Chapter 44
~*~
"Hahaha!"
Bigla akong natawa sa nakita ko.
"Saan ninyo nakuha ang picture ni Jasper at ginawa ninyong maskara?" Natatawa kong tanong sa kanila.
Ah Malamang sa Facebook.
Ang isa kong mag-aaral na lalaki ay nakasuot ng maskara na mukha ni Jasper!
"Ma'am! Pwede ko po ba kayong maisayaw?" Nagpaunlak ako sa kanya habang tawa ako ng tawa!
Pati ilang lalakeng estudyante ko ay inaya rin akong isayaw.
Well kahit papaano ay nasurprise nila ako.
Pagkauwi ko ng bahay ay natulog na ako agad para hindi na ako mag-imagine ng mga bagay bagay na dapat ay gagawin sana namin ni Jasper para ipagdiwang ang araw ng mga puso!
Lilipas rin ang February 14. Wahahahaha.
Isang Linggo na ang nakalipas at tapos na ang araw ng mga puso.
Sabi ko naman na lilipas rin iyon.
Cellphone na naman ang hawak ko at nakatutok sa pag-FB.
Nagbabakasakali na naman.
"Hi po ate!"
Himala nagmessage ang pinsan ni Jasper na si Apple.
Hindi naman kasi kami pa ganun kaclose dahil hindi pa kami nagkikita ng personal.
Gf kasi siya ng classmate ko dati at pinsan rin ng kapatid ni Jasper na naging classmate ko dati.
"Hi rin. Kamusta?"
"Ok naman po. Ito pauwi na ng Laguna." Taga Laguna rin kasi siya.
"kasama ko po si insan ngayon!"
Hala! Si Jasper kasama niya? Totoo ba ito? As in si Jasper papunta dito sa Laguna?
Bigla akong kinabahan sa balita niya.
"Talaga kasama mo si insan mo?" Hindi ko ipinahalatang nashocks ako.
Hindi rin niya alam status namin ni Jasper kaya nag-iingat ako sa mga binibitawan kong salita.
Apple sent a photo
Hala! Kasama nga niya si Jasper.
"Ayan po te Cassey, pictures namin ni insan Jasper dito sa jeep. Papunta na kami sa Sta.Rosa. Pasyal ka dito malapit lang naman ang Calamba ah!"
"Hahaha! Sige more picture pa. Stolen lang ha, baka mahuli ka na nagsesend ng pictures sa akin!"
"Sure po. Send ko mamaya ibang pictures"
"Okay sige bye na muna. Work na muna ulit ako." Pagpapaalam ko sa kanya dahil tapos na ang vacant ko.
Naging excited ang feelings dahil imagine magkalapit kami ni Jasper ngayon.
Pero huwag masyadong umasa baka kakaasa ay madagdagan ang sakit na nararamdaman!
Paalala ko sa puso kong pasaway.
"Hi Apple, hindi na nakapag-online kanina. Kauwi ko lang kaya ngayon lang nakapagcharge ng cellphone." Message ko kaagad sa kanya at makikibalita.
"Good evening po 'te. Nag-iihaw ng isda si insan dito."
Nagsend nga siya ng mga pictures. Mga stolen shot. Napansin ko na namayat ang Daddy ko!
"Hahaha Thanks sa mga pictures basta huwag ka pahuhuli ha."
"Oo naman po 'te."
"Very good! Complicated kasi kami pa ngayon."
"Pasyal ka po dito."
"uhmm saka na lang pag pwede na at saka off kami ngayon."
"Eh di i-on ninyo. hahaha. Nabanggit ka nga ni insan."
Hmp? Bago iyon ah. Bakit naman niya ako nabanggit. Sigaw ko sa utak ko.
Kalma lang kasi Cassey! Kalma! Okay?
"Bakit naman niya ako nabanggit?"
"Nagpost kasi ako sa Fb ng pictures namin. Nagtanong siya kung friend daw tayo sa Fb, makikita mo raw ang post ko. Malalaman mo raw
na nandito siya sa Laguna. Cool off daw kasi kayo ngayon."
"Ah ganoon ba. Oo. Teka, cool off? Hahaha. Cool Off nga kami ngayon."
"Cool off kayo eh bakit parang masaya ka pa?"
Pagtataka niya sa sinabi ko.
Oonga naman bakit masaya pa ako gayong sabi ni Jasper ay Cool Off kami ngayon.
Sinong hindi matutuwa?
Ay ako lang pala ang natutuwa sa lahat ng nag-Cool off.
Eh kasi Cool Off ang sinabi niya hindi HIWALAY NA!
Malaki ang pagkakaiba noon.
Gets!??
Cool Off, meaning pwedeng i-On!
Napawi kahit papaano yung lungkot ko kasi may chance pa pala kami na i-On itong komplikadong sitwasyon naming ni Jasper!
"Hahaha wala Apple. Masaya lang ako kasi magkalapit kami sa isa't isa ngayon."
"Ah. Oonga hindi manlang ba kayo magkikita?"
"Uhmm wala akong ideya sa bagay na iyan, unless mag yaya siya na magkita kami."
"Kunsabagay! Namayat nga si insan eh. Hindi mo ata inaalagaan."
"Napansin ko nga rin na namayat siya. Eh hindi naman niya ako binigyan ng maraming chance na maalagaan ko siya. Panay daw kasi sa laot magdamag sabi ni Meryl!"
"Invite mo ko ha kapag ikakasal na kayo ni insan."
"Hahaha. Off nga kami diba. Pero let us see kung darating kami sa bagay na iyan."
"Hahaha! Darating rin kayo diyan tiwala lang. Huwag mo lang siyang susukuan."
"Hindi naman talaga ako susuko. Maghihintay lang ako."
"I-on nyo na kasi. Hahah." Ang kulit rin lang nitong si Apple. Pero kahit papaano gumagaan ang loob ko.
"Hanggang kalian pala siya diyan?Ang alam ko kasi ay nag-aasikaso siya ng application niya para makapag-abroad ulit."
"Baka bumalik na rin siya bukas sa Pasig o sa Taytay. Baka bumalik daw siya next week dito. Nagpapatulong kay kuya para magwork raw muna siya dito habang naghihintay ng progress sa application niya sa abroad!"
"Ang lapit na nga talaga namin kung makakapagwork siya dyan."
"Kaya nga. Ayain mo manuod ng "My ex and Why" para magkabalikan na kayo. Hahah!"
"Hahaha loko ka talaga! Pero kapag nagyaya siya why not!"
"Hintayin mo lang si insan."
"Ganun na nga. Maghihintay naman talaga ako."
Maghihintay ako kasi alam ko naman na babalik rin siya. Sana bumalik pa rin siya.
"Tama iyan. Nakikita ko kay insan ngayon na mahal ka pa niya. Hindi naman siya mamayat ng ganoon eh, kakaisip sa iyo iyon, Hahaha! at saka nakita ko kay insan na seryoso na siya sa buhay hindi kagaya dati at alam ko isa ka sa dahilan kaya siya matino na."
"Well, sana nga magdilang anghel ka. Osige goodnight na. Thanks ulit!"
Natulog ako na siya ang laman ng isip ko. Kahit papaano may isang taong nagsasabing mahal pa ako ni Jasper!
Sa totoo lang kasi ganoon rin naman ang nararamdaman ko na mahal pa niya ako, hindi ako nag-aassume kasi gut feeling ko talaga iyon.
"Good morning Ma'am" Message agad ni Apple nabungaran ko pagkagising
"Yeah, Good morning rin!"
"Pauwi na si insan. Niloloko ko nga na baka dumaan pa ng Calamba. Tumatawa lang!"
"Ah ingat na lang siya sa pag-uwi niya."
Hayy pabalik na siya ng Pasig kaya tama lang na huwag ako mag-assume na makikipagkita siya.
Sige okay lang.
Ayos lang talaga na hindi manlang kami nagkita dahil hindi siya nag-approach.
Okay lang talaga kahit naman hindi talaga okay.
Hayaan ko na lang talaga muna siya at huwag abalahin sa goal niya.
~*~
"Hello po!"
Bungad ko sa cellphone nang sagutin ni Mama ang tawag ko.
Mama ni Jasper.
Sa tuwing nakakaramdam kasi ako ng sobrang lungkot ay tumatawag ako sa Mama ni Jasper para mangamusta.
Kahit papaano ay gumagaan talaga ang pakiramdam ko.
Mama niya iyon, kaya nagagawa akong icomfort.
"Hello ineng. Kamusta ka na? Si Jasper ay ayun laging abala sa laot."
"Ok naman po ako kahit papaano. Sa kapatid ko po muna ako tumutuloy ngayon para may kasama sa bahay at laging may nakakausap."
"Ah tama iyan. Mainam na may nakakausap ka. Si Mama mo pa naman ay wala diyan."
"Kamusta po si Jasper?"
"Ay ayon. Laging busy dine. Sa umaga ay ang mga baboy ang inaasikaso sa gabi naman ay nangingisda. Masyadong pinapagod ang sarili."
"Baka po magkasakit siya sa ginagawa niya."
"Siya na mandin ay! May trangkaso nga noong isang Linggo. Iyon naman ay wala naman akong nababalitaang ibang babae."
Natawa ako bigla sa huling sinabi ni Mama ni Jasper.
Halatang bantay sarado niya at talagang ayaw niya ako mag-isip na baka may ibang babae na si Jasper!
"Okay na po ba siya ngayon?"
"Oo maayos na siya. Babalik na nang Pasig iyon dahil nag-aasikaso na ng requirements niya. Baka raw mga April ay makaalis na."
"Maigi po kung ganoon na malapit na siya makaalis para makapagtrabaho siya doon dahil iyon ang gusto niya."
"Ganoon na nga hayaan na lang natin siya sa plano niya ngayon sa buhay. Maghintay ka lang kapag maayos na siya."
MAGHINTAY!
Pati si Mama ay iyon din ang sinasabi.
Kunsabagay anak niya iyon, mas kilala niya kesa sa akin kaya alam rin niya na dapat ay maghintay lang ako.
"Opo ganoon na nga po. Maghihintay kung babalik pa at kung hindi na ay tatanggapin na lang po. Hahah"
"Kailan pala ang bakasyon mo?"
"Hanggang April 4 pa po kasi ang pasok ko. Pwede po ba ako pumunta diyan sa bakasyon? Wala naman na po siguro si Jasper diyan sa April diba po."
"Ay oo naman, pwede ka naman pumunta dito."
"Sige po. Sasabihan ko na lang po si Meryl kapag papunta na po ako diyan. Salamat po."
Nagpaalam na ako kay Mama.
Sa Marinduque ko gustong magbakasyon at mag spend ng Holly Week.
Kahit isang Linggo lang doon.
Soul searching kumbaga.
Kahit wala si Jasper doon ay pupunta ako.
Pero what if kung nandoon pa pala si Jasper?
Tutuloy pa ba ako o hindi na?
Pero bahala na.
Kung naandoon pa siya sa holly week ibig sabihin ay chance na magkita at magkausap kami bago manlang siya mag-abroad.
Pero kung wala na ay okay lang ibig sabihin ay hindi meant to be na magtagpo ang landas namin.
~*~
A/N: Magkikita kaya sila Cassey at Jasper sa probinsiya?
Abangan natin mga bebe.
Salamat sa pagsubaybay. Mwahhhh!
#Saranghae
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro