Chapter 47
~*~
Ang probinsiya ng Marinduque ay kilala bilang "Lenten Capital" dahil sa sikat na Moriones Festival. Maraming turista ang dumarayo dito kahit pa malayo at tawid dagat.
Gabi na ako nakauwi sa bahay nila Jasper at tulog na si Meryl, napansin ko na hindi na siya nakapagpalit ng damit niya, napagod siguro sa maghapon kaya hindi na nagawang magpalit ng pantulog.
Dahan-dahan na akong tumabi sa kanya at pinilit nang matulog.
Hindi malalim ang pagkakatulog ko kaya may naririnig na naman akong mga boses sa sala parang boses na naman ni Jasper.
Naluluha ako pagkagising ko dahil naghahaluscination na naman ako.
Kakaisip sa kanya at sobrang pagka miss sa Daddy ko.
Hindi bale dahil bukas ng gabi ay doon ako sa amin sa Banogbog matutulog, sana hindi ako maghalluscination.
Kinaumagahan bago ako umuwi sa amin ay dumaan ulit ako sa bahay nila Paul.
"Paul, nandito na si Cassey." Nakangiting sabi ni Tita at inaya ako sa may kubo nila dahil mas maginhawa doon.
Chill lang ako, kahit alam kong magkikita kami ni Paul at mag-uusap.
"Nandito ka na pala, akala ko ay hindi ka na babalik ngayon."
"Pinapabalik ako ni Mama mo saka para makita ko rin si Ate Zoila."
"Ah!" Maikling sagot niya.
Awkward moment!
"Meryenda ka muna." Inabot niya sa akin ang baso na may lamang orange juice at platito na may lamang biscuits.
"Dito ka na magtanghalian ha Cassey. Nasa palenke pa sila Zoila kasama ang Principal niya. Nagbakasyon rin dito." Bungad ni Tita at iniwan na ulit kami ni Paul.
"Sige po Tita, mahirap tumanggi sa grasya."
Kasama ni Ate Zoila ang principal nila. Ang galling close sila.
Teacher sa private school si Ate Zoila kaya magkasundo kami, iyon nga lang nagtampo ako sa kanya noon nung kinuwestyon niya ako kung bakit si Jasper pa ang boyfriend ko na pinsan nila.
Bakit ko raw pinatulan si Jasper.
Katwiran ko sa kanya na hindi ko naman madidiktahan ang puso ko kung sino ang mamahalin ko eh. At saka hindi ko naman alam na magpinsan pala sila.
Kami lang ulit ni Paul ang nasa kubo. Uso kasi sa probinsya na may kubo o dampa bukod sa bahay nila mismo.
Awkward na naman. Kaya ako na lang ang nagtanong nang nagtanong ng kung ano-ano lang.
Nagkuwento ng mga bagay-bagay tungkol sa mga nangyari sa akin.
Hanggang sa naitanong ko iyong gusto kong itanong nuon.
"Bakit mo ako biglang iniwan noon? Ni hindi ka man lang nagpaliwanag bigla ka na lang nawala. Nagdisconnect at hindi na kita macontact?"
"Ah Kasi."
"Casseyyyyy!"
Biglang tili ni Ate Zoila nang makita ako at bagong dating sila.
Kasama niya ang principal na sinasabi ni tita.
May edad na pala. Akala ko ay medyo bata pa.
"Hi po Te Zoila. Nananaba ka ata ah. Hiyang ka sa Lucena."
Ipinakilala niya ako sa Principal na kasama niya at nakipagkuwentuhan na rin.
"Ikaw ay nawala sa sirkulasyon ah Cassey."
"Ah hindi naman nawala, lagi naman akong online."
"Habang si Paul ay nagluluto tayo muna ay magkuwentuhan. Hot seat baga!"
"Haha. Sige Game ako diyan."
"Ma'am, game daw si Cassey baka may gusto kang itanong." Tanong ni Ate Zoila at halatang may gusto silang tumbukin.
"Youre so pretty." Bungad sa akin ni Ma'am Principal "She's pretty Zoila." Nakangiti pa rin niyang papuri sa akin.
Medyo nahihiya na ako sa panay papuri ni Ma'am Principal.
"I heard about your story and Paul." Bungad niya at aba, alam niya pala ang past namin ni Paul.
"Ah may alam rin po pala kayo."
"Oo, kasi parang mga anak ko na rin iyang si Zoila at minsan nasa bahay silang magkapatid."
"Ah ganun po pala. Nakakatuwa naman po."
"Straight to the point ito Cassey, sa paglipas ng taon wala na ba talaga ang feelings? I mean, wala na bang pag-asa si Paul?"
Nakikinig lang si Paul sa amin habang nagluluto siya.
Naiiling ako.
Pero sige game ako sa hot seat na pakulo ni Ate Zoila
"Straight na sagot rin po Ma'am. Wala na po talaga. Friends na lang po ang turingan namin. May mga gusto lang akong linawin kaya gusto ko rin siyang makausap."
"Sa tanda kong ito Cassey, sa mga sagot mo ay nakikita ko na deep inside ay hindi totoo ang sinasabi mong wala na.
"Aba! May pa deep inside deep inside pang nalalaman si Mam Principal. Hmm halungkatin niya ang deep inside ko nang makita niya na si JASPER PIZARRA ang laman nito at wala nang natitirang feelings kay Paul na matagal nang nawala at namatay! Hmp! Medyo naiinis kong bulong sa isip ko pero hindi ko ipinahalata.
Respeto pa rin ang ipinakita ko kay Ma'am Principal.
"Hmm it's your opinion po Ma'am and irerespeto ko po iyon." Bahala po kayo kung ayaw ninyong maniwala sa akin. Bulong ko na naman sa sarili ko.
Kumain na kami at pagkatapos kumain ay 'eat and run' ako.
Baka wala na kasi akong masakyan.
"Paul ihatid mo na si Cassey sa kanto." Utos ni Tita.
Hinatid nga ako ni Paul sa may kanto. Okay lang naman. Walang meaning para sa akin iyon.
"Huwag ka ngang sumabay sa akin. Diyan ka sa kabilang side dumaan." Pagtataboy ko kay Paul.
"Bakit naman?"
"Basta, huwag! Ayokong may makakita sa akin, sa atin na taga Labak, mga taga roon kina Jasper.
Baka kung ano isipin nila." Paliwanag ko dahil ayoko naman talagang may makakita.
"Okay. Sige." At naglakad na siya sa kabilang side. Kaya kung titingnan ay parang hindi kami magkakilala.
"Bago pala ako sumakay ng tricycle pupunta muna ako sa School. Sa dati nating school. Walking distance lang naman iyon dito."
"Okay. Samahan kita."
"Ay huwag na. Kaya ko naman."
"Baka mapaano ka doon, walang tao doon at baka ma duwende ka pa ulit. Hahaha. Diba nung 4th year High School tayo ay napagkatuwaan ka nang duwende daw. Kaya puro sugat ang buo mong katawan at dalawang buwan kang hindi nakapasok." Pagthrowback niya.
"Oonga, kaya naging dahilan bakit never akong nagsusuot ng shorts. hahah! Puro peklat ang binti. Naging dahilan din kaya natanggal ako sa Honor List." Bigla ko ring naalala ang masaklap na pangyayari noon.
Naglalakad na kami papunta sa school. Bigla kong naalala lahat ng moments noong High School Life.
Sarado ang gate, pero mababa lang ang pader kaya tanaw ang loob.
May isang building lang na nadagdag.
Pero ganoon pa rin nag hitsura ng dati naming paaralan.
Sa Study Area kami saglit na tumambay.
Nasa labas ng campus ang area na ito dahil hindi na sakop ng paaralan. Sira-sira na ang bubong pati ang canteen na katabi nito.
Umupo ako sa mismong area kung saan ay nakipag break ako kay Jasper noon.
Naalala ko lahat bigla pati iyong pakiramdam.
Nakatingin lang si Paul sa akin at tahimik. Sa kabilang bench naman siya nakaupo.
"Iyong sagot ko nga pala kanina sa tanong mo."
Napatingin ako sa kanya at naalala ko na hindi nga pala siya nakasagot sa tanong ko kanina.
"Nagawa ko iyon noon para mas makapag focus ka sa pag-aaral mo at nahihiya ako sa iyo noon. Wala pa akong maipagmamalaki pero mahal pa rin kita at kung hindi naging kayo ng pinsan kong si Jasper ay umaasa pa rin ako."
"Sorry Cassey ha. Nasaktan kita noon at iniwan na lang bigla."
Napatango lang ako sa sinabi niya at ngumiti.
"Ah! Hayaan na natin iyon. Matagal na panahon na iyon. Napatawad na kita at kinalimutan ko na iyon. Tinanong ko lang kasi hindi mo naipaliwanag sa akin noon iyon. Kahit kapag tinatanong kita sa Fb ay hindi mo ako sinasagot."
"Oonga. Nakikita ko sa iyo na masaya ka na ngayon sa pinsan ko. Masaya ako para sa inyo. Alam ko naman na siya ang first bf mo at sana maging last."
"Nakakatawa nga eh. Hindi ko tanda na magpinsan pala kayo ni Jasper. Nalaman ko lang ay noong naging kami na."
Wait,what? First bf ko daw si Jasper? Napaisip ako sa sinabi niyang first bf.
"Ayyyy oonga pala!" Biglang tila may ilaw na nagclick sa utak ko nang magets ko ang sinabi niya. "Hahaha. Naging bf ko nga pala siya noong highs school kahit isang araw lang, kahit nautusan lang ako ni Ma'am Tamara noon na sagutin siya para tumigil sa pang eeskandalo niya."
"Basta masaya ka, masaya na rin ako."
"Okay! Alis na ako kailangan ko nang umuwi sa Banogbog."
Paalis na kami nang may maalala ako.
"Teka pala, saglit lang." Kumuha ako ng ballpen sa bag ko at nagsulat sa pader sa study area. First time ko gawin ang vandalism.
"Jasper Love Cassey-I love You Jasper"
Mga salitang isinulat ko.
Parang teen ager lang. Napapailing lang si Paul nang tingnan ko.
"Mahal na mahal mo talaga si insan ah!'
"Oo naman, mahal na mahal ko iyon." Hindi niya alam ang status namin ni Jasper at hindi na niya kailangan pang malaman pa.
Nag-aabang kami ng tricycle sa waiting area at nakita ko ang bahay ni Ate Patty na Tiyahin nila Jasper na pinasyalan namin noon.
"Hala, si Ate Patty nasa terrace nakatingin dito. Pupuntahan ko na Paul, doon na ako mag-aabang ng tricycle. Sige mauna ka na. Bye!"
Pagpapaalam ko at nagmamadali akong tumawid ng kalsada at nagpunta kay Ate Patty.
Hindi ko na nilingon si Paul nang umalis na siya. Kabado kasi ako na nakita ako ni Ate Patty na may kasamang ibang lalake.
"Magandang tanghali po ate Patty. Tanda ninyo pa po ba ako?" Nagmano ako sa kanya at pinaupo niya ako sa tabi.
"Ay oo ineng, ikaw iyong katipan (a/n: salitang Marinduque na ang kahulugan ay bf/gf/jowa) ni Jasper. Saan ka galing niyan?"
"Opo ako nga po. Diyan po sa School tiningnan lang po kung may pagbabago na po ba. Kasama ko po iyong bestfriend ko noong High School na pinsan po nila Jasper." Mahaba kong paliwanag at pinangunahan ko na siya kung sino ang lalakeng kasama ko.
"Ah ikaw pala ang katipan ni insan Jasper ay"
Sabi ng isang matabang lalake na galing sa loob ng bahay. "Nakaalis na ba siya?" Tanong pa nito at umupo sa upuan na nasa harapan ko.
"Hindi pa po. Nasa Pasig po siya ngayon."
"Saan ka nakatuloy ngayon niyan ineng." Tanong ni Ate Patty na nakita kong hinihilot-hilot ang mga braso niya na namamanas. Operada kasi siya at epekto raw ng gamot iyon.
"Ako na po maghihilot." Hinawakan ko ang braso niya at unti-unting hinihilot. "Kina Jasper po. Pero uuwi po ako ngayon sa amin sa Banogbog. Mag-aabang lang ako ng tricycle na dadaan para makisabay."
"May mga dumadaan naman dito, mamaya may dadaan na diyan. Nabanggit ni Jasper noong nagpunta siya dito na wala na raw kayo?"
Nagulat ako sa sinabi ni Ate Patty, alam niya pala. At sinabi pala ni Jasper.
"Alam niyo po pala ang sitwasyon namin ni Jasper ngayon."
"Oo, nabanggit niya dahil nahihiya daw siya sa iyo, sa mapapangasawa niya dahil wala pa daw siyang maayos na trabaho."
"yan nga rin po ang sabi niya noon."
"Nahihiya lang iyon si insan. Kaya nagpupursiging makapag abroad ulit nang makaipon." Sabad ng pinsan ni Jasper.
Ang awkward nang paligid dahil bigla akong nahiya dahil alam pala nila.
"Pinaghahandaan niya ang pag-aasawa niya at ayaw niyang mapahiya sa iyo lalo na isa kang guro. Hayaan mo lang muna hanapin niya ang sarili niya. Sabi niya ay kung kayo daw talaga ang para sa isa't isa ay kahit ilang taon kayong magkahiwalay ay magkakabalikan rin kayo."
Mahabang paliwanag ni Ate Patty at napansin niya siguro na bigla akong nalungkot.
"Ayan na may tricycle na. Jonie, may makikisabay raw pa-Banogbog ka diba." Tawag ni kuya sa dumaang tricycle.
Agad na akong nagpaalam.
Whew! Save by the bell si Manong. Nakaalis na ako sa awkward na sitwasyon. Pero kahit papaano ay may nalaman ako.
Sumakay na ako at nagpaalam sa kanila.
Nagmumuni-muni ako habang nasa byahe nang biglang tumunog ang cellphone ko.
"Cassey balik ka dito sa Sunday. Tayo ay maliligo sa resort sa Sunday. Hintayin ka namin ha." Text ni Ate Zoila at nagyayaya. Kinuha niya ang cellphone number ko kanina bago ako umalis.
"Sige 'te subukan kong sumama." Reply ko na lang na wala namang kasiguraduhan.
~*~
PAKIRAMDAM ko ay nasa Baguio ako, kahit summer dahil malamig ang simoy ng hangin dito sa probinsya.
Katatapos lang naming maghapunan ng pamilya nila Ka Hulyeta at galing kami kanina sa Bayan dahil nagprusisyon.
Napatingala ako sa langit at namangha sa mga nagsisiksikan at nagkikislapang bituin.
Ang sarap pagmasdan. Lalo na siguro kung kasama ko si Jasper habang nakamasid sa mga bituin.
At dahil namimiss ko na naman siya ay naisipan kong tawagan si Ate Flor na kapatid ni Jasper na nasa Pasig.
Mangangamusta lang. Kung asan si Jasper at kung anong ginagawa kaya?
"Hello po ate Flor. Kamusta po kayo dyan. Nandito po ako ngayon sa Marinduque."
"Okay naman kami dito Cassey, heto kakauwi lang ng mga bata at nag-alay lakad sila. Aba maigi at nagbakasyon ka dyan. Alam ni Jasper na nandiyan ka?"
"Hindi po niya alam te. Alam kong wala siya dito kaya nagbakasyon ako ngayon dito."
"Hay naku ang kapatid naming iyon talaga. Napakasuwerte na nga niya sa iyo dahil natanggap mo siya."
"Hayaan na lang po muna natin siya sa plano niya sa buhay niya ngayon. Sabi ko nga po sa Mama nyo na maghihintay ako kung babalik siya at kung hindi naman na ay tatanggapin na laang po ay."
"Napakabitter nga eh. Pag nanunuod kami ng teleserye laging nagrereact na "Maghihiwalay rin kayo" Hahaha. Nagkukuwento nga minsan na mag-aasawa rin siya pag nakabalik na siya. Balak daw niyang magpatayo ulit ng bahay para nakabukod daw kayo kina Papa. Alam mo naman na hindi in good terms ang mag-amang iyon."
Mahabang kuwento ni Ate Flor. But Wait! Sabi niya "Kayo"?
"Ah may ganoon po pala siyang plano" Hindi na lang ako nagreact sa nabanggit ni ate about sa "Kayo" sinarili ko na lang at napapangiti na lang ako.
"Oo, sabi ko nga mag-ipon siya para makapagtayo ng negosyo dyan sa probinsya pagbalik niya after two years. Minsan nga naikuwento niya na nung naandiyan siya ay may nakita daw siya na dalawang magkatipan sa may ilog at naghaharutan, sinigawan daw niya na "Maghihiwalay rin kayo". Hahah. Natatawa na lang kami sa pagiging bitter niya."
Kahit ako natatawa sa kuwento ni Ate. Naiimagine ko yung reaction at hitsura ni Jasper sa pagiging bitter.
Eh siya lang naman kasi gumagawa ng mga bagay para maging komplikado.
Nagpaalam na ako kay Ate Flor dahil gabi na rin at masarap nang matulog. At sana makatulog na ako at huwag maghalluscinate.
Sa pakikipag-usap ko kay Ate ay may nalaman na naman ako.
"Mahal pa rin ako ni Jasper!"
Mga linya na pinaniniwalaan ko dahil iyon ang nararamdaman ko at hindi dahil assuming lang ako.
~*~
A/N: Tama nga ba si Cassey sa nararamdaman niya kung mahal pa rin siya ni Jasper?
Worth it kaya ang mga ginagawa niya at ang paghihintay niya?
Sagot kayo mga readers at mga silent readers po dyan.. Hahaha minsan lang po humingi ng pabor si ako.
Pahingi na rin po ng vote hahaha
Maraming Salamat!
#Saranghae
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro