5 | sa lawa
Parang hanging ligaw, ikaw aking mahal
Magandang sining sa langit, pumapanglaw
Katok mo sa buhangin ay hindi rinig
Pano pa kaya kung uhaw sa pag-ibig?
Ikaw na naglalakbay sa isipan ko
Isang libong taong naghintay, bakit ba?
Di mapawi ang saya sa aking puso
Sa'n ang pagkikita, mahal? Sa lawa
Madilim na liwanag ang sinisindi
Magdamagang saya, labis luwalhati
Masaya ang damdamin ng pusong wagi
Isinilang ang pag-ibig na di wari
Sa lawa ay kung saan tayo'y masaya
Kung saan nangyari ang lahat, meron pa?
Pinasaya, iniwan at pinaasa
Saan? Doon din, mahal ko, sa lawa
Sinulat ko rin ito para sa isang activity sa parehong subject sa Filipino noong Grade 9. Pareho lang din ng guro. Siguro eh wala nang maipagawa. Haha.
Nakalimutan ko na rin kung anong specific na pinapagawa dito pero basta pinagpasa kami. Kaya ayon.
Anong masasabi mo sa tulang ito? Mag-comment sa baba. :)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro