Chapter 4
~*~
Tuwang-tuwa ang mga kaklase ko nang malaman nilang hindi na ako lilipat.
Unang ng pasukan nakita ko siya sa labas ng campus kasama ang mga barkada niya.
Bigla siyang lumapit sa akin.
"Hi Cassey."
Aalis na sana ako para umiwas.
"Huwag kang matakot. Masaya lang ako na makita ka ulit at hindi ka na lilipat." Nakangiti niyang sabi.
"Akala ko kasi kanina transferree ka dito."
Napagkamalan niya pala ako na transferee.
Kunsabagay sa unang tingin mapagkakamalan akong transferree dahil hindi ako nakauniform at new hair cut pa.
"Sige Jasper." Iyon lang ang tanging nasabi ko at umalis na.
Matuling lumipas ang buwan at Agosto na.
Aquaintance party ng School at gaganapin sa may branggay court na malapit sa bahay nila.
Party kaya may sayawan. Kaya si Jasper lumapit sa akin at inaya akong sumayaw.
"Hi Cassey, pwede ba kitang maisayaw."
Nakalahad ang kamay niya na tiningnan ko lang. Hindi ako umimik.
Hindi ko siya pinansin. Bakit? Kasi nakatingin ang isang teacher sa amin pero to be honest ay gusto ko rin naman siyang pagbigyan dangan nga lamang na naunahan ako ng hiya.
Nahihiya ako na makita ng mga tao na nakikipagsayaw sa kanya. Dahil sa nangyari noong nakaraang taon.
Umiling lang ako sa kanya at umiwas nang tingin. Wala na siyang nagawa kundi umalis na lang.
Iwas dito. Iwas doon. Tago dito. tago doon.
Pakiramdam ko para akong nakikipaglaro ng hide and seek kay Jasper huwag lang magkasalubong ang landas namin.
So far hindi ko naman siya nakikita at nagpapakaabala ako sa pag-aaral.
Hanggang sa malaman ko na lang na nag-dropped out na pala siya pati ang tropa nyang si Jomel.
Tumigil na siya sa pag-aaral kung kailan graduating na siya.
Hindi ko rin siya masisisi dahil halos lahat ng mga guro ay naiinis sa kanya. Nabalitaan ko lang naman iyon.
Mula noong tumigil siya ay wala na akong nabalitaan sa kanya.
Malaya na ulit akong nakakakilos sa school.
Wala na ang dapat kong iwasan at pagtaguan.
Kaso may bago kaming kaklase, transferred in from Pasig.
Ang kapatid niya. Gayunpaman hindi ako nakibalita tungkol sa kanya. Kaya hindi ako nakipag-close sa kapatid niya. Dahil ayokong magkaroon ng kahit na anong ugnayan sa kanya.
Hindi naman ganoon kasagad ang galit ko kay Jasper. Natrauma lang talaga.
Hindi maaring ipilit ang ayaw at ang gusto.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro