Chapter 46
~*~
Nakatanaw lang ako ngayon sa dagat, pinagmamasdan ang unti-unting paglayo ng barko.
Unti-unti ring nawawala sa paningin ko ang mga ilaw sa mga kabahayan at napapalibutan na lamang ng tubig ang buong paligid.
Nakasalpak sa tainga ko ang earphone at nakikinig ng mga kantang paulit-ulit kong pinapakinggan.
Nandito ako ngayon sa barko at papunta na sa Marinduque.
Habang papalayo nang papalayo ang barko ay pakiramdam ko na papalayo na rin ako ng papalayo kay Jasper.
Iyong pakiramdam na papunta ka sa napakalayong lugar!
Alam kong wala na si Jasper sa kanila at nasa Pasig na ngayon kaya mas pinili ko na magbakasyon dito dahil para mapalayo na rin sa kanya dahil baka hindi ako makapagpigil at mapuntahan ko pa siya doon.
“Ate, nakaalis na si Kuya dito. Papunta na siya sa Pasig, hinihintay na lang ang ticket niya dahil baka 2nd week ng April na raw siya makaalis. Dala na niya mga gamit niya. Iyong motor niya ipinasok na niya dito sa bahay dahil wala naman ng gagamit.”
Binasa ko ulit ang text ni Meryl sa akin noong isang araw.
Medyo nalungkot kasi hindi meant to be na magkita kami doon.
Pero what if kung nagjojoke lang si Meryl, na pagdating ko sa kanila ay nandoon pa si Jasper at hinihintay ako?
What if nag-aabang pala siya na lumapit ako.
What if? Hay!Puro what if.
Past 11 na ng gabi ako nakarating sa bayan ng Sta.Cruz sa Marinduque. Maraming tao sa paligid dahil naghahanda para sa Holly Week. Para sa Moriones Festival.
Hindi na nagtext si Meryl dahil baka nakatulog na kakahintay sa akin.
Pagdating ko sa kanila ay mga aso ang sumalubong sa akin at tinatahulan ako. Tahimik na ang paligid at wala nang taong gising.
Pinagmamasdan ko ang paligid habang naglalakad ako papunta sa bahay nila.
Nakita ko ang iniwang bakas ng bagyo noong nakaraang December.
Mga nakatumbang puno at ang wasak na kubo nila.
Kumatok ako pero walang tao sa sala.
Hindi naka lock ang pinto kaya pumasok na ako sa loob.
Nakakabingi ang katahimikan, mga kuliglig at palaka ang naririnig ko nang gabing iyon.
"Wala na nga siya dito." Bulong ko nang makita ko ang motor ni Jasper na nasa loob ng bahay.
Naupo ako sa sofa nila at narinig ko na bumukas ang pintuan ng kuwarto nila.
“Ate andito ka na pala, hinihintay ko po ang text ninyo ay.” Bungad ni Meryl nang makita ako sa sala.
“Hindi na ako nakapagtext dahil baka tulog ka na.”
“Hindi pa naman. Hinihintay po kita. Si Mama ay tulog na sa kabilang kuwarto. Si Papa naman ay nasa laot at nangingisda. Ipaghuhuli ka raw ng fresh na isda.”
Nasa kabilang kuwarto pala si Mama, ang kuwarto ni Jasper. Nasira ang kubo nila kaya dito na natutulog sa loob sila Mama.
“Osige pahinga na tayo, may pasok ka pa bukas dahil punong abala kayo para sa mga program ngayong Holly Week.”
Ipinatong ko na sa lamesa ang mga dala kong buko pie at nagbihis.
Nagpahinga na kami ni Meryl sa kuwarto niya.
Ako na lang ang gising at si Meryl ay nakatulog na. Hindi ako makatulog kahit pa pagod ako sa byahe.
Namimiss ko si Jasper. Nandito ako at siya ang wala.
Sana nandito na lang rin siya.
Kakaisip ko kay Jasper ay unti-unti na akong nakakatulog.
“Maraming pasahero sa barko ay. Maigi na laang at nakasakay pa rin kami. Nakipagsiksikan.” Bigla akong naalimpungatan nang marinig ko ang boses ni Jasper.
Boses ni Jasper iyong nagsasalita.
Boses niya talaga iyon.
Pero halluscination ko lang pala iyon. Dahil nang lumabas ako ng kuwarto ay wala namang tao sa sala.
Ayan! Epekto ng sobrang pag-iisip ay nabubuang na ako.
Grabe ang pagkamiss ko talaga sa kanya.
“Makatulog na nga ulit. Maaga pa ako bukas sa Banogbog.” Plano ko na bago ako mamasyal o magprusisyon sa Bayan ay papasyal muna ako sa dati kong tinirhan. Sa mga kamag-anak ng step father ko.
Nagising ako na maingay na sa labas ng kuwarto.
Tulog pa rin si Meryl.
Lumabas na ako para makita sila Mama at narinig ko na rin ang boses ng Papa ni Jasper.
“Oh Cassey gising ka na pala. Hindi na kita namalayang dumating kagabi ay, nakatulog na ako ng maaga. Magkape ka na muna.” Bati ni Mama at magiliw akong inasikaso.
Kahit na ganito ang sitwasyon namin ni Jasper ngayon ay hindi sila nagbago ng pakikitungo sa akin.
Ramdam ko pa rin na welcome ako sa bahay nila at sa Family nila.
Si Jasper na lang talaga ang kulang.
“Oonga po Ma, gabi na rin po ako nakarating.” Umupo na ako at hinihigop ang kape.
“Nandito na pala si Cassey ay!” Bati ng Papa ni Jasper na nakita kong may mga bitbit na sariwang isda.
“Mano po!”
“Huwag na ineng at malansa ang kamay ko. Magkape ka na diyan.”
“Marami bagang pasahero ngayon ano.” Tanong ni Mama at inilalagay sa plastic ang mga isda.
“Grabe po ang pasahero kaya nakipagsiksikan po ako para makasakay sa barko. Sa sahig na nga po ko nakaupo. Wala nang maupuan.”
Pagkukuwento ko sa nangyari sa barko.
Wala nang arte arte, naka indian seat ako sa sahig marami naman akong kasama na nakaupo rin kaya hindi nakakahiyang maupo doon.
“Hahah! Maigi at hindi ka maselan kahit sa sahig ay naupo ka.”
“Oonga po. Magpapaalam nga po pala ako na pupunta po ako sa amin sa Banogbog ngayon. Papasyalan po mga kamag-anakan ni tatay doon at bibisitahin ang dati po naming bahay.”
“Osige, Si Meryl ay may pasok naman. Magtitinda muna ako ng isda sa palengke.”
“Opo, gabi na po ako makakauwi mamaya, manunuod pa po ako ng battle of the morion sa bayan mamaya.”
“Ngani ay may palabas sa bayan mamaya. Mag-iingat ka na laang mamaya pag-uwi mo dito.”
Naghanda na ako para umalis. Napatingin ako sa kuwarto ni Jasper. Gusto kong pumasok doon kaso nahihiya ako.
May gusto akong kunin na mahalagang bagay at gusto kong malaman kong naandoon pa rin iyon.
Bitbit ko ang dalawang box ng buko pie para dalhin sa Mama ni Paul.
Well, kahit papaano ay malaki ang utang na loob ko sa pamilya ni Paul noon, sila ang tumayong magulang ko noong graduation day kaya gusto ko rin silang bisitahin at para maiparamdam na hindi ko sila nakakalimutan.
“Aba, si Cassey pala. Wala pa sila Ate Zoila mo at si Paul, mamaya pang hapon ang dating dito.”
Nagmano ako kay Tita at inabot ang dala kong buko pie. “Ay ganoon po ba tita, sayang hindi ko na po sila mahihintay, papunta po ako ngayon sa Banogbog eh.”
“Bumalik ka na lang dito bukas, ngayon ka lang naman ulit nakapunta dito sa Marinduque.”
“Subukan ko po Tita. Sige po. Mauna na po ako. Dumaan lang po talaga ako ngayon.”
“O sige ingat ka. Hintayin ka namin bukas.”
Uuwi rin pala si Paul at ang kapatid niyang si Ate Zoila. Hindi ako umiiwas at suusbukan kong makabalik nga bukas para mapatunayang hindi nga ako umiiwas.
After 12 years ngayon na lang ulit kami magkikita.
Nagkakachat naman kami as friend sa FB. Pero iba pa rin ang pag-uusap sa personal.
Bahala na bukas!
~*~
NAKAKAMANGHA na ang daan papunta sa barangay namin sa Banogbog ay sementado na, dati ay lubak ang daan kaya maalikabok pag tag-init at maputik naman kapag tag-ulan.
May tricycle na ring nagbabyahe hindi kagaya noon na jeep lang at may oras ang byahe kaya kapag naiwanan ka, ay maglalakad ka ng isang oras at kalahati.
Nakakamiss talaga dito sa probinsya. May pag-asenso na rin.
“Manong pakitanong po natin kung saan po ang bahay nila Ka Hulyeta hindi ko po kasi alam ang nilipatan nila. Sa tabing kalsada lang naman daw po ang bahay.”
“Sige ineng. Bakasyunista ka ata dito.”
Ipinagtanong na namin ang bahay ng pinsan-pinsanan ko. At habang nagtatanong kami sa mga tao sa daan ay nakita ko na agad ang bahay na hinahanap ko. Dahil nakita ko si Ka Hulyeta na nagsasampay at nakatingin rin sa akin.
“Manong dito na po, ayun na po ang bahay na hinahanap natin.” Bumaba na ako at nagbayad.
“Hala! Si Cassey. Napasyal ka ineng. Halika pasok ka dine. Maige at nakapasyal ka. Nakakatuwa na nakapunta ka ngayon, akala namin ay nalimutan mo na kami ay.” Masayang bungad na pagbati ni Ka Hulyeta at natatarantang inasikaso ako.
“Mano po! Syempre po hindi ko po kayo makakalimutan. Dito po ako nakatira dati eh."
Masaya kaming nagkuwentuhan at nagkamsutahan habang kumakain ng tanghalian.
Sariwang gulay at isda ang ulam namin.
Pati ang iba niyang anak at apo ay kakuwentuhan ko na rin.
Halata sa kanila ang mainit na pagtanggap sa akin at halatang natuwa sila sa biglaan kong pagsulpot at pagdalaw.
“Uuwi ka rin lang pala ngayon sa Matalaba. Maigi at taga dito rin sa atin ang mapapangasawa mo. Bumalik ka dito bukas at dito ka matulog.”
“Sige po babalik po ako bukas.”
Sinabi ko na ang mapapangasawa ko ay taga dito rin. At sinabi ko na ang katipan ko ay nasa abroad ngayon. Sinabi ko iyon dahil probinsya ito, sobrang konserbatibo ang mga tao.
“Oo, tayo ay magpuprusisyon bukas.”
Magalang na akong nagpaalam at umalis na para pumunta sa bayan. Alas singko na ng hapon at marami nang tao sa bayan.
Nakakatuwa dahil maraming mga naka costume na Morion sa paligid. Kaya hindi ko maiwasang makipag selfie.
"Finally Lord, I'm here na. Sa simbahan na pangarap ko kung saan kami ikakasal ni Jasper kung inyong pahihintulutan."
Nandito ako sa simbahan. Isa sa masasabi kong napakagandang simbahan na kagaya ng simbahan sa bansang Europe.
Pagkatapos kong magdasal at nagpunta na ako sa may pintuan. Inilagay ang earphone sa tainga ko at pinatugtog ang “Kay Tagal Kitang Hinintay” na wedding version.
Mukha na naman akong baliw.
Baliw na ba talaga ako?
Kasi heto na naman ako, naglalakad papuntang altar habang nangangarap na naghihintay si Jasper sa harapan.
Nangangarap!
At umaasa.
Obsess na bang matatawag itong ginagawa ko? Kabaliwan? Muntang?
Nagmamahal lang naman kasi ako!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro