15 | mga bulaklak noong tagsibol
Sa mahabang panahon ay nagbago ang lahat
Sa malawak na landas, tanging anino ang buhat
Alam na lam natin ang muka ng trahedya
Ngunit sobra kaya sa ati'y nakasira
Ano ang 'malas' sa muka ng kamatayan?
Ano ang 'buhay' para sa taong walang malapitan?
Sa mahabang panahon, tayo'y muling nahirap
Sa malawak na landas, wala tayong nahanap
Alam na alam natin na tayo'y walang pakinabang
Ngunit sobra, kaya kabataa'y sinayang
Tayo'y bata-bata pa noong araw
Nang wala pang iniisp kundi ang parang at mga ilaw
Naglalambingan sa buhangin sa karagatan
Binabato ng piso ang balon sa kailaliman
Ano ba ang nagtakda na tayo'y magkita?
Pag-ibig? Pasakit? Mga emosyong kinahon na?
Sa mahabang panahon, hinangad nating lumaya
Sa malawak na landas, humiling na may makakita
Alam na alam natin ang lahat ay gawa-gawa
Ngunit sobra, dahil iniisip nating ito'y totoo na
Dahil nga ba tayo'y mga bulaklak noong tagsibol
Namumukadkad habang ang panahon ay di masahol
Nagbabago ang lahat, kahit ang panahon
Ano pang mabuti ang maidudulot ng hindi pag-ahon
Tayo'y naghanap ng kukumpleto, ngunit mga piraso lang pala ang napala
Sa mahabang panahon, tayo'y walang nakita
Sa malawak na landas, kung saan napunta
Alam na alam natin na ang pag-ibig ay humahabol
Ngunit sobra, dahil tayo'y mga bulaklak nong tagsibol
Natatandaan ko pa kung paano ko ginoogle yung tagalog ng "Spring" dahil ito ay salin ng tulang may pamagat na Flowers in Spring. Isa ito sa mga hindi tapos na tula dahil wala na akong masabi. haha.
Ikaw, anong intindi mo sa tulang ito? Mag-comment sa baba. :)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro