Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5

~*~

Naging masaya na ang High School life ko. Nagkaroon ako ng bestfriend na lalake na alam kong may gusto rin sa akin pero alam niya ang policy ko, study first muna. 

Abala ako sa paggawa ng mga assignments nang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko muna ito na nakapatong sa ibabaw ng radyo.

"Huh? Unknown number? Sino naman kaya ito?

Binasa ko ang text message ng kung sino mang poncio pilato ito.

"Hi Princess" Laman ng text message na malamang wrong number o kaya balak lang makipagtextmate

"HU U NAMAN?" Naiinis kong reply dahil naiinis talaga ako sa mga taong hindi agad nagpapakilala.

"Ang sungit mo naman Princess."

"Princess is not my name.

"I know. Pero para sa akin you're my Princess."

Hindi na ako nagreply sa annoying unknown number na iyon. Inaabala lang niya ang pag-aaral ko.

"Good evening classmates, please po huwag ninyo pong ipamigay ang number ko kung kanino. Let me know po muna ha. Thanks." Text ko sa mga classmates ko at maya-maya lang ay sunod-sunod na ang pagtunog ng 3315 kong cellphone.

Binasa ko isa-isa ang mga text nila.

Jomar: "Bakit may nanggugulo ba sayo?Gulpihin ko."

Lizel: "Yeah Sure"

Dina: "May humihingi nga hindi ko lang ibinigay ask muna kita."

Jojo: "Good eve din. Okay hindi ko ibibigay agad. Kapag may humingi alam kong magagalit ka kasi."

Tyron: " OK :-)"

Hindi na ako nagreply at ipinagpatuloy na ulit ang pag-aaral ko.

Tumunog na naman ang cellphone ko pero hindi ko na pinagkaabalahang basahin pa kung sino ang nagtext.

Nang matapos ako sa mga assignments ko ay inayos ko na ang higaan ko para matulog.

Kinuha ko na ulit ang cellphone ko at humiga na.

May two messages recieve na pala ako.

"Princess bakit hindi ka na nagreply?"

"My princess, nag-gm ka pa talaga ha na huwag ipamigay ang number mo."

"Iyong unknown number na naman. Huh! At alam niyang nag-gm ako. Ibig sabihin nadaanan siya ng gm ko. Sino ba kasi ito."

Hindi ko na ulit pinansin dahil wala akong balak makipaglokohan pero nagtext na naman siya at sunod-sunod pa.

"Tulog na ba? Hindi na nagreply?"

"Princess?"

"Galit?"

"Sorry na."

"Magpapakilala na ako. Sorry nainis ka ata sa akin."

Hinayaan ko na lang siya at hindi ko na nireplayan. Hindi ko hilig makipagtextmate. Kung makikipagkilala siya eh di magpakilala siya!

Abala na ako sa pagbabasa ng pocket book nang tumunog na naman ang cellphone ko. Kinuha ko ito at isa-silent mode ko na lang muna. Nakita ko na si Paul pala ang nagtext, ang bff kong lalaki. Maliban kay Zandy ay naging bestfriend ko na rin si Paul.

Binasa ko ang message niya dahil baka may itatanong about sa assignments namin.

"Hi Cassey. Sorry na ha."

"Sorry for what best?" pagtataka kong tanong sa best friend ko.

"For calling you my princess."

"So Ikaw pala yung unknown number na nag-text huh."

"Princess ka Diyan. Bahala ka. Trip mo na naman ako. Sige goodnight!"

"Sorry na nga eh. Alam kong nainis ka."

"Galit na siya. Sorry na nga kasi. Bukas may ibibigay akong new magazine galing Lucena. May bagong magazine na ang cover ay si idol Sarah."

Binasa ko lahat ng text niya. At hindi ko mapigilang hindi magreply dahil sa huling sinabi niya.

"WOW Talaga? Promise? Sige bukas. Yieehhh Excited na ako. Okay na hindi na ako naiinis. May pang suhol ka na eh."

"Yes. Ibibigay ko sa iyo."

"Okay see you tomorrow. Goodnyt."

"Goodnyt My Princess."

Itong beshy ko masyado. Well ramdam ko naman na may gusto siya sa akin pero alam niya ang policy ko. Darating din kami sa level up ng friendship kapag napatunayan kong totoo siya.

Naging magbestfriend kami mula nang malipat ako sa pilot section  at kaya rin kami naging magkasundo ay dahil pareho naming idol si Sarah Geronimo.

Natulog na ako para sa maagang makarating bukas sa School at excited sa magazine.

Si Bestfirned Zandy naman ay sa kabilang section na kaya bihira na kami nagkakasama.

~*~

"Uy! Bagay kayo magbestfriend. Parang si Mark Bautista at Sarah Geronimo lang." Tukso ng kaklase namin nang makita kami na magkatabing nagbabasa ng magazine.

Hindi na lang namin pinansin.

"Best malapit na ang graduation tayo ang magkapartner sa cotillion ha."

"Oo naman best. Basta huwag kang aabsent sa practice."

"Aba oo naman. Oonga pala best tingnan mo si Jomel nakatingin sayo."

Napatingin rin ako sa tinutukoy niya.

"Diba best tropa yan ni Jasper. Mabuti nag-aral pa siya ulit."

Hindi na ako sumagot. Naging kaklase nga pala namin ang isa sa tropa ni Jasper na kasabay niyang nagdropped out last year.

Palapit na ng palapit ang graduation at palapit rin ng palapit  kami sa isat-isa ni Paul.

Kumbaga ay more than friends at less than lovers kami. Sweet siyang kaibigan at hindi siya nagsasawang iparamdam sa akin ang pagpapahalaga niya. Alam ko na noon pa man na may gusto na siya sa akin at heto naman ako unti-unting nadedevelop sa kanya .

Madalas ay sa kanila kami nagtatanghalian kasama ang iba naming kaklase. Malapit lang din kasi ang bahay nila sa school at ang mama naman niya ay tuwang-tuwa sa akin na tila ba ipinaparamdam niya na gusto niya rin ako para sa anak niya.

Lalo kaming napalapit sa isa't isa dahil araw-araw na kaming nagpapractice para sa graduation at cotillion.

Sinagot ko si Paul after graduation. Graduate na kami ng High School. Kaso nga lang ay kailangan ko nang umuwi ng Laguna para doon na mag-aral ng College.

LDR o Long Distance Relationship. Iyan ang mukha ng relasyon namin ni Paul. Nakakalungkot dahil magkalayo kami. Pero kahit papaano ay masaya na rin dahil hindi siya nakakalimot sa mga pangako niya.

Regular kami nagkakatext at nagkakausap sa cellphone. Ina update ang isat isa. Kahit magkalayo nandoon pa rin a g pagmamahalan.

Kahit nasa Laguna na ako ay nakakausap at nakaktext ko parin mga High School Classmates ko.

Nakakatext ko rin si Rose na kapatid ni Jasper kahit hindi kami ganoon ka close noon ay nagkakamustahan pa rin naman kami. Ayoko naman masabihang snob. Nasa Pasig na rin pala siya. Kasama ang kapatid niya na doon na nagtatrabaho.

Nang araw na katext ko si Rose ay nagtext rin si Jasper. Malamang kay Rose niya nakuha ang number ko.

"Hi cassey. Ako ito Si Jasper Pizarra. Tanda mo pa ba ako?"

"Ah okay. Kamusta na?" Nagreply ako sa text niya.

"Ok naman ako. Nandito ako sa Pasig ngayon.
Ikaw kamusta na rin? May bf ka na pala. Masaya para sa iyo."

Hindi na ako nagreply sa kanya. Nagtext ako kay Rose na pakisabi sa kuya niya na huwag nang magtext pa sa akin. Nagsorry naman agad si Rose dahil naibigay niya ang number ko sa kuya niya.

"Sorry Cassey. Hindi na kita kukulitin. Ingat ka palagi ha. Bye!" Huling text ni Jasper.

Hindi naman na ako galit sa kanya, ayoko lang talaga siyang makausap.

Mas nagfocus ako sa relasyon namin ni Paul. Sa kanya ako masaya at kapwa kami may pangarap sa isat-isa.

Nasa second year college na kami ni Paul. Two years na rin ang relationship namin. Minsan may away at tampuhan pero nagiging okay na rin. Kursong education ang kinuha ko samantalang siya ay Food Tech naman.

Pero hindi ko inaasahan ang pakikipagbreak sa akin ni Paul.

"Cassey gusto ko na tapusin ang relasyon natin. Wala naman ng patutunguhan ito. Hindi ko na kayang maghintay."

Nakipagbreak siya sa akin ng ganun-ganun lang. Dahil ayaw na niyang maghintay ng tamang panahon para sa amin.

Nalungkot ako pero kailangan kong tanggapin na hindi talaga kami ang para sa isa't isa. Ganoon lang naman iyon.

Accept. Forgive. Move On.

Inilaan ko ang oras ko sa pag-aaral para makalimutan siya. Pag-aaral, Kaibigan at pamilya.Diyan lang umiikot ang buhay ko.

Lumipas ang taon at sa paglipas na iyon ay lumipas na rin ang patitiwala ko sa mga lalake. Ni hindi ako nag-entertain ng mga balak manligaw. Naging bato, man-hater, maigi na maging single kesa masaktan at iwan.

OA na kung OA. Bitter siguro kaya ako nagkaganito. Takaot ma-fall­ at masaktan.

Nagmahal, nasaktan at nawalan ng tiwalang magmahal muli.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro