Chapter 50
A/N: Magpapasalamat lang ulit ako sa mga nakarating sa chapter na ito.
Salamat mga bhebhe .
Feel free to ask questions and give some feedback.
Hindi ko po kayo masisisi kung nadidisappoint ko kayo minsan sa ilang chapter at kung may nang babash kay Jasper Pizarra. ✌✌
Kapit lang at huwag pong bibitaw. Tiwala lang. ☝☝
#Saranghae
~*~
Kinuha ko na ang bag ko na nakapatong sa upuan.
"Grace alis na ako. Wala naman na sigurong traffic ngayon."
Pagpapaalam ko sa kanya at lumabas siya ng kuwarto.
Nakita ko na nakatingin siya sa hawak niyang cellphone.
“Ate Cassey, nagtext si Kuya Erwin, Ipakilala ko raw sa kanya ang bisita ko at punta daw tayo doon sa kanila ngayon.”
“Ay ganoon ba, siya sige punta muna tayo kina Kuya bago ako umuwi at maaga pa naman."
7:30 pa lang naman ng gabi kaya sasaglit muna ako kina Kuya Erwin. Ang panganay na kapatid ni Jasper.
Karga ko si Pau at kay Grace naman ang bunso niyang anak.
Lumabas na kami ng eskinita at naglakad papunta kina Kuya na anim na bahay ang pagitan mula sa bahay nila Grace.
~*~
JASPER'S POV:
Tiningnan ko ang cellphone ko nang bigla itong tumunog.
"Kuya Jasper. Uuwi na raw po si Ate Cassey. Tapos na kaming kumain."
Si Grace pala ang nagtext at ipinapaalam sa akin na uuwi na raw si Cassey.
Si Cassey......
Si Cassey na mahal na mahal ko!
Kanina nung nagtext sa akin si Grace na papunta ngayon si Cassey ay naexcite ako na nahihiya.
Ilang buwan nga naman kasi kaming hindi nagkita at nagkakausap dahil sa pang-iiwas ko sa kanya.
I know na napaka-unfair ko sa kanya.
Hindi nga naman kasi talaga tama ang ginawa ko na makipag-cool off muna.
Pero natatakot kasi ako na baka maulit na naman ang nangyari sa akin noong nasa abroad pa ako.
at natatakot ako na baka biglang magbago ang feelings niya sa akin.
Ako na ang duwag at nagpapadala sa mga insecurities ko.
Kanina nung makita ko siya ay gustonggusto-gusto ko na siyang sunggaban ng yakap.
Miss na miss ko si Cassey.
Miss na miss ko ang mommy ko.
Kaya nga todo iwas ako kanina dahil baka hindi ako makapagpigil.
Dito na lang ako tumambay kina kuya at saka may padespidida daw sila dahil sa makalawa na ang alis ko.
Kaya heto ko nagpapalakas ng loob sa alak na nasa harapan namin.
"Brad. Uuwi na raw ang bisita ni Grace." Sabi ko kay kuya at ipinabasa ko pa ang text ng hipag ko sa kanya.
"Aba! Eh ikaw ba Jasper gusto mo man lamang bang makausap si Cassey at makasama ngayon?"
Tanong ni kuya at iniabot sa akin ang baso na may lamang alak.
"Oo naman" sagot ko pagkatapos kong inumin ang alak sa baso. Pampalakas ba ng loob para masabi ko ang nasa loob ko.
Nakita ko si kuya na hawak ang cellphone niya.
Sino naman kaya ang katext niya.
"Oh ayan, nagtext na ako kay Grace na papuntahin dito ang bisita niya para makilala ko."
Napainom tuloy ulit ako nang marinig ko ang sinabi ni kuya.
"Aba insan panay inom mo ah at saka sa akin ang shot na iyan. Nilalamangan mo ata kami."
Hindi ko pinansin ang pang-aasar ni Ian sa akin.
Papunta na ngayon sila dito.
"Kinakabahan ka ata diyan insan.Relax lang."
Pang-aasar pa rin ng pinsan ko na tinatawanan ko na lang.
"Magandang gabi po."
Si Cassey! Nandito na sila. Kay galang talaga nang batang ito.
Hindi ako tumingin sa direksyon niya at nagkukunwaring abala sa ginagawa kong paghahanap ng kantang kakantahin ko sa song book.
"Magandang gabi Ma'am.Pasok kayo. Pasok kayo sa aking munting palasyo".
Narinig ko si kuya na pinapasok sila. Kahit hindi ko sila tintingnan at nakayuko lang dito ay nakikinig lang ako sa kanila.
"Siya nga pala Ma'am ito ang aking ka poreber."
Pagpapakilala ni kuya sa asawa niya.
Naiiling ako dahil alam kong nagpaparinig iyan si kuya sa akin
"Ah si Ate Lai." Sagot ni Cassey.
"Wohooo. Mabuti pa si Kuya Erwin may kaporeber. Yung iba diyan ay bitter."
Pinagkakaisahan ako ni insan at ni brad.
"Sige Cassey.Akyat na kami sa itaas at matutulog na kami ng mga bata."
Pagpapaalam ni Ate Lai at narinig ko pang nagbilin siya kay Brad na hanggang 11:00 pm lang kami dahil may pasok sila bukas.
Habang nagsasalin ako ng tubig sa baso ay nakikita ko sa gilid ng mata ko si Cassey. Nakaupo siya katabi ni brad.
"Uuwi ka pa niyan ng Laguna ngayon?"
"Opo Kuya Erwin. Wala naman nang traffic ng ganitong oras."
"Aba ay huwag ka na umuwi.Makitulog ka na lang diyan kina Grace."
"Nahihiya po kasi ko. Kaya okay lang naman po na umuwi rin lang ako ngayon."
Narinig ko ang usapan nila ni Brad. Kahit ako ayokong pauwiin pa siya dahil gabi na kahit pa alam kong sanay siya magbyahe sa gabi ay hindi pa rin ako makakampante.
Baka mapa ano pa siya sa daan eh!
Malamang kaya siya nahihiya dahil sa akin.
Dahil sa pambabalewala ko sa kanya kanina.
Kung alam lang niya kung gaano ako kasabik sa kanya.
Nagpipigil lang talaga ko. Ako kasi ang mas nahihiya kasi.
"Kuya selfie tayo." Narinig ko siya na gusto niyang magpaselfie sa kuya ko.
Sabagay magkamukha kami ni kuya mas matangkad lang ako sa kanya.
"Sige.Ma'am. Selfie tayo."
Ako na ang naiinggit. Kasi naman!
"Si kuya eh kung maka Ma'am sa akin. Cassey na lang po. Masyado naman po kayong pormal niyan eh."
"Tanda ng paggalang iyon Ma'am."
"Thanks po pero huwag na po kasi kayo mag-Ma'am ha. Pati ikaw dyan Ian."
"Nasanay na kami. Teka makinig muna kayo sa concert namin ha. Ayan si Jasper unang kakanta.
Si kuya talaga ay. Halatang may amats na.Baka makulitan si Cassey!
"Makanta nga muna ang Born Again."
Born again. Alam ko na alam ni Cassey kung anong kanta ang tinutukoy ko.
Noong nanliligaw pa ako sa kanya ay bigla akong natawa sa panggagatong niya sa imagination ko.
Flashback!
June 9,2016 two days before kami magkita ulit after 12 years.
Nasa school siya kahit wala pang klase ay kailangan nila magreport sa school at abala siya sa pag-aayos ng classroom niya.
Malakas raw ang ulan nang hapong iyon kaya hindi pa siya makauwi.
At syempre magkatext kami.
"Kung malapit lang ako dyan ay susunduin kita." Text ko na sana nga magkalapit lang kami.
"Okay lang. Titila rin iyan mamaya."
"Hayaan mo at darating rin ang panahon na ihahatid kita at susunduin sa work mo."
"Naks imagination na naman iyan no!"
"Haha.Masarap mangarap ay.Lalo na at may pinapangarap. Kape tayo Mom. Masarap magkape ngayon."
"Sige masarap ngang magkape. At teka imagination ang usapan sige iimaginin ko na nagkakape tayo at share tayo sa hawak mong tasa at habang pinapanuod natin ang mga patak ng ulan ay nakayakap ka sa likuran ko at kakantahan mo ako ng Born Again."
Maganda na sana ang imagination ni Cassey kaso natawa ako sa sinabi niya.
"Hahaha.Mom. Katoliko ako at hindi Born Again."
Bigla akong napangiti sa naalala ko.
Okay tama na ang flashback.
Nagkukunwari ako na may amats na para kunwari malakas na ang loob ko.
"Maharana nga muna ang taga-Laguna ay."
Sabi ko na nakatingin sa monitor ng tv.
"Yes.Para kay Ex!" Sabi ni Ian na ang sarap batukan. Para kay Ex daw!
Napansin ko siya na hawak ang cellphone niya at nakaharap sa akin.
Napangiti ako.Malamang kinukuhanan ako ng pictures niyan o baka nag vivideo pa.
Ganyan kasi iyan si Cassey.Kada makikita ako hindi mawawala na mapicturan ako.
Kamukha ko daw kasi si Piolo. Artistahin pala ako sa paningin niya.
"Too many billion people running around the planet
What is the chance in heaven that you'd find your way to me
Panimula ko sa kantang "Born For You".
Tell me what is this sweet sensation
It's a miracle that happened
Though I search for an explanation"
Only one thing it could be.
"Naalala si ex!" Pang-aasar na naman ni Ian.
Kaya napapatawa rin ako.
"That I was born for you
It was written in the stars
Yes, I was born for you
Tumingin ako kay Cassey. Nakita ko siya na nakapikit. Inaantok na ata siya eh.
And the choice was never ours
It's as if the powers of the universe
Conspired to make you mine until the day I die
I bless the day that I was born for you"
Natapos ko na ang kanta pero nakapikit pa rin siya.
Ay nakatulog ata ang mahal ko. Nakakaantok ata ang pagkanta ko.
Pero ang cellphone niya ay nakatapat pa rin sa akin.
"Ayan hindi na lugi ang pagpunta ng taga-Laguna dito. Nakarinig na ng pang singer na boses. Hahaha."
Pagbibiro ko at nakikitawa naman si Ian. Si Brad naman ay busy sa pagkuha ng yelo.
Hindi na ulit ako tumingin pa kay Cassey. Baka mahuli niya ako.
Masyado nang pabebe ang kilos ko alam ko iyon kaya nag-iipon pa ako ng lakas ng loob.
"Grace inaantok na ata ang mga bata. Iuwi na natin sila."
Narinig kong sinabi ni Cassey at gusto nang umuwi.
Tumingin na ako sa kanya. Nakita ko sa mga mata niya ang lungkot. Bigla tuloy akong nakunsensiya.
Alam kong ako ang dahilan bakit siya nalulungkot at nasasaktan.
Dahil sa pride ko,at mga takot na ako lang naman ang nag-iisip nang mga takot na iyon.
Lumabas na sila ni Grace at karga niya ang pamangkin ko.
Sana sa susunod na makita ko siya na may kargang bata ay anak na namin!
Siya rin naman ang pangarap ko na makasama habang buhay. Kaya ko nga ito ginagawa.
Ang makapagtrabaho ulit sa abroad at makapag-ipon. Para matupad ko na ang pangarap ko para sa aming dalawa at sa bubuuin naming pamilya.
Sana....sana...makapaghintay siya sa akin.
Sana ay hintayin niya ako kahit sinaktan ko siya at pinaiyak.
"Oh ano brad. Di mo manlang pinansin si Cassey eh!"
"Ay nag-iipon pa ako ng lakas ng loob brad."
"Heto isa pang bote ng alak para pampadagdag sa lakas ng loob mo.hahaha." natatawa si Ian habang inaabot sa akin ang isa pang bote ng alak.
Ayoko naman na malasing at baka masobrahan naman ang lakas ng loob ko at baka imbis na magkausap kami ay magalit pa si Cassey sa akin.
"Kaya nga pinilit ko na rin na huwag na siya umuwi ngayon.Para magkausap kayo mamaya."
"Thanks bro. Supportive ka talaga."
"Ako rin naman ah supportive sa iyo insan."
"Huwag kasing pabebe brad. Nakakabakla tingnan. Wala sa lahi natin ang bakla.hahaha!"
"At saka brad. Napakaswerte mo na kay Cassey. Tanggap ka kahit may anak ka na. Mahal na mahal ka ni Ma'am. Kita mo nga nagpunta pa ngayon dito para makita ka kaso snober ka masyado."
Mahabang panenermon ni Kuya. Siya kasi ang unang nakaalam dati sa plano kong makipag cool off kay Cassey.
Tutol siya nuon dahil hindi raw makatarungan.
Kahit sina mama at ibang kapatid ko alam ko na tutol din sila.
Pero wala silang magagawa dahil desisyon ko ito.
"Oo na brad at insan. Mamaya kakausapin ko siya. Kahit tulog na siya ay gigisingin ko."
Gigisingin ko siya sa mga halik ko.
Biglang tumunog na naman ang cellphone ko.
"Kuya Jasper. Gusto pa rin ni Ate na umuwi na. Baka raw kasi galit ka sa kanya kaya nahihiya siyang makitulog dito."
Text na naman ni Grace.
May pagkasamakulit talaga minsan si Cassey.
Nagreply na agad ako.
"Sabihin mo dyan na siya matulog malaki naman ang bahay ninyo eh! Sabihin mo hindi ako galit."
"Okay daw po. Bukas na siya uuwi."
Hay!Buti naman napapayag ko rin siya na huwag na umuwi dahil delikado na.
Matigas rin minsan ulo ni Ma'am.
Nakailang kantahan pa kami nang magpasya na tapusin na ang inuman session namin.
May isa pa pati akong session na haharapin.
Ang makausap si Cassey at nang makahingi ng tawad sa pananakit ko sa kanya at pambabalewala.
Naglalakad na kami ni Ian pauwi kina Grace.
Tugudug tugudug.
Mabilis na pagtibok ng puso ko.
Iba talaga ang epekto sa akin ni Cassey!
~*~
A/N: Yes naman oh! For the second time around may POV si Jasper.
Nakumbinsi ko rin si Ms. Cassey na gawan ko ng POV si Jasper base on her mga naikuwento.
Kilig much ba? Hahaha.
Salamat sa mga hindi bumibitaw hanggang ngayon at patuloy pa rin na sumusubaybay.
Malapit na matapos kaya samahan po ninyo ako hanggang wakas.
#Saranghae
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro