Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

4 | 'wag pa sana

Unang sulyap mula sa kasalukuyan
Isang araw galing sa ating nagdaan
Aking mahal, bakit ka kaya naiwan
Sa mundong hindi mo kayang lisanin man?

Bakit, bakit mo nga ba ako nilisan?
Nang tayo'y magsama, parang walang hanggan
Ika'y isang hamak na tao lang naman
Upang maging akin magpakailanman

Pangakong pinutol, di na makikita
Halik na kay tamis, tila ngang nawala
Huling sandali na may hininga pa
O Diyos ko! Wag pang kunin ang buhay niya

Aking engkantadang minahal ng tunay
Hanggang kailan lang ba magkakahiwalay?
Hiling ko'y wag iwan, lalaki mong minahal
Anong magagawa't ang puso'y tinangay?

Ito ay ang revised version ng tulang may katulad na pamagat na makikita sa koleksyong When Will My Flowers Bloom na nakapailalim sa Quondam Poetry Series.

Wala naman akong masayadong binago kundi yung final line kasi di ako mapakali na meron akong inulit na tugma. Dumating lamang sa akin ang ideya para sa huling linya ay noong nasa Grade 10 na ako. Grade 7 ako nang isinulat ko ito.

Anong masasabi mo sa tulang ito? Mag-comment sa baba. :)


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro