Chapter 33
HULING gabi ko na sa kanila. At sa huling gabing iyon ay lasing na naman siya. LASINGGERO nga eh kainuman niya ang pinsan niya na nagbakasyon rin doon at sa Taytay nakatira kaya ka close ko rin. Hinintay q siya kina Ate Donna at nanunuod ako nang dumating siya.
"Kumain ka na ba? Tara na sa bahay kain na tayo." Aya niya sa akin.
Naglakad na kami pauwi at madilim na kaya binuksan ko ang flashlight sa CP ko.
Nang nasa tapat na kami ng kubo at gising pa si Mama ay tinawag siya.
"Parini muna Jasper at may itatanong ako." Parang alam ko na kung ano ang itatanong ni Mama. Kinabahan ako dahil lasing si Jasper, parang wrong timing ata ang pagbukas ni Mama ng usaping kasal.
Umakyat kami sa kubo.
"Ano na ba ang plano mo?Ninyo ni Cassey?"
"Aba anong plano?"
"Plano kung may plano na ba kayo magpakasal." Napangiwi ako dahil alam kong nag-iba na ang mood ni Jasper.
"Aba. Hindi ako bata para tanungin.bata laang ang tinatanong."
"Tinatanong kita Jasper at nakakahiya sa magulang ni Cassey."
Sabi na eh.. ako ang inaalala ni Mama.kapakanan ko ang iniisip niya kaya nagtanong na siya kay Jasper.
"At nakakahiyang ano!"tumaas na ang boses ni Jasper. Ako yung napapahiya sa inaasal niya sa harap ng Mama niya.
Naramdaman ko yung tensyon.
"kain na muna tayo." Niyaya ko na siya para hindi lumala ang tensyon sa paligid at baka magkasagutan pa sila ni Mama, high blood pa naman siya.
"Sige Ma, lasing eh..hindi makakausap ng matino po ito." Paghingi ko ng paumanihin at umalis na kami.
Habang kumakain ay ramdam ko na badtrip si Jasper. Hindi ko alam ang punto ng pagkabadtrip niya.Ayaw ba niyang pinapakialaman siya o ayaw niyang pag-usapan ang seryosng usapang kasalan.
Pumasok na kami sa kuwarto dahil gusto ko na matulog dahil maaga ang alis ko kinaumagahan at inaatake pati ako ng migraine kaya masakit ang ulo ko nang gabing iyon.
Kaso si Jasper ay sinapian ng sampung kakulitan. Yung kakulitan niya kapag nalalasing ay nadoble nang gabing iyon. Trip na trip niya akong asarin.
"May itatanong ako sa iyo." Seryoso niyang sabi. Kabado ako dahil seryoso ang boses niya.
Nakaunan ako sa braso niya at tumingin sa kanya.
"Kailan napatay si Magellan kung magaling ka ngang guro?"
WHATTTT?? Akala ko seryosong tanong yun pala ay kalokohan.
"1854 siya napatay." Imbento ko lang iyan dahil hindi ko naman master ang Philippine History dahil FILIPINO MAJOR ako. Baka kung ang itanong niya ay ano ang PANDIWA, PANG-URI at PANG-ABAY ay masasagot ko ng tama. Kaso History eh. Kaya kalokohan na lang din ang sagot ko.
"Paano kung may estudyante ka na kasing kulit ko ano ang gagawin mo?"
"Ewan ko sa iyo.Matulog ka na."
"Hahahaha. Sagutin mo. Kung magaling ka nga." Malakas na ang boses niya at pakulit siya ng pakulit.
"Hindi mo naman pwede sabihing Go Out kung hindi naman iihi.Kasi diba ang mga nagsasabi ng "Mam May I go Out" ay ang mga napuntang c.r.hahah.'
Hahaha.napatawa ako sa katwiran niyang iyon at nang makita niya akong natawa ay pinagkikiliti ako sa tagiliran ko kaya tawa lang ako ng tawa.
"kailan naimbento ang sardinas.?"
"Gusto ko na matulog. Huwag ka na maingay nakakhiya nasa sala sila mama mo nanunuod. Manahimik k nga." Saway ko sa kanya dahil ang lakas pa rin ng boses.
Hay naku.. Super Kulit.
"Aba dapat alam mo iyon kung kalian naimbento ang sardinas.Dahil guro ka."
Sabi niya habang nasa binatana at masusuka na naman.
Ang ingay niya, ako ang nahihiya sa mga kasama namin sa loob ng bahay. Nasa kabilang kuwarto si Meryl at ang kaibigan niya. Nasa salas naman sina Papa at Kuya Nick, nanunuod ng TV.
Narinig ko rin na dumating si Mama at nanuod na rin sa sala kaya lalo akong nahiya sa ingay na ginagawa ni Jasper.
Yung pagkabadtrip niya ay napalitan ng kakulitan.
"Kailan nga naimbento ang sardina?Bakit hindi mo alam?" Ulit na naman niya sa tanong niya.
Hindi na ako nakapagpigil, nainis na ako kaya nang makita kong bukas ang bintana ay umakyat ako doon at tumalon.
Mababa lang naman ang binatana nila kaya hindi ako masasaktan.
Tinawag niya ako na natatawa at hindi ko siya pinansin. Derederecho ako kahit masukal at madilim na.
Balak ko makinuod kina Ate Donna kaso sarado na sila. Pumunta na lang ako sa bahay ng pinsan niya na kainuman niya kanina kaso busy at may kausap sa phone.
Pabalik na ako ng bahay nila nang mapatingin ako sa taas ng puno ng manga.
Madilim sa bahaging iyon. Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko.
OMG! Mga Alitap-tap.Libo-libong alitaptap na nakapaligid sa buong puno ng mangga. Patay sindi ang ilaw nila na parang Christmas lights.
Nakakamangha!
Akala ko sa palabas lang may ganoon, totoo palang may mga alitaptap na nagkukumpulan sa puno.
Saglit akong nag stay at pinagmasdan ang puno na puno ng alitaptap. Sayang hindi ko dala ang cellphone ko ivivideo ko sana.
Bumalik ako sa kuwarto para kunin ang CP. Sa likod bahay ako dumaan dahil nahiya ako na makita nila mama na lumabas pala ako kapag sa pinto ako dumaan kaya sa binatana ulit ako dumaan papasok.
Wala si Jasper sa kuwarto, akala ko nakatulog na siya.
Nasa sala siya at tawa ng tawa. Naririnig ko mga sinasabi niya. Humiga muna ako sa kama at nakabukas ang pinto ng kuwarto.
"Nasagad ata sa pang-aasar mo kaya umalis." Narinig kong sabi ni mama.
"Aba! Inaloko ko laang naman siya, kung hindi siya babalik ay maghahanap na lang ako ng iba." Malokong katwiran pa rin niya.
"Maigi na laang at mababa lang ang bintanan." Sabin i Meryl na kumakain sa kusina kasama ang bisita niya na doon makikitulog.
"HAHAHA. Nahiya dumaan sa pinto kaya sa bintana dumaan." Tawa pa rin ng tawa si Jasper.
I decided na huwag na ulit lumabas para ivideo ang alitaptap, makikinig na muna ako sa usapan nila.
Kaso nakita ako ni Meryl nang kumuha siya ng tubig na nasa gilid ng pinto ng kuarto kaya sumenyas ako na huwag maingay. Tumango siya na natatawa.
"Huwag maniwala diyan kay Kuya. Kalokohan lang niyan." Narinig kong sabi ni Meryl.
"Hanapin daw yung ka-Fling ko sa labas." Hmmmm fling pala ha.
"ka-Piling ng saging.hahaha." Dugtong niya sa sinabi niya.
"Baka na kina ate Donna mo si Cassey." Sabi ni Mama na kumakain sa sala.
Kumuha rin ng tubig ang bisita ni Meryl kaya nakita ako na nakahiga sa kama at nakikinig lang. Sinenyasan ko rin siya na huwag maingay. Halata sa kanya ang pagpipigil ng tawa.
Dumaan si Jasper sa kusina pero hindi niya ako napansin na nakahiga sa kama. Bumalik siya sa sala at tawa pa rin ng tawa. "Magpopost pala ako sa Fb ng hashtag "Sardinas""
"Ano naman sasabihin ng mga tao?Nang dahil sa sardinas ay naghiwalay kayo." Dugtong ni mama na kumuha rin ng tubig sa kusina kaya nakita na rin ako at napangiti at sinenyasan ko na rin siya na huwag maingay.
"Oo.Hahahahah.Tinatanong ko lang kung kalian naimbento ang sardinas eh nainis na."
"Aba eh masakit ang ulo ni Cassey kaya nainis na siguro sayo. Kanina pa inaatake yun ng migraine." Narinig kong pangangatwiran ni Mama sa kalokohan ni Jasper.
"Wala pa namang suot na tsinelas iyon."Narinig kong sabi ni Jasper. Hmmm concern lang.. wala nga akong suot ang malas pa nakaapak ako ng dumi ng baka sa daan,madilim kasi.
"Hahanapin ko muna si aling maliit at baka makagat ng aso. Maliit na nga mababangasan pa." Hanep sa pang-aasar pero halatang concern naman. Ganyan si Jasper, hindi ka niya pupurihin ng harapan, idadaan niya sa pang-aasar.. Ang sweet niya dibahhhh.
Lumabas na ako ng kuwarto nang marinig kong lumabas na siya.Tawa lng kami ng tawa nila Mama at n Meryl.
"Ayaw po kasing manahimik kaya dumaan na ako sa bintana ng matigil.kaso lalong nasiyahan ata.hahaha."
"Lakas ng tama kasi eh.. lakas ng tama sayo..haha." Pang-aasar ni Meryl.
Hindi ko namalayan na pabalik na pala si Jasper at nakita na niya ako. Babalik sana ulit ako sa kuwarto.
"Andito ka lang pala. Bakit ka naman lumusot sa bintana.'"
Hindi ko siya pinansin. Nagpapakabusy ako sa panunuod.
"Sorry na.!Masakit pa ba ulo mo." Hahawakan niya sana ang ulo ko para hilutin pero umiwas ako.
"Matulog ka na doon." Sabi ko sa kanya na hindi tumitingin.
"Sige, matutulog na ako." Pumasok na siya sa kuwarto at natulog na.
Nawala na ang pagkakulit niya. Sayang sana nakapagtago ulit ako sa kuwarto para mataranta siya na hindi niya ako nakita sa labas.
Makakaganti na sana ako sa pang-aasar niya.
Kami na lang ni Mama ang nasa sala at napansin kong tulog na siya kaya ginising ko para makahiga na siya sa kubo.
Natulog na rin ako, huling gabi ko na sa kanila kaya niyakap ko si Jasper sa pagtulog buong gabi kahit naiinis pa rin ako sa kanya.
Mag-iinarte pa ba ako?Huling pagkakataon ko na mayakap ko siya dahil kapag nakabalik na ako ng Laguna ay balik na naman sa dati ang relasyon namin--LDR!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro