Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 39

Author's Note: Hi Ms. Cassie. Salamat sa encouraging words. ;-) Lovelots.

..........................................................................................

Pumasok na ako sa loob at nakita ko siya na nakakunot ang noo.

"Oh! Ikaw pala Cassey." Halata sa mukha niya ang gulat.

"Oo, sabi ko naman sa iyo na pupunta ako. Hindi ko lang sinabi kung kelan."

"Talagang ginalugad mo ito ah. Paano mo nalaman dito?" Natatawa niyang sabi.

Hmmm oo nagulat siya pero nabakas ko sa mga mata niya na masaya siya pero alam ko na kumikilos lang siya na normal para hindi mahalata sa mga kasama namin sa bahay ang totoong nangyayari sa amin ngayon.

"Mabuti ineng at nalaman mo ito. Akala ko talaga ay maniningil na eh." Natatawa pa ring sabi ni Ate.

"Aba hindi naman iyan mukhang Bombay para magmukhang maniningil, mukhang Indiana lang." Natatawa na ring sabi ni Jasper.

Hmmm Bombay at Indiana, iisa lang iyon. Sabi ko sa sarili ko kaya napangiti ako.

"Ah nagtanong-tanong po ako ng daan papunta dito." Sagot ko sa pangalawang tanong nila kung paano ako nakarating,

KABADO pa rin ako at na awkward, si Jasper kasi, kung makakilos akala mo wala kaming problema. Best Actor kumbaga!

Sabay-sabay na kaming naghapunan, magkatabi kami ni Jasper at binulungan ko siya na ihatid niya ako mamaya sa labasan dahil uuwi rin lang ako.

Sinabi ko na uuwi rin lang ako kahit pa ang plano ko ay hindi naman talaga at makikitulog na lang kina Ate. Gusto ko lang marinig sa kanya na bukas na ako umuwi.

"Sige mamaya para wala nang trapik." Sagot niya na ikinalungkot ko ng slight.

Wala siyang balak pigilan ako sa pag-uwi. Hay naku. Ang ouch lang sa totoo lang. Pero hindi ko ipinahalata syempre.

KASO tapos na kami kumain ay hindi pa kami nagkakaroon ng pagkakataon na makapag-usap ng sarilinan dahil maraming tao sa paligid. May mga kapitbahay na bata na nakikinuod ng Encantadia.

NAKIPAGKUWENTUHAN na lang muna ako kay Ate dahil nag-iinuman sila Jasper at si Kuya Barrie. Sabi ko na lang na kahit mga 9:00 pm ay uuwi na ako kahit kabado dahil hindi ko kabisado ang lugar at matao masyado doon sa Pasig.

Makuwento rin si Ate Che kagaya ni Ate Erika. Lahat ng kuwento ni Ate ay naikuwento na rin nila Mama at ni Ate Erika.

Naisip ko na ipinapakilala nila sa akin si Jasper at ang nakaraan niya.

"Kakaiba ang ugali niyan, kung makakayanan mo ay magtatagal kayo. Nasa sa iyo iyon."

"Opo ate, kilala ko na ugali niya kumbaga ay nadiscover ko na ang kakaiba niyang ugali kaya malawak na pag-unawa lagi ang ibinibigay ko."

Medyo mahina lang ang mga boses namin ni Ate habang nag-uusap tungkol kay Jasper dahil malapit lang sila sa amin sa may sala.

"Aba! ay heart to heart talk." Biglang singit ni Jasper ng sumilip sa kuwarto. Kaya nag-iba kami ng usapan ni ate dahil alam namin pareho na ayaw niya ng pinag-uusapan siya.

"Uuwi rin lang po ako ate ha, nakakahiya po na nang –abala ako ngayon dahil hindi ako nagpasabi na ngayon ang punta ko."

"Aba delikado na sa daan, dito ka na matulog kaya ipinaayos ko  itong kuwarto, doon na kami lahat sa taas." Pigil ni ate na sinang-ayunan ko naman dahil ayoko naman talagang umuwi kasi natatakot ako sa lugar na madadaanan ko.

"Eh sige po, makikihiram na lang po ako ng damit pamalit."

Nagpunta na ako sa sala at nakita ko na nakahiga si Jasper sa upuan at nakatakip ang mga braso niya sa mukha niya.

Tinapik ko siya dahil akala ko ay tulog na siya. Tapos na sila ni Kuya Barrie mag-inom ng tag-isang bote ng beer at nasa itaas na si Kuya.

"Jasper?"

"hmmm.." Tinanggal niya ang mga braso niya at napatingin sa akin.

"Akala ko ay tulog ka na eh."

"Hindi pa,nag-iisip lang ako.. kung paano yumaman." Sabi niya na natatawa at maloko niyang sagot.

"Bukas na ako uuwi, ayaw ni Ate na umuwi pa ako dahil gabi na. Doon daw ako sa kwarto matulog."

"Sige.Ikaw ang bahala." Walang gana niyang sagot. At abala sa cellphone at maya-maya ay may kausap na siya. Nakikinig lang ako sa usapan nila habang nakikinuod kasama ang mga pamangkin niya.

Trabaho ang takbo ng usapan nila ng kausap niya sa cellphone.

10:30 pm na pero hindi pa rin kami nag-kakausap. Nanunuod kami nila Ate ng PBB at nakikitawa rin si Jasper.

Sana matapos na ang palabas para magkasarilinan na kami ni Jasper.Bakit ba parang ang bagal ng oras.hayy nakuuu sigaw ko sa utak ko habang nakikinuod rin at nakikitawa.

Sabi ni Jasper kanina ay kaya ayaw niya ako papuntahin doon ay nahihiya siya dahil sa lugar na yun na parang squatter, maingay at matao. Wala rin daw pati ako matutulugan dahil siya daw ay sa upuan lang daw sa sala natutulog.

Lahat na lang ng bagay ikinakahiya niya , pati sarili niya ikinakahiya niya sa akin. Self pity iyon ang nasa isip ko kaya inuunawa ko siya at ipinapakita ko na hindi siya dapat mahiya sa akin.

SA WAKAS at natapos na rin ang pinapanuod namin at umakyat na sila ate at ang mga anak niya sa itaas para matulog. Kaming dalawa na lang ni Jasper.

Pero sobra na akong inaantok at gusto ko na magpahinga, bukas na lang kaya  kami mag-uusap? 

Nagshower na ako at nagpalit ng damit na ipinahiram ni Ate, pagkalabas ko ng banyo ay  nakita ko sa kuwarto si Jasper at nakahiga na.

Teka, aba, akala ko ba ay sa upuan siya matutulog, hindi ko inisip na tatabi siya sa akin sa pagtulog. Hindi ko inasahan na gusto niya pang tumabi. Matapos niyang makipagbreak sa akin sa CP tatabi pa siya sa akin.Huh!

Hmmm sabagay, okay na rin last chance naman na ng pagkikita namin, oo last chance!iyon ang itinatak ko sa isip ko dahil pangako ko na hindi ko na siya kukulitin at iistorbuhin, hahayaan ko na muna siya sa gusto niyang mangyari sa buhay namin.

Sumampa na ako sa kama at humiga, tumabi na sa kanya pero nag-iwan ako ng puwang sa pagitan naming dalawa.

Kausap na naman niya sa phone yung kausap niya kanina, base kasi sa usapan nila kaya alam ko na iyon din ang kausap niya kanina.

"Sino iyon?" tanong ko nang matapos sila mag-usap ng kausap niya,

"Pinsan ko, security guard siya, may aapplayan kami bukas."

"Ah, may aapplayan ka pala muna bago magbyahe pauwing Marinduque."

"Oo, may pupuntahan muna ako." Sagot niya habang abala sa pagkalikot sa cellphone niya at nagpatugtog.

"Ka-chat mo si Liza?" tanong ko sa kanya na ang tinutukoy ko ay ang ex niya na nasa ibang bansa na rin ngayon.

"oo, nangangamusta." Matabang niyang sagot.

Mabuti hindi niya tinanong kung paano ko nalaman na nagkakachat sila. Ayoko kasi sabihin na nagkakachat rin kami ni Liza at nalalaman ko lahat ng sinasabi niya kay Liza tungkol sa akin.

Alam ko kasi na magagalit siya pag nalaman niya iyon.

"Ah, mabuti okay na kayo. Mabuti okay na siya sa iyo at hindi ka na galit sa kanya."

"Oo naman, hindi naman ako yung taong hindi nakakamove on." Sabi niya habang tumalikod sa akin.

Hindi daw siya ang taong hindi nakakamove on eh sa ginagawa niya sa akin eh halatang hindi pa siya nakakamove on. 

"Pwede ba tayong mag-usap?"

"Ano naman ang pag-uusapan natin?"

"Yung lahat ng sinabi mo sa text."

"Nasabi ko na lahat sa text ah. Nagsayang ka lang ng pamasahe para tanungin ako."

"Hayy naku hindi sayang ang pamasahe Makita ka lang sa huling pagkakataon." 

"Ehhh.. sabeeehh" pang-aasar niya sa sinabi ko.

"After nito, after ng pag-uusap natin, hindi na kita kukulitin, payag naman ako sa gusto mo mangyari eh."

"Oh payag ka naman na pala, eh di tapos ang usapan."

"May itatanong lang ako."

"Tulog na.!" Madiin niyang sabi at halatang naiinis na siya.

Kinabahan na ako dahil nga takot ako sa kanya.

"Yes or No lang naman ang isasagot mo eh." Nangangatal kong sabi

"NO!" sagot agad niya at tumalikod na ulit.

Nagmamatigas siya ngayon.Grabe siya!

"No. agad eh hindi pa nga ako nagtatanong. Bahala ka nga." Tumalikod na rin ako sa kanya dahil alam kong ayaw na niyang makipag-usap. Kainis lang. Ang sakit lang sa feelings!

Gusto ko lang itanong kung ayaw na ba niya sa akin, bakit niya hinahayaan na masaktan kami pareho. Mga tanong na hindi ko na maitatanong dahil wala na akong lakas ng loob para itanong pa.

Ohh..pinoy ako.. buo aking loob may agimat ang dugo ko.. tugtog na lang sa CP niya ang naririnig namin.

"Grabe naman yang tugtog mo hindi nakakaantok." Reklamo ko sa mga songs niya dahil sa totoo lang ay hindi na ako makatulog, tumakas na ang antok na naramdaman ko kanina.

Maya-maya ay pinatay na niya ang sound trip niya.

Kaya ako naman ang nagpatugtog sa cp ko.

Ang paborito naming kanta noong bago pa lang kami.

I was born for you and you were born for me... baka sakaling maalala niya ang pinag-umpisahan namin.

Kapwa kami nagpapakiramdaman.

 12:00 am na pero hindi kami makatulog.

Alam kong gising pa siya at hindi pa rin nakakatulog. Tumagilid na ako ng higa at nakaharap sa kanya.

Nakatihaya na siya ng higa at hindi na nakatalikod sa akin.

Theres an urge feeling na yakapin ko siya. Sanay kasi ako na nakayakap ako sa kanya sa pagtulog.

Pero pride pinairal ko at tiniis ko yung nararamdaman ko.

Sige na Cassey, for once lang.ngayon mo na lang siya mayayakap sa pagtulog dahil magkakahiwalay na kayo ng matagal at aasa na lang sa tadhana kung magkikita pa ba kayo sa future o hindi na.

Nagtatalo na naman ang isip ko. Puso o isip? Ano ba susundin ko.hayyyyysss

Okay, one....two....three... Sabay yakap sa kanya. Nagbilang pa talaga ako.hahah

Alam kong naramdaman niya na yumakap ako. Nagpanggap siyang humihilik na. Kahit halata naman na peke ang paghilik niya. Hindi naman kasi siya ganun humilik. Alam ko ang paraan ng paghilik niya.

"Sige, isa pang hilik mo hahalikan kita." Napangiti siya sa sinabi ko pero tumigil na siya sa pekeng paghilik.

Thanks to God dahil tumigil siya dahil ayoko rin naman maging mapahangas na halikan siya. Pakyime lang.

Lumipas ang oras gising na gising pa rin ang diwa ko. Hindi na lang ako matutulog at sasamantalahin na lang ang huling gabing magkasama kami.

Narinig ko na ang totoo niyang hilik, nakatulog na rin siya. Mabuti naman at nakatulog na siya dahil maaga pa siya bukas sa lakad niya.

Pinipilit ko na ring matulog pero hindi talaga ako makatulog. Umupo na lang ako at niyakap ang mga tuhod ko.

Nakatitig lang ako sa kanya at hinawakan ko ang kamay niya.

Pinagmamasdan ko siyang maigi, kinakabisa ang bawat detalye ng mukha niya.

Dahil alam ko sa sarili ko na ito na ang huling araw at pagkakataon na makikita ko siya at makakasama.

Ang amo amo niyang tingnan,napakapayapa ng pagtulog niya.

Sana dumating ang araw na gabi-gabi ko na siyang mapagmamasdan at katabi sa pagtulog.

Ang sarap sarap ng tulog ko kapag siya ang katabi ko, napakapayapa sa pakiramdam.

Mahal na mahal kita Jasper, at dahil mahal kita papayag ako sa gusto mo para maiparamdam ko sa iyo na nauunawaan kita, kahit masakit at mahirap, sige lang. Go lang.

Pagdadrama ko sa sarili ko habang nakatitig lang sa kanya.

Hindi ko mapigilang huwag maluha. Naiisip ko kasi na bukas wala na talaga kami.

Lord, kayo na po ang bahala sa mahal ko. Kung ipahihintulot Ninyo po na makapag-abroad siya ay gabayan Ninyo po siya doon, at ilayo sa kapahamakan at anumang sakit. Piping panalangin ko.

Nangalay na ako sa kakaupo at humiga na ulit.

Nakatagilid ako paharap pa rin sa kanya. Naramdaman kong gumalaw siya at

pakshetttt bigla siyang yumakap siya sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro