3 | prinsesa ng araw
Tumingin, lumingon, hinanap nang hinanap
Kung saan-saan pumunta, kung saan hinagilap
Pag-ibig na tila magpapapsaya sa buhay na mailap
Hanggang makita ang iyong mukang sa aki'y nakaharap
Wala nga bang habangbuhay, hindi ko alam
Pero bakit pag sa'yo, damdamin ay di maparam?
Ikaw na sinasabing prinsesa ng araw
Malabong makuha dahil sobra ang linaw
Gintong hibla ng iyong buhok ay liwanag sa dilim
Nagsisilbing ilaw sa malapit na takipsilim
Ngiti mo'y parang kasiyahan sa malungkot na buhay
Ulap ay kumakanta pag sayo'y sumilay
Sa isang libong taong nagdusa sa pag-ibig
Tumingin ng buong asa, inayos ang tindig
Pero sa iyong mata'y tila puno ng kalungkutan
Tinalikuran, pag-ibig na taglay, sinubukang kalimutan
Ito ay para sa isang activity para sa FIlipino subject namin noong Grade 9 ako. Naaalala ko na ang sabi sa amin ng guro na magsulat daw kami ng tula na may lalabindalawahing sukat at nagtatampok ng mga halimbawa ng mga tayutay. Isa ito sa mga tulang pinaggugulan ko ng mahaba-habang panahon.
Ikaw, anong masasabi mo? Mag-comment sa baba. :)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro