Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

18 | kalungkutan

Kung ang lahat ng bagay ay magwawakas
Paano na kung ito'y sa akin nakabakas
Kung sakaling makakita ng saglit na kasiyahan
Ako ba'y dapat matalo ng alalahani't kahihiyan?
Tayo'y namuhay nang payapa't masaya
Minahal ang isa't-isa nang walang paubaya
Tinupad lahat ng mga pangako at nagpakatotoo
Ginawa ang lahat para ang pag-ibig ay maitodo
Tayo'y dalawang taong nagmahal nang saglit
Pero bakit ang wakas ay sadyang nagpupumilit
At kung ang lahat ay matatapos ng bigo at tuluyan
Tiyak na walang makakatakas sa sinasabi nilang 'kalungkutan'

Tayo'y naniwala na ang habang-buhay ay totoo
Nawawala ba ang ating pag-ibig sa ating puso?
Pwede itong magbago, pero pinili nating sumaya
Masama ba ito, ang maghangad na lumigaya?
Dapat bang gawing kasinungalingan ang kasiyahan
Anong mangyayari't ang pag-ibig ay hindi makatotohanan?
Hinahanap ang lahat sa muka ng realidad
Hanggang sa kamatayan, ang katinua'y sagad
Paano ba wawakasan ang walang tigil na poot
Sa pagkabigo? O ang sa aki'y pagtalikod?
Sana ito'y natapos nang maganda at ganapan
Kung alam lang natin na mayroon palang kalungkutan

Tayo'y dalawang daang nagsama't naghiwalay
At tayo'y umabot sa isa't-isa, sa tadhana'y lumalaban
Dapat bang nag-alsa hanggang kamatayan
Tayo ba'y dapa umasang kapatawaran ay maibibigay?
Walang pakundangan tayo'y nagbulagbulagang bahagya
Dahil tayo'y sa atin, at tayo'y malaya
At tayo'y nahulog sa ilalim ng paghihirap
Nasunog sa impyerno ng buhay, katinua'y hinahanap
Lumilibot kung saan, nasira ang kaisipan
Hanggang sa magkita pa rin tayong magkasintahan
Tumingin sa mga mata, hinahanap ang pinagsamahan
Kung saan wala pa ang sinasabing kalungkutan

At tayo'y nabigong makita
Na ang ating pag-ibig ay tuluyang nawala
Tayo'y naglaho at hindi na natagpuan
Hanggang maging abo, ang buha'y napag-iwanan
Tumakas sa katangahan, iwanan ang ligaya
Hanapin ang nakabaong na ala-ala sa dagat ng luha
Dapat bang tayo'y patay na at lunod sa malungkot na tula
Ngunit tayo'y bulag sa pag-ibig na hindi na kinaya
Kung tayo'y nagkita at ako'y namukaan
Wag sanang manibago't mga mata'y wag takpan
Ang ating pag-ibig ay lubusin, magpakasaya nang tuluyan
Pero sa likod ng telon, tayo'y puno ng kalungkutan

Salin ng tulang may pamagat na Melancholy. Wala lang. Natuwa lang ako kasi magaling pala akong magtagalog. haha.

Ikaw, anong masasabi mo sa tulang ito? Magcomment sa baba. :)


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro