Chapter 51
Author's note: Hi po mga bhe, may ipopromote lang ako na story at sana ay suportahan nyo rin po ha.
Title: "Unrequited Love"
Authors: asherpop , Alvapriyah and kriskimche
Published by IAYoursPH
Salamat!
#Saranghae
~*~
Casassey's POV:
Hindi ko na natagalan ang awkward moment kanina habang kasama ko si Jasper doon sa bahay ng Kuya niya.
Napapikit ako habang kumakanta siya ng Born Again este, Born For You. Napangiti ako kanina nang marinig ko sa kanya ang salitang Born Again, tanda niya pa pala kung ano ang tawag ko sa kantang 'yon.
"Grace pahiram ako ng t-shirt ni Jerick ha alam ko naman na hindi kakasya sa akin ang blouse mo dahil mas payat ka sa akin."
Humiram ako ng damit ng asawa ni Grace para makapagpalit ng damit at makatulog ako ng maayos mamaya.
Paglabas ko ng banyo ay nakita ko si Grace na inaayos na ang higaan sa kuwarto nila, ang dalawa naman niyang makukulit na anak ay mga naglalaro pa sa sala.
"Ate, dito ka na lang sa kuwarto namin, tabi na kayo ng mga bata. Sila Jerick at Kuya Jasper ay dyan na lang sa sala, si Ian kasi ay sa kabilang kuwarto. Minsan po si Kuya Jasper ay kasama ni Ian matulog sa kabilang kuwarto pero mas madalas ay dyan siya sa sala at naglalatag na lang ng kutson."
Pinahiga na ni Grace ang mga anak niya at pinapatulog.
"Sige makikitabi muna ako sa inyo matulog." Kinuha ko ang isang kumot at unan at naglakad palabas ng kuwarto nila. "Pero dito muna ako sa sala hihiga, manunuod muna ako ng Goblin."
Inilatag ko ang kumot at nahiga sa sahig. Nanunuod ako ng korean drama na Goblin kaso wala doon ang isip ko kundi na kay Jasper.
Hindi ko siya maintindihan kanina, ni hindi ako tinitingnan, nagpaparinig siya pero hindi naman ako pinapansin.
Aalis ba siya na hindi man lamang kami magkakausap?
Naputol ang pagsesenti ko nang tumunog ang cellphone ko.
Si Ian pala ang nagtext.
"Huwag ka na daw umuwi ha sabi ni Piolo. Diyan ka na lang sa kuwarto ko matulog, ako ay sa may sala na laang."
"Ang bait naman ni insan eh. Hahaha. Iyang si Piolo ay galit ata sa akin ni hindi ako pinapansin kanina."
"Anong galit? Hindi ah. Nagpapabebe lang ito. Kung ano-ano na nga ang sinasabi dine ay."
Pabebe daw! Dakilang pabebe naman talaga siya.
"Tawag ako sa'yo ngayon para marinig ko ang mga sinasabi niya." Pangngulit ko na naman kay Ian, alam ko naman na hindi siya tatanggi eh.
"Okay Sarah. Tawag ka na para marinig mo na si Piolo mo."
Napapangiti ako sa tawag ni Ian sa amin ni Jasper. Tinawagan ko na siya at ilang ring lang ay sinagot na niya ang tawag ko.
Naririnig ko na si Jasper, seryoso ang boses at kausap si Kuya Erwin.
Napapatawa ako ng mahina sa mga naririnig kong usapan nila.
Tama nga si Ian, hindi nga galit sa akin si Jasper at gusto rin akong makausap.
Ilang minuto pa ay naririnig ko na ang pagvivideoke nila, nakinig pa rin ako kahit medyo nakakatorete, kasi pang professional ang mga boses nila at dagdag pa na may mga amats na sila.
Hindi ko na namalayan kung pang-ilang kanta na ang narinig ko sa kanila dahil nakaidlip ako.
Naalimpungatan ako nang makarinig ako ng mga boses na nagsasalita sa paligid.
Boses ni Jerick, dumating na ang asawa ni Grace galing trabaho. Hating gabi na talaga nakakauwi si Jerick.
Hindi muna ako kumilos dahil inaantok pa ako.
"Aba, si Ma'am ay nakatulog na sa sala!" Boses ni Jasper! Narinig ko na kararating lang nila dahil nasa may pintuan siya habang nagsasalita. Kasama niya si Ian.
Hindi pa rin ako kumilos at nagpanggap na natutulog pa. Nakaramdam na ako ng pagkaasiwa at hiya.
"Maam, gising ka na dyan. Lipat ka na sa kuwarto ni Ian. Doon ka na matulog." Boses pa rin niya. At narinig ko na kausap niya ang kapatid niya na si Jerick at nagtatanong kung may tindahan pa ba na mabibilhang siopao o burger.
Naglilihi ba siya at gusto niyang kumain ng siopao o burger.
Bukas pa rin ang t.v at balita na ang palabas. Nakatulugan ko na ang Goblin kanina. Narinig ko ang commercial ni Kathryn Bernardo.
"Ay si Kathryn Bernardo, kamukha ni Ma'am. Ni Ma'am Kath!" Boses pa rin ni Jasper at ano daw? Hahaha. Pati sa artista ay ikinukumpara niya ako. Lahi talaga ng bolero ang Pizarra!
"Uy! Bangon ka na Ma'am. Para kang may sakit diyan! Hahaha. Gusto mo ata ay buhatin pa kita para dalhin sa kuwarto."
Dahil sa sinabi niyang bubuhatin ako ay bumalikwas agad ako ng bangon dahil baka gawin niya nga iyon!
Hindi kami okay para gawin niya iyon kaya huwag siyang umasta na ang sweet niya sa akin!
"Nandiyan na pala kayo. Ay Jerick humiram ako ng damit mo ha." Nakaupo ako at nakakumot ako mula sa bewang hanggang hita ang kumot na inilatag ko kanina.
Naka cycling lang kasi ako kaya hindi rin ako agad makatayo kanina kahit pa gusto ko nang tumayo. Nakakahiya na may mga lalake sa paligid at hindi ako sanay mag expose ng skin!
"Doon ka na sa kuwarto ni Ian matulog. Inayos ko na ang higaan mo doon." Nakatingin sa akin si Jasper habang sinasabi iyon.
Hindi ko alam kung oo ako o hihindi. Naumid ang dila ko at hindi makasagot. Eh kasi naman si Jasper nakatingin sa akin ang mga mapupungay niyang mata at nakangiti pa siya.
"Sige na ate Cassey, doon ka na matulog sabi ni Kuya."
Tumango na lang ako at dumerecho na sa kuwarto. Nakatapis ako ng kumot na pinuna naman ni Jasper kung bakit daw ako nakatapis. Hindi ko siya pinansin at humiga na ako. Gusto ko na matulog dahil inaantok na talaga ako at para makaiwas sa kanya.
Narinig ko naman si Ian na lumabas at bibili ng siopao o burger. Si Grace at Jerick naman ay pumasok na sa kuwarto nila para magpahinga na rin.
At si Jasper naman......
Si Jasper na may amats na ay pumasok sa kuwartong tinutulugan ko.
"Anong ginagawa niya dito? Huwag niyang sabihing makikitabi siya sa akin matulog. Masasapak ko siya!" Nakatagilid ang pagkakahiga ko kaya hindi ko siya nakikita pero nararamdaman ko siya na nasa loob siya.
"Cassey, kumain ka na ba?" Umupo siya sa tabi ko at tinapik ang balikat ko. Hindi ko siya pinansin.
"Ayaw mamansin ni Mam ay! Kain tayo, nagugutom ako. Sabayan mo akong kumain." Pangungulit pa rin niya at mabuti na alam niyang ayaw ko siyang pansinin.
Ako muna magpapabebe sa ngayon para alam niya ang pakiramdam ng nagpapabebe.
Hinawakan niya ako sa balikat at muli akong tinapik.
Humarap na ako sa kanya.
"Oo! Kumain na ako Jasper. Kanina pa kami kumain nila Grace at nang mga bata. Ang ulam namin ay ang niluto niyang nilagang pata ng baboy. Matutulog na ako dahil inaantok na ako. Ikaw, kumain ka sa kusina kung nagugutom ka!" Tumalikod na ako ulit sa kanya.
"Sige, matulog ka na nga lang ulit. Tinatanong lang naman kita."
Tumayo na siya at lumabas ng kuwarto. Narinig ko siya na kumukuha ng pagkain sa kusina. Dumating na rin si Ian at wala raw siyang mabilhang siopao o burger dahil sarado na ang mga tindahan.
Kausap siya ni Jasper at narinig ko na naman si Jasper na pumasok sa kuwarto at tumabi na naman sa akin.
Kumakain siya sa tabi ko habang nakikipag- usap kay Ian. Maliit lang naman ang bahay nila Grace kaya rinig mula sa sala ang usapan nila ni Ian kahit nasa loob ng kuwarto si Jasper.
Gusto ko siyang sabihan na lumabas na at doon makipag-usap.
Hindi ko kasi gusto ang takbo ng usapan nila ni Ian.
Jasper's POV:
Alam kong galit si Cassey, pero ngayong gabi ay hindi ako susuko at gagawa ako ng paraan para mawala ang inis niya sa akin at nang magkausap kami.
Sinadya kong kulitin siya at asarin dahil iyon lang ang paraang alam ko para pansinin niya ako. Pinilit ko rin siya na dito na sa kuwarto ni Ian matulog para masolo ko siya at magkasarilinan kaming dalawa.
Sinadya ko rin na makipag-usap kay Ian habang nandito ako sa loob ng kuwarto para marinig ni Cassey ang mga sasabihin ko at alam kong maasar ko siya. Pang-aasar na may kahalong paglalambing.
"Brad, hindi ako nakaligo ngayong maghapon dahil may lagnat pa rin ako. Bahala na si Ma'am sa amoy ko kung matitiis niya ay!" Natatawa ako habang sinasabi kay Ian na hindi pa ako nakakaligo.
Natawa naman ang pinsan ko sa narinig niya. "Ay bahala na si Cassey sa iyo brad kung matitiis ang amoy mo."
"Kaya ngani ay! Nakakahiyang tumabi sa higaan kapag ganitong hindi manlang nakaligo at amoy araw!"
Sinadya kong sabihin iyon bilang pasaring na gusto ko siyang makatabi sa pagtulog. Pero joke lang na hindi talaga ako naligo.
Lumabas ako ng kuwarto, iniligpit ang pinagkainan ko. Nagtooth brush at naghilamos at
nagpalit ng damit.
Nakita ko si Ian na natutulog na at ang nakakatawa pa ay sa crib siya nakahiga, sa crib ng anak ni Grace. Hindi naman siya katangkarang lalake kaya hindi kataka-takang nagkasya siya sa crib.
Pumasok na ulit ako sa kuwarto. Nakita ko si Cassey na nakatingin sa akin.
Namiss ko ang mga titig niyang iyon, dahil sa mga mata niya ay nakikita ko ang pagmamahal niya sa akin. Pagmamahal na handa ko namang tugunan. Nakakalungkot isipin na nasasaktan ko si Cassey dahil sa kaduwagan ko.
"Jasper nauuhaw ako, pwede mo ba 'ko ikuha ng tubig?" Bigla niyang sinabi at kumuha agad ako ng tubig para makainom ang mahal kong prinsesa.
Habang umiinom siya ay nakatingin ako sa kanya. "Sobra sobra ang pagka miss ko sa'yo Cassey!" Bulong ko sa sarili ko at napangiti.
Nagpasalamat siya sa akin at ibinalik ko na ang baso sa kusina. Uminom na rin muna ako ng tubig para kumalma. Ang bilis pa rin kasi ng tibok ng puso ko lalo na at malapit sa akin si Cassey.
Pagkabalik ko sa loob ng kuwarto ay nakita ko siya na nakaupo na. Hindi na mababakas sa mukha niya na naiinis siya, may magic kasi 'yong tubig na ibinigay ko sa kanya kanina para mawala ang inis niya, dinagdagan ko lang naman ng marami at purong pagmamahal.
Sabehhh! Hahah!
"So dito ka matutulog sa tabi ko?" Pagtataray pa rin niya. Akala ko naubos na ang inis niya dahil nakainom na siya ng tubig?
Ngumiti ako sa kanya at tumango.
"Tatabi ka sa akin eh sabi mo hindi ka naligo. Yuck Jasper maligo ka kaya bago ka matulog."
Natawa ako sa reaction niya kasi alam kong wala na nga ang inis niya, kilala ko naman na si Cassey, hindi siya magaling magsinungaling at magpanggap, kaya ang pagpapanggap niya ng pagtataray ay alam kong peke at alam kong deep inside kinikilig na iyan.
Ginagamitan ko ng face value eh, alam ko naman na sa paningin niya ay kamukha ko si Piolo Pascual.
"Joke lang 'yon Cassey! Naligo ako kahit masama ang pakiramdam ko."
Depensa ko sa kanya at hindi ko naman gawain ang hindi maligo.
"Okay sige patunayan mo nga na naligo ka nga." Bigla siyang lumapit sa akin at itinaas ang kilikili ko. Nagulat ako sa ginawa niya dahil inamoy niya pa ang kili-kili ko. Grabeng babae talaga itong si Cassey, walang kaarte-arte.
Natatawa ako sa ginagawa niya. Kaya pinatigil ko na siya. "Oh anong amoy? Sabi ko naman sa iyo ay naligo ako eh!"
"Hmp! Yuck! Amoy Piolo." Tumawa siya ng malakas at nahiya ako bigla dahil baka nga may amoy ako.
"Bakit naamoy mo na ba si Piolo?"
"Oo! Amoy Piolo ka."
"Bakit ano ba ang amoy ni Piolo?"
"Eh di mabango. Amoy guwapo!" Napangiti siya sa akin at kumindat pa. May magic nga 'yong tubig na ipinainom ko sa kanya.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Kinabig ko siya papalapit sa akin at mahigpit na niyakap.
Ilang segundo....
At Minuto......
"Miss na miss kita Cassey!" Bulong ko sa kanya habang nakayakap pa rin.
"Ikaw rin naman Daddy eh, sobra na kitang namimiss!"
Narinig ko na umiiyak si Cassey.
Umiiyak siya habang yakap-yakap ko.
Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at hinawakan ang pisngi niya na may lumalandas na mga luha.
Kung hindi lang nakakabaklang tingnan ay naluluha na rin ako.
Pinunasan ko ang mga pisngi niya. "Tahan na mahal, nandito na ako oh. Nandito na ako ulit. Hinding hindi na ako mawawala pa sa iyo." Hinalikan ko siya sa noo. Gusto kong iparamdam ang pagmamahal ko sa kanya.
Maraming oras at araw ang nasayang dahil sa akin. At hindi ko na hahayaan ang pagkakataong ito at pupunan ko ang mga pagkukulang ko kay Cassey.
"Patawarin mo ako Cassey sa pagiging duwag ko at ma-pride. Pero sa kabila nang lahat ng iyon ay mahal na mahal kita. Ikaw pa rin kasi eh, ikaw pa rin ang hanap ng pusong ligaw. Hahaha! Ang drama ko na. Iba ang epekto ng pagkamiss ko sa iyo!"
Muli ko siyang niyakap ng mahigpit para maramdaman niya na mahal na mahal ko talaga siya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro