Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 49

~*~

Hindi ako halos nakatulog dahil sa nabalitaan ko.

Hindi pa rin ako mapakali!

Nababagabag talaga ako kung ano bang plano ko.

Hindi alam ni Meryl exact date and time ng flight ng Kuya niya.Hindi pa siguro rin alam ni Jasper dahil kakauwi pa lang niya ng Pasig.

Martes na ngayon at baka nagpunta na sa agency iyon para maupdate kung kailan ang flight niya.

Naisip ko na baka nasa Taytay siya ngayon.
Makikibalita ako kay Ian.

Kaya nagtext na agad ako kay Ian at nagtanong.

"Ian, alam mo ba kalian flight niya?"

4:30 pa lang ng hapon kaya mamayang gabi pa makakapagreply si Ian dahil nasa work pa siya ngayon.

Kaya nagtiyaga ako sa paghihintay. Maghapon ako nagpakabusy.

Pero kahit na nagpapakabusy ako dahil may tinatapos akong paper works ay mayat maya ang tingin ko sa cellphone.

6:00 pm na kaya baka nagreply na si Ian.
At hindi nga ako nagkamali dahil narecieve ko na ang message niya

"Oo Ma'am. Sa Friday na raw mga 1:00 pm.Nandito siya ngayon kahapon ng gabi nagpunta dito."

"Okay thanks."

Sa May 26 na pala. Shocks!

"Cassey anong plano? Pupuntahan siya sa Naia at aabngan doon bago siya umalis? Hindi ko pa alam paano papunta doon. Baka maghintay ako sa kanya sa wala at magkasalisi kami."

Nalilito talaga ako sa dapat kong gawin.
Hindi na naman ako makakatulog nito!

~*~

Alas Nuebe na ng umaga pero nakahiga pa rin ako at nakatitig sa kisami.

Two days from now ay aalis na siya.

Okay bahala na si Batman ulit sa plano ko!

"Grace andiyan ba si kuya mo?" Nagtext na ako kay Grace. Bahala na talaga si Batman.

"Opo Ate Cassey, kagabi pa siya dito. Baka bukas ay umuwi na siya ng Pasig dahil sa Friday na flight niya."

"Gusto ko siyang makita manlang bago siya umalis."

"Pumunta ka na po kasi ngayon dito para magkausap kayo at makita mo siya. Malay nyo po ay hinihintay ka rin po pala ni kuya."

"Sabagay tama ka. Siya sige. Mag-aayos lang ako at pupunta na ako diyan. Bahala na si Lord."

Nakapagdesisyon na ako na pumunta na ngayon agad sa Taytay. Kung sa Pasig kasi ay maraming tao at hindi kami magkakausap ni Jasper.

Atleast sa Taytay ay kahit papaano ay magkakaroon kami ng privacy.

Dumaan muna ako sa simbahan at nagdasal bago ako sumakay sa bus.

"Lord kayo na pong bahala sa plano kong ito. Natatakot ako sa magiging reaction ni Jasper kapag nakita niya ako doon.Alam kong magagalit siya dahil sinuway ko siya. Pero Lord ito na lang ang tanging paraan ko para makausap ko siya at makita man lang."

Si Lord na talaga ang bahala.

"Grace papunta na ako dyan, mga alas dos na siguro ako makakarating. Huwag mo na lang sabihin sa kanya na pupunta ako ha.Baka kasi umalis siya dyan at iwasan ako."

"Sige po ingat kayo."

Tatlong oras rin ang byahe ko papuntang Taytay.

Sana magwork itong plano ko.

"Ate san ka na po?Sinabi ko po kay Kuya na papunta ka po ngayon."

Shocks! Bakit sinabi niya. Baka umalis iyon doon at umuwing Pasig.

"Malapit na ako."

"Bakit mo nasabi"

"baka kasi umalis siya."

"Asan na siya ngayon?"

Sunod-sunod kong text at nadagdagan ang kaba ko.

"Hindi naman po siguro siya magagalit. Nasa kabilang bahay po siya kina Kuya Erwin. Andito pa ang bag niya kaya hindi aalis yun."

"Okay.Sana nga hindi siya umalis. Bantayan mo ha. Hahah."

Pagkababa ko sa Bus ay bumili muna ako sa Jollibee ng Chicken Joy para ipampasalubong sa mga anak ni Grace.

Tanda ko pa naman ang daan papunta sa bahay nila kaya hindi ako nahirapan sa byahe.

Nakarating naman na ako dito noon.. noong kami pa ni Jasper.

Naabutan ko si Grace na nakaupo sa may sala at karga ang bunsong anak niya.

"Hi Grace. Nakarating rin ako sa wakas. Nasan siya?"

Bungad ko kaagad pagkarating ko ng bahay. Ibinaba ko ang bag ko at iniabot ang dala kong pasalubong.

"Nasa kabila lang po yun. Nagtext nga po na bakit ka daw pupunta. Sabi ko aalagaan mo si ineng."

"Hahah. Pupunta kaya siya dito?"

Kinarga ko ang isang taong gulang na anak ni Grace na inaanak ko. Kay puting bata at namimilog ang mata.

"Oo baka maya-maya ay na andito na po iyon."

Nakikipaglaro na rin ako sa panganay na anak ni Grace na tatlong taon naman. Nawiwili ako makipaglaro sa mga bata habang nanunuod kami.

Medyo mahiyain si Grace, ngayon lang naman kasi kami nagkita.

"Kakain tayo ng Jobibee..Jobibee" pabulol kong kausap kay Pau habang karga ko siya.

Nakasalampak kami sa sahig at nakatalikod ako sa pinto.

"Aba. May bisita pala kami."Bigla kong narinig ang boses ni Jasper.

OMG! Dumating na siya.

Nasa likuran ko siya.

Hindi ako lumingon.

Ang bilis ng tibok ng puso ko!

"Mabuti at napapasyal ka dito." Bigla niyang hinawakan ang ulo ko at ginulo ang buhok ko.

Napatingala tuloy ako sa kanya at awkward na ngumiti.

Nagpunta siya sa kusina at pinagmasdan ko siya.

Kumuha siya ng tubig.Maya-maya ay may kinukuha siyang bagay sa likod nang t.v.
At biglang ......

"Ikaw pa rin ang hanap ng pusong ligaw, ikaw ang patutunguhan at pupuntahan, Pag-ibig mo ang hanap ng pusong ligaw, Mula noon bukas at kailanman"

Biglang nagcomercial ang teleseryeng "Pusong Ligaw" at tumugtog syempre ang themesong nito na "Pusong Ligaw"

Ang ganda ng timing diba!

at ako naman ay nakatingin sa kanya. Napatingin din siya bigla sa akin.

Awkward silence between us!

"Sa kabila lang muna ako." Pagpapaalam niya at lumabas na.

Dalawang beses siyang naglabas pasok sa bahay at dinadaan-daanan lang ako.

"Galit ata siya. Uuwi na lang ako. Okay na sa akin na nakita ko siya ngayon." Bulong ko sa sarili ko at naawa ng bahagya. Muntanga na kasi ako.

Nagpapakaabala na lang ako sa pakikipagharutan sa dalawang bata habang si Grace ay nagluluto na ng hapunan.

"Grace uwi na rin ako mamaya kapag wala nang traffic. Siguro mga 8:00 p.m.Pakisabi na lang kay Jasper mamaya na umuwi na ako ha."

"Kain ka na muna te ha. Tahimik lang yun si kuya."

Dumating na rin si Ian at nagulat nang makita ako.

"Aba si Ma'am Sarah ay naligaw dito. Asan si Piolo?"

"Hahaha.Nasa kabilang bahay kina Kuya Erwin."

"AH siya sige punta na rin ako doon, despidida ni Jasper kaya may inuman session kami."

"Sige, uuwi na rin ako mamaya."

"Gagabihin ka na niyan dito ka na lang matulog."

"Ay baka magalit si Jasper 'pag nakitulog pa ako dito."

"Hindi naman siguro.Sige iwan na muna kita dyan."

"Okay".

Naghanda na akong umalis nang makatapos kaming maghapunan ng mga bata at ni Grace.

Uuwi na lang ako. Ayaw naman niya atang nagpunta pa ako dito.

Bulong ko na naman sa sarili ko at nasasaktan ako sa pambabalewalang ipinapakita ni Jasper.

~*~

A/N: Hi mga bhe. Nakakatuwa at nakakataba ng puso ang mga feedback at advice nyo.

Salamat talaga. Naka kota tuloy si Author sa comments!

Natuwa rin ako sa team CassPer na ibinigay ng
ilang readers!

#Saranghae

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro