Chapter 1
Author's Note: This story is inspired by true story.
Enjoy Reading po.
~*~
February 13, 2003
Alas dose y medya ng tanghali, pagkatapos naming mananghalian ni Zandy ay nakatambay lang kami dito sa classroom at naghihintay ng panghapong klase. Ang iba naman naming kaklase ay may kanya-kanya ring pinagkakaabalahan, may mga nagkukuwentuhan lang, ang iba naman ay may hawak na gitara at masayang nagkakantahan.
Ako naman ay mas piniling magbasa ng mga aralin namin. Nakaupo kami ni Zandy dito sa first row at abala siya habang hawak ang kanyang cellphone at halatang may katext.
Kinalabit ako ni Zandy at nang tingnan ko ay ang lapad ng pagkakangiti.
"Cassey, nasa labas na naman 'yong masugid mong manliligaw." sabay nguso ni Zandy sa labas.
Hindi ko pinansin ang sinabi niya.
"Hoy? Hindi man lang pinansin. Hayun oh nakatingin sa'yo at nakangiti pa." Pangungulit pa rin niya.
Hindi ko pa rin siya pinansin at nakatingin lang ako sa binabasa kong aklat.
Matagal ko na siyang kaibigan, noong nag-transfer ako dito sa probinsiya ng Marinduque ay siya na kaagad ang una kong nakapalagayan ng loob kahit pa kabaliktaran siya ng ugali ko na tahimik lang at mahiyain, dahil ubod siya ng daldal at hindi nauubusan ng kuwento, pero mabait naman siya at maalalahanin.
Siya rin ang nagtuturo sa akin ng mga bagay na hindi ko pa alam dito sa probinsya lalo na sa dialect nila.
Hinihila niya ang manggas ng suot kong uniform at hindi talaga ako tinitigilan hanggat hindi ko siya pinapansin.
"Ano ka ba Zandy kaya lang nandiyan sila sa labas ay dahil may klase sila sa kabilang classroom." sagot ko sa pangungulit niya habang nakatingin pa rin sa aklat na binabasa ko.
"Sus! Nag-aabang ng klase eh mamaya pang ala una ang time ng afternoon class natin pero araw-araw ay lagi siyang nakaabang d'yan sa labas para makasilay sa'yo." kinikilig at pang-aasar ni Zandy.
"Hayaan mo nga siya sa buhay niya sa kung ano ang gusto niyang gawin." naiinis kong sagot. "Kahit mag-pacute pa siya hindi ko siya papansinin dahil ayokong magpaligaw at alam mo iyan Zandy." dagdag ko pa.
Biglang inagaw ni Zandy ang aklat na hawak ko.
"Hep hep hep! Mag-pacute? Meaning cute siya sa paningin mo? Sabi na eh, kunwari ka pa eh, cute ang tingin mo kay kuya."
Tumingin ako sa kanya at tinaasan ko ng kilay. "May sinabi ba akong cute siya?"
Pinagtawanan lang ako ng mabait kong bestfriend. Tumawa pa talaga muna siya bago magsalita.
"Wala! Hindi direct to the point pero sa laman ng sinabi mo nacucute-tan ka sa kanya. Aminin mo na, namumula ka na oh." pinisil pisil pa niya ang pisngi ko habang nagsasalita.
Inagaw kong muli ang aklat. "Tumigil ka na nga at huwag ako ang pagtripan mo." iwas ko sa pang-aasar niya dahil pakiramdam ko namumula na nga ako. Hindi kasi ako sanay or should I say na ayoko ng inaasar ako at tinutukso sa mga lalaki.
"May assignment ka na ba sa English?" pag-iiba ko ng topic para tigilan na niya ako.
"Naku! lagot, wala pa besh pahiram ako ng notes mo." natataranta niyang sagot at kinuha na ang notebook ko na nakapatong sa desk at nagpakaabala na sa pagkopya ng assignment.
Naiiling na lang ako na natatawa sa kaibigan ko.
Kung ano-ano kasi ang inuuna.
Habang abala siya sa pagsusulat ay napasulyap ako sa labas at nakita ko nga si Jasper na nakatingin nga sa akin at nakangiti pa.
Hindi ko siya sinuklian ng ngiti dahil nahihiya ako at nagbasa na lang ulit ng librong hawak ko.
Nagsimula na ang klase namin pero hindi maalis sa utak ko si Jasper.
Nakakainis lang dahil ang mga ngiti niya kanina ay nakikita ko pa rin sa isip ko.
Muntik tuloy akong hindi makasagot nang bigla akong tawagin ng guro namin.
Hindi ito maaari.
Distraction lang siya.
Aminin ko na crush ko naman siya.
Gwapo siya at matangkad.
Kahawig nga niya si Piolo Pascual eh.
Hindi ko lang masabi sa kaibigan ko dahil hindi ako tatantanan ng isang iyon.
Pero ayokong makipagligawan dahil lang sa crush ko siya.
Aral muna bago ang makipag-nobyo.
Hanggat maaga ay kailangan kong patayin ang damdamin ko sa kanya.
Kaya tuwing 12:30 ng hapon at kapag alam kong nakatambay na naman sila sa tapat ng classroom namin ay nagpapakaabala ako at hindi ko siya tinitingnan.
Hanggat maari talaga ay umiiwas ako hanggang sa kaya kong umiwas.
Pero sabi nga nila kung sino pa ang iniiwasan mo ay siya pang makikita mo dahil isang hapon habang naghihintay kami ng uwian at nakatambay kami sa study area na malapit sa canteen ay biglang lumapit ang grupo nila Jasper.
"Hi Cassey." bati niya agad habang nakangiti.
Nakatingin lang ako sa kanya dahil nakita ko na naman ang mga ngiti niya na sa paningin ko ay lalo siyang nagiging gwapo.
"Hoy girl 'Hi' daw sabi ni Jasper." paggising sa akin ni Zandy sa malalim na pag-isip ko habang nakatingin lang kay Jasper.
"Sana ay hindi niya napansing nakatitig pala ako sa kanya." bulong ko sa sarili ko.
"Ah eh hi r-rin po." nauutal ko tuloy na bati rin sa kanya. "kainis talaga 'tong kaibigan ko."
"Pwedeng patambay rin habang naghihintay ng uwian?" pagpapaalam niya at kahit hindi pa ako sumasagot ng oo ay umupo na siya sa upuan sa tapat ko.
"Oo kuya okay lang." mabilis na sagot ng kaibigan ko na halatang kinikilig. Mabilis ko siyang pinandilatan ng mata na sana ay ma-gets niya ang sinasabi ng mga tingin ko na tumigil siya sa pag-entertain kay Jasper.
Kaso lalo pa atang nang-aasar itong bestfriend ko dahil imbis na tumigil ay tumabi siya kay Jasper. Kahit pandilatan ko pala siya ng mata ay walang epekto.
"Brad, punta muna kami sa canteen nagpapatulong sila Ma'am na maglinis doon." narinig kong sabi ng mga kaibigan niya.
"Sige Brad, mauna na kayo umuwi mamaya," sabi niya at biglang tumingin sa akin. "May ihahatid pa kasi ako."
Napaiwas ako ng tingin nang magtama ang mga mata namin.
"Ang bilis mo kuya. Ihahatid? bakit tingin mo magpapahatid ako? Hmmm teka baka nag- aassume lang ako na ako 'yong tinutukoy niyang ihahatid. Tumigil ka nga sa pagpapantasya Cassey." bulong ko sa sarili ko at narinig ko si Zandy na nagtanong kay Jasper kung sino ang ihahatid niya pauwi.
"Cassey pwede bang sumabay sa'yo pauwi? At pwede ba kitang ihatid sa inyo?"
Nagkunwari ako na hindi ko siya narinig. Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihing ayoko dahil baka maging mataray naman ang dating ko.
Lumapit sa akin si Zandy. "Cassey? Hoy?" siniko niya ako sa braso dahil ang tagal kong hindi makasagot sa tanong ni Jasper.
"Oo kuya pwedeng-pwede." si Zandy na ang sumagot kay Jasper kaya pinagmulatan ko na naman siya ng mata at nasiko rin. Tiningnan lang ako ng baliw kong bestfriend at nakakaloko ang ngiti niya.
Tumingin na ako kay Jasper at pumili ako ng mga saitang bibitiwan ko na hindi makakasakit sa kanya. "Sorry Jasper may kasabay na ako pauwi."
tumayo na ako at hinila na si Zandy para umalis dahil baka kung saan pa mapunta ang usapan.
Bago kami tuluyang umalis ni Zandy ay muli akong tumingin sa kanya.
"Ah, Jasper, tatapatin na kita ha, hindi ako makikipagligawan. Priority ko kasi ang pag-aaral ko. At napakabata ko pa para makipagligawan sa iyo. Sige aalis na kami ni Zandy." matapang kong pambabasted sa kanya kahit na alam kong masakit iyon para sa kanya. Hindi ko na hinintay na magsalita pa siya at umalis na kami agad.
Nang nakalayo na kami sa kanya ay biglang tumigil sa paglalakad si Zandy at humarap sa akin. "Bestfriend naman, bakit mo naman ni-reject kaagad si Jasper, ang gwapo pa naman niya."
"Alam mo naman kung ano ang policy ko diba."
"Hay naku bestfriend, no more questions na nga, support na lang kita sa policy mo dahil baka iyan ang ikaunlad ng ekonomiya." umakbay sa akin si Zandy at naglakad na ulit kami palabas ng gate.
Kailangan kong gawin na i-reject si Jasper dahil kahit crush ko siya ay hindi ko naman siya gusto.
Ang gulo diba? Crush pero hindi gusto.
Crush kasi cute siya, gwapo siya, tisoy at gaya nga ng sabi ko na kamukha niya si Piolo pero hindi ko siya gusto dahil sa bali-balita ko na maloko siyang tao.
Third year student na siya at second year pa lang ako kaya napakabata ko pa para makipagligawan.
"Aral muna at no boyfriend policy. Period!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro