Chapter 24
~*~
Hindi ko muna pinuntahan o ginising si Jasper na natutulog pa raw. Hinanap ko muna si Mama nila.
Sumunod ako kay Meryl na nauna ng naglakad at ipinakilala niya muna ako sa Mama nila na kasalukuyang nagpapakain ng mga alaga nilang baboy.
"Good morning po." Bati ko sa Mama nila na nakangiti sa akin at nag mano ako bilang paggalang.
"Maigi at nakarating ka na dito." Sabi ng mama niya na hindi pa rin inaalis ang pagkakangiti sa akin kaya naman nabawasan ang kabang nararamdaman ko.
"Opo after 12 years nakabalik na ulit dito sa Marinduque. Salamat po sa pagpayag na pumunta po ako dito." Medyo nahihiya ko pang sabi.
"Wala iyon, ikaw naman ay welcome na welcome dito sa akim. Ah Meryl asan na ba si Kuya mo?Gisingin mo na."
"Puntahan ko po muna si Jasper." Paalam ko at sumunod ako kay Meryl na nauna nang pumasok sa loob ng bahay. Tatawagin ko sana siya para sabihing ako na ang gigising kay Jasper.
Gusto ko sanang pagmasdan muna siya habang natutulog at gigisingin ko siya sa mga halik ko kaso si Meryl naabutan ko siya sa pinto ng kwarto ni Jasper na tinatawag na niya ito.
"Kuya may bisita ka. Gising na kuya. Nandito ang chicks mo." Pagkasabi ni Meryl ng ganoon ay kumindat pa siya sa akin na parang ipinapahiwatig na ako na ang bahala sa kuya niya at lumabas na siya ng bahay.
Nakatingin ako sa pintuan ng kwarto niya na bahagyang nakaawang kaya naaninag ko siya sa kurtinang na nasa pinto at nakita kong nakahiga pa siya pero gising na dahil hawak niya ang cellphone niya.
Baka nabasa na niya ang mga mahiwaga kong text! Pamisteryoso rin kasi ang mga text ko sa kanya na nagbibigay clue kung ano ang ibig sabihin ng mga sinabi ko sa kanya.
"Daddy! Bangon ka na dyan, magkape na tayo." Tinawag ko na siya at nakita kong bumangon na siya sa pagkakahiga.
Lumabas na si Jasper at pupungas-pungas pa. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung anong gagawin ko baka kasi magalit siya sa akin na nagpunta ako nang hindi nagsasabi sa kanya kaya hindi ako makatingin sa kanya nang deretso.
"Oh Mam. Nandito ka! Nananaginip ba ako?" bungad niya nang makita ako sa labas ng pintuan.
"Paano mo nalaman itong bahay namin? Ginalugad mo talaga ha. Nag-google map ka ba."
Sunod-sunod niyang tanong habang naghihilamos at halatang nagulat ko nga siya.
"Sabi ko naman sa iyo kagabi na may bagay akong gagawin at ngayon ko lang sasabihin." Matalinhaga ko na lang na sabi sa kanya dahil hindi ko pwedeng sabihin sa kanya kung sino ang kasabwat ko dahil ayoko rin na mapagalitan niya ang kapatid niya. Bugnutin kasi siya 'yon ang nadiscover ko sa ugali niya na kapag may ayaw siya sa isang bagay ay ipinapakita niya talaga na hindi niya gusto at naiinis talaga siya.
Ipinagtimpla niya ako ng kape. "Iwan na muna kita dito ah mag-iigib lang muna ako dahil walang tulo ang gripo dito." Paalam niya matapos naming magkape at kinha na ang mga timbang nakatambak sa kusina.
"Sama ako. Tulungan kita mag-igib" Sabi ko sa kanya.
Tumawa siya ng malakas na parang nang-aasar pa. "Huwag na baka hindi ka lalo lumaki niyan. Diyan ka na lang muna babalik rin naman ako. Malapit lang naman ang pag-iigiban ko diyan lang sa may sapa."
Tumango na lang ako at sinundan siya ng tingin habang papalayo siya.
"Namayat ata ang Daddy ko ah! Dapat nga mas maging hiyang siya dito dahil malinis at sariwa ang hangin dito."
Natigil ang pagmumuni-muni ko nang pumasok na ulit sa loob si Meryl.
Mabait rin si Meryl at palaging nakangiti kaya magaan na agad ang loob ko sa kanya. Ang Mama naman ni Jasper ay ganoon rin hindi nakakailang kausapin.
"Mukhang nabuhay na ulit si Kuya. Masigla na ang kilos hindi kagaya noong wala ka pa ay palaging matamlay at laging nilalagnat, naninibago lang daw siya sa klima dito sa probinsiya pero alam namin ni Mama na may namimiss lang siya kaya siya ganoon. Madalas may lovenat."
"Napansin ko ngang medyo namayat siya eh." Inilapag ko sa lababo ang tasang ginamit ko at iniabot ko kay Meryl ang mga pasalubong ko na buko pie.
"Masarap iyan, tatak-Laguna! Magbibihis muna ako ha." Pumasok na ako sa loob ng kuwarto ni Jasper dahil doon ko inilagay ang dala kong bag.
Pagkatapos kong magbihis ay lumabas ulit ako at nakipagkuwentuhan muna kay Mama nila habang abala pa rin ito sa pagpapakain ng mga biik at baboy na alaga nila.
Medyo nahihiya pa rin ako dahil inabala ko sila ng umagang iyon.
"Ate matulog ka na muna at magpahinga puyat ka sa byahe ai." Sabi sa akin ni Meryl na nagwawalis n mga tuyong dahon.
"Sige matulog nga muna ako at nahihilo ako sa antok." Nahalata niya siguro sa mata ko na namumungay na sa antok.
"Dito ka na sa kwarto ko at makalat diyan sa kwarto ni Kuya."
"Okay lang ako dito at sanay ako diyan sa kuya mo."
Natulog na ako at naalimpungatan na lang na nasa loob ng kwarto si Jasper at inaaya ako na mag-almusal na muna.
Nagpunta na ako sa kusina at naghilamos na muna. Biglang pumasok ang Papa nila.
"Goodmorning po." Aabutin ko sana ang kamay niya para magmano
"Ayos lang ineng, malansa ang kamay ko at ako ay naglinis ng mga isda."
"Ah sige po. Nangisda nga daw po kayo."
"Kamusta ang byahe Cassey. Hindi ba malakas ang alon sa dagat?" tanong niya.
Napangiti ako kasi alam niya ang pangalan ko.
"Hindi naman po malakas ang alon."
"Malaking barko naman ang sinakyan mo ata kaya hindi mo mararamdaman kung malakas ang alon." Dumating na ulit si Jasper galing sa labas ewan ko kung anong ginawa. "Kumain na kayo ni Cassey." Lumabas na ang Papa niya at iniwan na kami sa kusina.
Kumain na kami ng sinabawang isda fresh from the ocean na huli ng Papa niya at ang malaking hipon na kahit hindi ako kumakain ng hipon ay kinain ko dahil nakakahiyang tanggihan.
Naramdaman ko na welcome ako sa pamilya niya, dangan nga lang at abala si Jasper at nakikita ko na marami siyang ginagawa kaya hindi ko siya makausap ng solo o ng maayos.
Pinuntahan ko ang Mama niya na nasa kabilang bahay at inaalagaan ang pamangkin niya na anak ng naging classmate ko noong High School.
Nakipagkuwentuhan ako at nakipagkulitan sa mga pamangkin niya.
Magaan ang loob ko kaagad sa Mama niya nawala na 'yong pagkailang at hindi na nakakaintimidate. Marami siyang naikuwento at marami akong nalaman tungkol kay Jasper at tawa lang ako ng tawa sa mga kuwento ni Mama.
Nakita kong papalapit sa amin si Jasper.
"Mam ligo na nag-igib na ako ng tubig."
"Mamaya na da----Jasper, nahihilo pa ako sa puyat masamang maligo kapag puyat." Muntik ko na siya na matawag na Daddy. Nasa harap kami ng magulang niya kaya huwag muna maglalambing.
"Sige basta kung maliligo ka na nasa drum na sa banyo iyong tubig." Umalis na siya at may ginawa ulit.
Alam ko na kung bakit hindi na siya makapagtext sa akin dahil marami nga naman siyang ginagawa. Naintindihan ko na siya.
Nag-aya na si Meryl ng tanghalian kaya kumain na kaming dalawa. Hindi ko ginising si Jasper na natutulog sa kwarto dahil gusto ko makapagpahinga na muna siya.
Isa sa pinagkukuwentuhan namin ni Meryl ay ang ex ni Jasper.
Seryoso kaming nag-uusap ni Meryl nang lumabas ng kuwarto si Jasper.
"Madaya kayo hindi kayo nagyaya kumain ah." Kunwaring tampo niya habang kumukuha ng plato.
"Kain ka na rin. Dito ka na Kuya umupo. Tapos naman na ako at aalis na pati at ako ay may lakad." Nagpaalam na si Meryl at umalis na.
Kami lang sa loob ng bahay dahil ang Mama niya ay nasa kabilang bahay. Ang bunso naman niyang kapatid ay may pasok rin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro