Chapter 32
Habang nakahiga ako ay nagkukuwentuhan lang kami ni Mama hanggang sa mauwi sa tanong niya na ...
"Kayo ba ni Jasper ay ano na ang plano?" Ang tinutukoy niyang plano ay plano nang pagpapakasal.
"Ay wala pa po kaming plano.. pero nabanggit na po dati ni Jasper na Physically at Emotionally ay handa niya na akong pakasalan pero financially ay hindi pa."
"At ano daw?Ano daw ang problema niya?
"Pera daw po.Wala pa raw po siyang sapat na pera."
"Aba eh kung sa pera lang naman madali na makadilehensya at pagtutulong-tulungan naman ng mga kapatid niya, may mga baboy naman na. Ayos lang naman siguro kung simpleng handaan lang naman."
"Oo naman po hindi naman po kami naghahangad ng bongga po.Mas mabuti na po ang praktikal sa ngayon."
"O siya at kakausapin ko Jasper tungkol diyan.Hindi pwedeng ganyan lang kayo."
"Sige po.Ako po ay naghihintay lang naman kay Jasper dahil ako po ay sigurado naman na sa kanya." Kampante kong nasabi sa future mother-in-law ko ang mga bagay na iyon.
"Mamaya pagdating tatanungin ko siya. Makikinuod muna ako ng probinsyano sa kabila." Sabi niya at tumayo na para pumunta kin ate Donna.
"Sige po susunod po ako kina ate kapag Magpahanggang Wakas na po."
Umalis na si mama at nakatulog na ako sa tabi ni Jamjam.
Nananaginip na ako.
Naalimpungatan lang ako nang may tumatapik sa braso ko at pagkamulat ko ay si Jasper pala.
"Kain na tayo hindi ka pa raw kumakain sabi ni Mama."
Bumangon na ako at pumunta sa bahay nila. Naghanda ng pagkain.
Kakagising ko lang at yung kilos ko ay parang sabog na ewan.
"Nakainom ka ba at para kang lasing." Puna ni Japser sa kilos ko.Ako pa ang sinabihan na parang lasing eh siya itong galing sa tropa niya at nakipag-inuman.
"Hahaha. Kakagising ko lang kaya parang lutang ako."
Kumain na kami at naghugas ako ng pinagkainan namin. Pumasok na siya sa kuwarto.
Lasing na naman siya alam ko. Medyo makulit na naman.
"Nahihilo ako." Sabi niya habang nakahiga na siya sa kama.
"Gusto mo ng kape?"
"Nahihilo ako.. parang may mga anghel na bumubulong sa akin.." laisng nga! "Ang gwapo ko raw." Hayan na naman siya oh. GGSS na naman. Gwapong gwapo sa Sarili. "Ang gwapo ko raw kaya mag-isip isip raw ako."
Huh.. mag-isip-isip noong nakaraan ay nagsisisi... konektado na naman ang mga sinasabi niya.
"Lasing ka na.Matulog ka na. GGSS ka na naman. Mag—isip-isip ng ano? Noong nakaraan nagsisisi.. sabihin mo na gusto mo sabihin.." Nainis na ako sa mga sinasabi niya.Hindi na ako natutuwa.
"Hindi ako matiyagang mag-alaga ng lasing. Kung masuka ka diyan sa higaan ay hahayaan kita para pagkagising mo bukas mabaho ka sa suka. Bahala ka diyan."
Sa inis ko ay iniwan ko na siya.Nagpunta ako kina Te Donna at naabutan kong nanunuod pa si Mama doon. Nakinuod na rin ako.
"Tulog na po si Jasper." Sabi ko kay Mama para hindi na magtanong.
Nang matapos ang pinapanuod namin ay umuwi na kami. May TV naman sila kaso walang load ang signal nila kaya hindi mapanuoran.
Mabuti nga at uso na sa probinsya ang ganoon at ang mga cable, dati ay walang channel na masasagap kaya puro movie marathon lang ang mga magkakapitbahay.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro