2 | naghihintay
Para bang umaasang bumagyo sa daan
Para bang naghihintay na problema'y solusyunan
Umaasa sa bagay na hindi totoo
Baka ito'y isang bagay na papalya sa plano
Kunin ang isang bagay na imposible
Naghahanap ng datos na pawang 'di simple
Naghahanap, umaasa sa bagay na Pag-Ibig ang ngalan
Ano ngayon ang kung hindi ito makamtan?
At tayo'y matiyagang naghihintay
Kung sakaling Pag-Ibig ay sumablay
Ika'y umaasa at ako ay nangagarap
Kung kelan tayo'y dapat naghihintay, anong nalasap?
Tumalikod at tayo'y magkikita
Tumingin sa likod, ano ang mapapala
Tumingala, ano ang mahahanap
Subuking lumigid, baka mawala sa isang kisap
Humahanap ng bagay na kukumpleto sa atin
At tayo'y nahulog sa lugar na di kayang abutin
At ito ay Pag-Ibig na parang bituin sa langit
Lumuluningning, sumisikat na parang pasakit
At tayo'y nasa ating piling
Humuhiling na ang oras ay tumigil
Pero hindi na maaari
Ika'y nawala, saan kaya namalagi?
Noong huling gabi ika'y nakausap
Lumingon sa akin, ang sagot, hinahanap
Tumingin sa akin gaya ng gabing madilim
At sana'y walang kasinungalingan, aking hiling
At ika'y ngumiti, ang mata'y nagniningning
Sa akin, ang puso mo'y nangingitim
Ikaw na ginawa akong parang tanga
Pero ganun ka rin, kahit saglitan lang pala
Humingi ng tawad, malambot at pasuyo
Eto ako, umaasang hindi ka lalayo
Pero, unti-unting nawalan ng pag-asa ng ika'y tumakbo
Ako'y naiwan sa landas, nakatulala sa likod mo
Sinabi mong ako'y maghintay lang
Na patuloy gampanan ang iyong pagkukulang
Araw-araw, pinayuhang patuloy na umaasa
Pero, anong gagawin kung ako ngayo'y nag-iisa?
Tumingala ako, at nakitang payag ang langit
At naramdaman kong hindi ka para sa akin
Ngayon ko lang nalaman na hindi tayo para sa isa't-isa
At hindi tayo para sa ating dalawa
Dahil ang kontrata ay madaling mawala
Lahat ng karanasan, lahat ng ala-ala
At ikaw ngayon ay nasa malayo at sawi
At ako'y narito, naghihintay sayong umuwi
Ito ay ang salin ng tulang Waiting. Nakita kong naging mas direkta ang kahulugan ng tulang ito dahil kung babasahin mo yung English version, ay halos hindi mo maintindihan ang mga symbolisms. Pero ito, direkta.
Hindi ko alam kung maganda ba iyon.
Ikaw? Anong masasabi mo sa tulang ito? Mag-comment sa baba. :)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro