Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kaya pala...

Natripan ko lang ulit gumawa ng one shot, hahaha! Tinopak na naman ako eh. Pagpasensyahan n'yo na kung masama! Oh well, kailan ba ako gumawa ng maganda?


=======


"I'm sorry."

Ang dalawang salitang binitawan niya ang tuluyang nagpatulo sa mga luha ko. Masakit. Sobrang sakit.

"Sorry Remcyl pero hindi kita mahal kaya imposibleng maging tayo." Dagdag pa niya kaya lalo akong naiyak.

Kaya pala. Kaya pala hindi pwedeng maging kami dahil hindi niya ako mahal.

Natatawang pinahid ko ang mga luha ko na walang katapusan sa pagtulo. "No need to say sorry. Ako naman 'yong umasa eh. Nagpaasa ka lang. Don't worry, hindi naman kita kukulitin nang kukulitin. Sinabi ko lang 'yong nararamdaman ko, at least ngayon gumaan na kasi naamin ko na sa'yo."

Gumaan Remcyl? Niloloko mo ba ang sarili mo?

"Remcyl..." Sabi niya at sinubukang hawakan ang braso ko pero agad akong lumayo.

"No... okay lang ako... okay lang talaga ako... salamat sa lahat." Tumutulo pa rin 'yong luha ko no'ng sinabi ko 'yon.

"Remcyl... ipangako mong magkaibigan pa rin tayo." Parang nahihirapan niyang sabi.

Ha! Magkaibigan?! Damn! Hindi ko kaya! Gusto ko higit pa do'n! Pero alam kong imposible.

"Hindi ko alam kung... kaya ko pang maging kaibigan mo. Pasensya na." 'Yon lamang ang nasabi ko saka tuluyan na akong umalis.

Pagkatalikod ko sa kanya, lalo akong napahagulgol ng iyak. Hindi ko na siya nilingon kahit na sinisigaw na niya ang pangalan ko.

Tanga rin naman kasi ako... umasa ako na mahal niya rin ako. Sino ba namang hindi aasa kung higit na sa kaibigan kung ituring ka niya? Dinaig pa niya ang isang boyfriend.

Pero siguro nga... ako lang ang nagbigay ng malisya sa mga pinakita niyang gestures sa akin.

Patuloy pa rin sa pagtulo ang luha ako. Kainis! Wala bang katapusan 'to?

Tigilan mo na ang katangahan mo kay Yaehl, Remcyl!

Pinaasa lang niya ako... o ako lang talaga ang umasa? Pero hindi naman kasi ako aasa kung hindi siya nagpakita ng motibo eh.

"Aish!" Naiinis kong pinahid ang luha ko.

Tama na. Tama na.

***

"Tulungan na kita Rems." Sabi agad ni Axel pagkalapit niya sa'kin.

"Hindi ko kailangan ng tulong mo." Sinabi ko 'yon ng hindi tumitingin sa kanya at nagpatuloy lang sa paglalakad.

Pero sinundan niya ako at sumabay pa sa akin sa paglalakad. "Rems, why do you hate me so much?"

I sighed. "I don't hate you. 'Yang pagkamakulit mo ang kinaiinis ko. You know how much I hate that."

"I'm sorry." Mahinang sabi niya.

"Don't be sorry. Huwag mo na kasing ipagpilitan ang sarili mo sa'kin. I told you, hanggang kaibigan lang ang kaya kong i-offer sa'yo." Sabi ko bago ko siya iwanan.

Pareho kami ng sitwasyon ni Axel, never kaming mamahalin ng mahal namin. Well, karma ko siguro 'yong nangyari sa'kin na ni-reject ako ni Yaehl. Ni-reject ko kasi si Axel... na nagkataong best friend niya.

***

"I give up. Imposibleng mahalin ako ni Rems."

Napahinto ako sa paglalakad no'ng marinig ko ang pangalan ko. Pagkasilip ko kung sino ang nag-uusap.... si Yaehl at Axel pala.

"Bakit ka susuko? Hindi mo na ba siya mahal?" Tanong ni Yaehl sa kanya.

"Hindi sa ganoon. Pero, ano pa bang mapapala ko? Matagal ko na siyang hinahabol pero hindi man lang siya huminto or tumingin man lang sa'kin." Pagdadrama ni Axel.

Nagkaroon ng silence between them. Then binasag ulit ito ni Axel.

"Basta pare... 'yong pangako mong hindi mo liligawan si Rems, gawin mo lang 'yon, ayos na sa'kin. Kahit sa ibang lalaki na siya mapunta, huwag lang sa'yo. Pakiramdam ko kasi tinalo mo ako 'pag nagkataon."

What?

"Nangako ako at hindi ko babaliin 'yon." Sabi ni Yaehl.

"Salamat pare. Una na ako." Sabi ni Axel at umalis.

"Y-Yaehl..." Nasabi kong bigla pero narinig pala niya ako kaya siya napatingin sa'kin.

"K-kanina ka pa dyan?" Gulat niyang tanong sa'kin.

Hindi ko alam pero bigla na lang akong lumapit sa kanya at pinagsusuntok siya. Pinigilan naman agad niya ako.

"Hey! Stop it Remcyl!" Sabi niya habang sinasalag ang mga suntok ko.

"Nakakainis ka! Nakakainis ka!" Sigaw ko sa kanya habang sinusuntok pa rin siya. "'Yon ba ang dahilan kaya hindi pwedeng maging tayo? Dahil sa pangako mo kay Axel? Ha?"

Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Kahit na tumutulo sila, patuloy pa rin ako sa pagsuntok kay Yaehl.

"Nakakainis ka..." Pahina nang pahina ang suntok ko pati boses ko. "Nakakainis ka."

Naramdaman ko na lang na niyakap niya ako ng mahigpit. "Please Remcyl, huwag ka nang umiyak. I'm sorry." Hinalikan nito ang buhok ko. "I'm sorry."

"Duwag ka. Bakit Yaehl? Bakit hindi mo magawang ipaglaban ang nararamdaman mo?" Sabi ko habang humahagulgol. "Kailangan ba na lagi na lang ikaw ang magbibigay? Lumaban ka rin naman minsan."

Pansin ko na kasi 'yon dati pa. Lagi na lang niyang pinagbibigyan si Axel. Kapag Intrams, hindi niya masyadong ginagalingan para si Axel ang maging MVP.

Sa klase naman, kayang-kaya niyang mag-top 1 pero hindi niya rin ginagalingan masyado para si Axel ang mag-top 1.

"Masama rin ang masyadong magpakabait Yaehl. Maging makasarili ka naman kahit konti."

Humiwalay siya sa pagkakayakap niya akin at pinahid ang mga luha ko. "Hindi lang naman ikaw ang nasasaktan Remcyl. Hindi mo alam kung gaano kahirap na huwag kang yakapin, hawakan. Kasi gusto kong lagi kang nasa tabi ko. Pero hindi pwede. Kasi ayokong sirain ang pangako ko kay Axel."

Hinalikan niya ang noo ko. "Remcyl, mahal na mahal kita. At alam kong matututunan mo ring mahalin si Axel. Kahit masakit itong ginagawa kong pagpaparaya, ayos lang. Alam kong sasaya ka rin sa kanya. Magagawa mo rin siyang mahalin."

Umiling-iling ako. Patuloy pa rin ang pagtulo ng luha ko. "Hindi Yaehl. Ayoko. Ikaw nga 'yong mahal ko eh. Bakit ba ipinagtutulakan mo ako kay Axel?"

Napapikit ng mariin si Yaehl saka niya idinikit ang noo niya sa noo ko habang hawak pa rin niya ang pisngi ko.

"Remcyl..." Sabi niya na para bang hirap na hirap siya. "Mahal na mahal kita."

"Mahal din kita Yaehl." Sagot ko.

"Bakit pa kayo nag-iiyakan eh mahal n'yo naman ang isa't isa?"

Sabay na napatingin kami ni Yaehl sa nagsalita.

Si Axel.

"A-Axel---"

Itinaas ni Axel ang kamay niya para pigilan si Yaehl sa pagsasalita. "Ayos lang Yaehl, kahit masakit sa parte ko. Na-realize ko kasi na ang selfish ko. Lagi na lang ikaw ang nagbibigay. Kaya ngayon, ako naman ang magbibigay." Ngumiti si Axel kahit na alam kong nasasaktan siya. "Basta ba iingatan mo si Rems. At kapag nasaktan 'yan, hindi ako magdadalawang isip na kunin siya sa'yo."

Ngumiti si Yaehl saka lumapit kay Axel at tinapik ang balikat nito. "Salamat pare."

Lumapit din naman ako at niyakap si Axel. Kahit ito lang ang maibigay ko. Alam kong sobrang nasasaktan siya ngayon. "Thank you Axel. Sorry kung---"

"Huwag kang humingi ng sorry." Putol niya sa akin at humiwalay sa yakap. "Basta magsumbong ka kaagad sa akin kapag sinaktan ka ng ulul na 'yan."

Napatawa na lang kami.

"Sige. Alis na ako. Naistorbo ko pa ang moment n'yo." Paalam ni Axel saka umalis.

Sinundan ko lang ng tingin si Axel habang naglalakad siya papalayo. Naramdaman ko na lang na hinawakan ni Yaehl ang kamay ko.

Nakangiti akong tumingin sa kanya. "Paano ba 'yan. Ipinagkatiwala na ako ng best friend mo sa'yo."

Tumawa siya ng mahina at inilagay sa likod ng tenga ko ang ilang hibla ng buhok na humara sa mukha ko.

"Huwag kang mag-aalala. Aalagaan at mamahalin naman kita ng sobra-sobra."

Napangiti ako saka niya hinalikan ang tungki ng ilong ko at niyakap ako ng mahigpit.

Minsan, kailangan nating malaman na kung nasasaktan man tayo ngayon, ayos lang. Hindi naman kasi pwedeng puro saya na lang. Hindi magiging balanse ang mundo kung puro positive lang. Walang thrill kung walang challenge 'di ba?

Once na marealize mo na 'yong dahilan kung bakit gano'n, mapapasabi ka na lang ng "Kaya pala".

"Remcyl."

"Hmm?"

"Liligawan pa rin naman kita until you say yes. At kahit tayo na, liligawan pa rin kita."

Napangiti ako. Hmm. Papahirapan ko muna siguro siya sa panliligaw.

Hinagis ko sa kanya ang bag ko na nasalo naman niya. "Oh, umpisahan mo na."

Napatawa naman siya ng mahina. "Mukhang aalilain mo ako ah?"

Nagkibit-balikat ako saka napatawa rin.

I love you Yaehl.

END.


=======


Huwag n'yo nang pigilan. Tawanan n'yo na dahil alam kong masama ito. Haha!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro