretsuhin!," pangangatwiran ni Keira.

"I was grounded because she knew that I cut classes!," sabi ko sa kanya.

"Ahh. Kaya pala... Pero hindi ka ba talaga nag-aano?"

"Keira!"

She laughed at my face. Kung may salamin lang sa harap ko, paniguradong pulang pula ang mukha ko.

--

I was listening to Plain White T's “Hey There Delilah” when I heard a knock. Akala ko sa may kumakatok sa pinto ng kuwarto ko pero imposible naman dahil tulog na si Mama.

And when I turned to my window, doon ko nakita ang nakangiting si Keira. Nakasuot siya ng itim na hoodie.

"Bakit ka--"

Like she always does, hindi niya ako pinatapos sa pagsasalita. "Sssh. Baka magising ang mama mo," she whispered.

"Why are you here?," pabulong kong tanong sa kanya.

"I'm breaking you out... Hindi ka na nakakalabas, di ba?".

"Kei... Lalo akong malalagot kapag nakita ka ni Mama, baka kung ano isipin nun..."

"Tara na kasi," pagpupumilit pa niya.

"Ayoko... Hindi talaga puwede."

"Hala? Sige na... Ngayon lang 'to, promise. I swear, last na 'tong pagbibreak natin ng rules."

I sighed and told her, "May magagawa pa ba ako?"

Nagtatalon siya sa tuwa at niyakap ako ng mahigpit. "Thank you!"

--

Sa hindi malamang kadahilanan, biglang itinigil ni Keira ang kotse. I looked around to find out wherever we are. Medyo kinakabahan na rin ako dahil mukhang walang plano si Keira.

"Where are we?," tanong ko sa kanya habang palinga-linga sa paligid.

Nagtaka ako nang makita kong nakatulala lang si Keira. And when she turned to face me, mas lalo akong kinabahan.

An evil grin was plastered on her face. Lalo akong kinilabutan nang dilaan niya ang ibabang labi niya. "Kampante ka bang hindi kita sasaktan?"

Kahit hindi ang sagot ko, sinabi ko pa rin ng, "Oo."

She let out a hollow laugh. p
Pagkatapos niyon ay pinanlisikan niya ako ng mata saka ako dinambahan.

I closed my eyes as a sign of defeat.

Lord, if this is the end, Ikaw na po ang bahala, paulit-ulit kong dasal sa utak ko.

Natigil ang pagdadasal ko nang marinig ko ang pagtawa ni Keira. "Oh my gosh! You should have seen your face!"

Napapikit na lang ako ng mariin. "Bwisit. Naisahan mo na naman ako."

"You're so innocent and guillible... Ang saya mo tuloy pagtripan!," pagdedefend niya sa sarili.

"Eh paano kung ikaw naman pala talaga ang masasaktan ngayon, ha? Paano ka nakasisigurong hindi ka mapapahamak sakin?," sunod sunod kong tanong habang nakangisi sa kanya.

Nanlaki ang mata niya at pasimpleng lumayo sa akin. "A-arkin naman eh. Walang ganyanan..."

I moved closer to her. "You started this, Keira..."

"Please, Ark... Hwag mo akong kainin!," naluluha niyang sabi.

At nang dinambahan ko siya katulad ng ginawa niya, napapikit na lang siya at may luhang tumulo mula sa mga mata niya.

I wiped her tears using my thumb and kissed her on the forehead. "Sorry, I was just kidding. Quitz na tayo ah?"

Mangiyak-ngiyak siyang nagsorry at bigla na lang niya akong niyakap. I obligely hugged her back and said it's fine.

Sa oras na iyon, habang yakap ko siya at yakap niya ako, wala na akong pakialam sa sasabihin ni Mama sakaling malaman niyang tumakas ako.

This girl... I really like her a lot.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro