Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

9 | hawak kamay, hawak puso

Kamay, sila ang kumakalinga sayo
Puso, ito ang nagsasabi kung ano ang totoo
Ang lahat ba ng ito'y isa lamang ilusyon
Ito na kaya ang posibleng solusyon?
Imposibleng mapalapit sa isang pusong tahimik
Dahil posibleng mabasag at dapuan ng saltik
Ang katotohanan ay laging maasahan
At ako'y hati sa aking pinanggalingan
Ako ba'y dapat manatili kung ako'y nasaan
At danasin ang lahat ng paratang
O tumakbo sa landas patungong bukas
At kalimutan ang lahat ng nakalipas?
Ang pagpili ay nagmula sa tinatawag na konsensya
At ang pagpili na ito'y may kalakip na halaga
Dahil ito ay isang kwentong marapat na ipagpatuloy
Kasabay nito'y isang bangungot na dapat hayaan sa daloy
Lahat ng bagay ay pawang nakakatakot
Gising ang isipan at ang kapayapaan ay nasangkot
Kahit na dinakip ang nasugatan mong damdamin
At natutunang tanggapin ang dapat aminin
Kung hindi nararapat ang ginawang pagsagip
Ako'y susulong sa kamatayan, kahit ano pa ang ipanghalip

Kamatayan ang pangalang aking aangkinin
Sa aking puntod, pangako'y nanaisin
Nanumpa na ako'y iyong ipaghihiganti
Ano ba ang nagtulak sa'yo, ano ang sanhi?
Bakit dapat mong gunawin ang mga imperyo pa sa akin
Katotohanan pa ba ang buhay na dapat sirain?
Alam kong ako'y walang nagawang sala
Pero alam kong ang langit ang may pasya
Ako'y itinakda na maging kaisa-isa mong sinta
At iyon ay aking pipilitin, tayo'y mabubuhay nang malaya
Magkasama habang buhay, sinong dinadaya ko?
Umasa ako sa wala, hanggang maglaho ang pangako
At kung gugustuhin ko pang mamalagi
Ano pa ang dapat gawin para hindi mamali
Maganda bang pagmasdan habang ika'y winawasak
Dahil unti-unti, ang puso mo'y kamay ko ang humahawak
At ito ang pag-ibig, di ba? Hindi ko lang alam kung kailan nagsimula
Akala ko noo'y hindi maari dahil tayo'y paghihiwalayin ng tadhana
Wala akong ginawa para maparusahan nang ganito
Ang tanging nagawa ko lang ay ang mahalin ka nang walang dulo
Ito ang kapangyarihan ng isang bagay na misteryoso
At ito'y pag-ibig diba? Pasensya, dapat hindi ako ang sumalo

At ito'y talagang nakakalito
Alam kong hindi na ako kayang unawain ng tao
Nakita kong itong pangyayari'y hindi mailibak
At ito'y pag-ibig, diba? Pag di mo na alam ang landas na tinatahak
Kayang-kaya kong tumakbo nang tumakbo
Kayang-kaya kong sa palang ay ako'y susuko
Pero takot akong makita kang ligaw at sawi
At ito'y pag-ibig, diba? Kahit ayoko na, sa'yo parin ako uuwi
Maraming bagay ang nakapalibot sa atin
Pero hindi natin pansin dahil ala-ala'y ating buburahin
Ngunit ang mga ala-ala'y nabasag at ako'y bumalik
Sa lugar ng mga nasirang pangako, ako'y nakapihit
Kumatok, nagdabog, ginawa ang lahat
Walang naitulongg kaya sa pag-asa'y walang nasalat
Naalala ko kung paano tayo nagsama't nabuhay
Hindi tayo aalis, tan ang pangakong binigay
Ngunit ako pa ang naunang buasag
At naging isang delubyong sa ati'y lalaspag
Alam kong kahit anong paghingi ng tawad na sapat
Hindi ko na kayang ayusin, hindi na kayang magtapat
HIndi ko na kayang umasang ako'y patatawarin mo
Wala rin akong masabing mawawala ang lungkot ko

Ang kwento ay dapat tumuloy
Dahil ang lahat ng ito'y ayon sa daloy
Mabuti nang ako'y iyong malimutan at mabura sa ala-ala
At mabuti rin na ika'y kalimutan para ako'y sumaya
Ito lang ba ang paraan para ang ligaya ay dumampi?
Kalimutan? Akala nila'y ito'y napakadali
Hindi pa ako tapos, ako'y maghihiganti
Babalik ako kahit hindi na ako ang pinili
Pero, natigilan ako nang ika'y makita
Dahil alam kong ang paglaban ay wala nang kwenta
Kamatayan ang pangakong ari ng madla
Ang tanging magagawa lang natin sa isa't-isa'y magpanggap
Pinilit nating magsama, kahit ligaya'y hinahanap
Dahil alam nating hindi na maaari
Kasi ako'y wala na, at ang nakaraan ay di na babalik
At ito'y pag-ibig, diba? Ang pakawalan na kahit anong sakit pa
Kahit magdusa, hintayin ang pangakong ligaya
Ang pag-ibig ang pinakamasakit na damdamin
At ang hapdi na dulot nito'y maganda sa aking paningin
At ito'y pagpapaalam sa isang pusong minahal
Hindi ko parin naiintindihan ang halaga ng pangako't dasal
Ngunit alam kong ako'y may ala-alang iiwan sa'yo
Na kahit magkalayo, tayo'y hawak kamay at hawak puso

Ito ay ang salin ng tulang Holding Hands, Holding Hearts. Wala na rin naman akong ibang masabi kundi mahaba siya. haha.

Ikaw, ano ang masasabi mo sa tulang ito? Magcomment sa baba. :)


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro