Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 41

                                    "Forever doesn't exist but infinity does because love is infinite." 

~*~

"Magpahanggang wakas ika'y mamahalin, magpahanggang wakas di magtataksil, magbago man ang ihip ng hangin, ika'y bigla mang lumayo sa akin, habang may panahon pag-ibig ko'y itutugon, magpahnaggang wakas, isisigaw ng puso koy, ikaw pa rin."

Umiiyak na naman ako habang nanonood ng teleserye at pinapakinggan ang awiting Magpahanggang wakas. 

Isang buwan na rin mahigit nang huli kaming magkita at mag-kausap. 

Pinipilit kong mabuhay nang normal. 

Umaasa pa rin ako sa kanya.

Sinunod ko ang gusto niya na huwag siyang kulitin kaya hindi na ako nagtext na gamit ang ibang simcard.

Sa aming dalawa siya ang higit na nasasaktan, kahit mahal niya ako ay kailangan niyang gawin iyon dahil katwiran niya ayaw niyang masira ang buhay ko sa kanya.

Noong una ay hindi ko maintindihan yung tinutukoy niyang ayaw niyang masira ang buhay ko pero ngayon, naiintindihan ko na. Ako pa rin iniisip niya, kapakanan ko pa rin ang inaalala niya.

Sige lang Cassey always think positive and be positive.

Kaso ang hindi ko magawa ay sabihin sa pamilya ko na wala na kami ni Jasper. Ayokong pati sila masaktan dahil nasasaktan ako ngayon at nalulungkot.

Kaya nagtext ako kay mother.

"Nakaalis na si Jasper, tinawagan na siya ng Agency niya last month kaya nasa abroad na siya ngayon." 

"Nakaalis na pala siya.Ang bilis naman niyang makaalis." Reply ni mudrakels. "Kung sakali mang magbago siya dahil nasa ibang bansa na siya, tanggapin mo na lang." Paalala pa niya.

"oo" maikli kong sagot.Hindi naman kasi ako sanay makipag-usap ng ganoon kay mudra. 

Kailangan kong magpanggap. Kunwari ay okay kami.

Para hindi nila hanapin si Jasper pag-uwi ko sa San Mateo sa Pasko. 

Gusto kasi nila isama ko si Jasper doon para maipakilala sa mga kamag-anak namin doon.

Nagreply rin ang isa sa kumare ko. "Naku mars, bakit mo siya pinaalis agad. Dapat nagpakasal muna kayo para sure."

Sana nga ganun ang nangyari. Sermon naman ang abot ko kay Mars Elise pag sinabi ko ang totoo. Concern lang naman siya. 

Madalas na rin akong magkasakit dahil sa araw-araw na puyat.

 Ang sobrang kalungkutan talaga ay nagdudulot ng sakit sa isang tao. 

Hindi ko pa alam kelan ako makakabangon. 

Para akong patay araw-araw. Halata sa kilos at mga mata ko ang sobrang kalungkutan.

"Miss. Puyat ka na naman po oh.Laki na po ng eyebag ninyo" Puna sa akin ng isa kong estudyante.

"Napuyat lang kakabasa sa wattpad." Katwiran ko na lang sa kanya na may bahid katotohanan. Adik ako kakabasa ng mga stories sa wattpad. 

Marami kasi akong natutunan on how to move on kaya lahat nang natutunan ko ay unti-unti kong ginagawa.

"Naku Miss alam kong malungkot ka lagi dahil kay Papa P." Daldal pa rin niya, well isa siya sa ka close ko na estudyante. Matured na siya dahil repeater siya kaya hindi na siya kilos bata.

Alam rin niya ang pinagdadaanan ko. Kasi mas gusto ko magkuwento at maglabas ng nararamdaman sa mga taong hindi ako sesermunan o huhusgahan. 

Kesa sa mga kaibigan ko at pamilya ko.

"Hawakan mo ang aking kamay at tayong dalawa'y maghahasik ng kaligayahan" biglang siyang kumanta habang nakangiti. Alam ko kino-comfort niya ako. Alam niya na kanta sa akin yun ni Jasper kaya kinanta niya sa harap ko. Lalo ko tuloy namiss si Jasper.

"Hay naku, Jessa kakantahan mo na naman ako niyan lalo mo lang ako papalungkutin eh."

"sorry na Miss. Pinapangiti lang po kita."

"Alam ko.kaya thanks.. sa Christmas party natin kantahin mo yan ha.Aarkila tayo ng Videoke.'" Maganda naman talaga ang boses ng batang ito.

"Wow ms. May videoke tayo."

"Oo. Kaya magpractice ka. Pero tapos na ang recess kaya maupo ka na."

Iniwan na ako ni Jessa at naupo na siya. Ganyan sila, tuwing recess,sila mga kakuwentuhan ko. 

Pinapasaya nila ako kahit papaano..

Masyado lang kasi akong transparent na tao. Halata sa akin sa akin na broken hearted ako. Mukang wasted!



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro