Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

7 | pangarap

Ang daang patungong kung saan ay malagim
Ang ito'y kilalanin ay isang chansang madilim
Kadiliman ang tinatawag nating ilaw
Kahit ang lahat ay mali at mapanglaw
Ako ay nawala at hindi na nakita
At ako ay naloko, habang buhay na dito'y nakatakda
Walang kaalaman kung bakit ako'y naririto
Ni isang ideya lung ano ang meron sa tao ay wala ako
At ako'y kinondena sa paghihirap
Ngunit, alam ko kung hanggang saan nakakalap
Ako'y nagsimula at patuloy na umaasa
Kung paano kumapit sa patalim, ako'y nagpakasasa
At ang mapalaya sa malagim at hindi malingap
Ang mga kaluluwang ligaw ay nagsisimulang mangarap

Ang makakita muli ng sinag ng araw
Ay dapat na pangarap ng isang mayayaw
Sa kagandahan, sila ay nakakaangat
Dahil hindi nakakasagip ng kagandahan ang lahat
Itong literal na kawalan ng ganda
Ito ang nagsasabi kung ano ang mali at tama
Kung ganito rin naman ay manatili nang talaga
Pero nang makita ang ilaw ay gusto ko na sa kabila
At ako'y nagsimulang maakit at maghangad
Ako'y umasa sa mga bagay na hindi kayang ilahad
Nagumpisang lumawig ang kagustuhan sa lugar na malayo
At nais iwan ang lugar na kung saa'y tadhana'y nakapako
Subalit ito'y isang panaginip na kailanma'y hindi mahahanap
Dahil ang mga ligaw na kaluluwa lang ang pwedeng ganitong mangarap

At noo'y ako'y maligaya pa, ako'y bigo
Noong matalo sa laban, nang matapos ang laro
Patuloy na nananalangin na dinggin ang hiling
Hanggang bumigay ang langit at ako'y sundin
Pero lahat ay nagtapos nang tayo'y pinuwersa
Tumalon sa bangin upang ang parusa ay mabura
Naglayas at itinapon ang buhay sa kalsada
Ngunit tayo'y nauwi sa lugar na hindi maganda
Tayo'y nilibak at maya-maya'y pinatay
Bawat patak ng ating dugo ay nasa kanilang kamay
At ang kadiliman ang siyang bumalot ng tuluyan
Hanggang sa wala nang mapuntahan at burado ang kasalukuyan
Tayo'y nawala na parang bula sa isang kisap
Isa pang pagkakataon, ito ang aking pangarap

Dito sa lugar na ito, tayo'y lalangoy sa kalungkutan
Sa pagsisisi at mga mali sa nakaraan
Umiiyak, nananaghoy habang ang bungang kasakitan
Ano? Ano ang mapapala sa kinahinatnan?
At tayo'y wala na sa balat at muka ng lupa
Ating mga kaluluwa'y naligaw at masama ang napala
Ano pa ba ang dapat ibigay para mabuhay na muli?
Ala-ala? Hinanakit? Ano pa ang dapat isauli?
Nanalangin, umasa, nagkasala't nagkamali
Maraming pasakit ang buhay, ang lahat ay masasawi
Kung buhay na ang nakataya, saan pa pupunta?
Saan mamamalagi't ngayong lahat ay natapos na?
Ano ang mangyayari kung plano ng tadhana'y iba
Kung lahat ay bigo at ang lahat ay basura
Pero pipilitin ko, kahit pagmulan ng sanlibong hirap
Ang makita kang muli—iyan lang aking pangarap

Ito ay isang salin ng tulang A Lost Soul's Dream. Pero, masyado kasing mahaba kapag sinalin ko pa yung title sa tagalog kaya naging Pangarap na lang siya. haha.

Wala naman na akong ibang masasabi tungkol dito. Lol.

Ikaw, anong masasabi mo? Magcomment sa baba. :)


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro