foreword
Hindi ako marunong magtagalog.
Totoo iyon. Kung anong pagkabihasang meron ako sa wikang Ingles, iyon naman ang pagkabobo ko sa sarili kong wika. Nakakahiya pero ganun talaga.
Kaya naman lagi kong punto sa sarili ko na dapat ay meron akong mga proyekto sa pagsusulat na mapipilitan akong gamitin at hasahin pa ang aking kakayahan sa pagsasalita ng wikang Tagalog.
Maaaring pansinin na ang sabi ko ay Tagalog at hindi Pilipino. Hindi ako marunong ng Pilipino dahil ito ay isang kalipunan ng lahat ng mga diyalekto sa buong bansa. Ang tanging sinasalita ko lamang ay Tagalog, isang diyalekto sa pinakamalaking isla sa aming bansa.
Kung nasaan ka man sa mundong ito at natagpuan mo ang sarili mo sa koleksyong ito, nawa'y mapuno ng giliw ang iyong kaluluwa sa mga kwentong binuo ng aking isipan sa loob ng ilang madidilim na gabi.
Ang mga tulang nakapaloob dito ay ilan sa mga tulang isinalin ko mula sa Ingles, ang iba ay nakatumpok sa isa pang koleksyong pinamagatang Stories of the Undaunted sa ilalim ng Cream Caramel Poetry Series. Ngunit, sa paglagom natin sa seryeng panulaang ito, makakakita kayo ng mas maraming purong Tagalog na tula at hindi lang mga salin.
Ito ang kalbaryong itinalaga ko sa aking sarili. Nawa'y hindi lang ang aking kakayahan sa sarili kong wika ang magawa ng seryeng panulaan na ito. Nawa'y makita mo rin ang iyong sarili sa mga kwentong aking ibabahagi.
Maraming salamat sa pagpindot sa koleksyong ito. Nawa'y magkakasama tayo hanggang dulo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro