Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

6 | ang huling pagngiti

Sa ilalim ng mga bituing maliwanag at madilim
Mawawala lahat ng pinatunayang malagim
At ang mga bituing ngayo'y kumukutitap
Ang siyang magtatagpo sa mga bagay na hinahanap
Ako ang puno't-dulo ng kasiyahan
Ngunit isang paghihirap ang aking naranasan
Ang tao'y malayang lumalakad sa daang ginto't puti
At ngayo'y aalalahanin ang aking huling pagngiti

Ang mga panahon ay dadapo't lilipas
Maghihintay ng pagkakataong makalaya't makaalpas
Sa isang kibit-balikat at patuloy na pag-iwas
Ako'y nahulog at di na inaasahang makakalagpas
At ang muka mo ang nasa aking isip
Umaga, tanghali, gabi, kahit sa aking panaginip
Tayo'y bigo, sugatan at sawi
At tayo'y saksi sa aking huling pagngiti

Sa simula'y bahagya, ngunit ngayo'y bumukadkad
Pag-ibig na kaya, simulan nating lumakad
Kung ang patuloy na pagkahulog ang ating magagawa
Ano pa't baguhin ang nakaraan at sa langit ipaubaya?
Ang pinakamabilis na gawin ay ang mangarap
Hanggang sa dulo ng ating buhay na puno ng hirap
At ngayo'y tayo'y pinagtagpo't pinagsamang lagi
Halina't alamin ang dahilan ng aking huling pagngiti

Dahil nong nakita't ginawa?
Pangako't natapos, pag-ibig ay nawala
Ano pa ang makakabasag sa taong tinakasan?
Ano pa nga ba, kundi ang pusong sinugatan
Ang landas ay natatapos, ang tadhana'y lumilipas
Kahit pa ang malagim na buwan ay walang magagawa
Sa isang taong lumayas at sa pusong sumuko na
Kahit na may pangakong hindi iiwan sa madilim na gabi
Pero nasaan ako nang matunghayan ang aking huling pagngiti?

Gaya ng kwento ng English version nung tulang ito, sinulat ko ang salin na ito nang mapagdesisyunan kong i-publish ang mga tula kong naipon sa Wattpad. Hindi naging maganda dahil nakapublish ito sa aking main account. Nang magsimula akong magpublish ng mga works mula sa aking main Fantasy series, napagtanto kong marami palang magiging works yung universe na iyon.

Kaya tinanggal ko ang mga poetry compilations ko sa account na yun, kasama na ang predecessor nito. Ngayon ko lang ulit naayos at ngayon, nalagyan ko na ng maayos na direksyon ang mga tulang ginagawa ko.

Ikaw, anong masasabi mo sa tulang ito? Magcomment sa baba. :)


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro