17 | pinaghiwalay
Ang araw sa ating muka ay nakakasilaw
Pero tayo'y lumigoy, sinubukang laliman ang tanaw
Pinaghiwalay, ngunit muling pinagtagpo
Ako'y nakalimot na, pinatawad mga kasalanan mo
Tayo'y naliwanagan kahit ito'y saglitan lang
Lahat ay naglaho, nakatagpo ng kapayapaan
Hinanap kita sa suluk-sulok ng mundo
Hanggang sa ika'y matagpuan, ika'y nakatagpo
Ika'y lugmok sa lungkot noon
Ngunit kaya kitang pasayahin sa isang tugon
Kaya kitang patawanin at makalimutan ang lahat
Pero ito'y noon pa, dahil mga ala-ala'y inalis sa balat
Iningatan kita
Binibigay ang lahat, kahit ako'y nahihirapan na
Kinulit mo ako hanggang sa ako'y bumigay
Ako'y iyong nabihag, kaya nama'y lahat ay binigay
Noon ay kwinentuhan mo ako ng mga problema
Nginitian lang kita at sinabing ako na ang bahala
Pinilit mo ang gusto mo ang masunod
At pinagbigyan kita, dahil ang pagmamahal ko'y lugod
Ikaw ay napakaganda
Ikaw lang ang iningatan at wala nang iba
Nanatili ako, kahit sakit na ang bunga
Ginawa ang lahat para sayo, kahit nawalan na ng pasensya
Pero, ika'y nagliwaliw at hindi na kita makita
Kalauna'y natagpuan ka na sa basura, karikita'y nabura
Minahal kita, tinuring kang parang akin
Binigyan ng bagay na mas mahalaga sa gintong mamahalin
Sana'y nanatili ka na lang
Pero, ang loob mo'y sobrang tapang
Hindi kita maintindihan
Kung bakit hinihilinh mong hindi ka na sansa isinilang
Ako na lang ang dapat pumirmi
Kahit hindi mo kaya, ako na lang uli
Ako na lang ang magmamahal nang lubusan
Ako na lang ang pumiling paulit-ulit na masaktan
Ano ang dahilan kung bakit ka tumalikod?
Kadamutan? Kayabangan o di kaya'y hiya sa pagkakatisod?
Ikaw ang pinakamaganda sa lahat nang nalikha
Pero anong nangyari ngayong ika'y nagwala
Tayo ba'y dapat maghintay kahit tayo'y pinahiwalay?
Dapat bang linisin ang budhi at kalimutan ang away?
Ako ba'y dapat lumakad palayo at ika'y talikuran
Ang hindi na ako muling makita, iyon ba ang kagustuhan?
Nagtatanong ako, pero wala kang kasagutan
Ganoon ba ang senyas na tapusin na ang laban?
Papatunayan ko bang ang pag-ibig ko'y wagas at tunay
O ibabaon ko na lang ito't sa puso't pilit ilalagay?
Salin ng tulang Separated. Medyo eh. Haha. Kahit yung English nito ay medyo eh din. lol.
Ikaw, anong masasabi mo sa tulang ito? Magcomment sa baba. :)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro