Chapter 37
Author's Note: Hi sa mga makukulit at maiingay na estudyante ni Bb.L :-) Kayo lang daw mga supporters niya hahaha. Kaya huwag niyo daw irereveal ang kanyang identity baka dumugin ng mga fans. Hahaha.
Salamat sa mga nagbabasa at patuloy na sinusubaybayan ang buhay pag-ibig ni Ms. Cassey Laroza.
God bless.
(Babala: Bawal po umiyak ha! :-D )
~*~
Nagtext ako sa kapatid niya because I need someone to talk to, someone to lean on.
"Hi sis good eve." Reply agad ni Meryl,
"Tama ka sa sinabi mo before, gagawa nga ng paraan ang Kuya mo, kaya ayun kaya pala hindi pa siya diyan nakakauwe ay dahil nag-aapply siya ng work abroad."
"Haha. Sabi na po sa iyo eh!Gagawa ng paraan yan si Kuya. Saan daw siyang bansa? Reply ni Meryl.
"Hindi ko lang alam kung saang bansa.Kaso gusto niyang umalis na walang pressure at inaalala kaya nakipaghiwalay siya."
"Ha? Si Kuya nakikipaghiwalay sa iyo? Napakaimposible naman ng ganun."
"Ayaw niyang may inaalala raw habang wala siya dito.Pumayag ako para ipakitang nauunawaan ko siya"
"Halatang may trauma pa si Kuya sa past niya."
"Ganoon na nga rin ang iniisip ko." Pero ang unfair lang ni Jasper. Hindi niya dapat ako ikinukumpara kay Liza na ex niya. Hindi ko gagawin ang iwan siya habang nasa ibang bansa.
"Natatakot siyang mangyari ang nangyari noon sa nakaraan niya." Paliwanang ni Meryl na halatang dinadamayan niya rin ako.
"Kaya nga pero iba naman ako sa past niya. Hindi ko naman gagawin iyon. Sadyang wala lang siyang tiwala sa akin."
"Nag-mumuni-muni lang yun si kuya, wag lang niyang tagalan at hindi na kayo mga bata."
"Sana nga marealize niya na unfair ang ginawa niya sa akin.
"Unfair talaga, at sana maisip niya na mukha siyang tanga sa ginagawa niya."
"Haysss. Kakapit lang ako kay Lord at ipagdarasal lagi ang Kuya mo at bigyan ng guidance ni Lord. Sige sis tulog na ako." Paalam ko na sa kanya kahit alam ko naman na hindi ako makakatulog kaagad.
Hindi talaga ako nakatulog at nilamon lang ng insomnia ang buong sistema ko.
Nakita kong online si Liza, ang ex ni Jasper na nasa Israel na ngayon.
"Hi, good evening. Kamusta?" Pambungad na message ko sa kanya.
Oonga pala, friends kami ni Liza. Awkward ba? Si Past at si Present sa buhay ni Jasper ay friends sa fb at nagkakausap.Malamang masasabihan mo rin ako na "I am a weirdo".
Well, ako lang kasi yung taong hindi nagpapakulong sa nakaraan, Let's forget the past and continue to move on. Unlike ni Jasper na nalaman kong may galit siya kay Liza dahil nga sa panloloko ni Liza noon.
Kaya heto ako, hinanap ko siya last August sa Facebook para makausap na rin. Nagpapaka-good Samaritan na gusto ko magkaayos silang dalawa, I mean, mawala na yung galit ni Jasper kay Liza, ayoko kasi maging bitter si Jasper eh!
Mula noon madalas na kami nagkakamustahan ni Liza, sinabi ko rin sa kanya yung pag-iwas-iwas sa akin ni Jasper.
Nakablock si Jasper sa fb ni Liza dahil utos daw ng boyfriend niya para makamove on daw agad siya dati ,pero noong nagsabi ako na umiiwas na si Jasper sa akin ay nai-unblock niya para makapag message siya, at humingi ng sorry.
Noong una, ako yung gustong makatulong para magkaayos sila, para maging friends na ulit sila, pero ngayon si Liza naman ang tumutulong para mag-kaayos kami ni Jasper.
Diba ang mag-ex ay nagiging friends kapag naka-move on na sa isa't isa?
"Okay naman ako. Ikaw kamusta na rin?" Reply agad ni Liza na kahit naka duty sa work ay nagrereply agad siya.
"Oonga pala, nagmessage sa akin si Jasper kanina." Sabi pa ulit ni Liza na ikinagulat ko.
Whattt? Nagkakachat na silang dalawa? Meaning, okay na sila.
"Oh! Really. Anong sabi niya?Pwede mo ba sabihin kung ano ang napag-usapan ninyo? Kasi may sasabihin rin ako sa iyo." Willing akong sabihin kay Liza na nakipaghiwalay na si Jasper. Hindi awkward para sa akin iyon. Kasi gusto ko ipamukha sa kanya na dahil sa kanya ay natatakot si Jasper maulit ang nangyari sa kanila noon.
Ako ata ang naging bitter ngayon? Hindi naman sa ganun, medyo lang naman.
"Wait, screen shot ko conversation namin."
Narecieve ko ang screen shot picture ng conversation nila.
"Hi kamusta?" Message ni Jasper
"Okay naman. Hihi.Nag message ka na rin.Hindi ka nag alit."
"Oo naman, past is past. Nandito ako sa Pasig mag-aapply ng trabaho sa abroad."
"Talaga. Nga pala may gf ka na no? kasi nakita ko post ni Meryl na Bro's Poreber. Eh ikaw na lang naman walang asawa diba, kasi si Kuya Erwin mo at ung bunsong kapatid mo na lalake ay may asawa na. So sa iyo yun."
"Halatang ini-stalk mo ko ah"
"Hindi naman, nakita ko lang. Pero congrats. Mukha siyang mabait."
"Ah oo, mabait rin siya, nasa amin siya nung sembreak."
"Wow. Talagang masaya ka na sa bago mong life."
"Kaso ayoko may maiwan 'pag nakaalis na ako."
"Ha?Eh paano yan, hihiwalayan mo siya? Unfair naman ata iyon.kasi wala naman kayong napag-aawayan ata."
"Kanina ko lang sinabi sa kanya."
"Okay."
End of conversation: Nabasa ko lahat ng usapan nila. Hindi nga pala alam kasi ni Jasper na nagkakausap kami ni Liza dati pa.
"Liza, alam mo na rin pala ang plano niyang makipaghiwalay, iyan ang gusto ko sabihin rin sa iyo eh."
"Kausapin mo siya ng maayos."
"Oo, gusto ko siya makausap sa personal pero ayaw niya.Hindi naman na raw mababago pa ang isip niya kahit magkita pa kami."
"Kahit ayaw niya makipagkita, pumunta ka pa rin sa Pasig, iyan ang bagay na hindi ko nagawa noon dahil umalis ako Dyan sa Pinas na nasa Riyad pa siya. Nakakapagsisisi."
"Salamat Liza. Oo, pupunta pa rin ako kahit ayaw niya. Paki sketch naman ang papunta doon oh. Hindi pa kasi ako nakakapunta doon, sa Taytay lang dati."
Sinabi niya sa akin ang mga detalye papunta doon. Kaya buong-buo na ang loob ko na pumunta talaga.
Kahit ayaw niya. Kahit alam kong hindi na magbabago ang isip niya.
Ilang araw na akong ganito, sabog, mukhang adik na walang tulog. Pumapasok ako sa work na tatlo o apat na oras lang ang tulog.
Nakita ko na nakaonline pa si Ate Ericka, ang ate ni Jasper na nasa Ilo-ilo.
"Hi po ate. Hindi pa po nakakauwe si Jasper mag-apply pa daw muna siya pangibang bansa."
Nagsusumbong talaga ako sa mga kapatid niya eh no. Wala lang feeling ko kasi na makakatulong sila sa akin dahil kilala nila ang kapatid nilang si Jasper.
"Saan daw siyang bansa.?"
"Hindi ko rin po alam eh."
"Kaso po ate nakipaghiwalay na po siya."
"Ha?At bakit daw?"
"Ayaw niya daw ng may inaalala habang wala siya."
"Hayy napapaisip ako dito bakit ganyan yang si Jasper, mukhang natrauma ata sa ex niya na wala pa siyang isang taon sa ibang bansa ay ipinagpalit na siya."
"Ganyan din po sabi ni Meryl."
"Huwag ka pumayag, hindi tama ang ginagawa niya."
"Dapat ko po bang ipaglaban ang side ko?"
"Aba oo, kung mahal mo siya at mahal ka naman niya hindi tama yung gusto niya, pareho lang kayong nasasaktan at nahihirapan."
"Salamat ate sa pagpapalakas ng loob. Gusto ko po siyang makausap ng personal pero ayaw niya."
"Hindi ko matiyimpuhang tawagan yang si Jasper eh nang makausap ko."
"Umiiwas po siguro dahil alam niyang nagkakausap tayo."
"ganoon na nga, masyado malalim mag-isip yan, hindi mo alam kung ano ang nasa isip."
"Ate may number ka po ba ni Ate Flor? Yung kapatid nyo na tinutuluyan niya sa Pasig?"
"Kay Meryl ka humingi wala akong contact nila."
Kakausapin ko si Ate Flor na kung pwede ako pumunta sa kanila pero hindi ko ipapasabi kay Jasper na pupunta ako.
"Sige ate nagtext na po ako kay Meryl." Sige po goodnyt na po.
ARAW ng Biyernes ko naisip na puntahan siya dahil sabi ni Ate Flor na baka umuwi nang Sabado sa probinsya si Jasper.
Dumaan muna ako sa simbahan bago magbyahe, nagdasal na sana magkausap kami ng maayos ni Jasper. Hinding hindi ko na siya kukulitin once na nalinaw ko na ang lahat.
"Huwag kang pumunta dito. Ang kulit mo hindi ka ba nakakaintindi sabing ayoko ng istorbo.Ibablock na kita ulit kaya huwag ka na magreply." Text ni Jasper..
Shocks lang kasi nalaman niya ang plano ko.
Hindi ko mapigilang mapaluha sa sinabi niya.
Paano kaya niya nalaman? Nabanggit kaya ni Ate Flor? Mga tanong na walang sagot!
Tutuloy pa ba ako o susundin ko na lang si Jasper?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro