Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 17

NAPAMAANG si Lauri dahil sa narinig niya mula kay Isaak. Ganoon na lamang ang lakas ng tibok ng puso niya. Nagawa niya pang itakip ang kamay sa nakangangang bibig.

Mahina itong natawa. "Ganyan bang nakakagulat ang sinabi ko?"

"Oo," direktang aniya.

Matunog ang naging pag ngiti nito saka napailing.

Gi-no-goodtime lang ba ako ng isang 'to!

Tinitigan niya ang binata sa mga mata. Nagniningning iyon sa saya habang nakatitig sa kanya.

"But, why?"

"Simply because I have feelings for you, Lauri!"

Napamaang siya lalo rito. Did he just... confessed? Sa naisip na iyon ay parang nagwawala na naman ang kung ano sa katawan niya at nasasagasaan ang mga happy cells niya pero hindi niya iyon magawang sabayan ng ngiti. Masyado siyang nagugulat sa mga naririnig niya mula kay Isaak.

Hindi siya makapaniwala. Buong akala niya dahil sa mga naging pakikitungo niya rito noon ay magiging mahirap na mapalapit ang puso ng binata sa kanya. Pero ano ngayon itong naririnig niya?

Malalim na nagpakawala ng hangin si Isaak. Nang abutin nito ang kamay niya ay para bang hindi pa ito tapos na gulatin siya. Nag-aabang maging ang puso niya sa kung ano mang sasabihin nito.

"Hindi ko makakalimutan kung kailan ako unang nakadama ng atraksyon para sa 'yo, Lauri."

Sinundan niya ng tingin ang kamay niyang hawak nito. Dinala nito iyon sa labi nito at dinampian ng halik ang bubong niyon. Napangiti siya at ramdam niya ang pag-init ang mga mata niya roon.

"That was when I saw you wearing that elegant red gown during your JS Prom with Isaiah. You're so beautiful, Lauri. So enchanting that I couldn't even take my eyes off you."

"Wha-What?" Wala siyang nagawa kung 'di ngumanga sa gulat sa kabila ng malakas na pintig ng puso niya. Hindi niya alam kung paano pa pagkakasyahin ang gulat sa puso niya dahil sa mga ipinagtatapat nito. May nararamdaman ito para sa kanya? And JS Prom? That was nine years ago! At ganoon ng katagal na gusto siya nito? Hindi siya makapaniwala. Paanong hindi niya napansin?

Paano mo mapapansin, eh, inuuna mo ang galit! pagalit na aniya sa isip.

"It was just a simple crush, I thought," pagpapatuloy ni Isaak habang nakangiting nakatitig sa kanya. "Dumaan din ako sa puntong iyon ng buhay ko, Lauri. Naghihintay na makita ka at ang makita ka pa lang ay buo na ang araw ko. I told myself that I would confess to you once you turned eighteen."

"I... Isaak..."

Nangingilid na ang luha sa kanyang mga mata dahil sa mga naririnig mula sa binata. Baka kapag sinabi nitong magpakasal na sila ay walang pagdadalawang isip na um-oo siya. Ganoon siyang kasaya sa mga sandaling iyon.

"Pero bago ko pa man magawa iyon, may nangyari nang hindi inaasahan." Sa kabila ng ngiti nito, naroon pa rin ang lungkot sa naging buntong-hininga nito.

Itatanong niya pa sana kung ano iyon. Pero agad na niyang nahulaan. Nagalit siya rito.

Bumaba ang tingin niya sa kamay niyang mahigpit pa rin na hawak nito. Panaka-naka ang paglilikot ng hinlalaki nitong humahaplos sa bubong ng kanyang palad. Nakikiliti hindi lang iyon, maging ang puso niya.

It feels surreal. Ang makaharap ito nang ganoon, ang makita ang iba't ibang emosyon sa mga mata nitong nananatili ang tingin sa kanya, at ang mapag-usapan ang nararamdaman nito para sa kanya.

"Hindi ba nawala ang nararamdaman mo kahit naging ganoon ang pakikitungo ko sa 'yo?" tanong niya nang muling mag-angat ng tingin dito.

Umiling ito. "Hindi kailanman, Lauri. Because I know you. And I want to be close to you. I want to be near you. Na kahit ang galit mo magagawa kong harapin, Lauri."

Napaismid siya. "Ano ka, masokista?"

Mahina itong natawa. Inilapit nito ang katawan sa kanya at mahinang pinisil ang ilong niya. Napasimangot siya roon.

"Ganoon lang talaga kalakas ang tama ko sa 'yo. And I'm confident that I can melt your anger away."

Mahina siyang natawa. "Pero hindi mo nagawa."

"Hindi ba, Lauri?" Nakangisi ito. Sigurado siyang alam na alam na nitong hulog na siya.

Nakagat niya ang labi sa pagpipigil ng ngiti pero hindi nakatulong iyon. "Oo na! You did!" Ngumisi siya. "Pero hindi mo ginawa nang mas maaga," hirit niya pa. "Balak mong magtapat sa akin noon kapag eighteen na ako, why didn't you confess before? Bakit, Isaak? Hindi ka confident na maaalis mo ang galit ko noon?"

Umiling ito. "Dahil alam kong pagkatapos ng nangyari noon, apektado ka pa rin doon, Lauri. Kung nalaman ko nga lang noon ang dahilan ng galit mo sa akin..."

Malalim itong bumuntong-hininga na para bang may pinagsisihan. At sigurado siyang dahil iyon sa pagbibintang niya rito na ito ang nagsumbong sa mga magulang niya ng ginawa niyang kalokohan.

Tinaasan niya ito ng kilay. "Ano bang akala mong dahilan kung bakit ako nagagalit?"

"Na sa akin mo lang 'yon naibubunton."

Napanganga. Nahampas niya tuloy ang binata sa braso. Nasalo nito ang kamay niya nang muli niya sana itong hahampasin sa braso.

"I'm not that stupid!" Oh, really! Nagsalita ang taong mapagbintang.

"Okay, I'm sorry!"

Inirapan niya ito.

Matunog itong napangiti. "Kung hindi lang nangyari ang mga ito, maghihintay ako na makagraduate ka muli saka ako magtatapat, Lauri."

"So, nagbalak ka ba na magtapat noong nakatapos ako sa fashion?"

Hindi niya maintindihan kung maiinis ba siya o manghihinayang nang tumango ito.

Napaisip siya. "Kung hindi nga kaya nangyari ang mga ito, ano kaya tayo ngayon, Isaak?"

"Malamang na hindi ka papayag na makasakay man lang sasakyan ko ngayon, Lauri."

Malakas siyang natawa at napatango. "Yeah."

Napahinga siya ng malalim. Seryoso nag muli niya itong tinitigan habang may tipid na ngiti sa labi. "I'm sorry, Isaak."

"For what?"

"Sa naging pakikitungo ko sa 'yo noon. Sa mga galit na hindi mo naman dapat natanggap." Mariing nakagat niya ang ibabang labi nang makaramdam ng labis na hiya at pagsisisi.

Marahan namang hinaplos ni Isaak ang pisngi niya. "Apology accepted," nakangiting anito.

Umayos siya ng upo at isinandal ang gilid ng ulo niya. "Paano mo naisip na magagawa mong alisin ang galit ko noon?"

Hindi niya alam kahit sa sarili niya, kung paano maaalis ang galit sa puso niya noon. Masyadong naging malalim ang pagkakatanim niya niyon sa puso niya. Kung sa ibang pagkakataon, paano kaya magagawang tunawin iyon ni Isaak? Kuryoso siya roon.

Pero hindi pa man nito sinasagot ang tanong niya ay nasagot na niya iyon sa sarili niya. His cares, concerns and his feelings. Alam niyang mararamdaman at mararamdaman niya ang mga iyon.

Inabot nito ang kaunting buhok na humaharang sa kanyang mata at hinawi iyon. Humahaba na ang buhok niya kaya tumatama na iyon sa mga mata niya kapag nalalaglag.

"Because I will do everything I can for you to see my love, Lauri. Naniniwala akong walang matigas na puso na hindi kayang palambutin ng tunay na pagmamahal."

Natawa siya dahil masyado itong naging makata, huli na ng mapagtanto ang dalawang salita na sinabi nito.

Love? Pagmamahal?

Pero bago niya pa magawang isatinig iyon ay hinawakan na ng binata ang kamay niya.

"As much as I want to ask you to be my girlfriend, I want us to take that first step first, Lauri."

And she knows what first step he's talking about. At buong pusong tinanggap niya ang gusto nito.

⊱╼╼╾╾⊰

GETTING to know someone isn't just about one night talking about each other. Matagal ang proseso sa pagkilala sa isang tao. At hindi lang iyon pagtuklas ng tungkol sa mga gusto at paborito ninyo. You also need to pay attention to how he or she listen to you everytime you talk. Doon mo makikita kung sinsero ito sa nararamdaman nito para sa 'yo.

Naroon na sila ni Isaak sa yugtong iyon ng relasyon nila. At ang mas kilalanin pa ang binata ang isa sa pinakapaborito niyang gawin. She had been very attentive to him for the past few of months. Na-a-amaze siya kapag may bago siyang nalalaman tungkol sa binata.

Hindi na nga niya inisip ang bilis ng mga pagkakalapit nila nito kung paano niya inalala ang bilis ng pagkakaroon niya ng paghanga rito. In-e-enjoy na lamang niya ang bawat segundo na magkasama sila. Na masaya siya... na masaya sila.

"Are you crying again?"

Nakasimangot na nilingon niya si Isaak. Malakas itong natawa nang makita nito ang basa niyang mukha. Humugot ito ng tissue sa tissue box na nakapatong sa center table nito.

"Hindi pa rin ako makapaniwala na iyakin ka," malapad ang ngiti na anito saka pa mahinang natawa habang pinupunasan ang mukha niya.

"And I still can't believe that you like this kind of movies."

"Okay, horror naman ang panoorin natin sa susunod katulad ng gusto mo."

Parang batang tumango siya. Mahina muli itong natawa saka umakbay sa kanya. Muli nilang hinarap ang telebisyon.

Naroon sila sa kwarto nito. Magkatabi silang nakaupo sa mahabang sofa, nababalutan ng makapal nitong kumot. Sa center table ay nakakalat ang ilang tupperware mula sa Cooleats, tanging container na lang ng nachos ang natitira na may laman. At siya lang din naman halos ang lumantak ng mga pagkain na binili nila. Napag-alaman niyang hindi gaanong hilig ng binata ang mga fast foods. May pagka-strict ito sa kinakain. Lots of protein and less carbs. A bad one. Natawa pa nga siya sa sarili nang maisip na kaya pala ganoon ang katawan nito.

Hindi niya rin naman pinipilit. Nirerespeto niya ang paraan ng pamumuhay nito. Minsan din naman ay kumukuha ito. Pansin niya na hilig talaga nito ng french fries dahil doon ito napapadami ng kain.

Patuloy ang panonood nila sa isang animated movie na Grave of the Fireflies na siya naman ang pumili. Na-curious siya dahil sa mga reviews niyon.

Sabado iyon at day off ng binata. Maghapon sila nitong magkasama. Nang umaga ay sabay sila nitong nag workout sa fitness club na naroon lang sa loob ng subdivision. Iyon ang madalas nitong dayuhin at kung wala namang time na magtungo roon ay kumukuha lang ito ng kaunting minuto sa isang araw para makapag workout. Siya naman ay hindi talaga mahilig sa ganoong bagay. Mas gugustuhin niyang humilata kaysa pagurin ang katawan niya sa ganoong bagay. Sumasabit nga lang siya sa binata sa pagwo-workout nito noong mga nagdaang weekends dahil gusto niya itong makasama. Pero lately ay nasanay na rin ang katawan niya. Nasanay na nga siya na pagkakagising niya sa umaga ay nagkakaroon siya ng ten minutes workout. Maganda rin naman ang resulta dahil mas nagiging productive siya at para bang ang gaan-gaan ng katawan at pakiramdam niya.

Nang tanghali ay nagtungo sila sa mall. Doon sila nag lunch at sinamahan siya nito na mamili ng regalo para sa nalalapit na birthday ni Alicia. Hiyang hiya nga siya dahil iyon ang unang beses na nagtungo sila sa mall simula noong maging okay sila. Naalala niya ang pagkakahampas niya ng necktie rito. Lalo lang lumala ang konsensya niya nang pagkarating nila sa mga ito kinagabihan ay nakita niyang suot ng kanyang ninong ang necktie na regalo niya rito noong nagdaang kaarawan nito. Panay ang paglalambing at paghingi niya ng sorry kay Isaak sa pagkakahampas niyon dito.

Noong una ay dinadramahan pa siya nito. Na hindi raw nito matatanggap ang sorry niya dahil masyado raw masakit ang ginawa niyang iyon. Ilang araw daw nitong idinaing iyon. Konsensyang konsensya na siya at hindi na niya halos maipakita ang mukha niya rito dahil sa hiya pero napaghahampas niya lang ito sa braso nang tawanan siya nito at sinabing nagbibiro lang ito.

"Why do you like this kind of movies?" tanong niya kay Isaak nang matapos ang pinapanood. Closing credits na lang ang nakikita sa telebisyon.

"Anime?"

Tumango siya.

"It's fun," tipid nitong sagot. Seryoso ang mukha nito salungat sa sagot nito.

"That's it?" nakangiwing aniya. Tumango ito na ikinatawa niya. "No other reason?" Umiiling niyang tanong.

"How about you, why do you like watching horror movies?"

Nagkibit siya ng balikat. "It's fun." Nang mapagtanto ang isinagot niya ay sumabay ang tawa niya rito.

Pinisil nito ang tungki ng ilong niya. "Sometimes we don't need to look for other reasons, Lauri. If it's fun, then it's fun. Hindi rin naman tayo naghahanap ng ibang rason kapag gusto nating maging masaya. Ang pagiging masaya lang ay sapat na."

Nakalabing napatango siya sa sinabi nito.

"Eh, ikaw, bakit gusto mo ako?"

Mula sa telebisyon ay nilingon siya nito. Sinabayan nito ang titig niya. Nakagat niya ang ibabang labi habang humahagikgik nang ilapit nito ang mukha sa kanya at pinagkiskis ang ilong nilang dalawa.

"Because it's you, Lauri," anito nang makalayo.

Kunwari'y umismid siya. "Paano kung makatagpo ka ng ibang Lauri?"

"I don't need them. Kahit isang libong Lauri pa iyan. Ikaw lang ang gusto ko. Walang makakapalit sa 'yo dito sa puso ko, Lauri Jade."

Ngiting ngiti siya sa sagot nito.

Sa sobrang saya dahil sa narinig sa binata ay hindi na niya napigilan ang ilapit dito ang kanyang mukha. Lumapat lang ang labi niya sa labi nito. Nang matauhan siya sa ginawa ay mabilis na napalayo siya rito. Bakas ang gulat sa mukha ni Isaak nang tingnan niya. Katulad niya ay nanlalaki ang mga mata nito at bahagyang nakabukas ang bibig.

"I-I'm so—"

Ngunit bago niya pa man matapos ang sasabihin ay naramdaman na niya ang kamay nito sa gilid ng kanyang leeg at ang isa ay humawak sa likuran ng kanyang ulo. Kasabay niyon ay naramdaman niya ang paglapat ng mainit at malambot nitong labi sa kanyang labi.

Sa lapit nila ay naduduling na siya pero natitigan niya pa ang nakapikit nitong mga mata. Sa sobrang gulat ay hindi agad siya nakakilos ngunit nang maramdaman niya ang paggalaw ng labi nito ay kusang napapikit na rin siya. Yumakap ang mga kamay niya sa bewang nito.

Rinig niya ang mahinang ungol ni Isaak nang sabayan niya ang mabagal na paggalaw ng labi nito. Naramdaman niya ang paggapang ng kanang kamay nito na nasa kanyang leeg patungo sa kanyang pisngi. Ang kapit niya sa bewang nito ay umakyat patungo sa leeg nito at ikinawit ang mga braso niya roon. Mas napalapit pa siya rito nang humigpit ang pagkakayakap ng braso nito sa kanyang bewang.

Their kiss was so slow yet so passionate.
Parang inaangat ang katawan niya sa saya at kilig. It's her first kiss. Their first kiss.

Mas bumagal ang halik hanggang sa tumigil iyon. Nagbigay pa si Isaak ng isang dampi sa labi niya bago nito tuluyan inilayo ang mukha sa kanya. Nakangiting nagkakatitigan sila nito. Muli siyang napapikit nang ilapit muli nito ang mukha sa kanya. Natawa siya nang maramdaman niya ang mga dampi ng halik nito sa kanyang noo, sa tuktok ng kanyang ilong, sa magkabilang pisngi at huli ay sa kanyang labi.

Inilayo nitong muli ang mukha sa kanya pero nanatili ang lapit ng kanilang katawan sa isa't isa. Nanatili ang yakap ng braso nito sa kanyang bewang at ang mga braso niya sa leeg nito.

Titig na titig ito sa kanya. Nang mga oras na iyon, habang nakatitig din sa kumikislap sa saya na mga mata nito, alam na niya. Sigurado na siya, na higit pa sa pagkakagusto lang ang nararamdaman niya para kay Isaak.

"I love you!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro