Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 31


IKALAWANG araw ng pagbabakasyon ko sa kanila at araw na ng Linggo.

Abala siya at nagpakaabala rin ako. Naglinis ako ng bahay nila. "Amoy lalake eh." Biro ko sa kanya kahapon dahil pansin ko na hindi nga nasasayaran ng linis ang bahay nila dahil siya lang mag-isa nang nakaraang mga araw dahil nasa Pasig ang mama at papa niya at ang kapatid naman niya ay nagbakasyon sa Mindoro.

"Aba magtaka ka kung amoy babae pero lalake ang nakatira." Balik niyang biro sa akin.

"Sabi ko amoy lalakeng hindi naliligo." Pang-aasar ko pa ulit sa kanya.

"Hahaha.. wala nang ligo-ligo kapag napagod ay tulog agad."

NAGLABA ako ng ilan sa mga damit ko at nilabhan ko na rin ang labahan niya. Feeling asawa lang.

Nagpunta na ako kina Ate Donna pagkatapos ng mga ginawa ko at nakinuod sa kanila dahil gusto kong manuod ng ASAP.

"Andito ka pala." Sabi niya na sumunod pala sa akin.

"Oo makikinuod ng Asap."

"Anong ulam nyo? kami ay makikikain."Tanong niya sa Ate niya na naghahanda na ng pagkain sa mesa.

"Dito na kayo kumain Cassey."

"Sige po ate. Jasper kunin mo na lang yung kanin sa bahay."

Habang kumakain kami ay may nagtext kay Ate Donna.

"Oh pauwi na pala sila mama mamayang gabi dito."

Napansin ko nag-iba ang mood ni Jasper. "Bakit daw sila uuwi na agad? Akala ko ba ay hanggang pasko na sila doon."

"Naiinip na daw doon at walang ginagawa."

Nakikinig lang ako sa usapan nilang magkapatid.

"May pantawag ka ba?Tatawagan ko  si mama at itatanong ko kung nabili yung pinapabili ko." Halata sa tono ni Jasper na tila naiinis. Ewan ko kung bakit siya naiinis.

"Wala akong pantawag." Sabi ng ate niya.

"May pantawag ako, tawagan mo na lang gamit cp ko." Sumagot na ako dahil lalo siyang naiinis na hindi niya matatawagan ang mama niya.

"Sige mamaya pagkakain."

Nag-iba talaga ang mood niya. Napansin ko talaga. Hindi ko siya tinanong kung bakit. Ayoko mangahas na magtanong.

Humiga na siya sa papag na nakapuwesto sa harap ng TV at nanuod na ulit pagkatapos niyang makausap ang mama niya sa CP. Hindi ko siya pinapansin kunwari ay abala ako sa pakikipaglaro kay Dindi pero inoobsrbahan ko ang kilos niya.

Nakita ko na nakatulog na siya at pinahiga ko na rin si Dindi para patulugin at nakatulog rin ako nang makatulog na si Dindi. Tatlo kaming nakahiga sa papag at nasa gitna namin  ang pamangkin niya.

Ang Ate naman niya ay abala sa pagluluto ng meryenda.

"Aba nakatulog ka rin pala." Bungad niya sa akin ng nagising na ako.

Hapon na pala at umuwi na kami sa kanila para mag-asikaso ng mga gawain doon.

Pagkatapos naming maghapunan ay nanuod kami ng movie na Train To Busan para kaming nasa loob ng sinehan sa lakas ng sound system nila, dumadagundong ang bahay.

"Oonga pala ano yung tinutukoy mo kagabing nakakapagsisi." Naalala kong itanong sa kanya ang bagay na narinig ko mula sa kanya dahil lasing siya kagabi at kainuman ang tropa at pinsan niya.

"HA?" Tanong niya na nakatutok sa palabas.

"Yung sinabi mong Ang gwapo kong lalake..nakakapagsisi... na ang tinutukoy mo ay huwag kukuha ng babeng mahina."

"Hahaha. Nakikinig ka pala sa usapang lasing ha." Natawa siya ng maalala na niya ang tinutukoy ko.

"Narinig ko lang."

"Joke lang iyon. Alam mo naman ang lasing mayabang magsalita.Huwag ka makikinig sa usapang lasing."

Hindi na ako umimik at hindi ako convince sa sagot niya.

Natulog na kami pagkatapos naming manuod at bago kami natulog ay nagpamasahe muna siya ng katawan niya. Bagay na hilig ko gawin sa kanya dahil nasasayahan ako kapag sinasabi niyang nawala sakit ng katawan niya.

Kinaumagahan ay maaga kaming bumangon dahil alam naming maaga darating ang mama niya.

At hindi nga kami nagkamali na maaga nga sila dumating.

Sinalubong ko sila at nagmano at tinulungan sa mga bitbit nila. Hahaha..Sipsip lang ba o pakitang gilas? Uyy hindi ah.. nagpapakita lang ng paggalang sa mga future in-laws ko.

Nagkaroon ng ingay sa bahay, hindi na ako maiinip na walang kausap. Tuwang tuwa na ako makipaglaro at inaalagaan ang pamangkin niya na isang taong gulang pa lang.

"Tuwang-tuwa ah" puna niya sa akin nang makita ako na nakikipaghabulan sa mga pamangkin niya. Hindi ko siya pinansin at patuloy lang sa pakikipagkulitan sa mga bata.

Pinatulog ko na si Jamjam at binantayan sa duyan na nasa kubo. Yung kubo kasi ay tulugan ng mama niya at papa niya. Ayaw nila matulog sa mismong bahay nila dahil mas maginahawa raw matulog sa kubo, kaya kahit andon na ang magulang ni Jasper ay kaming dalawa lang ang nasa bahay.

"Hindi ka pa ba ngugutom? Gusto mo bumili ako ng lutong ulam sa tindahan? Magluluto pa lang kasi si mama."

Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya, nagbabasa kasi ako ng story sa wattpad sa cp ko at nakahiga sa sahig habang inuugoy ang duyan ni Jamjam.

"Hindi pa naman ako nagugutom, ayos lang ako." Tiningnan ko siya at umupo siya sa tabi ko.

"Ano bang ginagawa mo?"

"Nagbabasa lang ng story'

"Patingin nga," Kinuha niya ang CP ko at tiningnan ang mga story sa wattpad.

"Babaeng Mental.. Bakanteng Nitso.. Bahay ng Lagim..Puro mga horror naman itong binabasa mo.

"Sabi ko naman sa iyo diba na mahilig ako sa mystery, thriller at horror. May love story rin naman diyan."

"Alamat ng Saging?Pambata naman ito." Basa niya sa isa sa mga story.

"Hindi pambata yan, may touch of horror yan.Basahin mo at maikli lang yan."

Binasa niya nga at hindi siya tumayo hanggat hindi niya natatapos.

"Teka ano palang ginagawa mo dito, hindi ka naman madalas tumambay dito ah. Madalas kapag wala ka nang ginagawa ay nasa baba ka o sa tindahan." Puna ko sa kanya dahil napansin ko na sinasamahan niya ako sa kubo ng ganun katagal.

Pansin ko kasi na kapag andiyan ang magulang niya ay hindi siya masyadong nagdididikit sa akin. Ako naman iniisip ko na  baka nahihiya siya ipakita yung paglalambing niya sa akin sa harap ng magulang niya.

Iniisip ko rin na hinahayaan niya ako na kumilos na parang feel at home.

Ako kasi minsan mas gusto ko na wala siya kapag nakikipagkuwentuhan sa mama niya o sa mga kapatid niya para mas makakilos ako ng maayos o yung hindi ma awkward kasi nasa paligid lang siya.

"May tumawag nga pala sa iyo kanina sa cp mo. Sinagot ko na kasi ilang beses nagmimisscall."

"Ah si Pulis Makati, classmate ko nung high school nag –aaya mag inuman kami sa kanila kararating lang niya galing Maynila." Kuwento niya at alam ko na hindi man pagpapaalam iyon ay papayagan ko naman siya.

"Sige punta ka muna sa tropa mo.Huwag ka lang uuwing lasing na lasing ah."

"Isasama ka nila mama kina Ate Patty, yung kapatid ni papa nang ikaw ay makagala naman."

Hmmm napangiti ako dahil aalis pala kami nila mama niya. Kilala ko yung tinutukoy niya dahil naikuwento na sa akin ni Meryl iyon.

Umalis na siya pagkakain at pupunta na sa session na naman nila. Hayyyysss lasinggero. 

Umalis na rin kami nila Mama at Papa at ang isa sa pamangkin niya.

Naglakad lang kami papunta doon na kung saan ay malapit sa school ang bahay nila ate Patty.

"Ka Paul, sino iyang dalagang kasama nyo?" Bati ng kapitbahay nila noong nasa kalsada na kami. Nakangiti lang ako sa kanila.

"Anak ko ito. Yung nasa pasig. Si Lotlot." Biro ng Papa ni Jasper na ang tinutukoy ay ung isang anak niya na kasing laki ko at classmate ko noong High School.

Natatawa lang si Mama. "Katipan ni Jasper iyan." Siya na nagsabi kung sino ako.

"Jasper? Yung nag-abroad. ?Ah ganoon ba. May katipan na pala iyon."

"Oo." Umalis na kami at nagpatuloy sa paglalakad.

Sa ilang kabahayan na nadaanan namin ay ganoon rin ang tanong nila kung sino ako.Ganoon rin ang sagot nila mama sa mga nagtatanong.

Eh di totoo nga ang sinabi sa akin ni Jasper noong nasa Taytay kami na ako pa lang ang babaeng maipapakilala at madadala niya sa kanila. Eh di wow! hahah.

NAABUTAN namin na nagdarasal sila Ate Patty at nang matapos ay saka ako nagmano at nakiupo na rin sa loob.

"Kilala mo pa ba ako ineng?" tanong sa akin ni Ate Patty.

Nahihiya akong sumagot pero sabi ko "Hindi ko na po tanda.Pasensya na po."

Hindi ko naman kasi tanda at nakakahiya naman magtanong kung bakit niya ako kilala. Kay Jasper ko na lang siguro itatanong.

Nakikinig lang ako sa mga usapan nila habang karga ko ang pamangkin ni Jasper na nakatulog na.

Bandang hapon na kami nakauwe at wala pa rin si Jasper ng pagkarating namin sa bahay. Dumating na si Meryl galing Mindoro kaya may kakuwentuhan na naman ako.

Nasa kubo kaming lahat. Si mama niya na pinapatulog na si Jamjam, si Papa niya na nasa labas ng kubo at naglatag na rin sa sahig doon. Ang bunso niyang kapatid na si Ara na nakahiga na rin at busy sa panunuod sa Cp.

Alas siyete pa lang nang gabi pero napakatahimik na ng paligid. Mga kuliglig ang maririnig sa paligid, malamig ang simoy ng hangin dahil Ber- Month na. 

Kaya nakihiga na rin ako sa tabi ni Jamjam at Mama. Ang sarap nga sa kubo dahil maginhawa at malamig. Nakikumot pa nga ako sa kumot nila.

Wala pa naman si Jasper kaya doon na muna ako.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro