Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

14 | huli na

Huli na
Siguro dapat ay sabihin kung ano ang nadarama
Mahirap sikaping pasayahin lahat ng kaluluwa
Ngunit, kahit isa ay di ko nakuha
Ano pa? Ano pang dapat gawin para may mahita?
Anong kalokohan pa, para lang makita?
Mga mukang pumarito't pumaroon
Naglalahong ngiti at maingay na tugon
Hinihintay ang pagsigaw na kinikimkim
Umaasang mga tali ng relasyon ay di malagim
Ako'y narito ika'y nasaan
HInahanap sa himpapawid, kung saan iniwasan
Noon, akala ko'y tayo na
Mga ngiting kay tamis, pag-ibig na kaya?
Oo nga, ito na nga
Humihiling nang kasagutan sa madla
Pero, tadhana'y mapagbrio
At tayo'y nagkahiwalay, sawi at bigo
Kahit tayo'y walang nagawa
Tayo'y pinagbayad kahit lamang ito'y simula

Tayo na't lumayas at lumipad
Ngunit ika'y isang ibong sa kulunga'y napadpad
Noon, ika'y malaya, wala kang masabi
Ngayong ika'y sinelda, kalungkuta'y nagwagi
Huli na
Ika'y nawala nang madalian
Sana'y nanatili na lang at umani ng kasiyahan
Ngayo'y nakakita ka ng iba
Ika'y doon sumama at ako'y tinabi sa ala-ala
Nagsinungaling, nagpanggap
At huli na, nang malamang ito'y kay hirap
Sinubukang ayusin, sinubukang magbago
Pero ika'y sumuko, kaya laht ay naglaho
Dati-rati'y ang puso mo'y umaapaw sa kaligayahan
Ngayon? Ito'y basag na, mga piraso'y naglalarantaran
Pero huli na
Dahil sana'y tayo ay para sa isa't-isa
Ngunit, ika'y lumayo at naghanap nang iba
Kaya ako'y naiwan lugmok ang kaluluwa

Sana'y tumawa ka na lang
Sana'y ako'y nagpatawad nang tuluyan
Pero nang mga puso'y tumigas, pag-ibig ay naging biro
Lahat ay walang kabuluhan, matutunaw ang abo
Ako'y naghuhukay ng sarili kong bangin
Tinatalian ang sarili't nagpapadala sa hangin
Sinusuotan ng lubid ang ulo
Kung ano ang kinakausap, paningi'y lumalabo
Nagsasayang ng oras, habang ang lahat ay umaandar
Walang maipaglalabanm walang maipupundar
Huli na
Sana'y umuwi ka na lang
Sana'y tinulungang ako'y makaraos sa aking pagkukulang
Huli na
Sana'y ako'y iyong ipinaglaban
Sana'y ganoon din ang ginawa ko sa hatulan
Pero tayo'y walang lakas
Walang tapag, kaya lahat ay nawaldas
Tumalikod na lamang nang tuluyan
Lumaya ka rin, at naglakad ng palayuan
Pero, bumalik ako
At naisip kong mali pala ang pananawa ko
Ako'y nagulantang at patuloy na bumalik sa kinaroroonan mo
Naabutan kita sa simbahan umuusal ng pangako
Tumayo lang ako, mga salita'y naudlot
Walang nagawa kundi ang hayaang kalungkutan ay magdulot
Tumingin nalang ako sa'yo, sa taong minahal ko
Pero nakita kong ika'y masaya sa natagpuan mo
"Tutol ako!" isisigaw ko na sana
Huli na, dahil nakita kong ang puso mo'y sarado na
Umalis ka riyan! Tumakas palayo
Pero nang tumingin ka sa akin, ako'y huminto
Tumakbo ka, palayo ng altar
Ako'y tinungo't sa aki'y umiyak
Humingi ng tawad habang ang lahat ay nakatingin
Pero, tumayo lang ako doon, sayo'y nahihimbing
Ngunit napagtanto ko ito
Isang bagay na nakakasira ng pagkatao ko
Huli na, at hindi na maibabalik pa
Ano pang magagawa't tapos na ang parada?
Hanggang sa sandaling nausal mo ang kontrata
Naroon ako, ilang segundo lang ang nakalipas
At ako'y huli na

Salin ng tulang Too Late na makikita sa Stories of the Undaunted na koleksyon. Halos lahat naman ng mga tula dito ay salin mula sa koleksyong iyon.

Ikaw, anong masasabi mo sa tulang ito? Mag-comment sa baba. :)


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro