Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 52


~*~

Cassey's POV:

Hindi ko na napigilang maglandas ang mga luha ko dahil sa kaligayahang nararamdaman ko ngayon.

Heto ako, nasa bisig ng taong mahal ko at matagal ko nang inaasam ang pagkakataong ito na magkaayos kami at magkausap bago man lang siya umalis dito sa Pilipinas.

Tama nga naman pati kasi na mahal niya pa rin talaga ako. Ramdam ko sa mga yakap niya ang pagkamiss sa akin ni Jasper.

"Aalis ka na sa Friday, gusto kitang ihatid."

Nakahiga kami at nakaunan ako sa mga braso niya.

Nostalgia! As in muling nanumbalik ang pakiramdam noong unang beses na nangyari ito na nakaunan ako sa mga bisig niya habang nag-uusap kami.

"Huwag na Cassey, baka maiyak lang ako sa
Airport. Magdadrama pa ako doon."

"Pero gusto kong ihatid ka."

"Pero huwag na nga kasi. Hindi nga rin ako nagpahatid sa mga kapatid ko eh. Hayaan mo na lang na mag-isa lang ako na pumunta sa Airport kasama ko naman ang mga makakasama ko sa trabaho."

"Okay sige, mag-iingat ka na lang palagi doon ha. Iingatan mo ang sarili mo at huwag pababayaan. Basta mag-iingat ka ng maraming marami at hihintayin kita sa pagbabalik mo ha."

"Opo Mommy ko!" Muli niya akong hinagkan sa noo.

Napatitig ako sa mga mata niya at nasasalamin ko sa mga tingin niya ang purong pagmamahal.

Unti-unti niyang inilalapit ang mukha niya sa akin at naglapat ang aming mga labi.

Naramdaman ko ang maiinit niyang labi at halata sa mga halik niya ang pagkasabik sa akin.

Tumugon ako sa mga halik niya at hinayaan kong lumalim ang pinagsasaluhan naming halik.

"I love you Jasper. Mahal na mahal kita at salamat ha." Bulong ko sa kanya at niyakap niya ulit ako.

"Mahal na mahal rin kita Cassey! Sorry talaga. Hinding hindi ko na hahayaan na masaktan ka pa ulit nang dahil sa akin. Salamat rin dahil hindi ka nagtanim ng galit."

"Hindi naman ako nagalit sa ginawa mo, nauunawaan kita kung bakit mo nagawa ang mga iyon. Ah basta huwag mo na sanang uulitin ha. Kung hindi ay ipapa salvage na kita." Biro ko sa kanya dahil sobrang cheesy na ng usapan. Baka maiyak na naman ako.

"Tulog na tayo, maaga pa akong babalik sa Pasig bukas para ayusin ang mga gamit ko. Magpatugtog ka sa cellphone mo Mommy."

Kinuha ko ang cellphone ko at nagpatugtog ng mga kanta. Gusto kong pakinggan namin pareho ang kantang "Pusong Ligaw" at ang Wedding Version ng Kay Tagal Kitang Hinintay".

"Lord, salamat po sa pagkakataong ito na ipinagkaloob Ninyo po sa akin, higit pa sa hiling ko ang ibinigay Nyo. Kayo na po ang bahala sa kanya habang nasa ibang bansa po siya."

Piping panalangin ko at natulog na kami habang magkayakap.

Maaga kaming nagising ni Jasper dahil maaga ang pasok nila Ian at Jerick sa trabaho.

Lumabas ako ng kuwarto at nakita ko si Ian na nagkakape. Nagtimpla naman ng kape si Jasper sa kusina.

"Good morning Ma'am Sarah! Kape tayo. Pa-burger ka naman dyan! Ang ganda na ng mga ngiti mo oh, kayo ni insan. " Alok niya ng kape at may halong pang-aasar. Alam ko kung ano ang tinutukoy niya, na okay na ulit kami ni Jasper.

Tumawa lang ako at kinuha na ang iniabot na kape ni Jasper.

Nagpaalam na sila Ian at Jerick dahil papasok na sila sa trabaho.

Naghanda na rin ako para makauwi na. Si Jasper naman ay inihahanda na rin ang mga gamit niya dahil babalik na siya sa Pasig.

"Gusto mo bang sumama muna sa Pasig?" Napatingin ako sa tanong niya at nag-iisip kung sasama ba ako o hindi.

"Hindi na Jasper. Wala akong dalang damit at saka kailangan ko na rin munang umuwi walang kasama sa bahay ang aso ko." Nag-aalala kasi ako sa aso ko na hindi pa kumakain mula kahapon dahil hindi nga ako nakauwi kagabi.

Lumapit siya sa akin at ginulo ang buhok ko.
"Ang hilig mo talaga sa aso ay. Nag-aalala ka na hindi pa kumakain iyon. Ihahatid nalang kita sa sakayan ng Bus."

Nagpaalam na ako kay Grace at isa-isang hinalikan ang mga bata.

Nakatingin lang si Jasper sa ginagawa ko.

"Nakakainggit naman, mabuti pa ang mga bata may goodbye kiss. Ako kaya?" Nakita ko si Jasper na nagmamakaawa ang mukha at nakanguso. Natatawa ako sa hisura niya.

Nagflying kiss lang ako sa kanya at hinuli naman niya. Kalokohan talaga ng Daddy ko oh. Hindi pa nagsawa sa pinagsaluhan namin kagabi.

"Ingat ka Cassey. Huwag kang magpapaulan ha mukhang uulan at makulimlim oh." Nag-aabang na kami ng Bus na sasakyan ko at nakahawak siya sa kamay ko habang nagpapaalala.

"Oo ikaw rin, ingat ka bukas sa flight mo ha. Huwag aabusuhin ang katawan sa pagtatrabaho. Magpahinga kapag nakaramdam ng pagod, bawal ka magkasakit doon ha kasi hindi kita maaalagaan. Aabangan ko lagi ang messages mo o tawag kahit pa mapuyat ako kakahintay dahil magkabilang mundo na tayo mula bukas."

Mahaba kong paalala rin sa kanya at nakatitig sa mga mata niya.

Ngumiti siya sa akin at bigla niya akong niyakap. Magkayakap kami kahit may ibang tao sa paligid. Wala kaming pakielam kung ano man ang sabihin nila.

Kung pwede lang na kagaya ako ni Matteo Domingo sa teleseryeng My Love From The Star na kayang patigilin ang oras ay gagawin ko para mas matagal na oras ko pang makasama si Jasper.

Sumakay na ako ng Bus at kasabay noon ang paglandas na naman ng mga luha ko. Nakakalungkot na aalis na siya bukas.

Habang nasa byahe ay nag online ako sa facebook at nagsend ako ng pictures kay Ate Ericka. Pictures  namin ni Kuya Erwin kagabi.

"Kailan iyan?" Mabilis niyang reply dahil naka online naman siya nang umagang 'yon.

"Kagabi po, nagpunta ako sa Taytay kahapon. May padespidida sila Kuya Erwin kay Jasper eh."

"I smell something specie! Mukhang okay na ata kayo ni utol ko ah. Hahaha"

"Uhm parang ganoon na nga po, gusto niya rin ako makita at makausap bago siya umalis bukas eh."

"Hahah.. Panay tawa namin dito ni Mama. Kinikilig lang!" Nabanggit niya pala agad kay Mama, sa Mama nila ni Jasper na kasalukuyang nagbabakasyon doon sa Ilo-ilo.

Natuwa rin sila na okay na kami ni Papa P!

Dahil sa kasayahan ko ay nagpost ako sa facebook ng picture ko na may caption na "Actions speak louder than voice" feeling nasa cloude nine!

Ilang minuto lang ay may mga nag comment na at ang ilang nag comment ay mga kapatid ni Jasper, tropa niya na ang ilan ay may alam sa naging sitwasyon, nagcomment rin si bff Zandy na lagi kong dinadaingan noong mga panahong lugmok ako. At nagcomment rin si Paul!

Past 12:00 na ng hapon nang makarating ako ng Laguna. Mag-isa lang ako sa bahay kasama ang aso ko. Nadoble ang lungkot!

Hindi ko na naman mapigilan ang mga luha ko at hinayaan ko lang sila na kusang bumagsak.

Ang bigat-bigat sa pakiramdam, kung kailan okay na kami ay saka naman siya aalis na.

Dumating ang hapon at hindi pa rin ako mapakali. Ang lakas pa ng ulan na nakikidalamhati ata sa akin.

"Ahhhh!Nakakabaliw eh! Miss na miss ko na agad siya!" Sigaw ko sa isip ko.

May panahon pa naman para makasama ko siya. Tama! Pwede ko pa siyang makasama ngayong huling gabi niya dito sa Pinas.

Gusto ko ulit siya makasama, kahit magkatext kami ngayon ay mas gusto kong makita siya ng personal.

Nagbyahe na ako papuntang Pasig, kina Ate Flor. Nagtext ako kay Ate na pupunta ako ngayong gabi.
Nakarating naman na ako kina Ate Flor noong November na kung saan ay kinausap ko si Jasper tungkol sa pakikipag cool-off niya.

Ang lakas pa rin ng ulan at kahit hating gabi na ay marami pa ring tao sa kalsada at maraming batang nakikinuod pa rin sa bahay nila Ate.

Naabutan ko kasi na maraming bata at nakikinuod, tulog na si Ate Flor nang dumaging ako kaya ginising lang siya ng anak niya.

Si Jasper ay natutulog na rin sa sofa sa sala kahit maraming bata at maingay ay mahimbing na siyang natutulog.

Hindi ko na siya ginising.

"Akyat na ako sa itaas Cassey, ikaw na ang bahala dito sa bahay, makitabi ka na lang diyan sa mga bata sa kuwarto." Pagpapaalam ni Ate at humingi ng pasensya dahil matutulog na siya.

Nakaupo ako sa kabilang sofa at nakinuod sa pinapanuod ng mga bata. 11:30 ng ng gabi pero gising na gising pa rin sila at hindi titigil sa panonood hanggat hindi natatapos ang mga palabas sa T.V.

Si Jasper naman ay pinagmamasdan ko habang natutulog siya. Kinukuhanan ko pa ng pictures.
Napansin ko na bagong gupit siya na mas lalong bumagay sa gwapo niyang mukha.

Nang matapos ang palabas at pinatulog ko na sa kuwarto ang dalagitang anak ni Ate Flor ay sa sofa na rin ako humiga habang nakaharap kay Jasper at walang sawa ko siyang pinagmamasdan. Tila kinakabisado ang bawat detalye ng hitsura niya.

Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. At nagising ako na may humahalik sa akin.

Pagmulat ko ng mata ay mukha ni Jasper ang nabungaran ko kaagad!

"Madaling araw pa lang Jasper, ang aga mo atang nagising ah! Anong oras ba ang alis mo?" 3:30 pa lang ng madaling araw. Umayos na ako ng pagkakaupo at magkatabi na kami.

"Akala ko nananaginip lang ako kagabi na dumating ka at narinig ko ang boses mo. Totoo pa lang dumating ka. Bakit hindi mo ako ginising?"

Umakbay siya sa akin at nakayakap naman ang mga braso ko sa kanya habang nakaupo kami.

"Ang himbing na ng tulog mo kasi kaya hindi na kita ginising!"

"Ikaw tuloy ang ginising ko Mommy. Masarap ba ang paggising ko sa iyo?" Sumilay ang pilyong ngiti niya nang tingnan ko siya at tumango ako.

Ikaw ba naman ang hindi magising sa mga yakap niya't mga halik!

"Ay teka may kukunin lang ako." Tumayo siya at pumasok sa kuwarto.

Pagbalik niya ay nakalgay ang kamay niya sa likuran na tila may itinatago.

"Cassey." Banggit niya sa pangalan ko na tila seryosong seryoso! "Pikit ka nga muna at huwag kang didilat ha hanggat hindi ko sinasabi."

Pumikit ako gaya ng utos niya kahit medyo nalilito ako dahil hindi ko alam kung anong kalokohan na naman ang nasa isip niya.

"Sige Mommy! Imulat mo na ang mga mata mo." Narinig kong utos niya ulit.

Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko siya sa harapan ko na nakaluhod at may hawak na singsing.

Nakangiti siya at may namumuong luha sa mga mata niya.

"Alam ko na hindi mo ito inaasahan, hindi rin ito planado kasi hindi ko alam na pupunta ka dito sa Pasig. Ang totoo kasi gusto ko ito ibigay kapag nakabalik na ako pero mas naramdaman ko kasi ngayon na dapat ay ngayon ko na ibigay ito at tanungin ka ng 'WILL YOU MARRY ME'? Mommy ko, will you marry me? Handa ka bang pakasalan ako sa pagbalik ko?" Tuluyan nang bumagsak ang mga namumuong luha sa mga mata ni Jasper.

Hindi ako makapagsalita. Umiiyak na rin ako dahil sa mga sinabi ni Jasper. Hindi ko rin ito inaasahan na gagawin niya.

"Hala! Daddy naman. Pinapaiyak mo ako. Hindi mo ako na orient ha. Hahahaha!" Natatawa kong pagbibiro sa kanya habang wala pa ring tigil ang pag-agos ng mga luha ko.

"Cassey naman, kabado na nga ako eh. Ano nga? Papakasal ka ba sa akin?"

"Yes Jasper. Yes na yes Daddy ko! I love--" Hindi pa ako tapos sa sasabihin ko ay bigla na niya akong niyakap. Yakap na mahigpit at ang sarap sarap sa pakiramdam.

"I love you too Cassey!" Hinagkan niya ako sa noo, sa pisngi at sa mga labi. Paulit-ulit niyang ginawa.

Dahan-dahan niyang isinuot sa akin ang singsing na hawak niya at nakita ko sa mukha niya ang abot tengang mga ngiti.

"Simpleng singsing lang ito Mommy ha at hindi mamahalin, papalitan ko na lang pagbalik ko dahil maraming ginto sa Saudi."

Ako naman ang kumabig sa kanya para yakapin ng mahigpit. "Kahit simple pa yan at hindi mamahalin  ay walang kaso sa akin kasi ang mahalaga ay ang pangako mo at ang pagmamahal mo Daddy!"

Tumawa siya ng malakas at walang sawa na naman akong pinaghahahalikan.

"Hahaha! Huwag kang maingay masyado Daddy baka isipin ng mga kasama natin dito ay kung ano na ang ginagawa natin."

"Masaya lang naman kasi ako Cassey! Masayang masaya. Pagbalik ko ay bubuo na rin tayo ng pamilya ha. Isang dosenang anak ang gagawin natin ha!"

"Grabe naman Daddy, ang sipag mo na masyado noon. Ganoon ka kasipag gumawa ng bata! Hahah. Ipagtitimpla na nga kita ng kape at maligo ka na. 5:00 a.m. pala ang alis mo." Pagsaway ko sa kapilyuhan niya at baka kung saan pa humantong ang usapan.

Habang nagkaakape kami ay puro pangarap ang takbo ng usapan namin. Pagbalik niya ay sa  Marinduque kami maninirahan at doon na ako magtuturo.

Nagising na rin sina Ate Flor at ang asawa niya na siyang maghahatid kay Jasper sa Airport dahil may taxi silang iminamaneho.

Isang mahigpit na yakap at mainit na halik bago tuluyang umalis si Jasper. Ihinatid ko siya sa kanto at hindi ako umalis hanggat hindi siya nawawala sa paningin ko.

Paalam na sa taong pinakamamahal ko.

"Pangako na maghihintay ako sa'yo Daddy!".

~*~

It's been three months nang umalis si Jasper dito sa Pilipinas. Gabi-gabi akong umiiyak bago matulog at paulit-ulit kong sinasabi na sobra ko na siyang namimiss.

Kahit may messenger para magkachat kami, video call, o viber ay hindi sapat para maibsan ang pangungulila ko sa kanya.

Ang tagal pa ulit bago kami magkitang muli at makasama siya. Dalawang taon akong maghihintay at sa loob ng dalawang taong iyon ay wala sanang dumating na matinding pagsubok para paghiwalayin ulit kami.

Kung sabagay naman ay naniniwala ako sa pananaw ni kupido na kung saan ay sinabi niya na ang bawat tao ay may nakatadhana at may kakayahang makagawa ng koneksyon para mahalin ang taong iyon kahit hindi naman nakatadhana sa kanya kaya nakakaranas ang bawat tao ng heart break at hinahayaan ni Cupid iyon para kapag napana na niya ang taong magkatadhana ay walang kapantay ang mararamdamang pagmamahalan nilang dalawa at hinding-hindi na mapuputol ang koneksyon ng dalawang taong magkatadhana kahit pa magkahiwalay sila at babalik pa rin sila para sa isat-isa.

Noon ay si Jasper ang naghintay sa akin ng matagal at ngayon ako naman ang maghihintay sa kanya.

Maghihintay ako sa muli niyang pagbabalik. At ipinapangako ko na hinding-hindi ako gagawa ng mga bagay na ikasisira naming dalawa.

Mahal na mahal ko siya.

Mahal na mahal ko si Jasper Divinagracia Pizarra.

At umaasa ako na darating rin ang panahon na makakasama ko na siya, tutuparin na namin ang mga pangarap namin para sa isa't-isa at bubuo ng isang masayang pamilya.

Kahibangan mang matatawag ang mga nagawa ko ay patunay lamang iyon kung gaano ko siya kamahal at kung kahibangan mang matatawag ang paghihintay ko ay hindi ko iniisip iyon dahil ang mahalaga sa akin ay kung ano ang totoong nararamdaman namin para sa isa't isa.

Balang araw ay makakamit rin namin ang tamang panahon.

At sa muli niyang pagbabalik ay sabay na naming kakantahin ang kantang

"KAY TAGAL KITANG HININTAY".

~*~ WAKAS ~*~

Author's note:

Magpapasalamat po akong muli sa lahat ng sumubaybay sa kuwentong ito.

Ang kuwento nina Cassey Laroza at Jasper Pizarra!

Salamat talaga mga bebe!

Isasara na po muna natin ang unang kabanata ng kanilang pag-iibigan.

Hindi ko alam kung magkakaroon ng ikalawang kabanata hahaha. Depende sa mga pangyayari at pagkakataon.

Depende sa tadhana!

After two years abangan natin ang kanilang kasal at iauupdate ko kayo at sana kilala nyo pa rin ako ha.

#Saranghae mga bebe! Mwahhhhh

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro