Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 22

"SORRY? Ano'ng mararating ng sorry mo? Ano'ng akala mo, kapag nasabi mo ang salitang 'yon ay tapos na? Akala mo okay na ang lahat? Ganoon ba, ha!" asik kay Lauri ni Jillian pagkatapos niyang humingi rito ng tawad.

"Hindi ko hinihiling na mapatawad mo ako kung hindi mo makakayang ibigay 'yon, Jillian, pero sinsero ang paghingi ko ng tawad. Pinagsisisihan ko kung ano man ang mga nagawa kong mali."

"Ni hindi mo nga alam ang kasalanan mo, Lauri! Wala kang naalala sa pagkakamaling nagawa mo sa akin! Wala kang alam!"

Napatungo siya. Hindi niya iyon maitanggi. Dahil kahit anong pag-iisip niya ay wala siyang maalala sa sinasabi nito. Pero iyon pa ang mas nagpapabigat ng damdamin niya. "I'm really sorry," tanging nasabi niya. Nanlalabo ang mga mata niya dahil sa pamamasa niyon.

Itinukod ng kaharap ang mga kamay sa tuhod nito kaya naman nagkapantay ang kanilang mukha. Hindi niya magawang dapuan ng tingin. Nakararamdam siya ng hiya para rito.

"But why did you do that, ha, Lauri? Masaya ka bang nasasaktan mo ang ibang tao? Masaya ka ba, ha?"

"N-No." Paulit-ulit na umiling siya. "Hindi kailanman, Jillian. Maniwala ka sa akin."

Humalakhak ito ngunit mas bumakas ang bagsik sa mukha nito. Mabilis itong tumayo at dinakot muli ang kanyang mukha. Nasasaktan siya pero hindi niya iyon nagawang indahin pa. Dahil lamang ang pagsisisi kaysa sa sakit na nararamdaman niya roon.

"Hindi kailanman? Sinungaling ka, Lauri! Sinungaling ka! Ang sabihin mo nag-e-enjoy ka sa ginagawa mo! Nag-e-enjoy ka na nakakasakit ka ng iba!"

Pabalang nitong binitawan ang kanyang mukha. Malakas itong sumigaw nang sumigaw habang sapo nito ang sarili nitong mukha. Habang siya ay tahimik na humihikbi.

Paano niya sasabihin dito na katulad niya ay nasaktan lamang din siya sa mga pangyayari sa buhay niya? Pero tama nga bang sabihin niya pa iyon? Maraming nasasaktan pero mas pinipili pa rin ng mga ito na maging mabuti. Hindi katulad niya na piniling manakit dahil lang sa nasasaktan siya. Baka nga hindi lang si Jillian ang nasaktan niya nang hindi niya nalalaman. At ang isipin pa lang iyon ay mas lalong dumadagdag sa galit na nararamdaman niya para sa sarili.

"Alam mo, wala naman talaga sa isip ko na gawin ang mga bagay na ito, Lauri. Nagawa ko ng iisang tabi ang nagawa mo pero alam mo ba kung bakit tayo humantong sa ganito? Dahil pagkatapos ng nangyari noong birthday ni Hera, hindi ko na kinaya. Paano mo nagagawang lapitan ako na para bang wala kang ginawang mali sa akin, ha? Na parang magkaibigan tayo at wala kang kasalanan sa akin? Galit na galit ako, Lauri! Kaya nga noong malaman ni Lucas ang ginawa mo, ang nararamdaman ko at nang sabihin niya sa akin na tutulungan niya akong maghiganti sa 'yo ay hindi na ako nagdalawang isip pa na tanggapin ang alok niyang iyon! Gusto lang naman kitang takutin, Lauri. Pero anong ginawa mo? Sa halip na matakot ka, nakuha mo pang magsaya sa piling ng boyfriend mo!"

Bumigat ang hininga niya sa mga huling narinig dito. Bukod sa pagkakaayos nila ng mga magulang, ang mayroon sila ni Isaak ang isa pang masasabi niyang tanging naging kaligayahan niya. Niyon niya lang masasabing naging masaya siya nang lubusan. Pero bakit para bang sa sinasabi ni Jillian ay kapalit ng pagiging masaya niya sa piling ng nobyo ang sakit na nararamdaman nito.

Lumapit muli sa kanya si Jillian. Ramdam na ramdam niya ang galit nito sa kanya mula sa talim ng tingin nito.

"Kaya ngayon iba na ang gusto ko, Lauri. Ang malaman niya ang pagkakamali mo, ang totong ugali mo at ang magsisisi siya na minahal ka niya. Na minahal niya ang isang katulad mo!"

But he knows me so well, Jillian. I'm sorry if what you want is never going to happen. Pero pangakong hindi ko makakalimutan ang nangyaring ito. Ang mga pagkakamali ko at ang nararamdaman mo.

Naputol ang matagal nilang pagtititigan nang pabagsak na bumukas ang pinto ng silid na iyon. Humahangos na si Lucas ang pumasok doon.

"May problema!"

Mabilis na nilapitan sila nito. Balisa ito, panay ang hilamos sa sariling mukha. Mabilis na humawa iyon sa nobya nito. Samantalang may nabuhay na pag-asa sa kanya.

"Bakit? Ano'ng problema?"

"Lintek! Pulis pala ang boyfriend nito!" Duro sa kanya ng binata.

Mas nabuhay ang dugo niya matapos marinig ang sinabing iyon ni Luca. Ibig sabihin ba ay nariyan na si Isaak?

Namimilog ang mga mata ni Jillian nang tingnan siya nito. "Pulis?"

"Oo kaya kailangan na nating umalis dito, Jill."

Padaskol siyang hinila patayo ni Lucss pagkatapos nitong kalagin ang pagkakatali sa kanyang mga paa. Hawak siya nito sa braso nang nagmamamadaling maglakad ito kaya naman halos makaladkad na siya nito.

"N-Nasasaktan ako," daing niya ngunit parang hindi ng mga ito naririnig iyon. Napapangiwi siya sa higpit ng kapit ng binata sa kanyang braso pero mas humihigpit lang iyon kapag nagpupumiglas siya.

"Huwag ka ngang malikot!" asik nito sa kanya.

"Teka, saan ba tayo pupunta?" Habol sa kanila ni Jillian. Nababasa na rin niya ang takot at pagkataranta rito.

"Basta!"

Nang makalabas ng kwarto ay nakuha niya pang ilibot ang tingin. Niyon niya lamang napagtanto na isang lumang bahay ang kinaroonan nilang iyon pero bukod sa agiw sa mga dingding at bubong ay malinis 'yong tingnan. Dalawang silid pa ang dinaanan nila bago sila nakarating sa hagdan. Lumulundo na ang mga baitang niyon sa bawat tapak nila.

Dumiretso sila sa labas ng bahay. Madilim pa rin ang paligid. Hindi niya sigurado kung anong oras na iyon pero nasisiguro niyang hindi pa sila nagtatagal sa lugar na iyon.

"Ano bang nangyayari?"

Hindi sinagot ni Lucas si Jillian. Binuksan nito ang pinto ng passenger seat ng lumang pulang kotse na nakaparada sa harapan ng bahay at basta na lamang siyang itinulak papasok sa loob niyon.

Shit! Mariin siyang napapikit nang maramdaman ang pangingirot ng ulo pagkatapos niyong tumama sa kabilang pinto. Gusto niyang sapuin iyon ngunit nanatiling nakatali ang mga kamay niya kaya sa pagbaluktot at pagngiwi na lamang niya nagawang idaan ang pagdaing.

"Pwede bang sumagot ka?" singhal ni Jillian sa nobyo nito.

"Pulis ang boyfriend ng lintik na 'yan. Iyon ang sabi ng bwisit na lalaking 'yon. Kapag hindi pa tayo umalis dito malilintikan tayo, Jillian."

Nakuha ng sinabi ni Lucas ang atensyon niya. Lalaking nagsabi na pulis si Isaak? Ibig sabihin ba niyon ay si Daniel? Pero paanong napunta iyon dito kung umalis ito kanina sa resort?

Pilit niyang ibinangon ang sarili. Luminga siya sa loob ng kotse, naghahanap ng matulis na bagay o kahit na anong maaaring makatulong para makalas niya ang tali sa kanyang mga braso. Kailangan niyang mapakawalan ang sarili para matulungan man lang niya ang mga kaibigan. Naiinis siya sa sarili dahil nadamay pa ang mga ito. Hinding hindi niya mapapatawad ang sarili kapag napahamak ang mga kaibigan niya.

"Anong gagawin natin? Baka dumating ang boyfriend nito. Ayokong makulong, Lucas."

"Ano ka ba! Hindi ka makukulong. Hindi tayo makukulong. Ako ang bahala, okay? Bantayan mo 'yan. Kukunin ko lang 'yong tatlo."

Nanlaki ang mga mata niya. Natitigan niya si Lucas na tinakbo ang bahay.

Tatlo? Sinong tatlo? Sino sa mga kaibigan ko ang narito!

"Kasalanan mo ang lahat ng ito!" malakas na asik ni Jillian sa kanya at sinipa ang kinauupuan niya. Mabilis ang pagtaas-baba ng dibdib nito at nanlilisik ang tingin sa kanya. "Anong gagawin ko!" muling sigaw nito, sapo nito ang ulo. Nagpauli-uli ito sa gilid ng kotse, ngatngat ang kuko sa hinlalaki.

Nang makakuha siyang muli ng pagkakataon ay ipinagpatuloy niya ang paghahanap sa loob ng kotse habang panaka-nakang nililingon si Jillian. Nag-iingat na huwag nitong malaman ang ginagawa niya. Naroon ang mga kaibigan niya. Hindi pwedeng umungkot lang siya roon at maghintay na lang ng magliligtas sa kanila.

Kinapa niya ng kamay ang mga suluk-sulok ng kinauupuan pero bigo siya. Sinubukan niya ring kapain ang ilalim ng upuan gamit ang kanyang paa na niyon niya lang napansin na wala ng suot na tsinelas. Napangiwi at mahina siyang napamura sa inis nang muntik pa siyang mapasubsob sa pagitan ng dalawang upuan, mabuti na lamang ay naitukod niya ang kanang balikat sa sandalan ng front passenger seat.

Napatalon siya sa kinauupuan at mabilis na nilingon ang bahay nang makarinig ng lagabog. Parang may bumagsag sa sahig na kung anong mabigat na bagay. At sa itaas iyon nagmumula, natitiyak niya iyon.

"Shit, Lucas, nasaan ka na ba!" Mas bumilis ang pagpapauli-uli ni Jillian. Nagtangka itong lalapit sa bahay pero hindi itinuloy. Ilang saglit lang ay tumigil ito at dumukot sa suot nitong pantalon. Nanlaki ang mga mata niya at agad na nilamon ng kaba nang makita niya ang inilabas nito mula sa bulsa nito.

Shit!

Kahit pa hirap na hirap siya ay pilit niyang kinakapa ang handle ng pinto sa kanyang likuran. Napapangiwi siya dahil sa kirot sa kanyang dalawang pulsuhan. Natigil lang siya sa ginagawa at halos idikit na niya ang sarili sa pinto nang harapin siya ni Jillian. Lumapit ito sa kotse at ipinasok ang kalhati ng katawan. Mas lumala ang pagkapoot na nababasa niya sa mukha nito.

"Hindi ako makukulong, Lauri. Hindi!"

Naitagilid niya ang ulo at mariin siyang napapikit nang iangat nito ang hawak nitong swiss knife. Niyayanig ng malakas na tibok ng kanyang puso ang kanyang katawan.

"J-Jill... p-please..." Halos hindi na lumabas sa bibig niya ang pagmamakaawang iyon. Habol niya ang hininga habang nararamdaman ang malamig na metal sa kanyang pisngi. "P-Please, Jillian, itigil ninyo na ito. Walang magandang resulta sa ginagawa ninyo. K-Kayo lang ang masasaktan—"

"Hindi ko kailangan ang opinyon mo kaya manahimik ka! Hindi kami pwedeng makulong, naiintindihan mo? Dahil hindi ito kidnap. Kusa kang sumama sa akin!"

Ano?

"Sagot!"

Tanging pagtango ang nagawa niya. Hindi niya alam kung ano bang iniisip nito at kung makakaya nga ba nitong ibaon sa kanyang katawan ang hawak nito, pero natatakot siya na baka sa sobrang galit nito sa kanya at sa mga nangyayari sa mga sandaling iyon ay hindi na ito makapag-isip nang maayos at itarak na lamang nito basta sa kanya ang swiss knife nito.

"Ikaw ang puno't dulo nito, Lauri. Wala akong kasalanan. Wala kaming kasalanan. Naiintindihan mo?"

Hindi niya na nagawang umimik, paulit-ulit na tumango lamang siya rito. Parang naging kaginhawahan ang bagay na iyon sa kaharap dahil narinig niya ang pagpapakawala nito ng mabigat na hangin at ang paglayo ng galit sa mukha nito.

Sabay silang napalingon sa unahan nang makarinig ng ugong ng papalapit na sasakyan. Nanlaki ang kanyang mga mata at nabuhayan ng pag-asa nang makilala ang pamilyar na kotse. Samantalang namimilog na ang mga mata ni Jillian nang tingnan niya itong muli. Kinuha niya ang pagkakataon na iyon. Walang pagdadalawang isip, malakas na sinipa niya ito sa magkabilang balikat nito na ikinaurong nito palabas ng sasakyan.

Maliksi ang ginawa niyang kilos nang lumabas siya ng sasakyan. Naroon na si Isaak sa harapan ni Jillian na hindi na naitago ang takot habang panay ang pagpupumiglas. Nilalagyan ito ng posas ng nobyo bago siya nito hinarap. Puno ng pag-iingat na kinalag nito ang pagkakatali sa kanya kahit pa panay ang pagmumura nito lalo na ng makita ang sumugat na niyang pulsuhan.


"Are you okay? May iba bang masakit sa 'yo?" puno ng pag-aalala nitong tanong habang inililibot ang tingin sa kanyang katawan.

Umiling siya. "I'm okay, Isaak. Lalo na ngayon na nandito ka na." Mahigpit niya itong niyakap. Para bang napakatagal na panahon na hindi niya ito nakita.

"Oh, God, Lauri!" Mahigpit din ang ganti nito sa yakap niya.

⊱╼╼╾╾⊰

"LAURI!"

Napalayo si Lauri at Isaak sa isa't isa nang marinig nila ang pagtawag sa kanyang pangalan. Nanlaki ang mga mata niya nang malingunan nila ang tumatakbong si Hera palabas ng bahay. Sinalubong nila ito ni Isaak.

"Si Eman?" tanong dito ni Isaak. Itinuro ng kaibigan dito ang bahay. Agad na tinakbo iyon ng nobyo.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong niya sa kaibigan. Tanging isang leather jacket ang suot nito. Nakasara ang zipper niyon hanggang sa leeg. Wala itong pang-ibaba kaya natitiyak niyang sa loob ng suot nitong jacket ang suot nito kanina na one piece switsuit.

"Are you okay?" tanong nito sa kanya, naroon ang takot at kaginhawahan.

"Okay lang ako, Hera. Ikaw, okay ka lang ba?"

Sa halip na sagutin siya ng kaibigan ay ibinagsak nito ang ang noo sa kanyang balikat. "Gosh! Akala ko ending ko na."

Napahinga siya nang malalim. I'm sorry.

"Bakit ba kasi narito ka?"

Iwinawagayway nito ang mga kamay. "Mahabang kwento."

Nilingon nito si Jillian. Nakasubsob ang mukha nito sa mga tuhod at panay ang hagulgol.

"Gosh! I can't believe it," naiiling na ani Hera.

Hinawakan niya ito sa braso at inilingan. Alam niya ang naiisip nito. Na tulad niya ay hindi nito inaasahan na magagawa ni Jillian ang ganoon.

"Get off me!"

Nabaling ang tingin nila sa bahay nang marinig ang panay na pagsigaw ni Lucas. Nasa likod ang mga kamay nito na tiyak niyang nakaposas na rin. Hawak ito ni Eman at ni Isaak sa magkabilang braso. Nasa likod ng mga ito ay si Daniel. At siyang dating din doon ng ilang kotse ng mga pulis at ng kanyang magulang.

Agad siyang nilapitan ng mga nag-aalalang magulang habang si Jillian ay mas lalong lumakas ang iyak nang kunin ito ng mga pulis.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro