Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 27

Malungkot.Sobrang lungkot ang bawat araw ko na hindi ko man lang siya nakakausap. Hindi niya nasasagot ang mga tawag ko.

Ang tanging nagpapalakas ng loob ko ay ang pagmamahal ko sa kanya.

Kahit hindi kami nag-uusap ay lagi pa rin akong nagtetext sa kanya at sinasabihan siyang mahal ko siya at namimiss na.

Gusto ko pa rin iparamdam na kahit ganito ang sitwasyon naming ay hindi nababawasan ang pagmamahal ko sa kanya.

Mahirap, nakakainip maghintay araw-araw na sana magtext manlang siya pero kakakyanin, "Hindi ako mapapagod bilangin ang bawat oras at araw dahil hindi ako mapapagod maghintay na magkasama tayong muli." Isa sa mga text ko sa kanya.

Naiintindihan ko naman siya, at hinahayaan ko siyang mag-isip-isip kung ano nga ba talaga ang gusto niyang mangyari sa buhay niya,sa buhay naming.

Pakiramdam ko wala akong boyfriend. Saklap lang.

"Hi po.Kamusta" text ng kapatid niya na madalas ko na makatext dahil sa kanya ako lagi nakikibalita.

"Hi.Eto pauwe pa lang.Kayo kamusta?"

"Ingat sa pag-uwe. Ayos naman kami."

"Kuya mo kamusta?" As usual tanong ko agad sa kanya,ito na lang kasi ang paraan para malaman ko ang nangyayari sa buhay ng boyfriend kong hindi nagpaparamdam.

"Ah si Kuya, ayon nasa laot na naman." Pagbabalita niya na nasa laot na naman ang kuya niya at nangingisda.

"Ah ganun ba.Nililibang na naman ang sarili."

"Ganun na nga."

"Ewan ko ba diyan sa kuya mo anong gusto sa buhay." Alam niya kung ano ang sitwasyon naming ng kuya niya.

"Masyado inaabala ang sarili.haha."

"Hay naku baka paraan niya lang iyon para hindi ako mamiss.heheh.Pero feeling empty lagi ako."

Pagdadrama ko na naman sa kanya. Oo.Girl talk naman at naiintindihan niya kami ng kuya niya at kialala niya kuya niya.

"Nahihiya lang siguro iyon sa iyo, kaya ganun.Nag-iisip lang yun at tiyak na gagawa iyon ng paraan para hindi mangyari ang ayaw niyang mangyari sa buhay niya." Paliwanag niya na nagpagaan sa loob ko.

"Uhhmmm ganun na nga rin lang iniisp ko.Tnx sa pagcomfort.hehe."

"hehehe.Nacomfort pala kita."

"Oo naman. Kumbaga eh sa pagbabaita mo sa akin kung ano nangyayari jan sa kuya mo eh nakakampante na rin ako at gumagaan ang loob."

"Wala po yun. Sakripisyo na nga iyang ginagawa mo eh. Mukhang na-trauma ata si kuya sa mga past relationship niya."

"Salamat ulit.Sige kain na muna ako at matutulog na rin mamaya.Goodnight.

"Goodnight din po.:-)"

Si Jasper, nakilala ko ang ilan sa ugali niya, ma-pride. Inamin niya sa akin dati na naaalangan siya sa akin, at base sa nababasa ko sa mga ikinikilos niya ay nahihiya nga siya sa akin at hindi pa siya nakakamove-on sa mga pangit na kanaranasan niya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro