Chapter 43
A/N: Hello mga bhe. Ang inyong lingkod ay humihingi ng paumanhin sa matagal tagal na hindi pag-update. May mahalagang bagay lang na pinagkaabalahan at humugot pa ng inspirasyon.
Pero salamat sa mga naghintay at maghihintay pa.
Heto na po, muli nating subaybayan si Ms. Cassey Laroza!
~~*~~
"Sa hating gabi, ikaw ang sigaw ng nag-iisang kong tinig at dalangin
Sundan mo...sundan mo.
Sa aking tabi, ikaw ay wala
Tila tinatangay na sa gabing malalim
Sundan mo...sundan mo.
Hindi mapantayan ng liwanag ng buwan ang 'yong ilaw
Hanggang kalian kaya ako mahihintay na ikaw ay maramdaman?
Ako rin ba'y iniisip mo..ohhh
Habang ako'y nangungulila sa'yo
Ohhh tumatakbo... Ang pusong 'di pa makatulog"
Heto na naman ako, paulit-ulit na namang pinapakinggan ang awiting "Pusong hindi Makatulog", relate much kasi saka I just want to torture myself, I mean gusto ko isagad ang pagiging heartbroken.
Alam mo iyon?
Iyong feeling na gusto mo pagurin ang sarili mo sa pagiging malungkot para kapag napagod ito ay kusa nang bibitaw sa pagkalungkot at pangungulila.
Isa pa sabi nila na kapag heartbroken ka mas ramdam at naiintindihan mo ang mga awiting malulungkot, makakarelate ka.
Ilang buwan na nga ba akong ganito?
Three months...
February na ngayon at February 14 na bukas, akala ko magiging masaya kami ngayong buwan ng mga puso.
Akala ko lang pala.
Hindi pala.
Kasi bigla siyang nang-iwan sa ere.
"Okay class, bukas ay maghanda kayo para isurprise ang mga subject teachers' ninyo, kahit 'wag na ako."
Announcement ko sa mga estudyante ko dahil gusto ko maiparamdam nila ang espesyal na araw bukas sa kanilang mga guro.
"Yes po Mam!" Sabay-sabay nilang tugon at halatang excited sa magaganap bukas.
Mga kabataan nga naman, teen ager eh kaya alam na nila ang espesyal na araw bukas.
"Every group ay may kaniya-kaniyang gagawin bukas para sa surprise na gagawin natin."
Isa ako sa nagbigay ng ideya kung paano nila masusurprise bukas ang teachers nila.
Ginagawa ko ito to divert my attention and emotion.
Ako na naiinggit sa mga couple na nakikita ko sa paligid.
Hoping na babati siya at makakaalala.
Pero wala eh! Huwag na raw ako umasa sabi ng utak ko.
"Sana batiin niya ako. Sana makaalala siya. Sana..sana..sana..." Hayyy paulit-ulit na sana.
Eh kasi naman umaasa ako!
Lilipas rin ang Valentine's Day!
Bakit pa kasi nauso ito?
Sana wala na lang February 14 sa kalendaryo.
"Wow! Ma'am Cassey, puro puso ang classroom mo ah!" Puna ng co-teacher ko at napatingin rin ako sa paligigid.
Oonga naman ang sipag naming magdecorate ng room for Valentine's Day.
Effort sa decoration na may mga malalaking kupido na nakasabit at maraming puso na nakadikit sa wall at door.
"Hindi daw po kasi sila bitter." Ako lang ang bitter!
"Halatang inlove at inspired ang adviser nila."
Bigla akong natawa ng mahina.
"Hindi naman masyadong halata."
Hay naku kung alam lang ni Maam ang pinagdadaanan ko ngayon masasabi niya pa kaya iyan!
Nagpunta na ang co-teacher ko sa harapan para magturo. Ako naman ay naupo na sa likuran dahil vacant ko at wala na akong klase.
Wala kasi kaming Faculty Room kaya sa classroom lang kami naglalagi kapag walang klase.
Hay nakakapagod at nakakatamad na araw na naman!
Buti na lang may Student Teacher ako kaya hindi ako nagtuturo. Nag-oobserve lang sa kanya.
~*~
Araw na ng mga patay, este mga puso.
Iyong puso ko kasi parang patay eh! Sagad sa pagkabitter.
Bago ako pumasok ay dumaan muna ako sa Mall para bumili ng heart ballons na ibibigay ng mga estudyante ko sa mga subject teachers nila.
Oh diba ang effort ko, ako pa talaga ang nag-aabalang bumili.
Nakakainis lang talaga ang mga nasa paligid.
Halos lahat ng tao nakapula!
Well, nakapulang sweat shirt ako, malamig kasi ang panahon dahil sa hanging amihan.
Nakakainggit naman ang mga magjojowa!
Bulong ko sa sarili ko habang nakikita at nasasaksihan ang mga tao sa paligid na ipinagdiriwang ang araw ng mga puso.
Iyong iba naka couple shirt pa, mayroon namang may bitbit na bouquet of flowers at cake.
Nagkalat rin sa bangketa ang mga balloons na korteng puso.
Eh di sila na ang masaya at ako na ang bitter!
"Ma'am handa na kami sa gagawin namin mamaya." Bungad ng class president ko pagdating ko sa classroom.
"Okay! Just make sure na masusurprise ang mga guro ninyo ha. Basta ako huwag ninyo nang isali sa surprise kuno kasi kasali ako sa ideas ng pagsurprise. Hahahaha. Idea ko ito tapos gagawin nyo rin sa akin.Wala nang surprise at thrill doon."
"Eh Ma'am. Hindi naman pwede iyon. Basta may gagawin rin kami para sa inyo."
"Okay! Sabi ninyo eh."
At dahil magsusurprise sila sa mga subject teachers nila ay umalis muna ako sa room para hindi awkward at hindi malaman na kasabwat ako sa surprise kuno nila!
Nagpunta muna ako sa Computer Lab.
At mag-isa lang ako doon dahil walang nagklaklase nang oras na iyon.
After 30 minutes, may kumatok sa pinto at nakita ko ang Class President ko.
"Ma'am, punta po muna kayo sa room. Pero pipiringan ko po kayo ha. Please po Ma'am."
"Hahaha. Sabi ko diba huwag na."
"Sige na Ma'am."
"Siya sige. Go ahead!" Nilagyan nila ako ng piring sa mata at at inalalayan na lumabas. Nasa labas na ako ng pintuan nang bigla akong may narinig na kumakanta.
Sa umpisa ay mahina hanggang palakas ng palakas at parami ng parami ang boses na naririnig ko.
Nahulaan ko na lahat ng mga estudaynte ko ay nasa harapan ko.
Pagkatanggal ko ng piring ay nakita ko nga sila na nakahilera pababa sa hagdan at may hawak hawak na card, chocolate, balloons, flowers! .
"Hahaha.Wow effort kayo sa pagsurprise. Salamat mga bebe!"
"Ma'am, tara na po sa room, gusto rin naming gawin ang idea na ibinahagi ninyo sa amin pero may dinagdag kami para may kakaiba."
"Sige, makukulit kayo. Just make sure na masusurprise ninyo ko ha!"
"Opo Ma'am."
Nauna na silang nagpunta sa classroom. Paakyat na ako sa hagdan at may ilang mag-aaral na nakaabang habang may hawak hawak na papel at may nakasulat:
"Ma'am, Happy hearts Day"
"You are amazing"
"You are adorable"
Nasa tapat na ako ng pinto at may mga ilang mag-aaral naman na nakahilera at sumayaw.
At pagpasok ko sa loob ay pinaupo nila ako sa upuan na nakapuwesto sa gitna habang sila ay inalayan naman ako ng kanta.
"Maam! Dahil araw ng mga puso ngayon ay gusto po namin kayong pasayahin. May inanyayahan po kaming bisita para po mas pasayahin po kayo."
Biglang tumugtog ang kantang "A Thousand Year" at nang pagtingin ko sa pinto ay may lalakeng naka long sleeve na blue, matangkad at may hawak na balloons na nakatakip sa mukha niya kaya hindi ko mapagsino.
Unti-unti siyang lumapit sa akin at nang makita ko ang mukha niya......
Shocks! SI JASPER PIZARRA!
~*~
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro