Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 34

MALAKAS ANG ULAN. Kung kelan pauwe na ako saka umulan ng umulan. Parang ayaw ata akong pauwiin.

Mabuti na lang wala pa rin pala kaming pasok ng Nov. 2 kaya nagpatanghali na ako ng uwi.

"Parang iiyak ka ata Jasper." Pang-aasar ko sa kanya nang nasa sala kami at nanunuod siya ng balita.

"Hindi ah!"Pagtanggi niya kahit halata naman sa mga mata niya na malungkot siya.

"Eh ang lungkot ng mata mo eh.Tapos parang nanginglid pa ang luha."

Hindi siya umimik,

"Ayoko pang umuwe." Sabi ko sa kanya at sumandal sa braso niya.

"Ikaw ang bahala." Sabi niya na napangiti.

"Kung pwede lang.... kung pwede lang dito na lang ako sa inyo."

Napansin ko na malungkot pa rin siya. Ako rin naman ay malungkot rin dahil aalis na ako at sa December pa ulit bago ako makabalik dito.

NAGPAHATID na ako sa kanya sa bayan nang tumila na ang ulan.

"Ma, uuwe na po ako salamat po sa padala nyo at nilutong malagkit."

"Mag-iingat ka ineng, balik ka nalang dito sa December."

"Opo."

Naglakad na kami pababa.. "May nakalimutan ba ako?"

"Meron." Sagot ni Jasper. 

"Teka, Ano iyon?"

"Yung picture frame na may picture naatin.Hahaha" 

"Hala!Nakita mo na  agad sa damitan mo? Gusto ko pa naman na kapag nakita mo yun ay nakaalis na ako.hayss." itinago ko sa ilalim ng damit nya ung frame.

"eh paano magtatago rin lang kita pa rin."

"Hahaha..Sayo na yun,para sa'yo, para kapag namimiss mo ako titingnan  mo lang yun."

Hinatid na niya ako sa bayan ng Sta.Cruz, pinasakay na niya agad ako sa Van dahil marami nang pasahero at paalis na ang sasakyan.

"Ingat ka ha, text text na lang." Paalam niya na tinanguhan ko lang at nakatingin lang ako sa kanya habang paalis na siya.

Nakakaiyak ang ganoong tagpo na magkakahiwalay na naman kami.

Hayss! Napabuntong hininga na lang ako.

Text text na lang... umeecho pa rin sa isip ko ang sinabi niya. Napapailing lang ako, as if naman na magtetext nga siya,well hopefully.

BALIK school, balik trabaho, balik sa dati ang relasyon namin.

"Kamusta naman ang mga magulang ni Jasper?" tanong ng aking ina na magbabakasyon sa bahay ng ilang araw.

"Maayos naman sila, mabait at maasikaso."

"Wala pa ba kayong plano ni Jasper?" tanong niya na ang tinutukoy ay ang kasal. Hay naku ang mga magulang naming ay atat na magpakasal kami pero kaming dalawa ni Jasper ay wala pang plano. Nakakpressure sila sa totoo lang.

"Yung magulang niya nagpaplano na" Sabi ko na lang para manahimik si ina. At naikuwento ko yung plano ng magulang ni Jasper.

"Kelangan pumunta sila dito para mas mapag-usapan ng maayos iyang plano na yan."

"Baka sa Dec. dumaan sila dito pag-uwe nilang Pasig." Sabi ko na lang kahit alam ko sa sarili ko na hindi naman siguradong makakapunta nga sila Mama.

Naging excited si ina kaya hinayaan ko na siya.Masaya lang daw siya na ikakasal na ako.

"Sabi nila kung okay lang daw na simpleng handaan lang at doon na lang sa probinsiya ganapin."Dagdag ko pa.

"OO naman.Ang mahalaga ang maikasal kayo dahil hindi na kayo mga bata."

Tumahimik na lang ako at nagpakabusy sa ginagawa ko. Totoo naman lahat ng sininabi ko. Yun lang, ang mga planong iyon ay hindi alam ni Jasper dahil hindi naman na sila pa nakapag-usap ni Mama.

Magulo diba. May plano pero hindi niya alam dahil magulang lang niya ang nagpaplano para sa amin.

Tinawagan ko si Mama para alamin kung nagkausap na sila ni Jasper tungkol sa planong iyon. Hindi naman sa mukha akong desperada eh no, gusto ko lang malinaw na ang lahat.

Hindi naman na kasi magandang tingnan na ako ang laging pumupunta sa kanya kaya gusto ng Mama niya na maging legal na kami.

"Hello po.Kamusta po kayo.?" Bungad ko nang sagutin na ni Mama ang tawag ko.

"Eto maigi naman kami dito ineng,malakas lang ang ulan. Anong oras ka na nakauwe kahapon?"

"Mga 10:00 pm na po, sobra po kasing trapik."

"Ah baga, matrapik nga iyan. Nasa bahay ka lang ba ngayon at nagpapahinga na?"

"Ay nasa school po ako may pasok na po, vacant ko lang po kaya ako nakatawag."

"Ah ganun ba.Hindi ka rin pala nakapagpahinga ngayon"

"Ma, nakausap niyo na po ba si Jasper?"

"Ay hindi ko matiyempuhan kausapin, basta maayos naman ang plano."

"Oonga po. Hayaan na lang po natin siya kung ano ba ang plano niya, mahirap naman po kasi na nagpaplano kayo pero siya walang alam. Kung sakali naman po payag naman kami na diyan na lang po gawin ang kasalan, total naman po ay taga diyan naman po kami dati."

"Maigi naman kung ganoon na payag pala ang magulang mo, kami ay iyon lang ang kayang maibigay."

"Ayos lang naman po iyon, ang mahalaga po ay mairaos at maging praktikal."

"Ganoon na nga."

"Sige po tawag na lang po ulit ako, may klase na po kasi." Paalam ko na kay Mama at medyo nalungkot ako na hindi pa pala niya nakakausap ulit si Jasper. Ayaw niya rin siguro mapressure yung isa.

"Hi daddy! Kamusta, I miss you na agad." Text ko sa kanya bago matulog.

"Alam mo huwag ka sana magagalit kina Mama mo kung napapangunahan ka nila sa pagpaplano. Oo kinausap nila ako noong andiyan ako kung ano daw ba ang plano natin, sabi ko wala pa.Wala pa tayong napaplano."

"Pansin ko lang mga magulang natin ay atat na maikasal tayo, handa na sila. Pero ikaw ba ay handa naba?" Text ko pa rin.

"Bakit pa natin patatagalin ang isang bagay kung pareho naman na tayo ng nararamdaman---text mo dati sa akin iyan noong hindi pa kita sinasagot at hinihintay mo ang OO ko.Gets mo na ibig sabihin niyan."

Sunod-sunod kong text sa kanya pero alam ko na hindi naman siya magrereply.

Lumipas ng isang linggo at hindi siya nagrereply sa kakulitan ko.

Si Meryl na naman ang source ko para makasagap ng nangyayari kay Jasper.

Meryl sent a photo nakita ko ang notif sa FB at nagPM ng picture ni Jasper si Meryl. Kuha sa sala nila habang nanunood.

"Wahhhh sis.Bigla ko namiss diyan sa inyo tuloy. Thanks sa pics, kahit papaano nabawasan ang pagkahomesick." Reply ko sa message niya sa FB.

At isinend ko rin sa text message ang pm ko sa Fb.

"Haha. Kagabi yan habang nanunod sila." Reply agad niya sa akin.

"Oo nga halatang busy kakanuod si Kuya oh." Kuya Jasper kasi minsan tawag ko kapag katext ko si Meryl.

BAGO ako matulog nagdasal na naman ako, paulit-ulit na panalangin na alam kong nakukulitan na si Lord.

"Goodmorning daddy.have a nice day sa atin.Ingatan ang sarili diyan ha." Morning text ko sa kanya.

"Ipinagdasal ko ulit na sana mapagbigyan mo ako sa hiling ko na samahan mo ako dito sa Dec. o dito ka magbakasyon sa Dec. Tapos sabay na tayo umuwe sa inyo. Kahit two days ka lang po dito."

Nagreply siya sa text ko pagkalipas ng ilang minute. "Depende sa sched ko ai."

OMG! Nagtext siya. Kahit maikling text lang masaya na ako. Ang babaw ko diba.

Ginto kasi para sa akin ang pagtetext niya. ANg ilap-ilap niya kasi.

Nagayak na ako para pumasok. Pagkadating ko sa school biglang nagtext si Jasper.

OMG ULIT! Nagtext ang daddy ko. Sigaw ko sa isip ko.

"Paluwas ako ngayon, may bibilhin lang,uuwi rin lang agad ako." Text niya na ikinagulat ko dahil papunta siyang Pasig.

"Really Daddy? Sa Pasig ka ba tutuloy o sa Taytay?" Excited kong reply.

"Sa Pasig ako derecho."

"Kelan ang uwi mo? Daan ka dito sa Laguna ha bago ka umuwi ah.Pls."

Hindi na siya nagreply, inisip ko na nasa byahe na siya.

Maghapon akong masaya ang pakiramdam dahil mas malapit siya sa akin ngayon.

"Daddy? Asan kana po? Nakarating ka na bang Pasig?Update mo ako ah." Text ko agad s a kanya pagkauwi ko sa bahay.

Nakapagreply si Jasper ng mga bandang alas dyis na kaso hindi ko kaagad nabasa.

"Andito na ako kararating lang."

Sayang hindi na ako nakapagreply agad, alas Onse na, kanina pa yung text niya, tulog na siguro si Jasper ngayon.

Inisip ko na uuwi lang agad siya kinaumagahan at hindi ko na siya kinulit na dumaan dito kung hindi talaga pwede at kung ayaw niya.

Araw ng sabado, hindi ko na siya nakatext inisip ko na nasa probinsiya na ulit siya.

Kapag araw ng sabado ay pahinga ko at nakahiga lang ako maghapon pagkatapos maglinis ng bahay.

Maglilibang na lang sa FB at nang mag-online ako ay nakita kong online din si Jasper. Ibig sabihin ay nasa Pasig pa siya at hindi nakakauwe.

Tinawagan ko siya gamit ang cp ni ina para sagutin niya agad.

"Hello?" Nakakilang ring pa lang ng sagutin niya ang phone.

"Hello, Jasper. Nasa Pasig ka pa ba?"

"Oo andito pa. teka sino ito?Hello?"Hindi niya ako nabosesan.

"Ako ito si Cassey."

"Oh Ikaw pala, kanino iring gamit mong cp?"

"Kay ina ito, nakigamit lang ako."

"Ah bakit nasaan ka ba ngayon?
"Andito sa bahay lang."

"Anong araw ba ngayon? Ah sabado nga pala wala kang pasok."

"Hindi ka pa pala nakakauwe.Kelan uwi mo?"

"Oo. Tinatamad pa umuwi eh."

"Ah ganun ba."

"Sige tawag ka na lang ulit kakain muna kami."

END CALL.... Ramdam ko sa sa pag-uusap naming na umiiwas siya o may iniiwasan siya..

kung ano ay hindi ko alam. Matagal ko naman nang napapansin na umiiwas siya. Umiiwas siya saan?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro