Chapter 29
Dumating ang unang araw ng sembreak pero kaming mga guro ay may tatlong araw pa na seminar bago magbakasyon kaya limang araw lang ang magiging bakasyon ko kaya sisiguraduhin ko na susulitin ko iyon.
"hi Daddy.Morning. 4 days to go magkikita na ulit tayo." Text ko sa kanya,
Araw-araw ako nagtetext ng countdown sa kanya. Pinaparamdam ko na excited ako sa pag-uwi ko.
"Nyt na Daddy, feeling excited. Isang tulog na lang magkikita na tayo. Sana excited ka rin makita at makasama ako. Sunduin mo ako sa bayan ha.Hihintayin kita sa may simbahan. Payakap ako ng marami Daddy ha,miss na miss na kita." Laman ng text ko sa kanya at oo nagpapasundo ako kahit hindi siya nagrereply kung masusundo niya nga ako. Baliw lang diba. Nagbabakasakali lang naman na magtext siya. Still hoping. :-D
"Yung nauna ka pang nagising kesa sa alarm clock mo. Feeling excited." Post ko sa Facebook.
May mga nagcomment na anong meron daw. Mga tsismoso lang ano? Well social media eh. Makikiusyoso nga naman sa nangyayari sa buhay mo.
Niloadan ko ang cellphone ni Jasper,just to make sure na may load siya pangtext.
"Daddy, nasa biyahe na ako. Bukas na ang dating ko dyan.Sunduin mo ako ah."
Pagkatext ko sa kanya ay itinago ko na sa bag ang cellphone ko.
Nag-iba ako ng ruta ng daan papuntang Lucena. Alam kong matrapik na masyado sa Batanggas kaya nag San Pablo ako para doon na sumakay ng bus at walang traffic kaya after two hours nakasakay na ako ng Bus papuntang Lucena na may mahigit na apat na oras naman nag byahe bago makarating doon.
Kinuha ko ang cellphones ko sa bag para mag-online sa Facebook.
"Pasensya na maraming gawa kaya walang oras humawak ng cp. Maraming pasahero ngayon.Mag-ingat ka ha." Text niya. Oo, text niya nga..after isang dekada nagtext siya.
"Ah ganun ba. Opo mag-iingat po ako.Sige off ko muna cp ko."
"Sige update mo na lang ako kung asan ka na.Tingnan ko kung masusundo kita bukas."
HINDI siya nagsabi kung masusundo niya ako. Titingnan pa niya. Marami nga naman siyang ginagawa dahil siya lang mag-isa sa kanila at siya lang nag-aasikaso sa mga alaga nilang baboy.
Around 10:30 p.m. na ako nakarating ng Dalahican Pier sa Lucena. 11:30 ang alis ng barko. Marami ngang pasahero kaya nakipag-unahan ako para makaupo sa maayos na puwesto.
"Andito na ako sa barko Daddy. Baka mga 5:00 am na ako makarating diyan.Sige matutulog na muna ako." Text ko agad sa kanya at itinago na ang cp.
DAHIL sa halos wala akong tulog bago magbakasyon ay nakatulog agad ako sa kinauupuan ko. Komprotable naman ako sa pwesto ko kaya nakatulog talaga ako.
Nagising ako ng bandang alas tres at napansin ko na malayo pa kami sa Balanacan Pier. Natulog na lang ulit ako.
Mag-aalas kuwatro na ng maramdaman kong malapit na kami bumaba.Nagtext agad ako kay Jasper. "Baka mga 6:30 a.m ako makarating ng bayan. Pababa pa lang ako ng barko."
"Bakit ano ba oras umalis dyan ang barko?" Reply agad niya.
Infairness nagreply agad. Meaning gising na siya. Hindi siya excited ah.
"Hindi ko namalayan kung anong oras umalis. Mga ala una na a." Text ko agad sa kanya.
"Hi sis asan ka na?Anong oras ka makakarating dito? Paalis na ako maya-maya." Nagtext si Meryl na hindi ko na siya maabutan sa kanila.
"Andito pa sa barko, pababa pa lang.Sayang hindi kita maabutan diyan.hindi ko tuloy maipapabaon sa iyo ang pasalubong ko."
"Hehe.Sige ingat po."
"Ikaw din ingat sa byahe. Enjoy ka sa pupuntahan mo ha."
NAKARATING nga ako ng bayan ng 6:30. Sa simbahan ako naghintay kay Jasper.
"Nandito na ako sa simbahan, masusundo mo ba ako?"
Hindi siya nakapagreply agad.
"Uyy..Daddy? Asan ka na?Malapit na umulan. Masusundo mo ba ako?
Wala pa ring reply..
"Magcocomute na lang ako ha huwag mo na ako sunduin kasi uulan mababasa tayo sa motor."
Text ko sa kanya at sumakay na ng tricycle at nagpahatid sa kanila
Habang nasa daan ay panay ang kuha ko ng mga pictures sa nadadaanan ko. Napakaluntian ng paligid. Maraming puno at tahimik ang lugar.
"Magcommute ka na lang ha hindi ko agad nabasa text mo eh." Text niya.
"Andito na ako sa tricycle papunta jan."
Kabado at excited ako na makita siya pagkababa ko ng tricycle. Naglakad na ako paakyat sa kanila, medyo paakyat ang dadaanan at masukal.
Pagdating ko ng bahay nila, nakasarado ang pinto.
"Andto ako sa bayanan may bibilhin lang , anjan si kuya Nick,tiyuhin ko pasok ka na lang sa loob."
Nak nanggggg... yung excitement ko nawala kasi wala pala siya sa bahay.
"Kamusta po Kuya Nick."naabutan ko yung tinutukoy niyang tiyuhin niya na nasa kubo.
"Wala si Jasper may binili lang saglit, pasok ka na diyan sa loob."
"Sige po.salamat po.
Okay feel at home ako. Derecho agad sa kusina at nagtimpla ng kape pampagising dahil pagod at puyat ako sa byahe kahit pa tulog ako magdamag sa barko eh pakiramdam ko kulang pa rin yung tulog ko.
May nakita akong pandesal sa lamesa kinain ko dahil paborito ko ang tinapay sa umaga.
Nagpunta na ako sa sala at doon naupo habang nagkakape, nakabukas ang radio nila.
Maya-maya dumating na siya.
"Oh Kamusta na." Bungad agad niya sa akin pagkapasok niyang bahay. Naiilang siya pansin ko hindi makatingin sa akin ng derecho eh.
"Ayos naman.Eto antok na antok." Pinuntahan ko siya sa kusina at nakita ko na naghahanda siya ng lulutuing isda.
"Magluluto muna ako ng almusal. Kumain ka muna bago magpahinga at matulog.
"Sige.Shower muna ako at magpapalit ng damit." Pumunta na ako sa kuwarto niya at kumuha ng damit sa bag.
Kumain na kami ng almusal. Kuwentuhan ng kaunti.Kamustahan. Hindi man niya ipinahalatang namiss niya ako pero halata pa rin sa kanya.
"Ako na maghuhugas ng pinggan." Sabi ko sa kanya dahil ayokong humiga kaagad dahil kakakain pa lang. Habang siya naman ay abala sa pagpapakain naman ng mga baboy.
"Matutulog na muna ako ha."
"Sige pahinga ka na muna."
"PAYAKAP MUNA AKO!" paglalambing ko sa kanya. Niyakap ko siya sa likod kasi nakatalikod siya sa akin.
"Hahaha.Amoy baboy ako at malagkit. Malagkit na pagmamahalan ito."
Banat agad niya sa ginawa ko.
Humiga na ako sa kuwarto niya.
Siya naman ay naligo at maya-maya ay pumasok sa kuwarto ng nakatapis lng ng tuwalya.
Hindi ko siya pinapansin kunwari ay may binabasa ako sa Cp pero ang totoo ay pinipicturan ko siya kaso puro blurred kuha ko.
Lumabas siya at sa CR nagbihis. Pagpasok nya nakaboxer lang siya at walang suot na damit.
Nakatingin siya sa akin at nakangiti.
Namiss ko yung ngiting iyon. Yung mga mata niya na mapungay at nangungusap.
Gwapings talaga ng Daddy ko oh!
Lumapit siya sa akin na may pilyong ngiti. Umiwas ako ng tingin dahil tawa ako ng tawa sa pictures niya.
"Ano na?" Umupo siya sa tabi ko. "Kamusta na ang asawa ko?"
Hinawakan niya ang mukha ko at yumukod sya at hinalikan ako. Bolta-boltaheng tila kuryente na naman ang dumaloy sa buong katawan ko. I miss u daddy..bulong ko sa kanya.
Maalab na halik kaagad ang ginawa niya at tumugon rin ako. Namiss ko siya. Namiss namin ang isat-isa. Miss na miss sobra. At sa halik na iyon halatang namiss namin ang isa-isa talaga.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro